CHAPTER 12: PRETENSE

3030 Words
"Nilalagnat ka ba?" Tanong sa akin ni Francis at akmang hahawakan pa ang noo ko para hipuin kung nilalagnat ba talaga ako. "OA naman nito, may lagnat agad?" Pambabara ko naman sa kaibigan kong mala-alien madalas kung umasta. Kung ano-ano na naman kasi ang nas aimagination nya. “Eh bakit biglaan yata yang gusto mong mangyari, aber?” Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Francis.  Kanina pa nya ako inuusisa matapos ko syang i-chat kaninang umaga tungkol sa plano kong paghahanap ng makaka-date. Weird ba na magsabi ako sa kanila na gusto kong makahanap ng babae na makaka-date?   Actually, kagabi ko lang ito naisip habang kasama ko si Santos sa loob ng library. We spent the whole night sa library since nasarahan kami kahapon doon. Nakalabas kami kaninang madaling araw lang kaya nagmamadaling umuwi kami upang makapagpalit ng uniform. Hindi na nga ako pumasok sa morning classes ko eh. After lunch na ako pumasok.   Hayst, going back sa kanina ko pa iniisip…   Yes, I may sound immature or cowardly but none of it matters to me. I have to do whatever I can to clarify the feelings I have. I cannot just jump into conclusions as if walang nakataya na mahalagang tao sa magiging desisyon ko. Hindi ko pwedeng ilatag at itaya ang lahat ng baraha ko baka kasi confuse lang ako and the only thing to assess these feelings is to date a woman and so I messaged Francis right away   Heto at narito nga kami ngayon sa soccer field, kasalukuyan akong nakaupo sa may bench habang si Francis ay nagi-stretching sa harapan ko while Ashley is doing his lapse with their teammate. Malapit na kasi ang laban nila kaya puspusan ang kanilang pag eensayo ngayon.   “Bakit kailangan ko ba ng reason para makipag date? Gusto ko lang subukan para hindi naman ako naiinggit sa inyo ni Mae.” Pa-cool na sagot ko kay Francis. There’s no way na sasabihin ko sa kanya ang totoong reason ko. Baka lalo akong masiraan ng bait kapag nalaman ni Francis yung dilemma ko. As I have mentioned, alien itong kaibigan namin ni Ashley, meaning to say, yung actions and reactions nito, out of this world madalas!   Umupo si Francis sa tabi ko at dinukot ang cellphone nyang nasa loob ng bag nya.   “Teka, check natin kung mayroon kang matipuhan dito sa listahan ko.”   Seriously, may listahan pa talaga sya.   “Siraulo ka, may girlfriend ka na at lahat pero may listahan ka pa rin ng mga babae? Kapag nahuli ka ni Mae, siguradong patay ka.” Namamanghang banggit ko sa kaibigan ko habang abala ito sa pagi-scroll ng kanyang cellphone.   “Ano ba ang hanap mo, makakachat ba muna o diretso date agad?”   “Huh?” Nalilitong tanong ko kay Francis.   “Dude, ano ba specific na hanap mo? If babaeng makaka-chat lang ang kailangan mo since bored ka sa buhay mo, itong si Agnes mare-recommend ko sa iyo. Funny yan kausap plus campus crush yan.” Pinakita sa akin ni Francis yung picture nung Agnes. Maganda nga ito. May pagka chinita ang itsura nito.   “Kung makaka-date talaga ang hanap mo, yung magkikita kayo, kakain sa labas and all, itong si Shane ang masa-suggest ko sayo. Maganda at sexy.” Nakangising sabi sa akin ni Francis.   “Pero kung makaka- ‘toot’ ang hanap mo, pasensya na Nine pero wala ako nun sa listahan. Alam mo naman, good boy itong best friend mo.” Kamot ulo at nakangisi pang sabi ni Francis.   “Jerk!” Singit ni Ashley sa usapan namin ni Francis sabay batok pa nito kay Francis. Hindi ko napansin na nakalapit na pala sa amin si Ashley.   “Hoy Ashley, at least ako, tinutulungan ko itong si Nine, hindi kagaya mo.” Hawak ni Francis ang parte ng ulo nya na binatukan ni Ashley. Nakangisi lang si Ashley habang pinupunasan ang pawis sa mukha nya.   “Tawag ka ni coach, lumapit ka dun.” Sabay turo pa ni Ashley sa direksyon kung nasaan nakatayo ang coach nila.   “Basta Nine, pili ka na lang sa mga binigay ko sayo. Nasend ko naman na ang details sa messenger mo, check mo na lang.”Sigaw sa akin ni Francis. Patakbo na kasing lumapit si Francis sa coach nila. Naiwan kaming dalawa ni Ashley dito sa bench. Kumuha sya ng tubig upang inumin ito.   Ang awkward bigla. Parang ang tahimik kasi namin ni Ashley dito sa bench. Naudlot ang nasa isipan ko ng marinig kong magsalita si Ashley.   “Nine, kinder pa lang magkakaibigan na tayo. Kabisado kita kaya kung may gusto ka mang sabihin o kailangan mo ng tulong, feel free na magsabi sa akin.” Pag uumpisa ni Ashley na ngayon ay nakaupo na rin sa tabi ko. Ang mga mata nya ay nakatanaw sa direksyon nila Francis at nung coach nila.   “Naka-move on ka na ba kay Francis?” Sagot ko naman sa kanya habang abala akong sinisipa sipa ang damo na nasa paanan ko. Wala lang, hindi kasi ako makatingin kay Ashley.   Napalingon ako kay Ashley. Ngumiti ito sa akin ngunit halata ang lungkot sa mga mata nya.   “Ako ba talaga ang concern mo o iyang pinagdadaanan mo ngayon?” Panunuya sa akin ni Ashley. Hindi ako sumagot sa kanya.   “Francis will always be my first love and I don’t think kaya ko pang magmahal ng iba bukod sa kanya. Okay na ako na makitang masaya sya sa piling ng iba. Hindi ko na kailangang umamin pa dahil baka pati yung friendship na natitira para sa aming dalawa ay mawala pa. I cannot afford losing him but it doesn’t mean ay ganoon rin ang gagawin mo. You have to use both your heart and mind in making decisions, Nine.” Nagtatakang napalingon ako kay Ashley. Tumango naman sa akin si Ashley.   Alam na nya.   Ngumiti sya sa akin na tila ba sinasabi nyang huwag akong matakot na magsabi sa kanya.   “Analyze the situation, Nine. Pero huwag kang aasa na ang kalalabasan ng desisyon mo ay 100% na papabor sa ineexpect mong ending. Let me tell you this, not all love stories will have happy endings. Minsan kahit ayaw natin, sa atin pa naitadhana yung love story na hindi pang happy ending, but it doesn’t mean that love is an awful thing.” Tinapik ni Ashley ang balikat ko na tila ba kino-comfort nya ako.   “Bakit hindi ka umamin kay Francis?” Curious na tanong ko kay Ashley.   “Kasi sigurado akong hindi magpo-progress yung love dahil kapatid at kaibigan ang tingin sa akin ni Francis, nothing more, nothing less.” Kibit balikat na sagot ni Ashley sa akin. Naawa ako kay Ashley, pero humanga rin ako sa katatagan ng loob nya. Bihira lang yung taong kayang magparaya para sa kaligayahan ng taong minahamal nya.  I salute him.   “Pero yung sa inyo, tingin ko it’s more than just being friends. Kailangan lang na may maglakas ng loob para umamin sa inyong dalawa. Kulang na nga lang ako na ang magsalita kasi parehas kayong duwag. Nakakaaliw kayong panoorin minsan pero madalas ay nakakainis na rin” Natatawang banggit ni Ashley sa akin.   Hindi na ako nagulat sa katotohanang alam na rin ni Ashley yung nililihim kong dilemma. Well, highly observant itong kaibigan ko, there’s no way na makakapaglihim ako sa kanya.   Sa totoo lang, gumaan ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko hindi ko kailangang magpanggap sa harap ng best friend ko, and it gives me strength para magsabi sa kanya.   Kaso…   Hindi ko nagawa.   Bigla kasing dumating si Santos kasama si Sharmaine. Nararamdaman ko na naman yung mga milyong karayom na tumutusok sa puso ko.   Hindi nya ito nililigawan but the sight of him being with her, it’s painful.   So, I did what my usual stupid self will always do.   “Oops, Nawala sa loob kong dadaan pala dito si Santos kasama si Sharmaine.” Bulong sa akin ni Ashley. I ignored Ashley’s statement.   “Pinagsasabi mo Ash? Wala akong problema at wala akong tinatago sa inyo. Buo na ang desisyon ko, I will pursue Agnes. Hindi naman siguro masama iyon hindi ba?” Kapagkuwan ay banggit ko. I made sure that my voice is loud enough para marinig ito ni Santos tila nakuha naman ni Ashley yung gusto kong mangyari.     “Sinong Agnes?” Tanong agad ni Santos pagkalapit na pagkalapit pa lang nya sa amin ni Ashley. “May nireto kasi si Francis sa kanya and Nine decided to pursue her.” Tugon ni Ashley kay Santos. Tila nabigla naman si Santos sa narinig nito mula kay Ashley.   “I am enjoying this game.” Bulong muli sa akin ni Ashley kaya agad ko syang siniko, mahirap na at baka marinig sya ni Santos.   “Biglaan yata?” Hindi maipinta ang mukha ni Santos na nanatiling nakatayo sa harap namin ni Ashley samantalang si Sharmaine ay umupo na sa tabi ni Ashley.   “Uy grabe ka naman Baste, single naman yata itong si Nine, so wala naman sigurong problema dun diba Nine?” Tukoy sa akin ni Sharmaine.   ‘Baste’. Naalala ko si Ate Lala na Baste rin ang tawag kay Santos.   Kahit kaibigan namin si Santos, we never addressed him using his nickname. Nakasanayan na namin na Santos ang itawag sa kanya.   “Oo naman Sharmaine kaya nga parang ang unfair naman na bakit kailangan kong mag justify sa mga kaibigan ko about my love life samantalang ako, hindi naman ako nag-uusisa ng ganitong bagay sa kanila.” Nakangiting sagot ko kay Sharmaine.   Aaminin ko, maganda at mabait si Sharmaine at kahit sinong lalaki ay mahuhulog talaga sa kanya. Hindi na ako magugulat kung one day malalaman na lang namin na sila na ni Santos.   “Sige Nine, saktan mo pa lalo yang sarili mo” Panunuya sa akin ng isipan ko.   Magsasalita pa sana ulit ako ng hilahin ako patayo ni Santos at hinila ako papalayo kina Ashley.   “Sha, dyan ka muna, babalikan kita mamaya, may pupuntahan lang kami ni Nine. Ash ikaw muna bahala kay Sharmaine ha” Paalam ni Santos kina Ashley at Sharmaine.   Pinagsasabi nito? Wala naman kaming pupuntahan today.   Aalma na sana ako kaso mabilis na hinila na ako ni Santos palayo kina Ash at Sharmaine. May sa lahi yata ito ni Hulk dahil kahit anong pagpilit kong kalasin ang kamay nyang nakahawak sa wrist ko ay hindi ko magawang makapiglas. Mas malakas sya sa akin.   Narinig ko pa ang pasigaw na pagtawag ni Francis kay Santos kaso hindi man lang sya nilingon ni Santos. Magkasalubong ang kilay ni Santos at malalaki ang hakbang nito, tangay-tangay ako papunta sa likurang bahagi ng katabing building ng soccer field.   Napansin kong bakanteng lote ito. Dalawa lang kami na narito.   Nang wala ng tao sa paligid ay saka ako binitawan ni Santos. Napahawak pa ako sa wrist ko kung saan nya ako hawak kanina. Namumula ito.   “Anong problema mo?” Angil ko sa kanya.   “Ikaw Nine, ano ring problema mo?” Pabalang na tanong nya rin sa akin.   Nauubusan ng pasensya na napasuklay ako sa buhok ko gamit ang mga kamay ko.   I swear, mababaliw ako sa lalaking ito.   “Sino yung Agnes?” Tanong nya sa akin at akmang lalapitan nya ako kaya napaatras naman ako at napasandal sa may pader.   “Babae na paglilipasan mo ng oras kasi bored ka?” Kapagkuwan ay tanong nya sa akin. Nagpantig ang tenga ko sa narinig kong tanong nya sa akin. Nainsulto ako sa tanong nya sa akin.   Magkalapit na halos ang mga mukha namin. Matalim ang mga mata na itinuon nya sa akin. Ramdam ko ang hininga nya na tumatama sa mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at buong lakas na itinulak sya papalayo sa akin.     “Excuse me?” Sagot ko sa kanya habang inaayos ang nagusot kong damit.   “Hindi magandang gumamit ng ibang tao para pagtakpan yang kaduwagan mo.” Tugon nya sa akin. Hindi sya umaalis sa harapan ko. Inilapat pa nya ang dalawang kamay nya sa pader. Nasa pagitan ako ng mga braso nya, tila ba kino-corner nya ako. Ngayon ko lang nakita yung side ni Santos na ganito.   Hindi ako magpapatinag sa kanya.   “I never interrogated you or even Francis and Ashley about your personal lives, kaya bakit ko kailangang magpaliwanag sa iyo?” Hindi sya sumagot sa tanong ko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita ko.   “Kung wala ka ng ibang sasabihin pa, mauuna na ako. Francis and Ashley might be waiting for me. Bumalik ka na rin sa field, for sure hinihintay ka na ni Sharmaine doon. Hindi magandang pinaghihintay ang babae.” Nasa ganoong posisyon pa rin kami. Tila ayaw pa nyang gumalaw para alisin ang mga braso nyang nasa kabilaang gilid ko.   Akmang itutulak ko na sya palayo sa akin ng bigla nya akong hatakin papalapit sa kanya.   For a split second akala ko hahalikan nya akong muli.   Napapikit ako at hinihintay ang mga labi nya na dumampi sa labi ko ngunit hindi ito nangyari…bagkus ay niyakap nya ako ng mahigpit. Isiniksik nya ang mukha nya sa crook ng neck ko. Ramdam ko ang malalim nyang paghinga na tila ba gusto nyang magpahinga dahil sa sobrang pagod nya.   Hinayaan ko lamang sya sa ganung posisyon namin. Hinawakan ko ang ulo nya, hindi ko napigilang suklayin ang buhok nya gamit ang kamay ko. Tila nanghihina rin ako.   Napapagod na rin ako sa ganitong sitwasyon namin.   Napakasimple lang ng buhay ko noon pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit ang komplikado bigla. Wala akong gusting mangyari noong makilala ko sya kundi ang maging kaibigan sya pero tila nagbago ang lahat ngayon. Parehas kaming tahimik ni Santos.   Napansin kong wala pa ring balak na magsalita si Santos kaya kapagkuwan ay nagsalita na ako.   “Kahit magkaibigan tayo, wala kang karapatang insultuhin ako lalo na sa mga desisyon kong hindi mo naman lubos na nauunawaan lalo na at sa ating dalawa, parehas lang naman tayong naduduwag sa sitwasyon.” Pagkasabi ko nito ay saka ako kumalas sa pagkakayakap nya at walang lingon na naglakad na  ako pabalik sa field.   “Oh Nine, anong nangyari, bakit hindi maipinta yang mukha ninong dalawa?” Usisa sa akin ni Francis. Napalingon naman ako kay Santos na nasa likuran ko pala nakasunod.   “Sha, tara na? May next class na tayo.” Pagyaya ni Santos kay Sharmaine. Tumayo naman si Sha at kinuha ang bag nito na nakapatong sa bench.   “Ash, Francis, good luck sa laban ninyo ha. Siguradong team ninyo ang mananalo. Promise manonood kami ni Sha sa laban ninyo next week, diba Sha?” Masiglang banggit ni Santos kina Francis na tila ba pinapalakas nya ang loob ng mga kaibigan namin pero hindi nakaligtas sa akin ang malamlam nyang mga mata.   “Waaaa, besty! Kaya lablab kita eh, ang supportive mo!” Yumakap si Francis kay Santos. Napaka-OA talaga kahit kailan. Napailing na lang kami ni Ash sa inakto ni Francis.   “Kapag nanalo kayo, ako naman ang manlilibre ng street food. Ayos ba?” Pagmomotivate ko naman kina Ashley. Hindi naman ako nagkamali sa sinabi ko dahil si Ashley agad na nagliwanag ang mata na tila ba bata na pinangakuan ng pasalubong ng magulang nya.   “Promise yan ha?” Pangungulit naman sa akin ni Ash.   “Promise po.” Nakangiting sagot ko sa kanya.   “Sana lang walang sumakit ang tyan dahil sa pagtungga ng suka.” Bulong ni Santos na hindi naman nakaligtas sa akin dahil narinig ko ito.   “Sana lang wala ring magdala ng outsider sa oras na nakalaan para lang sa barkada.” Pasaring ko rin kay Santos. Hindi naman ito narinig Sharmaine dahil abala ito sa cellphone nya, tila may kausap ito kaya naroon ang atensyon nya.   “Hehehe, kayo talagang dalawa.” Awat naman ni Francis sa amin ni Santos. Francis collected us for a group hug at kahit naiilang, ay wala na rin kaming nagawa kundi pagbigyan sya.   Naunang kumalas sa group hug namin si Ashley at kunwari ay nandidiring nagpunas ng braso nya.   “Feeling ko kailangan kong maligo ng makapagbanlaw ako ng katawan ko.” Pang-asar ni Ashley kay Francis. Hindi kasi sanay sa physical touch si Ashley. Ayaw nya ng niyayakap sya or anything na mai-invade ang personal space nya. Well, Francis seems to be an exception.   “Excuse me! Ang daming nagkakandarapa dyan para lang mayakap ako. You should feel blessed, my dearest Ashley.” Sagot naman ni Francis sabay akbay pa kay Ashley ngunit agad rin syang tinulak palayo ni Ashley.   “I don’t feel blessed, I feel like I was cursed!” Pang aasar pabalik ni Ashley kay Francis. Magre-rebut na sana si Francis ng tumunog ang cellphone nya.   Chineck nya ang message na na-receive nya.   “Nine, nagchat si Agnes. Go ka na ba sa kanya o kay Shane ka? Sasabihan ko na sila para kayo na ang mag usap. Ayokong malaman ni Mae na may nakakachat akong ibang babae. Good boy yata ako.” Tanong s aakin ni Francis. Automatic na napalingon ako kay Santos.   “Alis na kami.” Paalam bigla ni Santos. Hindi pa kami nakakasagot ay nauna na syang tumalikod at naglakad palayo. Nakasunod naman sa kanya si Sharmaine.   “Namamalikmata ba ako o talagang hindi tayo pinansin ni Santos?” Nagtatakang tanong ni Francis sa amin ni Ashley.   “Dude, go na ako kay Agnes. Don’t worry ako na ang magrereply sa kanya.” Sagot ko na lamang kay Francis.   “This is fun.” Nakangiting sagot naman ni Ashley.   “Ang creepy mo, Ash.” Paninita ko sa inaakto ni Ashley.   “Creepy na, weird pa, kaya single eh” Pang aasar muli ni Francis kay Ashley. Akmang sisipain ni Ashley  si Francis kaso mabilis na tumakbo papalayo si Francis para tumakas kay Ashley.   Naiiling na nakangiting pinapanood ko na lamang yung dalawa kong kaibigan na tila mga batang naghahabulan sa field. Without them, baka tuluyan na akong nabaliw dahil sa sitwasyon ko ngayon.   Napatingala ako sa kalangitan at napabuntong hininga. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko at agad na sinave ang number ni Agnes na finorward sa akin ni Francis.   I hope I made the right decision.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD