CHAPTER 13: Charade

3043 Words
It's been a week mula nung nagdesisyon akong makipag date kay Agnes at heto kami ngayon sa library. Sinamahan ko sya rito para tulungan sya sa assignment nya. Nag iikot kami dito sa mga bookshelves para maghanap ng libro na kailangan nya. Sa bawat librong kinukuha nya ay sya namang pinapatong nya sa ibabaw ng mga librong hawak-hawak ko. Tss... ka-date ang hanap ko pero mukang pagiging alalay ang kababagsakan ko sa babaeng ito. "Nine, sorry ha, need ko kasi talaga ang mga ito. Nabibigatan ka na ba?" May pagka-maarteng tanong sa akin ni Agnes. Nginitian ko sya ng pilit, kunwari ay okay lang ako kahit ang totoo ay nangangalay na ang mga paa at kamay ko. "Heto yung cart, pwede ninyong gamitin kung marami yang librong kukunin ninyo" Napalingon naman ako sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. Walang iba kundi si Santos. Nawala sa loob kong ngayon pala ang duty nya dito sa library. "Thanks Santos." Nagpapa-cute na nagpasalamat si Agnes may Santos. Magkakilala na silang dalawa dahil the day after na makuha ko ang number ni Agnes ay pinakilala ko na sya kaagad sa mga kaibigan ko. "Salamat" maikling tugon ko kay Santos. Hindi naman ito kumibo, basta na lamang syang tumalikod at naglakad pabalik sa counter. Isang linggo ko ng nakaka-date itong si Agnes pero since day one ay hindi talaga ako interesado sa kanya. I tried to convince myself to give it a chance. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko kaso wala talaga. Kahit konti ay hindi ko magawang ma-attract kay Agnes. Maganda si Agnes.. sexy at mabait rin naman sya kahit na may pagka-maarte sya kung minsan. The more na nakakasama ko si Agnes, the more na lumilipad ang diwa ko kakaisip kay Santos. Yes, madalas na ring makasama naming magbabarkada si Agnes during lunch sa cafeteria. Si Santos naman ay balik na ulit sa dating sched nya na nakakasabay sya sa amin ng lunch. Maluwag na daw ang sched nila dahil patapos na sila sa madugong part ng Field study nila kaya may time na ulit syang sumabay sa lunch namin nila Francis at Ashley. In terms of pakikitungo sa isa't isa, wala namang nagbago. Nag uusap pa rin kami gaya noon, kunwaring wala kaming problema sa isa't isa. Minsan ko na lang makita si Santos at Sharmaine na magkasama. Nakakapag adjust na daw kasi si Sharmaine at may mga kaibigan na rin ito kaya hindi na sya kailangang samahan palagi ni Santos. "Nine, nakikinig ka ba?" tinapik ni Agnes ang braso ko to get my attention. "Huh? sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo?" Paghingi ko ng paumanhin kay Agnes. "Ang sabi ko, mamaya na yung laban nila Francis diba? Sasama ako sayo para panoorin sila mamaya" Ah... about pala sa soccer game nila Francis. Mamaya na nga pala iyon. "Oo naman, sige sunduin kita sa building ninyo mamaya para sabay na tayong magpunta sa soccer field." Inayos ko ang mga libro na ibinaba ko sa cart na binigay ni Santos kanina sa amin. Nag umpisa ng maglakad si Agnes, kaya hinila ko yung cart papunta sa table namin. Iniayos ko ang mga libro sa table namin para madali nyang makuha yung books na kailangan nya. "Ay teka, iwanan mo na yang lima dyan, hindi ko pala kailangan yan" Tukoy ni Agnes sa limang libro na naiwan sa cart. Bakit kinuha mo, hindi mo pala kailangan? "Sige ibalik ko na lang kaagad ito sa bookshelves para di na mahirapang mag ayos ng libro yung nakaduty dito sa library." Paalam ko kay Agnes at hinila ko na ulit yung cart pabalik sa bookshelves kung saan namin nakuha yung limang libro na hindi naman na pala nya gagamitin pa. Nakaugalian na namin nila Francis at Ashley na tuwing narito kami sa library ay kami na ang nagkukusang magbalik ng mga libro na ginamit namin sa bookshelves instead na iwanan lang ang mga ito sa table o itambak sa cart kasi alam naming si Santos ang naka-assign sa pagbabalik ng mga used books sa bookshelves. Nalala ko pa, one time sinubukan naming tulungan si Santos, grabe mahirap rin pala lalo na kapag yung makakapal at mabibigat na libro ang ibabalik sa shelves tapos matataon pa na nakapwesto ito sa itaas na bahagi, ang hirap nun tapos nakakangawit din sa paa kasi hindi lang basta balik sa shelves ang gagawin, may codes pa ito na dapat sundin bago ibalik sa shelves kaya dapat idouble check kaya ang nangyayari, nagtatagal talaga sa pag shelving palang. What more kapag marami yung librong kailangang i-book shelving diba? Napapangiti ako kapag naalala ko yung mga panahon na kaming apat ang nag aayos ng mga libro dito kapag natataon na same kami ng bakanteng oras... tapos si Francis ang unang sumusuko kasi nangangalay na daw sya. Minsan nga may isang student na muntik pang makaaway ni Fancis kasi hindi nito binalik ng maayos yung mga libro sa shelves, mali mali ng pagkakalagay sa shelves. Sobrang nag init ang ulo ni Francis, and he was about to punch the guy buti nalang at napigilan namin sya that time. "Ngumingiti ka mag isa dyan?" "Ay kabayo!" Napalundag naman ako sa pagkagulat ko ng marinig ko ang boses ng taong nasa likod ko at nagbabalik ng mga libro sa shelves. "Kabayo talaga?" Nakangiting sagot nya sa akin. Minsan ini-snob nya ako, minsan naman todo ngiti sya pag kinakausap ako. Tsk, sala sa init, sala sa lamig. Mala-Francis din sya kung umasta. Parehas silang alien. "Sorry po kamahalan, nagulat po kasi ako sa presensya ninyo. Nasa dulong bahagi po kasi tayo ng library, akala ko po ako lang ang tao dito sa area na ito. Nandyan po pala kayo." Sarcastic naman na sagot ko kay Santos. "Akin na yang libro na yan, ibabalik mo na yan diba? Dito yan sa itaas nakapwesto. Ako na ang magbabalik" Tukoy ni Santos sa hawak kong libro na medyo may kabigatan dahil sa kapal nito plus hardbound pa ito. In all fairness, kahit hindi nya tinitingnan ang code ng librong hawak ko ay kabisado na nya kung saan ito nakapwesto. "Ako na, as if na hindi ko kayang ibalik dyan itong libro na ito." Pagyayabang ko na sagot kay Santos. "Okay, sinabi mo eh" Hindi na sya nakipag argue sa akin bagkus ay gumilid pa sya para bigyan ako ng space para mailagay ko sa itaas yung librong hawak ko. Maipapatong ko na sana yung librong hawak ko ng di ko sinasadyang mabitawan ito. Dumulas ito sa kamay ko. Mabilis na kumilos si Santos at nasalo nya yung hardbound book na muntikan ng mahulog sa mukha ko. "Tss, magyayabang ka na nga din naman, samahan mo na rin ng pag iingat." Pinagilid ako ni Santos at sya na ang nagbalik ng libro sa pwesto nito. "Dumulas kasi sa kamay ko." Depensa ko naman sa kanya. "Oo na, kailan ba ko nanalo sa iyo?" Kapag kuwan ay lumipat na si Santos sa kabilang side ng shelf para ilagay ang iba pang libro na nasa cart nya. "Santos..." tawag ko sa kanya. Ngayon lang ulit kami makakapag usap ng kami lang. Somehow na-miss ko sya... I mean namiss ko yung ganito. "Oh?" tugon naman nya sa akin habang ang mga mata ay nakatuon sa mga libro sa harapan nya. Binabasa nya yung code sa gilid ng mga libro pagkatapos ay saka nya isisingit sa lagayan yung librong ibinabalik nya base sa code nito. Sa totoo lang, the whole week ay ramdam kong umiiwas sya sa akin maliban na lamang kung hinihingi ng sitwasyon na mag interact kami, doon ay pinapansin nya ako. About sa pagtututor nya sa akin, last weekends ay hindi nya ako naturuan dahil sinamahan daw nya ang kapatid nya na magpatuli sa barangay clinic nila. Being busy with my thoughts in mind, I caught myself fidgeting, unsure as to what I should say next. Then suddenly, I was about to say something stupid buti na lamang at napigilan ko pa ang sarili ko. "Ah eh, wala! Paalala ko lang sayo yung soccer game nila Ash mamaya. Panoorin natin sila para lumakas loob nila ni Francis. Makakapunta ka naman diba?" Nakahawak ang kanang kamay ko sa batok ko na tila ba nahihiya akong kausapin si Santos. Either nahihiya o nag aalangan. "Oo naman, susuportahan ko sila Besty. Kita na lang tayo sa field mamaya." Tugon ni Santos sa akin sabay tuluyan na rin syang lumakad palayo papunta sa kabilang book shelf naman. Umiiwas nga sya sa akin... "Sino bang hindi didistansya, eh ikaw itong may gustong mangyari ito in the first place, diba?" Panunuya sa akin ng aking isipan. Napabuntong hininga ako, kasalanan ko naman talaga kaya ganito na ang samahan namin ni Santos eh. Tama si Ashley, love is a complicated thing and I must use both my mind and heart. Ang problema kasi... I preferred to use my mind as per as my decision of dating Agnes is concerned. I forgot to consider what my heart wants. Nang matapos ko ng ibalik ang lahat ng books sa shelves ay nagdesisyon na akong bumalik sa table kung saan kami nakapwesto ni Agnes. "Agnes, may next class na ako. Kita na lang tao mamaya ha? Uuna na ako." Paalam ko kay Agnes na kasalukuyang nakaupo at abala sa cellphone nya. Busy raw sya sa pag-aaral nya pero nagi-scroll lang naman sya sa i********: nya. "Ganun ba? Sige Nine, see you later!" Paalam sakin ni Agnes. Tumayo pa ito para halikan ako sa pisngi ko. Iiwas sana ako kaso huli na dahil nahalikan na nya ako sa pisngi. Sakto namang naglakad si Santos papunta sa direksyon namin ni Agnes. Bigla akong nakaramdam ng guilt ng magtama ang mga mata namin ni Santos. Bakit para akong nakunsensya sa nangyari? Bakit pakiramdam ko kailangan kong habulin si Santos para ipaliwanag ang sarili ko? Why do I have these weird feelings? "Nine, akala ko aalis ka na?" pukaw ni Agnes sa atensyon ko. "Ha? ah oo aalis na ko" Agad kong kinuha ang bag ko na nakapatong sa upuan sa tabi ni Agnes at agad na naglakad palabas ng library. .... "Asan ka na ba? Mag uumpisa na ang game nila besty. Nagreserba na ako ng upuan dito para sa inyo ni Agnes." Basa ko sa chat sa akin ni Santos. Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko at agad na naglakad para sunduin si Agnes sa building nito. Tsk, kailangan pang sunduin. Imbes na nagdiretso na sana ako sa field. Pag ako talaga na-late sa game ng mga kaibigan ko dahil kay Agnes, I swear I will end our dating relationship. "Nine! Tara na, hinihintay kita dito. Natagalan ka yata?" Mabilis na kumapit sa braso ko si Agnes pagkalapit ko sa kanya. Iniabot pa nya sa akin ang shoulder bag nya para ako ang mabitbit nito. I cursed silently dahil sa inis. Like hello, magkalayo ang building namin, kung nagdiretso na lang din sya sa field imbes na naghintay pa na sunduin ko sya, edi hindi na sana sya naghintay diba? Tapos ako pa ginawang taga-bitbit ng bag nya. How come girls find this kind of set up as romantic? Anong romantic sa idea na ang lalaki ang ginagawang taga-sundo at taga-bitbit ng bag nila? Hindi ko namalayan at nakarating na kami sa field. Natanaw ko kaagad si Santos na nakaupo sa isang bench, kasama ng maraming students na nananonood din ng game. Kumaway pa si Santos sa akin para makita ko ng malinaw kung saan kami pupwesto. Kumaway din ako pabalik kay Santos to signal him na nakita ko sya at papunta na kami sa pwesto nya. "Tara, doon tayo." Pagyaya ko kay Agnes. Naglakad na kami papunta sa pwesto ni Santos kung saan sya nagreserba ng upuan para sa amin ni Agnes. "Hi Santos!" Masiglang bati ni Agnes kay Santos. Nanatiling nakaupo si Santos at nginitian lang di Agnes bilang tugon. Umupo na kami ni Agnes. I sit in between Agnes and Santos. Nakahinga ako ng maluwag when finally, Agnes let go of my arm. Parang tarsier kung makakapit eh. "Salamat sa pagreserba ng upuan para sa amin ni Agnes" Bulong ko kay Santos habang ang mga mata namin ay nakatuon sa field, pinapanood ang mga kaibigan namin na naghahanda na sa game. Ilang minuto na lang at mag uumpisa na ang laban nila. "Wala yun, maliit na bagay." Nakangiting nilingon ako ni Santos. Kumaway pa sya kina Francis para makita nila kami. Natuwa ako sa pinapakitanh suporta ni Santos sa mga kaibigan namin. Natatawa naman ako ng makita ko si Francis na kumaway pabalik sa amin, tumatalon talon pa ito sabay hila kay Ashley para ituro ang direksyon kung saan kami nakapwesto. Maya-maya ay nag umpisa na ang laban nila. Kinakabahan ako sa magiging laban nila. Syempre gusto kong manalo ang mga kaibigan ko. "Huy, parang ikaw ang nasa field at lumalaban" Pang aasar sakin ni Santos. "Kinakabahan ako eh" Sagot ko naman sa kanya. kinuha ko ang cellphone ko para kumuha ng mga stolen shots nila Francis at Ashley pati na rin iilang videos kapag nasa kanila ang bola. Napapasigaw at napapatayo pa ako sa tuwing nakakapuntos ang team ng mga kaibigan ko. "Yes!" Sabay pang sigaw namin ni Santos. Nag high five pa kami ng makapuntos si Ashley. Nakatayo na kami ngayon ni Santos, ganun din ang ibang audience na nanonood ng match. Lahat ay excited. Dikit ang score ng dalawang magkalaban na team. "Takte, ang galing din ng kalabang team nila Ash." Reklamo ko ng mapansin kong nasa kalaban ngayon ang bola. "Pustahan tayo kung sino ang mananalo?" Biglang tanong sa akin ni Santos. "Huh? seryoso ka? Ngayon mo pa naisip yan kung kailan hindi na ko halos makapag isip ng tama dahil kinakabahan ako sa magiging result ng game" Reklamo ko naman kay Santos. "Sige na, para mas lalong may thrill. Ano, game ka ba, takot ka yatang matalo kita eh?" Pangungumbinsi pa nya sa akin. At siguro likas talaga sa akin ang ugali na ayaw ng nagpapatalo kahit kanino dahil pumayag ako sa pustahan na gustong mangyari ni Santos. "Okay, game. Toss coin tayo para fair ang pagpili ng team" Kumuha ako ng coin sa bag ko para sa toss coin namin. Si Santos ang nagbato ng coin sa ere at sinambot nya rin ito kapag kuwan. "Head akin" banggit ko kay Santos. "Sige tail akin. Kapag head ang lumitaw, ikaw ang mamimili ng team mo. Kapag tail, ako ang pipili ng team ko." Paglilinaw ni Santos. Unti-unting binuksan ni Santos ang palad nya at... "Yes! Team nila Ash ang pinipili ko." Masiglang sagot ko kay Santos. Head kasi ang resulta ng toss coin namin. Syempre team nila Ash ang pipiliin ko dahil sigurado akong mananalo sila today. "Okay, so ang team ko naman yung sa kalaban nila besty." pagsang ayon naman ni Santos sa napili kong team. "So anong consequences kapag natalo sa pustahan?" Agad na tanong ko kay Santos habang mataman akong nanonood ng laban ng mga kaibigan namin. Nasa team na nila Ash ang bola.. Ilang minutes na lang at matatapos na match. Kailangan nilang makapuntos ngayon dahil kasalukuyan ng lamang ng isang puntos ang kalaban nila. "Sasabihin ko sayo after the game. Focus na muna tayo sa laro nila." Seryosong nanonood din si Santos sa laban ng mga kaibigan namin. "Ang daya naman. Sabagay, okay lang kasi sigurado akong team nila Ash ang mananalo". Mayabang na turan ko kay Santos. Matapos nito ay nagtuon na kami ng atensyon sa laban. Wala samin ang nagsasalita. More on sigaw lang at palakpak ang ginagawa namin, todo cheer kami sa team na napili namin. "Kung titingnan kayong dalawa, pang kasali rin kayo sa match. Ang cute nyo panoorin" Sambit naman ni Agnes. Oo nga pala, kasama namin si Agnes. Nawala na sa loob ko ang presensya nya. Hindi ako sumagot sa sinabi nya. Pinabayaan ko na lamang sya tutal mas priority ko ang match ng mga kaibigan ko. Maya-maya ay narinig na namin ang malakas na pagpito ng referee sa field. Kasabay nito ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga tao. "Yes! hahahahaa" Tumatalon na sigaw ko. Tuwang tuwa ako dahil sila Francis ang nanalo sa game. Sa sobrang tuwa ko ay agad kong niyakap si Santos. Grabe, nanalo ang mga kaibigan ko. Sobrang proud ako sa kanila. Agad rin akong kumalas sa pagkakayakap kay Santos ng marealize ko ang nangyari. Nilingon ko si Agnes, na-conscious ako bigla na baka nakita nya kaming magkayakap ni Santos kaso wala na si Agnes sa pwesto nito. Asan kaya sya? Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at doon ko nabasa ang chat ni Agnes na may emergency meeting daw sila sa club nila kaya nauna na syang umalis. "Nagpaalam sya sayo kanina kaso hindi ka kumibo, hindi mo ba sya narinig na nagsabi sayo kanina?" Napansin pala ni Santos na hinahanap ko si Agnes. "Hindi eh, naka focus kasi ako sa game. Nagchat naman sya sa akin, may meeting daw sila sa club nila." Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Buti na lang umalis na si Agnes, at least di ko na poproblemahin kung isasama ko ba si Agnes o hindi sa food trip naming magkakaibigan mamaya. Nangako kasi ako kina Ashley na ililibre ko sila after the game. Ayoko namang isama si Agnes dahil exclusive lang yun para sa aming magkakaibigan. I don't want to commit the same mistake Santos did before. "Tapos na ang game. Tara, abangan natin sila Ash sa labas ng locker room nila." Pagyaya naman sa akin ni Santos. Kinuha na nito ang bag nya. Nag uumpisa na ring magsi-alisan ang mga taong nanood ng laban kanina. "Sige, tara." Pagsang-ayon ko naman kay Santos. Sinakbit ko na ang bag ko sa balikat ko at naglakad na kami papunta kina Francis. It's kinda refreshing to be in this kind of bizarre moments. Yung masaya kami, at walang awkwardness sa isa't isa. "Halatang masaya ka, todo ngiti ka dyan. Congrats kasi nanalo ka rin today" Tukoy ni Santos sa pagkapanalo ko sa pustahan namin. Speaking of pustahan... excited na ko sa magiging punishment ko kay Santos since natalo sya sa bet namin. "Oo naman, masaya talaga ako ngayon" masiglang sagot ko sa kanya. Hinila ko na sya sa braso nya at patakbo kaming nagtungo sa mga kaibigan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD