Narito ako ngayon sa aking kwarto kasama sila Ashley, Francis at Santos. Sabado ngayon at sa lunes ay final exam na namin. Ang bilis lumipas ng panahon.
“Naintindihan nyo ba ito?” Tanong sa amin ni Santos sabay turo sa formula na nakasulat sa notebook. Kanina nya pa sa amin pinapaliwanag kung paano i-apply yung formula sa word problems.
“Yep, ako gets ko na.” Sagot naman ni Ash habang kagat-kagat ang dulo ng ballpen nito at tutok na tutok sa tinuturo ni Santos.
Masasabi kong magaling magturo si Santos. May mga lessons sa amin na hindi namin naiintindihan sa prof namin pero kapag si Santos ang nagpapaliwanag ay naiintindihan namin. Kino-connect nya kasi madalas yung concept sa real- life applications kaya madali namin itong maintindihan at matandaan.
“Ako rin gets ko na, need ko lang ng moment of silence para iabsorb lahat.” s**o trin ni Francis na hawak ang libro at nakahiga sa kama ko.
“Ikaw Nine, naintindihan mo ba ito?” Nagtapon ng tingin sa akin si Santos. Ang cool nya tingnan kapag naka-tutor mode sya. Seryoso ang mukha pero ang cute.
Cute?
“Cute?” Nagtatakang tanong sa akin ni Santos.
Oh my God, narinig nya ba akong sinabi ko iyon?
Pakiramdam ko namumula ang mukha ko dahil sa embarrassment. Nilingon ko sila Ashley at Francis na abala sa kani-kanilang ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag knowing na hindi nila narinig ang sinabi ko.
“Ha? Sabi ko cute… acute angle. Naalala ko lang bigla yung acute angle.” Palusot ko kay Santos.
“Acute angle? Eh standard deviation itong tinuturo ko sa inyo ngayon. Sige ulitin kong ipaliwanag sayo ito.” Mahinahon na lumapit sa kinauupuan ko sa Santos dala ang notebook nya kung saan nakasulat ang formula.
Nakaupo kasi sa gitna ng kama si Santos habang kami nila Francis ay nakapalibot sa kanya. Ako ay nakaupo sa kabilang dulo ng kama. Umusog si Santos sa tabi ko at mas lumapit sa akin.
Naco-conscious ako. Bakit parang ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Bakit naman ako kakabahan eh si Santos lang naman itong kaharap ko.
“Nine? Naintindihan mo na ba?” Hindi ako maka focus sa tinuturo nya.
“Ha?” Napakamot ako ng batok ko at apologetic na tumingin kay Santos.
“Nahihirapan ka ba? Teka, may sakit ka ba, namumula ka kasi?” Sasagot n asana ako sa tanong ni Santos kaso natameme ako ng bigla nyang iangat ang kamay nya at inilapat ang palad nya sa noo ko at matiim na tinitigan ang muka ko. Nagtama ang mga mata namin. Napalunok ako ng mapadako sa labi nya yung mga mata ko.
Ang pula ng labi nya at mukhang malambot. Naalala ko bigla yung kissing incident namin. First kiss ko iyon. Nataranta ako bigla sa mga pumapasok sa isipan ko kaya hindi sinasadyang naitulak ko si Santos.
“Aray!” Napalakas ang pagtulak ko sa kanya kaya nahulog sya sa kama. Tumayong nakahawak sa balakang si Santos. Agad namang napalingon sa amin sila Francis at Ashley.
“Anong ginagawa ninyong dalawa?” Usisang tanong ni Francis.
“Wala! Saglit, cr lang ako.” Nagmamadali akong tumayo at nagtungo sa cr. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Namumula ang mukha ko.
Nakakahiya! Ano bang nangyayari sakin?
Napadako ang tingin ko sa ibaba ko.
Seriously?! What the fudge!
“Bakit ka nakatayo ngayon? Hindi naman umaga para mag flag ceremony ka!” Pabulong na panenermon ko sa junior ko.
Agad akong naghilamos ng mukha upang mahimasmasan. Kailangan kong kumalma, ayokong lumabas ng cr na may b***r. Nag inhale, exhale ako para kumalma ngunit yung nasa ibaba ko, gising na gising pa rin at ayaw matulog.
Sa inis ay pinitik ko ito.
“Ouch!” Masakit pala pagkakapitik ko. Kainis naman, ano ba gagawin ko?
“Nine? Hindi ka pa ba lalabas dyan?” Narinig kong kumakatok si Santos. Lalong parang may mga kabayong nagsisitakbuhan sa dibdib ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang pagtibok nito. Mabilis nag t***k nito na akala mo kinakabahan ako pero hindi ito yung t***k ng puso ng kinakabahan. Napabuntong hininga ako at paglaon ay sumagot ako sa lalaking nasa kabilang side ng pinto ng cr.
“Oo palabas na ako, saglit na lang.” Kunwari ay kalmadong sagot ko kay Santos.
“Nauna ng lumabas sila Francis at Ashley para magmeryenda sa baba. Hintayin n akita, sabay na tayong bumaba.” Lalong bumilis ang t***k ng puso ko at napansin kong nagpapawis rin ang mga kamay ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
No choice. Nagdesisyon na akong lumabas. Bahala na kung mapansin ni Santos ang itsura ko, in the first place ay kasalanan rin naman nya.
“Hep! Panong nagging kasalanan ni Santos yang b***r at pagbilis ng t***k ng puso mo?” Paninita sa akin ng utak ko.
“Ah, basta kasalanan nya!” Naiiritang sagot ko naman sa sarili ko.
“Okay ka na ba?” Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ng cr ay mukha agad ni Santos ang bumungad sa akin. Ang OA naman nito, maghihintay lang sa akin, kailangan dito pa talaga? Pwede naman syang umupo muna sa upuan sa kwarto ko habang hinihintay ako.
Hindi ko maiwasang mapaismid sa kanya. Weird pero naiirita ako sa kanya.
Is this my defense mechanism para mapagtakpan yung unusual effect ni Santos sa akin?
“Nine? Okay ka lang?” Akmang lalapit na naman sa akin si Santos kaya agad na akong nag iwas at tinabig ko ang kamay nya na akmang haahwakan na naman ako sa noo.
“Oo naman, tingin mo sa akin, babae? Ang OA mo mag-alala. Tara na at magmeryenda.” Patay-malisyang sagot ko sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang biglang pag-iiba ng expression ni Santos na tila may gumuhit na lungkot sa mga mata nito na madalas ay masigla.
Sinawalang bahala ko na lamang ito. Baka namamalik-mata lang ako. Nauna na akong bumaba, nakasunod naman sya sa akin.
Nadatnan namin sila Francis at Ashley na nagmemeryenda na.
“Feeling ko naubos lahat ng braincells ko kaya ikakain ko talaga itong pagod ko.” Banggit ni Francis sa amin habang abala itong nagsasawsaw ng sandwich nya sa orange juice nya.
“Gross…” simpleng sit ani Ashley kay Francis.
“Alam mo ikaw, hindi ko alam paano tayo nagging magkaibigan, kulang na lang pati paghinga ko, sitahin mo. Hindi mo ba alam na napakasarap ng food invention ko na ito? Heto tikman mo.” Kinuha ni Francis ang sandwich ni Ashley at agad na isinawsaw sa orange juice nya at akmang susubuan ni Francis si Ashley.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin sa pamumula ng mukha ni Ashley. Halatang nabigla ito sa inakto ni Francis.
“Bilis, isubo mo na. Promise, hindi ito gross gaya ng sinasabi mo.” Pamimilit pa ni Francis kay Ahsley kaso itong si Ashley, tulala lang at hindi halos gumagalaw. Caught off guard sya kaya tumikhim ako para kunin ang atensyon nila.
“Ehem, baka gusto nyo kaming tirahan ng meryenda?” Biro ko sa kanilang dalawa.
“Ikaw nan ga lang Nine, bilis tikman mo ito.” Sinubo ko naman yung sandwich na iniabot sa akin ni Francis. Hindi naman ako mapili sa food, actually mas gusto ko yung nage-explore sa food.
“Uy ang sarap! Kanino mo natutunan yan?” Masiglang puri ko sa food experiment ni Francis.
“Syempre walang iba kundi sa labidabs kong si Mae.” Proud na sagot ni Francis and as usual, upon hearing it, hindi na naman maitimpla ang mukha ni Ashley, good thing at si Santos naman ang sumingit at nagsalita.
“Naku, sa susunod try natin kumain ng street food, gusto nyo ba?” Pag-offer naman sa amin ni Santos. Agad na nagliwanag ang expression ni Ashley. Paborito nya kasing kumain ng street food kaso bihira lang kami makakain nun.
“Uy, may excited sa narinig nya.” Biro ko naman kay Ashley na nakangiti na muli ngayon.
“After exam, food trip tayo. Ililibre ko ang makakakuha ng mataas na score” Although may mga pera kami at afford naming bumili ng street food ay naexcite pa rin kami sa offer ni Santos. We always appreciate his efforts.
“Huh, for sure ako makakakuha ng mataas na score. Nakikinig yata ako sa best tutor in the whole wide world.” Pagyayabang ni Francis.
“Let’s just see.” Simpleng sagot naman ni Ash na halatang determinadong makakuha ng mataas na points sa exam para sa street food.
Sinenyasan ko si Santos ng good job dahil sa ginawa nya. Ngumiti lang ito sa akin bilang sagot.
….
Dumating na ang araw ng final exam namin. Kinahapunan ay nakapaskil na agad ang resulta ng exam.
“Yes! Ahahahaha paano ba yan, ako ang top 1 sa exam.” Pagyayabang ko kina Ashley at Francis. Ewan ko ba, pero nakakakuha naman ako ng mataas na scores noon pero hindi ako excited. Ngayon, sobrang saya ko. Itetext ko kaagad si Santos para ibalita na ako ang top 1 sa result. Nae-excite akong ibalita sa kanya, for sure matutuwa sya. Akmang kukunin ko na ang cp ko para itext si Santos since taga-kabilang department sya at hindi naman namin sya kaklase ng bigla akong hawakan sa braso ni Francis.
“Uy, Santos!” Tawag ni Francis kay Santos na pababa ng hagdan. Narito kasi kami sa hallway, dito kasi pinapaskil ang result ng exam.
Agad namang lumingon at kumaway pa sa amin si Santos. Nakangiting naglakad ito papalapit sa amin. Napansin kong may kasama syang babae na hindi namin kilala. Wala naman kasi syang pinapakilala sa aming ibang kaibigan noon dahil sab inga nya, umiiwas syang makipagkaibigan sa mayayaman.
So, sino itong babaeng kasama nya ngayon?
Agad na umakbay si Francis kay Snatos pagkalapit nito sa amin kasama yung unknown creature.
“Besty! Top 1 si Nine sa exam” Excited na balita ni Francis kay Santos. Okay, naunahan nya ako sa ibabalita ko kay Santos. Sabagay, hindi na rin naman ako interesadong ibalita pa kay Santos na ako yung naka-top 1.
I changed my mind.
“Talaga ba? Congrats Nine! Sabin a eh, ikaw makakakuha ng highest score” halatang masaya sya sa nabalitaan nya. Well, dapat lang matuwa sya.
“May favoritism lang?” Nakataas ang kilay na tanong ni Ashley. Halatang tinutukso nya si Santos.
“Uy hindi ah, alam kong kaya nyo rin ni Francis makakuha ng highest score.” Pagbibigay assurance naman ni Santos kay Ashley sabay gulo pa nito sa buhok ni Ashley. Isa ito sa gesture ni Santos sa tuwing kinukulit nya si Ashley. Himala nga at hindi naiirita si Ashley sa ganitong ginagawa ni Santos sa kanya.
“Yan ka na naman, ginulo mo na naman buhok ko.” Kunwaring pagmamaktol ni Ashley habang inaayos ang nagulo nyang buhok.
“Ang cute mo kasi, para kang yung bunsong kapatid ko.” Nakatawang sagot naman ni Santos.
Well, his statement irritates me out of nowhere. Cute pala huh?
“So, paano yung pangako mong food trip sa amin? Matutuloy ba?” Pagtataray na tanong ko kay Santos.
“Ito naman, gutom ka nan oh? Dragon mode ka na eh. Syempre tuloy yun, Tara na total uwian na natin” Inakbayan pa ako nito. Halatang masaya sya today. Bakit kaya? Dahil kaya sa babaeng kasama nya ngayon?
“Eh pano sya?” Turo ko sa babaeng kasama nya na nakalimutan pa nyang ipakilala sa amin.
“Ah oo ng apala guys, pinapakilala ko sa inyo si Sharmaine, kaklase ko. Okay lang bang isama rin natin sya sa food trip natin?” The girl extended her hands. Nakipagkamay naman kami rito. Nakangiti pa itong nag-hello sa amin.
“Of course, besty! Ikaw pa, malakas ka samin.” Sagot pa ni Francis kay Santos. Ashley gave him an ‘are you kidding me look’ kaso useless dahil no choice na kami kundi isama si Sharmaine. Ayoko rin naman magmukang ungentle man.
“Okay, sige tara na. For sure magugustuhan nyo dun sa pupuntahan natin.” Pagyaya pa sa amin ni Santos.
Naglakad na kami palabas ng campus. Walking distance lang daw sa school yung pupuntahan namin. Actually, first time namin nila Francis na maglakad sa likod ng campus. Hindi pa kami nakakapunta dito. Napansin kong marami palang food stall rito. Marami ring mga students from different schools ang mga narito at nagsisikainan.
“May ganito pala dito?” Pabulong na banggit sakin ni Ashley.
“Hindi ko rin alam na may ganito pala dito. Astig.” Singit naman sa amin ni Francis na akala mo ay bata at excited sa pupuntahan. Napalingon naman ako kay Santos na kasabay maglakad si Sharmaine.
Wow, food trip naming magtotropa pero busy sya sa kasama nya na ngayon lang namin nakilala.
“Feeling ko nililigawan ni Santos si Sharmaine, tingnan nyo, todo ngiti si besty.” Banggit pa ni Francis na nakatingin rin kina Santos at Sharmaine na akala mo ay may sariling mga mundo at hindi kami kasama.
“Malayo pa ba?” Nauubos na pasensyang tanong ko kay Santos. Naiirita ako sa nangyayari at sa nakikita ko kaya gusto ko na lang matapos ito nang makauwi na rin agad. Kung alam ko lang nag anito mangyayari, hindi na sana ako naexcite.
“Doon tayo sa tindahan na iyon” Turo ni Santos sa tindahan sa kabilang gilid ng daan. Pagkarating namin sa tindahan ay agad na kaming pumwesto sa isang mesa na sakto para sa limang tao. Nagsiupo na kami, lumapit naman sa amin ang isang waitress yata.
“Ano pong order nyo Sir?” Hawak ng babae ang isang notebook at ballpen upang isulat ang oorderin namin. Si Santos na ang sumagot at nagbanggit ng mga orders namin since mas alam naman nya kung ano ang masarap na tinda dito.
“Ikaw Sha, ano gusto mo?” Hindi ko napigilang mapaismid sa narinig ko. Wow, Sha talaga? Sana all may endearment.
“Same sa orders mo na lang.” Mahinhin na sagot naman ni Sha. Binanggit muli ng waitress yung mga orders namin to make sure na tama at walang nakailgtaan. Nang masiguradong tama ang orders namin ay umalis na ito.
“Grabe, ang dami palang food stalls dito Santos! Next time dadalhin ko dito si Mae, dito kami magde-date.” Namamanghang banggit ni Francis.
“Sira ka ba? Baka makipagbreak sayo jowa mo, kakain ba yun sa ganitong klaseng lugar?” Pang-aasar ko naman kay Francis. Akmang babatuhin ako ng tissue ni Francis kaso hindi nya naituloy dahil sa warning look sa kanya ni Ashley.
Hahahaha tiklop sya kay Ashley eh. Naudlot ang asaran namin dahil dumating na ang orders namin. Ang bango ng food, nakaramdam ako ng gutom bigla. Amoy pa lang ay nakakatakam na.
“Let’s eat.” Masiglang yaya ko sa kanila.
Tama, enjoyin ko na lang yung food kesa magfocus sa dalawang alien sa harap ko. Hindi ko na lang sila papansinin kasi baka mawalan pa ko ng gana, sayang yung food.
“Uy Nine, hinay lang , para kang uubusan dyan. Marami pa silang tinda.” Natatawang sabi ni Francis sa akin dahil sa sunod-sunod na subo ko.
“Pake mo ba, eh ang sarap saka nagutom ako dahil sa exam.” Sagot ko naman sa kanya habang ngumunguya pa ng isaw.
“Next time, wag ka ng magpapalipas ng gutom lalo na pag may exam tayo. Puyat ka pa kagabi, ayaw mo magpaawat sa pagrereview.” Seryosong sermon naman sa akin ni Ashley.
“Ash, mamaya ka na lang magsermon, enjoyin na lang natin yung food. Oh ito, paborito mo itong adidas diba? Ito yung pinag awayan nyo noon ni Francis kasi inubos nya diba?” Iniabot ko kay Ashley yung adidas para kainin nya. Naalala ko yung first time namin kumain ng street food sa isang kainan sa may Ermita, grabe talaga galit ni Ashley kay Francis nang ubusin ni Francis yung adidas. Natatawa ako pag naalala ko iyon.
“Yan, dyan tayo magkakasundo.” Satisfied na tugon naman sa akin ni Ashley.
“Ito, try mo ito, masarap ito.” Narinig kong sabi ni Santos kay Sharmaine sabay abot nito ng isang isaw kay Sharmaine na agad ring tinanggap nung isa.
“Wow, oo nga ang sarap lalo na yung sawsawan. Paborito ko na ito.” Sagot naman ni Sharmaine sabay yakap pa sa braso ni Santos.
Mabilaukan ka sana. Sarap burahin ng mukha eh. Nakisingit na nga lang sya sa food trip naming magtotropa, tapos pabida pa sya at agaw atensyon. Kainis.
Busy akong nagpatuloy na lang sa pagkain since naalibadbaran ako sa nakikita ko nang mapansin ko si Santos na inaabot sa akin ang tissue na hawak nya.
“Bakit?” tanong ko sa kanya habang hawak ang isang stick ng isaw. Paborito ko itong isaw, ang sarap ng lasa lalo na yung sawsawan, grabe solid sa sarap talaga.
“May dumi sa gilid ng labi mo, para kang bata kumain.” Tugon naman nito sa akin. Kinuha ko ang tissue na inabot nya sa akin upang punasan ang dumi sa bibig ko. Tahimik na nagpatuloy ako sa pagkain. May mga sandaling sinusbukan ni Santos na tanungin ako, kausapin ako pero mga tipid na sagot lang o tango lang ang sinasagot ko sa kanya. Kain lang ako ng kain total ito gusto nya diba? Mag food trip kami kaya heto at ineenjoy ko yung gusto nyang gawin namin. Napansin nya sigurong wala ako sa mood na kausapin sya kaya nagtuon na lang sya ng pansin kay Sharmaine. Minsan ay napapalingon ako sa kanilang dalawa dahil tumatawa sila. Mukang masaya sila kahit wala kami. Muka namang masaya si Santos kahit wala kaming mga kaibigan nya.
Ibinaba ko ang isaw na hawak ko. Parang nawalan ako ng gana sa naiisip ko.
“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Ash.
“Ha? Oo naman.” Patay malisyang sagot ko sabay higop sa sawsawan ng isaw na nasa harap ko.
“Huy sira ka ba? Hindi yan alak. Sawsawan yan!” Paninita naman sa akin ni Francis.
“Pake mo ba? Ang sarap kaya nung sawsawan.” Mayabang na naituran ko naman at nagpatuloy ulit ako sa pagkain kahit nawalan ako ng gana kanina. Feeling ko ay sasabog ang tyan ko sa kabusugan pero patuloy pa rin akong kumakain hanggang sa matapos na kami at maubos na namin ang lahat ng orders namin.
“Grabe, ang saya pala dito.” Maarteng banggit naman ni Sharmaine. Masaya daw pero mula kanina ay sige sya paypay dahil sa init at usok ng area.
“Oo nga eh, next time dito ulit tayo” Masayang banggit rin ni Francis na hawak pa ang cp nya para picturan ang food stall kung saan kami kumain. Ipapakita daw nya kay Mae yung food stall.
“Buti naman at nagustuhan nyo dito, next time balik tayo dito. Congrats ulit Nine sa result ng exam ninyo kanina.” Nakangiting turan ni Santos. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Medyo masakit kasi tyan ko. Napasobra yata ako sa nakain ko o dahil doon sa suka na tinungga ko.
“Uwi na tayo? Malapit na mag gabi.” Yaya ko sa kanila habang hawak ko ang tyan ko.
“Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” Hindi ko napansing nakalapit na pala sa akin si Santos at nakahawak sya sa likod ko at braso para alalayan akong tumayo.
“Okay lang ako, hindi ako babae para umakto ka ng ganyan. Gusto ko ng umuwi.” Tinulak ko sya palayo sa sakin. Ewan ko pero naiirita na naman ako.
Kapag may ibang tao na nakikita kong malapit sya, naiinis ako at kapag nagpapakita sya ng concern sa akin sa harap ng taong pinagseselosan ko, mas naiirita ako.
Teka.. sinabi ko iyon? Pinagseselosan?
Erase, erase, erase! Hindi ako nagseselos, okay? Tsk! Lalong sumasakit tyan ko.
Hindi ko namalayan, nahilo na lang ako at natumba. The last thing na naalala ko bago tuluyang bumagsak ay ang boses ni Santos na tinatawag ang pangalan ko then everything went black.