“Nine!” Sigaw ni Santos sa pangalan ko. That’s the last thing I can remember bago ako tuluyang nawalan ng malay.
“Nine? Okay ka na ba? Gising ka na ba?” Boses ni Santos ang naririnig ko. Sinusubukan kong gumalaw habang nakapikit ang mga mata ko. Para kasi akong nanghihina. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko dahil naiingayan na ako sa boses ni Santos. Hindi naman ako makaalma dahil ramdam ko pa ang panghihina ko.
“Teka alalayan na kita, uupo ka ba?” Unang bumungad sa akin ang mukha ni Santos na halata ang pag aalala sa akin. Heto at ang lapit na naman nya sa akin which irritates me once again dahil itong puso ko, para na namang nagpa-palpitate sa sobrang bilis ng t***k plus naalala ko bigla yung nangyari sa food trip naming magtotropa.
“Ano ba sinabi ko sayo? Hindi ako babae para itrato mo ng ganito. Tingin mo sa akin, weak?” Pabalang na sagot ko kay Santos sabay tabig sa kamay nya na nakahawak sa braso ko. Hindi ko intensyon na makasakit o ma-offend sya, pero kasi itong nararamdaman ko, hindi ko m aintindihan at hindi ko rin maipaliwanag and what irritates me more is the idea na itong lalaki sa harapan ko ay tila ba hindi man lang affected or so I thought?
Hindi na naman nakaligtas sa akin yung biglang pagbabago ng expression ng mukha nya. For a split second, nakaramdam ako ng guilt ngunit agad ko rin itong isinantabi dahil mas hinayaan kong mangibabaw ang pagkairita ko sa kanya.
“Hindi ka weak pero matigas ang ulo mo. Sino ba ang may sabi sayong tunggain mo yung sawsawan ng isaw?” This is the first time na makita ko yung ganitong side ni Santos. I mean, yes napagsasabihan nya kami noon nila Francis but it's more of him lecturing Francis. Bihira lang na mapangaralan nya kami ni Ashley.
Teka, galit ba sya? Sino sya para magalit ngayon?
“Teka, galit ka ba? Bakit parang ikaw pa may karapatang magalit ngayon?” Sagot ko sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa kanya sa argument na ito dahil wala akong mali. Sya ang may kasalanan kaya sya ang dapat na ma-guilty at magsorry.
Nag cross arms ako habang nakasandal sa kama na kanina ay kinahihigaan ko. Hindi ako tanga, alam kong nasa hospital ako ngayon dahil hindi naman ganito ang hitsura ng kwarto ko. Salubong ang kilay na diretso ang tingin ko sa may bintana ng hospital room. Ayoko syang tingnan.
“Kita mo yan, ikaw pa galit ngayon eh ikaw itong tumungga ng suka. Sabi ng doctor kaya ka nawalan ng malay dahil sa sobrang kirot ng tyan mo na yung suka ng isaw ang naka-trigger plus hindi ka pa nag agahan kanina, in short yung pagpapalipas mo ng gutom, hindi yun maganda. Hindi mo sa amin sinabi na may acidity ka pala. Next time magsabi ka sa amin para hindi naman kami nagmumukhang tanga, para hindi naman ako nagmumukhang tanga.” Kunot-noong turan sa akin ni Santos. Agad ko sya nilingon. Sasagot pa sana ako sa kanya nang biglang bumukas ang pinto at dramatic na lumapit sa akin si Francis samantalang si Ashley ay nagdiretso lamang sa couch upang umupo.
“Dude, akala ko mawawala ka na. Natakot ako, wag mo na uulitin iyon ha?” See? Dramatic actor talaga itong si Francis. Nakayakap pa sya sa akin na akala mo eh muntikan na akong mamatay.
“Lalabas na muna ako para bilhin yung gamut na nireseta s aiyo ng doctor. Kokontakin ko na rin si papa para dito ka nya sunduin. Ipinaalam ko na rin sa mama mo ang nangyari.” Akmang lalabas na ng pinto si Santos ng batuhin ko sya ng unan.
“Aray! Nine ha, kanina ka pa nakakainis.” Reklamo naman nito dahil sa pagbato ko ng unan sa kanya.
“Sino nagsabing ipaalam mo sa magulang ko ang nangyari?” Kunwari ay galit ako sa ginawa nya. Wala lang, gusto ko lang syang sindakin.
“Ako ang nagdesisyon dahil emergency ang nangyari.” Tipid na sagot nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
“Kamusta pakiramdam mo? Masakit pa rin ba iyang tyan mo?” Pangangamusta naman sa akin ni Ashley.
“Hindi naman na makirot, more on nanghihina lang talaga ako.” Tumango-tango lang si Ashley sa mga sinabi kong sagot sa kanya.
“Teka, sino pala naghatid sa akin dito sa hospital?”
“Well, nung nawalan ka ng malay, si Santos ang mabilis na sumalo sayo kaya hindi ka tuluyang bumagsak sa kalsada. Sya na rin nagsugod sayo dito sa hospital since hindi naman kita kayang buhatin and wag kang umasang kaya kang buhatin ni Ashley, kulang yan sa work out para mabuhat ka.” Pag uumpisa ni Francis na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Ashley habang nagbabalat ito ng apple. Tiningnan sya ng masama ni Ashley upon hearing what he just said about pagwowork out.
“Si Santos nagdala sayo dito sa hospital while Ashley and I, kami yung naghatid naman kay Sharmaine pauwi ng bahay nito since ginabi na tayo at delikado na for her na umuwi mag isa. Eh ayoko namang ako lang maghahatid sa kanya pauwi, hello baka magka issue pa at ma-misinterpret ng labidabs ko yung paghahatid ko kay Sharmaine kaya isinama ko si Ashley para ihatid namin sya pauwi ng bahay nya. Then after nun, saka kami nagdiretso dito and here we are. Astig ba?” Nag-dekwatro pa ng upo si Francis na ngaon ay kinakain na ang apple na kanina ay binabalatan nya.
“Uuwi ka ba ngayon o dito ka na magpapalipas ng magdamag?” Tanong sa akin ni Ashley.
“Uuwi ako, hindi naman na masakit itong tyan ko.” Maikling tugon ko rito.
“Ewan ko ba sayo Nine, kung bakit naman kasi tinungga mo iyong suka na maraming sili.” Nonchalant na sabi ni Francis. Napabuntong hininga ako sa narinig ko mula kay Francis.
“Naiirita kasi ako na yung food trip na pinlano ni Santos para sa ating magkakaibigan, may naisama pang ibang tao. First time yun na nagplano si Santos ng ganun para sa atin kaya na-excite ako, nagreview pa ako ng todo para makakuha talaga ng mataas na score, I even skipped my breakfast tapos the day na magfu-food trip tayo, nagdala naman sya ng outsider. Hindi ba kayo nairita sa nangyari?” Defenseless na paliwanag ko kina Francis. There’s no use para mag deny pa ako sa reason why I acted that way during our food trip.
“Para kang bata na inagawan bigla ng laruan sa inaakto mo, Nine.” Nakangising sambit ni Ashley habang busy itong pumipindot sa cellphone nya.
“Ikaw ba Francis, hindi ka ba nainis sa nangyari?” Okay, it seems like naghahanap ako ng kakampi na magvavalidate ng tantrums ko kanina.
“Seryoso Nine, hindi ako aakto nang ganun kasi mas gugustuhin kong maramdaman ni Santos na na-appreciate natin yung efforts nya para sa atin. Alam mo bang nag overtime sya sa coffee shop para may extra budget sya panglibre sa atin kasi yun yung ipinangako nya. Eh ano naman kung may dinala syang ibang tao, hindi naman na ibang tao si Sharmaine since nililigawan pala ito ni Santos. We should be happy for him, right? Kasi deserve naman nyang magkaroon ng partner”
I don’t know pero upon hearing the word, ‘nililigawan’? Para akong mas lalong nanghina. Parang may milyon-milyong karayom na tumutusok sa puso ko tapos yung bituka ko parang pinipilipit na hindi ko maintindihan. Yung mga kamay ko nagpapawis na nanghihina.
Bakit pakiramdam ko may mahalagang bagay nap ag-aari ko ang biglang inagaw sa akin? Where in fact, Santos isn’t mine to lose in the first place?
“Dude, okay ka lang? Masakit na naman ba?” Agad na tumayo si Francis para lapitan ako.
“Bakit, anong nangyari?” Pagkabukas pa lang ng pinto ay lumapit agad sa kinaroroonan ko si Santos.
No, I don’t want any of them to see how devastated and confused I am right now. Hindi ko ma-process yung emotions ko. Gusto kong mapag-isa pero hindi ko masabi sa kanila. Natatakot akong kapag nagsalita ako, baka mahimigan nila sa boses ko yung pilit kong itinatago.
Agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot bago pa sila tuluyang makalapit sa akin.
“I think kailangan muna ni Nine na mapag isa para makapagpahinga pa sya.” Naramdaman kong tumayo si Ashley sa couch after nyang sabihan ang dalawa na pabayaan na muna nila ako.
“Sige Nine, uuwi na kami ni Ash, kit ana lang tayo sa school. Pagaling ka.” Tinapik ni Francis ang balikat ko. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya habang nakatalukbong pa rin ako sa kumot.
“Una na kami Santos, chat na lang sa group chat if anything happens.” Narinig kong bilin ni Ash kasabay ng pagtunog ng pinto, senyales na lumabas na silang dalawa ni Francis.
Wrong move yata na naiwan kami ni Santos dito sa kwarto?
Narinig kong napabuntong-hininga si Santos. Hindi ko alam kung nasa gilid pa rin ba sya ng kama ko. Bahala sya, basta dito lang ako sa ilalim ng kumot.
Hindi ko maintindihan pero bakit parang naiiyak ako?
Si Nine? Isang gwapo, cool and ideal guy ng karamihan sa mga babae sa campus ay naiiyak ngayon? The fudge is wrong with me.
“Alisin mo yang kumot na nakataklob sa iyo, papawisan ka dyan.” Narinig ko ang boses ni Santos ngunit nanatili lang akong hindi gumagalaw sa ilalim ng kumot.
Oo na, para akong bata sa inaasta ko ngayon. Hayst! Bahala na!
“May gusto ka bang kainin na prutas? Ipaghihiwa kita.” Alok nya sa akin. Again, hindi pa rin ako umiimik.
Nope, I will not answer him. For sure, aalis din sya kapag nainip sya dito.
“Alam mo bang hindi maganda ang silent treatment sa isang relasyon? Mas mainam na may communication para magkaintindihan ang dalawang tao.” Tss... communication? Relasyon? Kami nga hindi nya ininform na niligawan nya si Sharmaine.
“Kapag hindi ka pa umalis dyan sa ilalim ng kumot, wala akong ibang choice kundi sapilitang tanggalin yan sa pagkakataklob sayo. Baka mahilo ka sa init dyan.” So ngayon binabantaan naman nya ako? Napa smirk ako sa sinabi nya, as if namang magpapatalo ako?
“Nine…” Tawag pa nya sa pangalan ko.
“Isa…” Nag umpisa na syang magbilang, as if matatakot ako.
“Dalawa…kapag ako umabot ng tatlo, bubuhatin kita palabas ng kumot na yan” Lalalalala wala akong naririnig.
“Tatlo.” Banggit nya.
Sus, hanggang panakot lang pala sya eh. Sabin a eh, hind…
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naramdaman ko na lamang yung kama na lumundo habang ang kumot na nakataklob sa akin kanina ay heto at pinag-aagawan naming dalawa.
Para tuloy kaming nagwre-wrestling sa ibabaw ng kama.
“Nine, isa!” MAtiim na sita nya sa akin.
Ano ba talaga? Nine daw pero isa?
Nice, ang galling ng joke ko, walang natawa.
“Nine! Mapupunit itong kumot, bitawan mo na kasi para maalis ko na. Kita mo pawis ka na for sure” Pilit na nag aagawan kami sa kumot. Naalis na ito sa pagkakataklob sa akin.
“Ah, eh, may problema po ba?” Boses ng babae ang narinig ko. Sabay pa kami ni Santos na napalingon sa pinto kung saan nakatayo ang nurse na nagsalita. Halata ang pagkabigla nito sa itsura namin ni Santos.
Nakapatong kasi sa ibabaw ko si Santos at ako naman ay nasa ilalim. Hawak ni Santos ang dalawang kamay ko as he pinned me down.
Umayos ng upo si Santos ngunit hindi pa rin sya umaalis sa ibabaw ko kaya agad ko syang sinipa na nagging dahilan para mahulog sya sa kama.
“Okay lang kami dito. Salamat” Tipid na tugon ko sa nurse. Upon hearing what I just said, umalis na ang nurse at isinarang muli ang pinto ng kwarto.
“Bakit mo naman ako sinipa? Pangalawang beses na ito na nahuhulog ako sa kama dahil sayo.” Reklamo ni Santos. Tiningnan ko lamang sya ng masama at sumandal ako sa kama, habang naka-cross arms pa.
“Alam kong okay na yang pakiramdam mo pero alam ko ring naiinis ka sakin kaya ka umaakto ng ganyan.” Umayos na rin ng upo si Santos sa couch.
“Ano bang nagawa kong kasalanan sayo? Dapat nga masaya tayo ngayon kasi diba naka top 1 ka sa exam ninyo? Nagcelebrate tayo, tinupad ko yung promise ko, pero bakit parang hindi ka masaya?” Nahimigan ko ang lungkot sa boses nya. Nag angat ako ng ulo para tingnan sya, nakayuko sya at nakatitig sa mga kamay nya. Napakunot ang noo ko ng mapansing parang namumula ang kaliwang kamay nya.
“Anong nangyari dyan?” Tukoy ko sa kamay nya. Saka sya nag angat ng ulo para salubungin ang mga titig ko.
“Wala lang ito. Next time, pagsisikapan kong mailibre ko naman kayo sa restaurant para siguradong hindi sasakit ang tyan mo.” Ngumiti sya sa akin pero halatang hindi naman sya masaya.
“Pinagsasabi mo dyan?” Kunwari ay wala akong idea sa sinasabi nya.
“Next time kako, ililibre kita sa isang restaurant, babawi ako sayo kasi kasalanan ko kung bakit nangyari ito ngayon sayo.” Restaurant? Bakit yun ba talaga yung gusto ko? Wala akong problema kahit saan kami kakain, pero sana huwag naman syang magdala ng outsider. Kasi kung naglaan sya ng oras para sa akin, dapat para sa akin lang, walang ibang kaagaw.
‘Para sayo talaga?’ Panunuya ng utak ko sa sarili ko. Napaismid ako kasi pati ba naman sa sarili ko kailangan ko pang magpaliwanag?
“Wala akong problema sa kung saan tayo kakain o ano ang kakainin natin. Kilala mo ako, hindi ako mapili sa pagkain. Excited nga ako sa food trip natin eh, kaya nagsikap ako na makakuha talaga ng mataas na score para pambawi sa efforts mo na mailibre kami. Ang hindi ko lang nagustuhan ay yung… yung…” Hindi ko alam if kaya ko bang ituloy yung statement ko, bigla akong nakaramdam ng hiya.
“Yung about ba kay Sharmaine?”
“Yung about nga sa kanya. I mean, wala akong pakelam kung nililigawan mo sya or what pero sana pag oras nating magbabarkada, oras lang natin, walang ibang isasama. Si Francis, kahit may girlfriend sya, basta oras natin, hindi nya isinasama si Mae. Tapos niligawan mop ala si Sharmaine, hindi mo man lang sinabi sa amin, or sa akin. Hindi ka obligadong magsabi o magpaalam sa amin, pero sana bago mo sya isama sa grupo, iinform mor in kami para hindi naman kami nagmumukhang tanga at clueless. What if nakakaistorbo na pala kami sa sweet moments ninyo diba? Yung ganung bagay ba.” Dire-diretsong paliwanag ko kay Santos. Hindi ko alam if naintindihan nya ba yung pinupunto ko, ah basta yun nay un.
“Teka… nililigawan ko si Sha?” Natatawang sabi ni Santos. Okay, nairita na naman ako upon hearing that pet name. Tiningnan ko si Santos ng masama. Itinaas nya ang dalawa nyang kamay na akala mo ay hinoholdap ko sya.
“Woah, teka lang, para namang papatayin mo sa pagtitig mo yan. Itigil mo nga yang pagkunot mo ng noo, sige ka, hindi ka na cute.” Birong sabi ni Santos. Tumayo ito at lumapit sa akin at ako? Natameme na naman ako.
Sobrang lapit nya sa akin. Hinawakan nya ang noo ko na tila ba minamasahe ito. Ramdam ko ang hininga nya tumatama sa mukha ko.
“Yan, massage natin para hindi na nakakunot.” Ang tamis ng ngiti nya ngayon, tila ba nasasatisfied sya sa simpleng ginagawa nya.
Bakit para akong naaakit na hawakan yung mga labi nya. Mukha kasi itong malambot. Nate-temp akong hawakan ito. Napapalunok ako sa naiisip ko.
“Nine, okay ka lang?” Napakurapkurap ako dahil nagtama ang mga mata naming dalawa. Heto na naman yung puso kong parang may mga kabayong nagsisitakbuhan.
Hindi kaya…attracted ako kay Santos?
“Attracted ka kanino?” Tanong pa nito sa akin. Akmang itutulak ko na naman sana si Santos kaso mabilis nyang nahawakan ang mga kamay ko, at hindi sinasadyang nakabig nya ako palapit pa lalo sa kanya.
Yung kaninang sobrang lapit na mga labi nya… ngayon nakalapat na sa labi ko.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa mga mata nyang halatang nagulat din sa nangyari.
Tila huminto ang oras at ang tanging naririnig ko lang ay yung mabilis na t***k ng puso ko.
Naririnig nya rin kaya ito?
Hindi ko alam anong gagawin ko, itutulak ko ba sya, ano bang gagawin ko? Ayaw magprocess ng utak ko.
Nagdesisyon akong itulak sya palayo sa akin to end our kiss since it feels like may mali sa nangyayari. Parehas kaming lalaki, we should be kissing girls, not each other.
He should be kissing Sharmaine, and not me.
Nang maalala ko si Sharmaine, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Tama, I must end the kiss.
I was about to push him away when suddenly… Santos closes his eyes and pull me even closer. He kisses me once more. Mas malalim na paghalik. Pakiramdam ko hindi ako makasabay sa paghalik nya. He is kissing me passionately. I can feel the intensity of the kiss, his hunger to kiss me as if tila ba may emosyong nakatago na ngayon ay nais nyang ipabatid sa akin sa pamamagitan ng paghalik…or maybe I am just assuming everything.
In an instance, nakaramdam ako ng takot.
What if masira nag friendship namin because of this?
What if nadala lang pala sya ng emosyon?
What if as we end our kiss, sabihin nya sa aking this is a big mistake which we must keep as a secret?
What ifs, puro ako what ifs kaya sa takot ko ay ako na ang kumalas sa yakap nya at sa halik nya.
Habol ang hininga naming dalawa, hindi ko magawang tumingin sa mukha nya.
Natatakot ako…
“Nine…”
I knew it. Heto na yung linya madalas ng mga lalaking may nagagawa na sa bandang huli ay pinagsisisihan kaya magse-settle na lang sa linyang…
“Let’s just pretend this never happened.”
Ako na ang nagbitaw ng mga katagang hindi ko kayang marinig mula sa kanya.
He was about to say something pero agad akong humiga ng kama at nagtalukbong muli ng kumot.
Narinig ko ang pagbubukas ng pinto at paglaon ay isinara nya rin ito.