CHAPTER 11: AWKWARD

3381 Words
  “Besty! Sige na… ilang araw ka ng hindi sumasabay samin ng lunch. Lagi ka na lang busy.” Pangungulit ni Francis kay Santos. Naka-pout pa ito na akala mo isang babae na nagpapa-cute kay Santos para mapagbigyan sya nito sa hiling nya na sumabay sa amin si Santos ng lunch today.   “Sorry, hindi talaga ako makakasabay ngayon. Kaya nga dumaan ako agad dito para magsabi sa inyo ng personal. Matrabaho kasi yung field study namin.” Sagot naman ni Santos na kasalukuyang nakatayo pa rin habang si Francis ay akala mo tarsier na nakasabit sa braso nya.   “Okay lang yan Santos, may ibang araw pa naman. Prioritize mo yang acads mo at huwag mong pansinin yung isa dyan na may tantrums.” Pagbibigay assurance naman ni Ashley kay Santos. Sinuklian naman sya ni Santos ng ngiti bilang pasasalamat sap ag-intindi ni Ashley sa sitwasyon nya.   “Ahm… Nine, okay lang naman na hindi ulit ako makakasabay today diba?” Alanganing paalam naman nya sa akin. Gusto ko syang tapunan ng masamang pagtitig kasi nakakainis yung tanong nya. Sinabi ko sa kanyang ‘let’s pretend this never happened’ pero sa inaakto nya, baka lalong mas makahalata at mag-usisa itong mga kaibigan namin dahil sa awkwardness namin sa isa’t isa.   Huminga ako ng malalim, tila nagpipigil. I have to act like the usual Nine Villafuerte.   “Oo naman, okay lang yun. Hindi tayo magka-course so it means may times talaga nag anito ang mangyayari saka kaibigan ka namin, hindi ka namin utusan na obligado kang sumusnod sa lahat ng gusto namin.” Matamis na ngiti ang ginawad ko kay Santos at binigyang diin ko talaga ang salitang ‘kaibigan’.   Napansin kong medyo nag-iba ang expression ng mukha ni Santos ngunit pinili kong isawalang bahala na lamang ito. Nagpasya akong magtuon ng pansin kay Francis.   “Ikaw naman Francis, tumigil ka dyan. Ka-lalaki mong tao, may girlfriend ka pa sa lagay nay an pero kung umakto ka para kang bata.” Paninita ko naman kay Francis.   “Wushu, busy ka ba talaga sa Field Study ninyo o kay Sharmaine?” Pang-aasar naman ni Francis kay Santos sabay turo nya sa kinaroroonan ni Sharmaine na tila ba papunta ito sa direksyon namin.   At hind inga ako nagkamali ng iniisip dahil nagdiretso nga si Sharmaine sa pwesto namin at ngayon ay nasa gilid na ni Santos.   “Ah, magsi… magsi-cr muna ako” Nagmamadaling paalam ko sa kanila.   Oo na, ako na ang umiiwas. Hanggangngayon kasi ay hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko.   At yung kissing incident namin ni Santos sa hospital…   Abala ako sa mga iniisip ko ng hindi ko mapansing nakasunod pala sa akin si Santos. Agad akong napatigil sa paglakad. Kasalukuyang nasa tapat kami ng cr, gumilid pa ako dahil may lumabas na lalaki mula sa loob ng cr.   “Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?” Diretsahang tanong ko kay Santos na nasa kabilang gilid naman ngayon upang hindi sya makaabala sa mga pumapasok at lumalabas ng cr.   “Hindi ko kasi nagawang magpaliwanag tungkol doon sa nangyari.” Pag-uumpisa nya. Nakalagay pa ang dalawang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya. Bakit parang uneasy sya? “It was what it was, okay? Wala tayong dapat pag-usapan about dun and hindi ko rin hinihingi ang paliwanag mo.” Nonchalant na sagot ko sa kanya. Hangga’t maaari, mas gusto kong pagtakpan ang kung ano mang emosyon ang mayroon ako ngayon lalo na at hindi pa ako sigurado sa kung ano ba si Santos sa buhay ko maliban sa malinaw na reyalidad na kaibigan ko sya.   “Ang hihilingin ko lang mula sayo ay ito: Wala na sanang ibang makaalam pa sa nangyari. Ayokong maapektuhan ang mga kaibigan natin ng pangyayaring ‘iyon’.” Pagbibigay linaw ko sa kung ano ang nais kong mangyari. Hindi sumagot si Santos kaya nagdesisyon na akong pumasok ng cr.   Alam ko sa sarili ko na gustong gusto kong malaman ang paliwanag ni Santos. Gusto kong marinig bakit nya nagawa iyon nang sa gayon ay matapos na ang mga bagay na gumugulo sa isipan ko pero mas nag-settle ako sa mas madaling solusyon at iyon ay ang kalimutan na lamang ang nangyari, kagaya noong unang beses na hinalikan nya ako.   “Natagalan yata kayo sa cr? Umalis na tuloy si Sharmaine na labidabs mo, kita na lang daw kayo sa library” pagbibigay alam ni Francis kay Santos.   “Labidabs?” Tila nalilitong tanong pa ni Santos.   “Hay naku, bilisan mo na at sundan mo na ang anghel ng buhay mo, sige ka baka ma-busted ka, turn off sa mga babae ang pinaghihntay sila. Makinig ka sa akin, expert ako sa ganyan.” Sabay kindat na turan ni Francis kay Santos. Nagkunwari naman akong natatawa kaya nakisakay rin ako sa biro ni Francis kay Santos.   “Kaya nga Santos, making ka kay Francis na niligawan pa ni Mae para lang maging sila.” Panunukso ko kay Francis.   “Hoy Nine! Ako ang nanligaw kay Mae, umayos ka dyan sa fake news mo.” Akmang babatukan sana ako ni Francis ng tingnan sya ng masama ni Ashley.     Hahahaha tiklop pala sya kay Ashley eh.   “Pero hindi ko nam..” Hindi na nagawang ituloy ni Santos ang sasabihin nya dahil tumayo na ako para itulak sya paalis sa amin.   “Sige na, alis na… Hinihintay ka na ng ‘Sha’ mo. Francis, Ashley, tara na rin sa classroom, magse-set up pa tayo para sa report natin.” Tumalima naman sila Ashley at kanya-kanyang kinuha ang mga bag nila. Walang nagawa si Santos kundi ang umalis na rin patungong library.   “Pakipot pa, for all I know nagkakandarapa na sya papunta sa ‘Sha’ nya.” Kunwari ay natatawang bulong ko kay Francis pero ang totoo, hindi ako natutuwa sa mga nangyayari.   “Chill, masyado kang obvious.” Bulong naman sa akin ni Ashley. This caught me off guard. Hindi kaya… hindi kaya may alam na rin ni Ash?   ……   “Hasyt, nauubos na brain cells ko. Kailan ba tayo ga-graduate?” Nagrereklamong banggit ni Francis sabay pangalumbaba pa nito.   Narito kami ngayon sa library para sa individual research namin. Hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid ko, tila may hinahanap ang mga mata ko.   Wala sya rito ngayon. Himala yata? Schedule ng duty nya ngayon ah?   “Sinabi ko sayo, wag kang masyadong obvious.” Bulong muli sa akin ni Ashley. Seriously, it creeps me out.   “Seriously Ash, itigil mo yan, ang creepy mo.” Paninita ko naman kay Ashley.   “Seriously Nine, itigil mo rin yang paglingon lingon mo, nahihilo ako sayo. It creeps me out.” Panggagaya pa nya sa tono ko kanina.   “Anong pinagbubulungan nyo dyang dalawa ha?” Usisa naman samin ni Francis. Sabay pa kaming sumagot ni Ashley ng ’wala’ which cause us to laugh afterwards.   “Miss ko na si Besty. Kung nandito lag sya, for sure tutulungan nya ako, hindi kagaya ninyo na pinagtatawanan lang ako madalas.” Naka-pout pa na banggit ni Francis sabay buntong hininga nito.   Wow, grabe attachment nya kay Santos ha.   I was about to say something para pagtripan pa lalo si Francis when Lian approached us.   “Hey Nine! Tuloy ba meeting natin mamaya?” Umupo ito sa bakanteng upuan sa kanan ko.   “Oo tuloy yun. Kailangan nating iupdate si Dean tungkol sa next project ng club natin plus magpapasa pa tayo ng financial report sa Student Council bago sila magrelease ng budget for next month.” Sagot ko naman kay Lian habang busy akong nagsusulat ng mga information na nakita ko sa librong hawak ko.   “Nine, may practice pala kami ni Ash today para sa upcoming soccer tournament. What time nga ulit yun, Ash?”  Umupo na ng maayos si Francis at nag umpisa na rin syang kolektahin ang mga gamit nyang nakakalat kanina sa table namin.   “Actually, kailangan na nating umalis kasi it’s already 3:30 in the afternoon. 4:00 PM ang practice natin.” Nag umpisa na ring magligpit ng gamit si Ashley.   “Nine, ikaw mga what time ka uuwi? Hindi na kami makakadaan dito mamaya. Gagabihin kami sa practice namin, for sure sarado na ang library kapag natapos kami sa practice namin.” Nakatayo at sakbit na ni Ash ang bag nya.   “Don’t worry guys, after ko dito ay didiretso ako sa meeting ng club namin tapos uuwi na rin ako. Kita na lang tayo bukas.” Paalam ko naman sa kanila. Sabay ng lumabas ng library sila Ashley at Francis. Akmang aakbay pa si Francis kay Ash kaso yung isa, mabilis na nakaiwas. Parang mga bata talaga sila.   I wonder kung naka-move on kaya si Ash kay Francis?   “Bye Nine, bye Lian. Una na kami.” Tipid na paalam ni Ash sa amin ni Lian.   “Ang kulit nilang dalawa.” Natatawang tukoy ni Lian sa mga kaibigan ko.   “Oo, parang mga aso at pusa at everyday ako ang referee pero masaya silang kasama kaya okay lang maging referee nila.” Natatawang sagot ko na rin kay Lian. Somehow it warms my heart, knowing na napakaswerte ko sa mga kaibigan ko.   “Pano ba yan Nine, may last period pa kasi ako, uuna na rin ako. Kita na lang tayo mamaya sa meeting ng club natin.” Tumayo na si Lian at kapag kuwan ay humarap ito sa akin upang magpaalam.   “Sige, good luck sa klase mo.” Nakangiting tugon ko kay Lian. Umalis naman ito kaagad.   Okay, tumahimik bigla ang mundo ko dahil naiwang mag isa ako dito sa pwesto ko. Napalingon pa ko sa paligid ko. Iilan na lang pala ang mga narito sa library. Sabagay, hapon na rin kasi.   Nagpalinga-linga pa ako.   “Oh, ano, hinahanap mo na naman sya?” Pang-uusisa sa akin ng isipan ko.   Nang hindi ko makita ang taong hinahanap ko ay binalik ko na lamang ang atensyon ko sa librong binabasa ko.   Napapahikab na ako rito. 5:00 PM na pala, meeting na namin. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko upang i-check ito. Binuksan ko ang group chat naming apat nila Santos para tingnan, baka kasi  may chat doon sila Ashley na importante…kaso walang kahit isang new message sa gc namin. Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko ng tumunog ito.   1 new message.   Binuksan ko ang message na natanggap ko mula kay Lian.   ‘Nine, cancelled ang meeting natin today. May emergency kasi sir Chua.’ Basa ko sa chat sa akin ni Lian. Si Sir Chua ang club adviser namin.   ‘Okay, thanks sa info.’ Reply ko sa chat sa akin ni Lian at ibinalik kong muli sa bulsa ko ang cellphone ko.   Mamayang 7:00PM pa naman magsasara itong library, ituloy ko na lang itong binabasa ko bago umuwi.   Nagpatuloy ako sa binabasa kong libro. May mga times na napapahikab ako dahil sa antok. Napuyat kasi ako kagabi, hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip dun sa nangyari sa hospital. You might be wondering kung paano ako nakauwi ng bahay, well sila mama ang sumundo sa akin sa hospital dahil ininform sila ni Santos sa nangyari, at iyon nga, ang mga magulang ko na akala yata ay elementary pa rin ang anak nila ay di na nag-atubili at agad akong sinundo sa hospital. Gusto pa nga ni papa na ipa-confine ako, buti at nakumbinsi ko sila na okay na ako at hindi ko na kailangang mag stay pa sa hospital.   Habang abala ako sa iniisip ko ay di ko namalayang nagsusulat na pala ako sa notebook ko.   And guess what kung ano yung naisulat ko.   Santos.   Yep, pangalan ni Santos ang naisulat ko sa notebook ko.   Napa-face palm ako sa nagawa ko at binura ko rin agad ang naisulat ko.   Nakakahiya, baka may ibang makabasa ng sinulat ko.   Frustrated akong tumungo sa table ko. Inaantok ako pero yung utak ko, ginagambala pa rin ni Santos.   “Ano bang gagawin ko?” Bulong ko sa sarili ko.   Maya-maya pa ay binalot na ako ng antok at tuluyang nakatulog.   “Nine…Nine…” May naramdaman akong kamay na tumatapik sa balikat ko at kalmadong tinatawag ang pangalan ko.   “Hmmm…” sagot ko sa tumatawag sa akin. Inaantok pa ako.   “Nine.. gising na.” Malambing na tawag muli sa akin nang nag mamay-ari ng boses na kanina pa gumigising sa akin.   “Inaantok pa ko, maaga pa.” Simpleng tugon ko naman rito.   “Nine, magsasara na ang library. Gising na.”   Library? Teka… bakit library?   Nagmulat ako ng mata at agad akong nahulog sa kinauupuan ko sa pagkakabigla ko.   Sino bang hindi magugulat? Ugali ba nyang ilapit talaga ang mukha nya sa tuwing manggigising sya? Hindi porket gwapo sya, gagawin nya yung ganitong bagay. Magkakasakit ako sa puso nito eh!   “Okay ka lang ba? Halika alalayan n akita tumayo.” Tinulungan ako ni Santos na tumayo. Napangiwi ako dahil pagtayo ko, naramdaman ko ang pagkirot ng balakang ko.   Magsasalita na sana ako ng biglang mamatay ang lahat ng ilaw sa library. Napayakap pa ako kay Santos dahil sa sobrang dilim ng paligid at sa pagkabigla ko sa nangyari.   Hindi ako duwag, okay? Nagulat lang ako.   “Ayos ka lang? Mukhang nasarhan na tayo ng library.” Binuksan ni Santos ang flashlight ng cellphone nya at akmang maglalakas ito papalapit s apinto ng library kaso pinigilan ko sya.   Hello, alangang iwanan nya ako dito. Siraulo ba sya.   “BAkit?” NAgtatakang tanong nya sa akin at dahan dahang kinalas nya ang mga braso ko na nakayakap pa rin pala sa kanya.   “Iiwanan mo ako dito? Nakita mo nan gang natatakot ako, iiwanan mo pa ako.” May halong pagkairita sa tono ng boses ko.   “Sisilipin ko lang baka may dumaang guard, para mabuksan na itong library.” Mahinahong sagot sa akin ni Santos.   In fairness, mahaba ang pasensya ni Santos kahit na nakakabwisit ang pakikitungo ko sa kanya. I wonder ano pa kaya ang mahaba sa kanya?   “OMG! Did I actually say that?” Bulong ko sa sarili ko sabay sampal ko pa sa pisngi ko. Mukhang nananaginip pa kasi ako.   Hindi ko namalayang wala na pala sa tabi ko si Santos. Ang lokong iyon, iniwan talaga ako dito. Agad kong kinapa sa bulsa ko ang cellphone ko upang buksan ang flashlight at para makapagmessage na rin ako kina Francis, for sure nandito pa sila sa campus, kaso…   Hindi ko alam kung minamalas baa ko talaga today or what. Lowbat ang cellphone ko at kahit anong pilit kong buksan ay hindi na talaga ito mabuksan. Powerbank! Tama, yung powerbank ko sa bag.   Kinapa ko ang kinaroroonan ng bag ko at hinanap ang powerbank ko ng maalala kong hiniram nga pala ni Ashley kanina yung powerbank ko.   Charger! Tama, may sakskan dito, so pwede akong magcharge. Hinagilap ko sa bag ko ang charger ko at hindi naman ako nabigo at nahanap ko rin ito.   “Yes!” Bulong ko sa sarili ko.   Lumapit na sa kinaroroonan ko si Santos hawak pa rin nya ang cellphone nya na nagsisilbing source ng liwanag namin dahil sa flashlight nito.   “Aanhin mo yang charger?” Nagtatakang tanong nito.   Ay wow, scholar pero hindi nag-iisip? Tsk…   “Ito po ay charger, ginagamit ito para sa cellphone na wala ng battery. Yung cellphone po ay ginagamit for communication. So ngayon, magchcharge ako, para makontak ko sila Francis ng makahingi tayo ng tulong.” Sarcastic na sagot ko kay Santos.   Wait… Yung cellphone nya hindi pa lowbat!   Hinablot ko ang cellphone ni Santos ng maalala kong hindi pala lowbat ang cellphone nya. Iyon na lang gagamitin namin para makontak sila Francis kaso sa kasamaang palad… Nabagsak ang cellphone ni Santos ng hablutin ko ito.   Agad kong pinulot ang cellphone nyang nahulog sa ilalim ng mesa. Namatay ang kaninang nakabukas na flashlight nito. Kaya no choice ako kundi kapain ang ilalim ng mesa para hanapin ang cellphone ni Santos.   “Ahm… Nine, kamay ko yang hawak mo.” Hindi ko nakikita ang expression ni Santos ngayon dahil sa dilim ng paligid namin pero sigurado akong nakangiti sya ngayon.   “Heto nahanap ko na ang cellphone ko kaso ayaw ng mag-on.” Umupo si Santos sa sahig kaya nagdesisyon akong umupo na rin sa sahig.   “Ay teka, diba may computer sa counter, baka pwede nating gamitin iyon para makahingi tayo ng tulong?” Hopeful na tukoy ko sa computer sa counter na madalas ay ginagamit nila Santos sa tuwing may nanghihiram ng libro dito sa library.   “Nine, hindi pa ba obvious? Walang power supply dito sa library. Sa tuwing nagsasara kasi ng library, sa may gilid ng hagdan sa labas ay may box doon, ibinababa namin iyon. Nagkaroon na kasi noon ng incident na muntik magkaroon ng sunog dahil sa naiwnanang nakabukas na computer dito sa loob ng library. So, to make sure na hindi na ito mauulit, ganun ang sistemang ipinatupad. In terms of kopya ng susi, baka kasi itanong mo sa akin yan dahil nakaduty ako dito, the answer is wala. Wala akong kopya ng susi dito dahil kahit dito ako nagduduty, estudyante pa rin ako ng university, hindi ako empleyado dito. Kahit pa may computer o may saksakan para makapagcharge ka, useless lahat dahil walang power supply dito sa loob. Gets mo na ba?” Mahabang litanya sa akin ni Santos. Napabuntong-hininga na lamang ako.   Umiiwas nga muna ako sa kanya habang hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko pero heto at na-trap naman ako kasama sya. Bakit ang malas ko? Akala ko ba, swerte ako? “Hindi ka ba mangangalay dyan sa pwesto mo?” Nag aalalang tanong nya sa akin.   “Okay na ako dito sa sahig, sasandal na lang ako sa pader para mas dramatic.” Pabirong tugon ko sa kanya. No choice naman na ako dahil nangyari na ito, so useless rin kung iiwasan ko pa sya ngayon. Might as well, aakto na lang ako na kung paano ang turingan namin noon bago yung kissing incident sa hospital.   “Nagbibiro ka na ulit, namiss ko yan.” Nahimigan kong may kakaiba sa boses ni Santos ngayon. Naramdaman kong hinila nya ako papalapit sa kanya at kapag kuwan ay umakbay ito sa akin, aalma sana ako sa ginawa nya kaso mas hinigpitan nya ang paghawak sa akin.   “Wala namang ibang tao dito. Walang ibang makakakita o makakaalam nito.” Bakit parang ang lungkot ng boses nya? “Bukas, for sure iiwas ka na naman sa akin tapos sasabihan mo na naman ako na umaktong parang wala tayong issue sa isa’t isa.” Pagpapatuloy pa na banggit ni Santos sa akin.   “May mga bagay na mas mainam na hayaan na lang natin kaysa mas lumala pa. Ayokong maapektuhan sila Francis at Ashley. Ayokong mawala ka bilang kaibigan ko. Ayokong may masaktan na mga inosenteng tao dahil lang sa nagawa natin na hindi naman natin lubos na pinag-iisipan.” Kalmado ang boses ko. Ramdam ko ang pagpapawis ng mga kamay ko, kinakabahan ako sa takbo ng usapan namin ni Santos. Natatakot ako sa kung ano man ang maaaring marinig ko mula sa kanya.   “Nine, yung tungkol kay ‘Sha’, hindi ko sya nililigawan. Actually, childhood friend ko sya. Kakalipat nya lang dito sa campus at nagkataong educ rin ang course nya. Nakiusap ang mama nya na tulungan at samahan ko muna si Sha dahil nag-aadjust pa ito dito sa school. Wala akong nililigawan, okay?” Paliwanag sa akin ni Santos. Natawa ako ng mapakla sa narinig ko.   “Bakit ka nagpapaliwanag, it doesn’t matter kung may nililigawan ka o wala, buhay mo yan, desisyon mo yan.” Sagot ko sa kanya. Somehow parang nabawasan yung tinik sa dibdib ko dahil sa narinig kong ito kay Santos pero hindi pa rin nito mabubura yung reality na kapwa kami lalaki at magkaibigan kami. Whatever it is, we must end it before it’s too late. Baka nalilito lang ako. Baka infatuation lang ito. Baka kailangan kong lawakan ang mundo ko para hindi na ako malito pa.   “Nine…” Tawag ni Santos sa pangalan ko. Kinabig nya ako para yakapin. Hinayaan kong matangay nya ako. Hinayaan kong yakapin nya ako.     At sa gitna ng yakap na iyon, isang desisyon ang naisip kong gawin.   Magpapatulong ako kay Francis na humanap ng babaeng pwede kong maka-date.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD