Kakagising ko pa lamang.
Actually, maaga akong nagising today kasi kailangan ko pang dumaan ng student council's office para doon sa quarterly budget ng club namin. Magpapasa ako ng report tungkol sa cinonduct naming community literacy training.
Hayst, may pasok na naman. Paguran na naman.
Halos hindi ko nasulit yung araw ko kahapon na plano ko sanang magkulong lang sa kwarto para matulog, pero dahil doon sa emergency na nangyari kay Kuya Leo ay kinailangan kong lumabas ng bahay para dalawin sya sa hospital. Yes, nakakapagod ang nagyari kahapon pero mabuti na rin iyon dahil kahapon, naging malinaw ang mga nangyari lalo na yung kissing incident namin ni Santos.
I am trying to motivate myself today para di ako atakihin ng antok.
Don't get me wrong, hindi ako tamad mag-aral it's just that minsan may times talaga na gusto ko lang manatili sa bahay, magkulong sa kwarto at matulog.
Weird ba? Hindi kasi ako kagaya ng iba na mas gustong nasa labas kapag walang pasok. Ako, mas gusto kong matulog para ma-recharge yung utak ko. Syempre hindi naman talaga ako matalino, masipag lang therefore yung brain cells ko tinitipid ko kasi baka paubos na.
Bumangon na ako upang mag-asikaso.
Naligo, nagsuot ng uniform, at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko.
Naglalakad na ko pababa ng hagdan ng mapansin ko si Santos na nakaupo sa dining area namin kasama si Ate Lala.Oo nga pala, si Santos na muna ang personal driver ko habang nagpapagaling pa si Kuya Leo.
Napakunot ang noo ko ng mapansin kong nagtatawanan silang dalawa.
Close sila?
Ngayon ko lang nakitang tumawa ng ganoon si Santos. Cute nyang tingnan, parang bata.
Cute talaga?
Napapangiti rin ako sa nakikita ko. Halatang okay na sya unlike yesterday na halatang devastated sya dahil sa family problem nila.
Lalapit na sana ako para batiin sila ng mapatigil ako sa paghakbang at agad ring nabura ang mga ngiti ko sa labi.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa aking bulsa at napabuntong hinginga. Agad ring nagsalubong ang mga kilay ko.
Sino ba namang hindi maiinis bigla sa nakikita nya?
Like hello? pamamahay ko ito. Okay lang sakin na makitang nakaupo ang mga kasamabahay ko, hindi ako mahigpit sa ganun kasi sila mama ay ganoon din, hindi sila mahilig manita ng kasambahay.
Pero hindi naman ibig sabihin nun ay aabuso sila diba?
Napansin ko kasing sa kalagitnaan ng tawanan nila ay nagkikilitian pa silang dalawa na akala mo may magkasintahang nagde-date. Si Ate Lala kasi halos kaedaran lang namin. Dating katulong namin ang kanyang ina ngunit dahil sa katandaan nito ay si Ate Lala na ang pumalit sa kanyang ina.
Eh ano naman kung naghaharutan sila? Ano ang masama dun, malay mo mag jowa nga silang dalawa? Tuya naman sakin ng aking isipan.
Lalong kumunot ang noo ko sa tumatakbo sa isip ko. Ewan ko ba pero basta, nakakairita.
"Ehem..." Lumapit na ako sa kanila. Agad naman silang tumayo at natahimik na rin. Nagdire-diretso na ako sa mesa upang makapag agahan na. Si Ate Lala naman ay agad na nagtimpla ng kape at inilapag ito sa mesa at kapag kuwan ay nagpaalam na.
Naiwan kaming dalawa ni Santos sa dining area. Ako na abalang nag aagahan at sya namang nakatayo lang. Hinayaan ko lang sya, bahala sya kung ayaw nyang mag-agahan. I texted him kasi kanina bago ako maligo, I reminded him na dapat maaga syang dumating dito sa bahay para sabay na kaming mag agahan since madalas na mag isa lang akong kumakain dahil sa busy schedule ng parents ko.
Speaking of my parents, nakauwi na sila dito pero hindi man lang kami nakapagkita ng personal. Umuuwi na lang yata sila dito minsan para matulog. Hindi naman sa nagrereklamo ako kasi kahit busy sila, they never forget to call me and ask my wherabouts. Hindi ko rin nakita o nakilala yung bisita nila na kasama nilang umuwi dito sa bahay. Sabi kasi ni mama may kasama silang bisita na umuwi dito kagabi, base na rin sa text sakin ni mama kaninang umaga kasabay ng good morning message nya sa akin. See? Kahit busy sila mama at halos wala kaming time, sinisgurado pa rin nila na ramdam kong hindi ako mag-isa, it's just that they are too busy for our company dahil sa kumpanya rin namin nakaasa ang kabuhayan ng mg ameployees namin.
I was busy with my thoughts ng marinig kong may tumunog na tyan. Napalingon ako kay Santos na napakamot sa kanyang ulo.
"Sorry po sir, hindi po kasi ako nakapag agahan kanina bago umalis ng bahay, inasikaso ko pa po kasi ang mga kapatid ko."
Upon hearing his explanation, mas nairita ako.
"Kailangan ko pa bang sabihin na umupo ka at mag agahan ka rin. As I can remember nagbilin na ako sayo kaninag umaga? Hindi ka ba marunong magkusang gumalaw? Saka bakit Sir na naman ang tawag mo sa akin? I made it clear yesterday, hindi ba?". Pabalang na sagot ko sa kanya.
Ewan ko ba, basta naiirita ako sa pagmumuka nya. Naiirita ako sa lahat. Period.
Agad syang kumuha ng plato at kubyertos at nag umpisa na ring kumain. Magkatapat kami at tahimik na kumakain. Walang nagsasalita sa amin, hindi ko sya iniimik at mabuti na lamang he is sensitive enough at hinayaan nya lang akong manahimik at magpalamig ng ulo.
Matapos mag agahan ay sabay na kaming lumabas ng bahay. Napalingon naman ako kay Ate Lala na nagdidilig ng mga halaman sa garden namin.
"Baste, yung bilin ko sayo ha, wag mong kakalimutan." Ang tamis ng ngiting iginawad nito kay Santos. Tumango naman si Santos. Hindi ko maiwasang mapairap sa idea na tinawag sya ni Ate Lala sa nickname nya? Malay ko kung nickname nya ba iyon or what.
So close nga talaga sila. Tanong ng aking isipan.
Bubuksan na sana ni Santos ang pinto ng kotse sa likod kung saan ako madalas pumupwesto ngunit dinaanan ko lang sya at binuksan ko ang pinto ng kotse sa passenger's side sa harap. Padabog ko pang isinara ito.
Arrrghh!!! Bakit ba sobrang irritated ako today?
Pinasibad agad ni Santos ang kotse. Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami ng university.
"Hawak ko na ang kopya ng schedule mo. May parehas tayong vacant mamaya, magkita tayo sa library." Pagreremind ko sa kanya.
"Ah Nine, may duty ako sa library ng umaga at kapag bakante ko sa klase. Hawak kasi nila ang schedule ko at parte ng scholarship ko ay yung kapalit na magseserve ako sa university. Ang pinaka free time ko para ma-tutor ka ay mamaya pang 5:00PM onwards." Halatang alanganin syang magpaliwanag, siguro natatakot sya dahil sa mood ko ngayon.
"Okay, sa bahay mo na lang ako i-tutor." Tipid na tugon ko at agad na ring lumabas ng kotse para salubungin sila Francis na nakaabang sa may harap ng building namin.
"Hey dude! What's up?" Bungad sa akin ni Francis. Akma pa itong magha-high five pero tiningnan ko lang sya ng masama.
"You're not in the mood." Pagbibigay diin naman ni Ashley sa obvious na inaasal ko today.
"I woke up in the wrong side of the bed." Kibit balikat kong sagot at nag umpisa ng maglakad paapsok ng building.
"Wow, you are Englishing us just because you are not gooding in the mood?" Biro pa sa akin ni Francis.
"Yeah right, sige lang magbiro ka pa." May pagbabanta naman na sambit sa kanya ni Ashley.
"Kayo naman, heto at tatahimik na." Sabay motion pa ni Francis na pinakita sa amin na he zips his mouth.
...
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay nasa library na kami upang magresearch. Nakasanayan na kasi namin na kapag may research or assignment o kahit anong pa-activity sa amin ay sa library ang takbuhan namin para magawa kaagad namin lalo na kapag group activity kasi kung gagawin namin ang mga iyon sa kanya-kanya naming bahay, for sur eitong si Francis walang magagawa o matatapos.
"Uy Nine, nasa mood ka na ba ngayon?" Usisa sa akin ni Francis.
Speaking of the alien...
"Bakit, problema mo?" Sagot ko naman sa kanya habang nakafocus ang mga mata ko sa binabasa kong libro.
"Bakit si Santos ang driver mo? Kailan pa kayo naging close na dalawa?" Matalim ang mga mata na nilingon ko si Francis. Ewan ko ba, marinig ko lang ang salitang Santos ay naiirita na agad ako.
"Grabe ka naman, para mo na akong papatayin sa pagtitig mo sa akin." Nagshield pa si Francis ng libro na hawak nya na akala mo ay aatakihin ko sya. Si Ashley naman ay tahimik lang na nagbabasa. As usual wala naman itong reaksyon.
Kahit naiinis ay kinwento ko sa kanila ang mga nangyari at sa kung paanong si Santos na noon ay insignificant creature lang sa buhay ko ay bigla na lang nagkaroon ng role sa buhay ko.
"Ah kawawa naman pala sila Santos. Buti napapayag mo syang pumasok ulit." Tumatango-tango pa na sabi ni Francis.
"Paano sila Bryan?" Biglang tanong ni Ashley na ngayon ay ibinaba na ang librong hawak nya.
"Seryoso Ash, asan ka kanina? Hindi mo ba narinig ang chismis mula kaninang umaga?" Pang-aasar naman ni Francis kay Ashley.
"Well, I don't listen to rumors. I seek for truth from the right sources." Nagbalik ang tingin ni Ashley sa libro at nagbasa ulit ito. Hahaha natatawa ako dahil ginaya-gaya pa ni Francis si Ashley na tila ba inaasar nya ito.
"Tama yung narinig ninyong kumakalat na balita. Expelled sa university sila Bryan dahil sa bullying incident."
"Pwede na ba nating tropahin si Santos? Dude mukang matalino sya, educ sya diba? Pwede nya tayong matulungan sa studies saka mukang mabait din naman sya." Excited na suggestion ni Francis. Parang bata talaga sya kahit kailan. Sa aming tatlo, si Francis yung social butterfly. Kahit saan mo yata sya ilagay, mayroon at mayroon syang magiging kaibigan.
I gave Francis a death glare. It's not that ayaw kong maging kaibigan si Santos dahil diba nga gusto ko syang maging ka-close talaga at maging kaibigan. I have this desire to help him and be friends with him kaso today, naiirita ako sa kanya.
"Ayaw mo ba?" Pangungulit sa akin ni Francis.
"Bahala ka, do whatever you want Francis." Simpleng sagot ko na lang. Nauubos energy ko kay Francis.
"Ikaw Ash, tingin mo?" Pangungulit rin nya sa isa naming kasama na abala na naman sa binabasa nya.
"Whatever floats your boat." Kibit balikat na tugon naman sa kanya ni Ashley. Somehow naaawa ako kay Francis dahil sa ugali namin ni Ashley.
"Grabe naman itong mga ito, totropahin ko talaga si Santos para may kakampi na ako. Masasamang nilalang kayo. Ine-english nyo ako kahit alam ninyong waterloo ko iyon." Parang batang turan ni Francis na umaktong bata pa na may tantrums sa harap namin ni Ashley. Natawa na lamang ako sa kaibigan naming parang bata.
Sakto naman na natigil si Francis sa ginagawa nya at agad na umupo ng maayos ng mapansin nya si Mae na papalapit sa direksyon namin.
"Hi babe, hi Nine and Ash!" Masiglang bati ni Mae sa amin. Agad na tumayo si Francis para hialahin ang isang bakanteng upuan sa pagitan nila ni Ash upang doon umupo si Mae.
Gentleman rin kahit papaano itong kaibigan namin.
"What brings you here, babe?" Pa-cool na tanong ni Francis kay Mae.
Halos gusto kong tumawa sa narinig ko mula sa kanya ngunit nagpipigil lamang ako.
"Ah, my friends and I borrowed a book for our research, we're about to return it when I noticed you here." English rin na sagot ni Mae.
Natatawa na naman ako sa itsura ni Francis na pinapawisan na. I am enjoying this.
"Francis, you're sweating yet this library is fully airconditioned. What's the matter, dude?" I teasingly asked him. Sinipa nya ang paa ko kaso ang nasipa nya ay ang paa ni Ashley.
"Ouch!" Nabigla si Ashley sa lakas ng pagkakasipa ni Francis sa paa nya. Apologetic na lumingon naman si Francis kay Ash.
"Babe, I need to go na, nagtext na yung friend ko, hinihintay na nila ko. See you later." Tumayo si Mae at tuluyan ng lumabas ng library kasama ang mga kaibigan nyang hinihintay sya sa may counter. Sakto pa na si Santos na pala ang nakaduty ngayon. Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nag iwas ng tingin sa kanya.
Bigla akong nakaramdam ng hiya?
"Geez! Muntik na akong maubusan ng baon kong English words." napasandal pa si Francis sa kinauupuan nya na akala mo bigla syang naubusan ng energy sa saglit na pag uusap nila ng girlfriend nya.
Speaking of girlfriend, nilingon ko naman si Ash na tahimik lang na nagbabasa. Hayst, paano naman malalaman ni Francis na inlove sa kanya si Ash kung sobrang hirap basahin ng emosyon ni Ashley. Simpleng tao kasi si Francis. Sabihin mo sa kanya directly ang gusto mong sabihin para maintindihan ka nya. Hindi sya yung tipo ng tao na mahilig bumasa ng tao.
Ang complicated ma-inlove kaya ako, okay na ako sa mga kaibigan ko.
Napalingon sa akin si Ashley.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito sa akin na nakakunnot pa ang noo.
"Wala, naubusan din kasi ako ng English." Biro ko na lamang sa kanya.
"Siraulo." Natatawang sagot naman nya sa akin.
"Yung totoo, ngayon nagtatawanan kayong dalawa samantalang kanina parehas kayong mukang mga menopausal oldies." Namamanghang reaksyon naman ni Francis.
"Umamin nga kayong dalawa, tinatakwil nyo na ba ako at ayaw nyo na akong maging kaibigan?" Dramatic pang dagdag nya habang umaaktong kunwaring umiiyak at humihikbi.
Parang kanina lang ay ang cool nya sa harap ni Mae tapos ngayon para na naman syang bata sa harap namin.
Aasarin ko na sana sya ng lumapit sa amin si Santos. Agad na nabura ang mga ngiti ko sa labi. Naalibadbaran pa rin ako sa kanya.
"Ah Nine, pakihinaan ang mga boses ninyo, library kasi ito." Alanganing banggit nya sa amin na tila ba hindi sya sigurado kung sisitahin nya ba kami o hindi. Napalingon naman ako sa counter at doon napansin kong nandun yung librarian namin at nakatingin din sa direction namin.
"Santos! you are my savior, my hope, my light! Inaapi ako ng mga kaibigan ko, tayo na lang ang magkakampi, tropa na tayo simula ngayon ha?" Nag iinarteng sabi pa ni Francis sabay hablot nya sa kanang kamay ni Santos para yakapin ito habang nakaupo sya. Para tuloy syang bata sa itsura nya ngayon. Halatang nagulat si Santos sa inaakto ng kaibigan ko sa kanya at sa pakikitungo nito sa kanya na tila ba close sila sa isa't isa.
The scene irritates me more.
"Alam naming library ito, patapos na rin kami at lalabas na rin. Don't worry." Sagot ko kay Santos.
"Salamat." Nakangiting sambit nya saka dahan-dahan nyang inalis ang mga kamay ni Francis na nakapulupot sa kanyang braso.
"Uy Santos, friends na tayo ha? Ako si Francis ang pinaka gwapo sa grupo. Ito si Nine, kilala mo na yan. Iyang tahimik naman ay si Ashley, wag kang mag alala dyan hindi naman napapanis laway nyan kahit madalas na tahimik." Pangungulit muli ni Francis kay Santos.
"Ahe eh sir Francis...kasi..." Nag aalangan si Santos sa isasagot nya. Halatang nahihiya sya.
Kahit naiirita ay hindi ko napigilang mapangiti sa kanilang dalawa.
"Wag mo na kaming i-sir, tawagin mo n alang akong Francis, France for short. Si Ashley pwede mong tawaging Ashley or Ash. Ikaw na bahala hehehe tapos ikaw, para unique, tatawagin ka naming Santos. Ayos ba?" Todo ngiting turan ni Francis kay Santos. Tumango na lamang si Santos imbes na kontrahin pa si Francis kasi hindi naman sya mananalo sa kaibigan namin ni Ash. Walang makakatalos a kakulitan ni Francis the great.
Matapos ang ilang sandali ay bumalik na si Santos sa kanyang pwesto at kami naman ay nagligpit na kami ng gamit namin na nasa table at saka tumayo.
"Tara na, may next period pa tayo." Pagyaya kina Francis.
"Ayaw! hindi pa pa ko tapos sa dino-drawing ko." Pagmamatigas ni Francis at naka-pout pa.
Nilingon ko ang notebook nya upang makita ang ginuguhit nya. Parang cartoon characters yung nasa notebook nya na apat na lalaki.
"Saka mo na tapusin yan. Kapag academic activity napakatamad mo pero kapag ganyan, kahit walang nag-uutos sayo, pinagtutuunan mo talaga ng pansin. Ayusin mo nga mga life choices mo Francis." Paninita naman ni Ashley sa kanya.
Hayan at nasermunan tuloy sya ni Ashley, tsk.
Hindi ko na napigilang matawa sa panenermon ni Ashley kay Francis.
"See? inaapi tnyo talaga ako." Paaghihimutok ni Francis saka iniligpit ang kanyang mga gamit at ipinasok sa kanyang bag.
Nang mapadaan kami sa counter kung saan nakapwesto si Santos ay tumigil si Francis kaya napatigil rin kami ni Ashley sa paglalakad.
Jusko ano na naman kaya ang naisipan nya.
"Friends?" Nakangiti ngunit seryosong tanong nya kay Santos. He even extended his arms to shake Santos' hand. Lumingon sa akin si Santos na parang tinatanong ako kung okay lang ba and so I nodded my head to signal him na okay lang naman.
Lumawak ang ngiti ni Francis ng abutin ni Santos ang kanyang kamay saka ito tumango bilang senyales na parte na sya ng grupo namin.
"Yes!" Napalundag pa si Francis sa tuwa nya at napasuntok pa sa hangin na akala mo ay nanalo sya sa loto sa sobrang tuwa nya.
"Pag pasensyahan mo nasya. Anyways, welcome to our group, Santos" Nakangiting iniabot din ni Ashley ang kanyang mga kamay upang makipag-shake hands kay Santos.
"Ay naku Santos, silang dalawa ni Nine ang dapat na pagpasensyahan mo kasi mga masasama ang ugali ng mga yan. Kaya sobrang saya ko na kaibigan ka na rin namin, hindi na ko mag-iisa kapag binubully ako ng dalawang yan. Tayo ang magkakampi ha?" Mahabang litanya pa ni Francis na tila bata na nakahanap sa wakas ng kakampi nya.
"Hahaha sige, hindi bale, sanay naman na ako sa bullies." Pagbibiro rin ni Santos kay Francis.
"Oh sya tara na, male-late tayo niuto sa next class natin. Pag napagsarhan tayo ng pinot ng prof natin dahil late tayo, ikaw ang sisihin ko talaga" Pagtukoy ko kay Francis na tila ba wala pang balak na umalis ng library.
Masyadong nawiwili eh.
Nag umpisa na kaming maglakad palabas ng library ni AShley. Patakbong humabol naman sa amin si Francis.
May mga ngiti sa labi na naglakad na kami patungo sa next period namin.
Alam kong masaya ang mga kaibigan ko, gayundin naman ako. Napabuntong hinginga ako at saka naisip na yung taong hindi ko inaasahan na makikilala ko at nakilala ko pa sa pinaka-frustating na sitwasyon, ngayon ay parte na ng mundo ko and...yes he is not just part of my world, he is now one of my friends.