CHAPTER 8: This is Why We Can Have Nice Things

3020 Words
Tawang tawa kami ngayon nila Francis, pati si Ashley ay sige rin ng tawa. Kasalukuyang nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch. Kasama namin si Santos na nakatungo sa mesa at nagdadrama. "Hahahahaha, seriously hahahaha laugh trip ka besty!" tumatawang banggit ni Francis sabay hampas pa kay Santos na di ko mawari kung nahihiya ba sya o frustrated. "Tama na nga Francis, naiiyak na ko kakatawa." Awat naman ni Ashley na nagpupunas pa ng luha sa mata nya. Maluha-luha na sya sa kakatawa. Halos hindi na namin maubos yung kinakain namin dahil sa usapan namin ngayon. "Hahahahaha pero kasi Santos, bakit naman ganun... pfft!" Hampas ko rin kay Santos sabay tawa ng malakas. Nagtataka siguro kayo kung ano bang mayroon, huwag kayong mag-alala, hindi pa kami nababaliw. Actually, it's been a month since nung naging personal driver and tutor ko si Santos at sa isang buwan na yun ay mas naging close kami including my friends na tinuring na rin syang tunay na kaibigan. Sa una ay nahihiya at alanganin pa si Santos na makisama sa amin. Naalala ko pa ang sinabi nya sa amin na kaya umiiwas sya makipag kaibigan sa mayayaman ay dahil magastos daw makisama, wala daw ibang alam gawin ang karamihan kundi ang mag hang out at gumastos. Kaso hindi kami kagaya ng mga inaakala nyang anak mayaman. Sa umpisa ay nag alangan sya pero ng lumaon ay nagawa na rin nyang magtiwala sa amin. It's also been a month nung naaksidente si Kuya Leo at ngayon nga ay magaling na sya at nakabalik na rin ito sa trabaho. Sya na muli ang personal driver ko. Si Santos naman ay nagbalik na rin sa dati nyang nakagawian. Pasada ng jeep sa umaga, pasok sa school, duty sa library bilang scholar then after class ay diretso naman sya sa coffee shop bilang barista. Every weekends naman ay nagtu-tutor sya sa akin, pangdagdag na rin sa income nila though minsanan lang ito mangyari dahil inaasikaso nya rin ang mga kapatid nya. Mas lalo akong humanga sa determinasyon ni Santos dahil sa pinapakita nyang pagsusumikap at pagtyatyaga. Maging sila Ashley ay humahanga rin kay Santos. "Tama na kasi, nahihiya na ako" Pagmamaktol naman ni Santos na parang bata. Kung si Francis ay out going and outspoken na tao, itong si Santos ay mala-mini version ni Francis, pinagkaiba lang si Santos ay may level of sensitivity pa rin, marunong sya bumalanse at makiramdam. "Pero Santos, bakit kasi ganun ang nangyari, alam mo namang final defense ng thesis ninyo iyon?" Usisa ni Ashley kay Santos. Saka lang nag angat ng ulo si Santos para harapin kami at para sagutin si Ash. "Ash, ano ang magagawa ko, hindi ko kontralado ang mga pangyayari. Bigla na lang pagpindot ko sa laptop ni Francis, imbes na thesis namin ang lumitaw ay p*rn ang lumabas sa screen. Syempre nataranta ako, imbes na ma-exit ko, volume ang napindot ko." Parang batang nagsusumbong si Santos kay Ashley sabay pout pa nito at umaktong nagpupunas ng luha. Cute... Huh? cute? Kelan pa ko nagsabi ng cute sa kapwa ko lalaki? "Ring a bell ba Nine?" May halong panunuksong tanong naman sa akin ni Ash ng mapansin nitong natahimik ako saglit. "Huh? Ano nga ulit sinabi mo?" Tanong ko naman rito dahil hindi ko masyadong na-gets yung tinutukoy nya. "Busy kasi yung utak mo sa cute na nasa harap mo." Panunukso muli ng isipan ko sa akin. "Ang sabi ni Ashley, natutulala ka dyan kasi naalala mo nung nagreport tayo noon noh? Yung napindot na video ang lumitaw sa screen natin ay yung..hhsshshshshh" Hindi na naituloy ni Francis ang sasabihin nito dahil tinakpan ko na agad ang bibig nito. Ayokong malaman pa ni Santos ang pangyayaring iyon, ayoko na rin maalala pa o mapag usapang muli ang kahit na ano na connected sa kissing incident namin noon. Nakakahiya! "Ha, ano Francis?" Interesadong tanong naman ni Santos. "Wala!" sabay pa kaming dalawa ng naisagot ni Francis na ngayon ay inaayos ang kanyang uniform na nagusot dahil sa ginawa kong biglaang pagsunggab sa kanya para takpan ang bibig nyang palagi na lamang walang preno. "Ganito na lang, mamaya after nating kumain ay puntahan mo sa faculty room ang prof mo, magpaliwanag ka na hindi sa iyo ang laptop at hindi mo kabisado ang mga laman nito. For sure maiintindihan ka nun." Pagbabalik ko sa topic namin na syang pinoproblema ni Santos ngayon. "Eh baka mainit pa ulo nun, nambabato ng stapler yun kapag mainit ang ulo." Tumungo ulit si Santos sa table namin. Buti na nga lang kahit problemado ito ay naubos nito ang lunch nya, unllike sa aming tatlo nila Ashley at Francis na kapag problemado ay apektado pati ang pagkain namin, walang gana kumbaga. "Samahan mo si Santos magpaliwanag tutal kasalanan mong may p*rn yung laptop mo." Tukoy naman ni Ashley kay Francis. "Excuse me, bakit parang kasalanan ko? kailangan ba burahin ko laman ng laptop ko kapag magpapahiram ako sa kaibigan ko?" Pambabara naman ni Francis. "Hindi mo sasamahan si Santos o bubuhusan ko ng holy water yang laptop at cellphone mo?" Pagbabanta naman ni Ashley. Nag uumpisa na naman ang mga aso at pusa sa grupo namin kaya sumingit na ako sa usapan nila. "Hep, yan na naman kayo at nag aaway na dalawa. Para walang away, lahat tayo ay sasama kay Santos para makausap ang prof nya. Bakante naman tayo after lunch today eh." Suggestion ko sa kanilang dalawa. Jusko, mapapaaga pagtanda ko dahil sa pagtatalo nila palagi. "Yan, buti pa si Nine may isip, di gaya ng isa dyan, palagi kasing tahimik kaya yung utak kinakalawang na." Pang-aasar pang muli n Francis kay Ashley ngunit agad ring nakaganti ang isa sa pagsipa nito sa paa ni Francis sa ilalim ng table. Akamang sasapakin naman kunwari ni Francis si Ash ng mapakamot na lamang sya bigla ng ulo dahil sa talim ng mga mata ni Ashley na sumalubong sa kanya. Hahaha tiklop talaga sya kay Ashley. "Tingin ninyo, makikinig kaya yun sa atin?" Tukoy ni Santos sa prof nya. "Kapag nakumbinsi natin ang prof mo na bigyan pa kayo ng mga kagrupo ng another chance, kailangan mo kaming bayaran." Tama, gagamitin ko na itong chance na ito para matupad yung pinapakiusap namin nila Francis kay Santos noong nakaraang linggo pa. "Ay grabe naman, alam nyo namang wala akong pera. Di na lang kita sisingilin sa pagtututor ko sayo, ayos ba?" Aba, at dumidiskarte pa talaga sya... "Nope, hindi pera ang ibabayad mo sa amin." Confident na sagot ko naman sa kanya. Napansin kong nakangisi sila Francis sa akin na tila nakukuha nila ang pinaplano ko. "Kapag nakumbinsi namin ang prof mo na bigyan kayo ng second chance, kailangan mong sumama sa amin sa outing namin. Take it or leave it?" "Kailan ba ang outing ulit?" Kamot-ulong tanong ni Santos. "Sa graduation pa po natin manong Santos. Third year pa lang po tayo as of this moment, mahaba pa ang time na makakapaghanda ka para sa outing natin. Ayaw mo kasi pumayag na ilibre ka namin." Singit naman ni Francis na halatang excited sa pinag uusapan namin. Last week kasi ay nangungulit na si Francis tungkol dito. Motivation daw namin para mas lalo kaming ma-excite na makagraduate na ay yung outing naming apat na magbabarkada. Actually, maganda ang naisip ni Francis kasi for sure pagkagraduate namin ay maghihiwalay na kami ng landas at bihira na lamang na makakapagkita kaya sana bago kami maghiwa-hiwalay ay maexperience namin ang magkaroon ng memory na kagaya ng pagtatravel na magkakasama. Ang problema ay itong si Santos, kahit daw mag umpisa syang mag ipon ngayon pa lamang ay hindi daw aabot sa gastusin ang maiipon nya. Ang outing kasi namin ay sa Japan since mga anime lover kaming apat. Sabi namin ay mag aambagan kami nila Francis para makasama sya kaso ayaw naman pumayag ni Santos. "Isipin mo na lang din yung mga kagrupo mo na maaapektuhan ang grades dahil sa nangyari kanina." Pagreremind pa ni Ashley. Galing talaga ni Ashley mang-corner, for sure napapaisip na itong si Santos. If ever naman na kulangin sya sa budget ay sasaluhin naman namin sya. "Baka kaya ko naman kumbinsihin si Sir ng wala ang tulong nyo? Hehehe ang mahal kasi ng kapalit" Alanganing sagot naman ni Santos. Tinitigan nga namin sya ng masama na kunwari ay tinatakot namin sya. "Naiintindihan namin ang sitwasyon mo besty, pero minsan kasi wag mong pairalin yang pride mo. Kaibigan mo kami, hindi pa ba sapat yung mga nagawa namin para mapatunayang tunay mo kaming kaibigan? Hayaan mo kaming tumulong sayo para matupad yung outing natin. Kulang ang barkada kung hindi ka makakasama sa amin doon. Sige, kung ayaw mong pumayag na kami ang gagastos ng buo para sayo, yung kulang na lang sa maiipon mo, kami ang magsho-shoulder, okay na ba yun?" Seyoso ang mukha ni Francis at sinusubukang kumbinsihin si Santos. Nakakatuwang isipin na kahit hindi pa ganun katagal na kilala namin si Santos ay mahalagang parte na rin sya ng grupo namin at tama si Francis, without him, incomplete ang grupo namin. Napansin kong napabuntong hininga si Santos, halatang namomroblema sya. Wrong move yata na isinabay ko pa ang topic na ito sa pinoproblema nya ngayon. Nagi-guilty ako bigla. "Guys, I think hayaan na muna natin ang topic na yan, focus na lang tayo sa thesis ni Santos. Tulungan natin sya na makumbinsi ang prof nya with or without anything in return. Pasensya na Santos, kasalanan ko na isiningit ko pa ang topic about outing sa pinaka problema mo ngayon" Apologetic na sambit ko. Nakonsensya kasi ako bigla na ang insensitive nung move ko. "OKay lang yun Nine, sige papayag na ko na sumama sa outing natin sa graduation. May panahon pa naman ako para makapag ipon saka gusto ko rin kayo makasama bago tayo maghiwa-hiwalay. Maswerte ako na naging kaibigan ko kayo. Huwag kayong mag-alala, yakang yaka ko ang mag ipon. Pagsisikapan ko yun. Pangako." Nakangiti at masiglang sagot ni Santos. Alanganin man ay tumango ako at nginitian sya upang ipakita na naniniwala akong kaya nya matupad yung promise nya para sa grupo namin. Pero tila may napansin ako... "Bakit ganun, nakangiti sya pero nagi-guilty pa rin ako sa nangyari? Pakiramdam ko inipit ko sya sa sitwasyon." "Sure ka?" Nag aalinlangan din si Ashley na maniwala rito. "Oo naman. Ang dami nyo ng nagawa para sa akin, tapos yung request nyo lang na makasama ako sa outing ay hindi ko pa kayo mapagbibigyan? Pwede ko namang gawan ng paraan iyon, madiskarte yata ang kaibigan ninyo." Pagbibigay assurance naman ni Santos. "Sige kung yan ang desisyon mo. Tara at ubusin na natin itong pagkain natin para makapunta pa tayo sa prof ni Santos." Sabay-sabay na kaming nagbalik sa pagkain namin at inubos ito. Ang turo kasi samin ni Santos, huwag magsasayang ng pagkain. See? maliban sa pagkakaroon ng kaibigan, tila nagkaroon din kami ng kuya dahil sa aming apat, si Santos yung matured mag isip at practical mag desisyon samantalang kaming tatlo, yes matured din kami pero minsan nga lang. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa aming kinakain. "Oh sya, tara na? Ulitin ko lang, with or without anything in return, tutulungan ka namin. Yung sa outing, desisyon mo na iyon, hindi ka namin pipilitin pa. Ito na lang last time na pag uusapan pa natin ang topic na iyon. Kung sasama ka, darating ka sa airport sa araw nang pag alis natin. OKay ba?" Pagbibigay linaw ko naman. Tumayo na ako sa kinauupuan ko, at ganun rin naman sila. Niligpit lang namin ang kinainan namin at nagdiretso na kami sa faculty office ng prof ni Santos. Nandito na kami ngayon sa labas ng faculty office. Nakasara ang pinto nito. Akmang kakatok na ako ng pigilan ako ni Francis. "Ganito ha, ako ang kakatok sa pinto tapos ikaw naman Ash ang maggu-good afternoon sa kung sino man ang magbubukas ng pinto tapos kayo naman Nine ni Santos ang makikipag usap sa prof nya. Okay ba? Maghihintay na alang kami ni Ash dito sa labas" May halong kaba na banggit ni Francis sa amin. Confuse na tinitigan namin sya. Ano ito, may groupings bigla at dinidivide nya ang task namin? "Ano ka ba, bakit may assignment pa ng gagawin? For the record, ikaw ang mas kailangang magsalita mamaya sa loob dahil sayo yung laptop na may porn." Naiiritang sagot naman ni Ash gusto ko sanang tumawa kaso baka masermunan pa ako ni Ash kaya keep quiet na lamang ako. "Hello, ayokong mabato ng stapler. Baka masira ang gwapo kong mukha. Ayokong iwanan ako ni Mae." Okay, that was awkward knowing na until now ay hindi pa rin nakaka-move on si Ash kay Francis. "Ehem, basta lahat tayo papasok sa loob." Singit ko na lamang sa usapan nila. Napansin ko kasing nag iba ang expression ni Ash upon hearing Francis' last statement. Nag umpisa na akong kumatok sa nakasarang pinto. Maya-maya pa ay pinagbuksan na kami ng prof mismo ni Santos. Sinensyasan ko si Santos na sya ang unang magsalita since hindi naman kami kilala ng professor nya. "Good afternoon po sir." Bati ni Santos sa prof nya. Tiningnan kami isa isa ng prof nya, nagtataka siguro ito sa kung sino kami since hindi naman nya kami estudyante. "Please come in." Maikling tugon nito sabay motion na umupo kami kaya agd kaming tumalima. "Have a seat, bakit kayo nandito at sino ang mga kasama mo Mr. Santos?" Umupo ang prof ni Santos sa swivel chair nito. Ang table nito ay tambak ng mga thesis. "Sir, ipapaliwanag ko po ang aksidenteng nangyari kanina during our final defense." Pag uumpisa ni Santos. Nagpapatuloy pa sana ito sa sabihin nya ng sumingit bigla ang prof nito. "Kung narito ka para magpaliwanag, nasaan ang mga kagrupo mo? Hindi ba at kasama mo sila sa thesis? It's a group concern so how come na wala sila dito at ibang tao ang kasama mong humaharap sa akin ngayon?" Oo nga noh? Dapat narito rin mga kagrupo ni Santos to at least give him some support. "Ah sir, ako na lang po muna ang nagpunta dito kasama ang mga kaibigan ko kasi ako po talaga ang may pagkakamali sa nangyari kanina." Bakit ganun, hindi ko magawang makumbinsi sa rason ni Santos? Sabagay, biglaan rin naman ang desisyon namin na magpunta dito kaya hindi na nya nayaya ang mga kagrupo nya para sumama at magpunta dito. "If that's the case then fine, explain yourself Mr. Santos. Mind you, you are a future educator and what transpired during your final defense is not what a future educator should be doing." Pinaliwanag ni Santos ang nangyari, tumulong din si Francis sa pagpapaliwanag since sya ang may-ari ng laptop na hiniram ni Santos na syang ginamit sa final defense. Noong una ay nahihiya pa si Francis na magsalita kung hindi lang sya siniko ni Ash ay baka hindi talaga sya magsasalita. "Wala bang laptop ang mga kagrupo mo para manghiram ka pa sa taga ibang department?" Napaisip rin ako sa tanong ng prof ni Santos. "Something's fishy" bulong sa akin ni Ash. "Ah eh, kasi po sir, nasa USB ko po ang kopya ng buong thesis namin, ako po kasi ang naka-assign sa pag finalized since ibang task po sila naka-assign." Another answer from Santos that doesn't sound convincing to me pero yung prof ni Santos ay tinanggap ang rason na ito. "Mag final defense ulit kayo sa akin bukas and ayokong maulit ang nangyari, let this be my last warning Mr. Santos." Seryoso ang mukha ng prof ni Santos pero mababakas dito ang talino at dedikasyon bilang isang guro. "Salamat po sir." Maikling tugon namin sa prof ni Santos. Naku buti na lang talaga at napaliwanagan yung prof ni Santos or else baka lumulutang na sa holy water yung laptop ni Francis sa inis sa kanya ni Ashley. Tumayo na kami para lumabas ng opisina ng biglang... "Salamat po sir, salamat po talaga, hulog po kayo ng langit." Pagpapasalamat naman ni Francis na akala mo ay sya yung estudyanteng binigyan ng another chance para sa final defense sa thesis. "Huy, ikaw ba si Santos, mas affected ka pa sa nangyari." Awat naman ni Ash kay Francis sa kahihiyang ginawa nito sa loob ng faculty office. Kinaladkad ni Ash palabas ng opisina si Francis. Nakasunod naman kami ni Santos sa kanilang dalawa na natataawa na rin sa nakikita namin. Tuluyan na kaming lumabas at doon lang binitawan ni Ash si Francis. "Hello? malamang magpapasalamat ako, hindi nya pinabura yung mga videos sa laptop ko." Mayabang pa na banggit ni Francis kay Ash. Doon ay hindi ko napigilan ang tawa ko. Yung laman pala ng laptop nya yung ipangpapasalamat nya. "Hindi nya pinabura pero ako, binura ko na lahat." Sagot naman ni Ashley sabay ito naunang naglakad na papuntang klase namin. "What?!" Sigaw ni Francis na halatang nagulat sa nalaman. Hindi sya inimik ni Ashley at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad. Agad na hinabol ni Francis si Ashley na kasalukuyang tumatakbo na rin para hindi sya maabutan ni Francis. Natatawa na lamang kami ni Santos sa inaasal ng dalawa naming kaibigan. Para silang mga bata. "Oh sige na, didiretso na ako sa klase namin. Goodluck sa klase mo today, kita na lang tayo bukas sa bahay." Tukoy ko sa schedule ng pagtututor sa akin ni Santos sa bahay bukas. Natameme naman ako sa sinagot sa akin ni Santos. Sinagot nya ako ng... ng.. ng.. Yakap?! Yes, niyakap nya ako. Napakurap kurap pa ako habang yakap ako ni Santos. Normal lang naman sa aming magkakaibigan ang magyakapan minsan kasi para na kaming magkakapatid pero bakit affected ako sa yakap ni Santos sa akin ngayon. Ako na ang unang kumalas sa yakap nya dahil nahihiya ako at ramdam kong nag-iinit ang pisngi ko. "Ah, eh, sa-salamat doon sa tulong ninyo. Saka yung sa outing, ako na ang bahala dun. Pangako, makakasama ako sa inyo doon." Banggit pa nito sabay kindat sa akin. Ang tamis ng pagkakangiti nya. Ang cute... Tinapik nya ang braso ko at sabay na nagpaalam na pupunta na sya papunta sa klase nya. At ako?... Naiwang loading ang utak. Ano nga ulit yung nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD