CHAPTER 14: Confession

3218 Words
  “Waaaaa!!! Nanalo kami!” Bungad ni Francis sa amin ni Santos. Narito kami ngayon sa tapat ng locker room nila. Kakatapos lang nilang magpalit ng damit ni Ashley.   Lumapit ako sa dalawa kong kaibigan at niyakap sila. Syempre proud na proud ako sa kanilang dalawa, hindi ko lang sila kaibigan, kapatid na rin ang turing ko sa kanila.   “Congrats sa inyo. Grabe ang galing ninyo kanina” Proud na bati ko sa kanila.     “Syempre, magaling yata itong si Ashley. Nakita nyo ba, sya yung naka-goal kanina bago natapos yung game. Astig talaga!” Ginulo-gulo pa ni Francis ang buhok ni Ashley na kasalukuyang abalang inaayos ang laman ng bag nya.   “Tsk, kakaayos ko lang ng buhok ko, ginulo mo naman.” Reklamo ni Ashley sa ginawa ni Francis.   “See, may energy pa si Ashley na magreklamo. Cool diba?” Namamanghang pangungulit naman ni Francis kay Ashley.   “Ay naku, baka magkapikunan pa kayo dyan na dalawa. Tara na ba? Manlilibre pa itong si Nine sa atin!” Masiglang yaya naman ni Santos sa dalawang aso at pus ana naman sap ag-aasaran nila.   Akala mo hindi napagod sa game kanina.   “Oo nga pala, manlilibre ng apala itong si Nine!” Patalon na umakbay sa akin si Francis. Grabe pakiramdam ko mapuputol ang leeg ko sa pagkakaakbay nya sa akin.   “Doon ba ulit tayo sa food stall na pinuntahan natin noong nilibre tayo ni Santos?”Tanong ni Ashley sa akin. Magkasabay silang naglalakad ni Santos dahil todo akbay pa rin sa akin si Francis.   “Yes, master doon po tayo” Nakangiting sagot ko sa kanya habang pilit na inaalis ang braso ni Francis na nakaakbay sa akin. Ang bigat nya, jusko.   “Ehhh, wag mo alisin braso ko. Gusto kong umakbay sayo, napagod ako kanina sa game.” Pagmamaktol ni Francis dahil pilit kong inaalis ang braso nya. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang sya.   … “Ang daming tao yata ngayon?” turan ni Ashley kapag kuwan.   Napahinto kami sa paglalakad habang pinagmamasdan ang mga students na nagsisikainan sa food stall kung saan kami kakain ngayon.   “Tara doon tayo! May bakante banda doon.” Turo naman ni Santos sa bakanteng mesa sa may dulong bahagi ng food stall. Mabilis kaming naglakad papunta sa tinurong pwesto ni Santos dahil baka maunahan pa kami ng iba.   “Jusko Francis, umayos ka nga, para kang bata. Kailangan talagang tumakbo?” Paninita ni Ashley kay Francis. Tumakbo kasi ito dahilan para mabangga nya yung isang student na may dalang pagkain.   “Sorry, ayos ka lang ba?” Tanong naman ni Ashley sa lalaking muntikang mabangga ni Francis. Mukhang junior high pa lang ito. Naiilang naman na sumagot ang batang lalaki na hawak-hawak pa rin ang pagkain nito na nasa food tray.   “Ah, eh, opo okay lang po ako kuya.” Nahihiyang sagot naman nito kay Ashley.   “Akin na, tulungan n akita dyan. Pasensya ka na ulit sa kaibigan namin. Isip bata kasi yun.” Nakangiting kinuha ni Ashley yung food tray na hawak nung batang lalaki na kasalukuyang kausap nya ngayon. Ayaw pa sana nung batang lalaki na ibigay kay Ashley yung food tray kaso nakuha na ito ni Ashley sa kanya kaya kamot ulo na lamang ito na sumunod sa paglalakad ni Ashley at itinuro nya kung saan sya nakapwesto.   Nakatangang nakatingin lang kami nila Santos at Francis sa natunghayang pakikitungo ni Ashley sa batang lalaki.   “Nakikita nyo ba ang nakikita ko?” Tanong ko kina Santos at Francis habang ang mga mata ay nakatuon pa rin kay Ashley na inilalapag na ang food tray na dala nya sa table nung batang lalaking nabangga ni Francis.   “Nauntog ba kanina sa field si Ash, besty?” Tanong naman ni Santos kay Francis.   Umiiling na sumagot si Francis dahil kahit sya ay nagulat sa ginawa ngayon ni Ashley.   Nakangiting bumalik si Ashley sa amin.   “Bakit nakatayo pa kayo dyan? Muka kayong mga engot dyan.” Nilampasan nya lang kami at diretsong umupo na sa pwesto nya. Nagtatakang nilingon namin si Ashley.   “Alam nyo, ang weird nyo. Okay lang ba kayo?” Nagtatakang turan nya.   Hindi ko napigilang matawa dahil kami pa ang sinabihan nya ng weird.   “Hay naku, hayaan nan ga. Tara at umupo na rin tayo. Baka gutom lang tayo kaya kung ano-ano ang nakikita natin.” Natatawang umupo kami sa mga pwesto namin.   “Oh anong oorderin natin?” Tanong sa amin ni Santos. Sya kasi ang kausap ngayon ng waitress para kunin ang orders namin.   “Ako yung inorder mo dati plus maraming sawsawan.” Excited na sagot kaagad ni Ashley.   It’s very unusual to see Ashley acting like this. Ano kayang meron?   “Ako isaw plus yung suka na may sili na sawsawan.” Natatakam ako habang sinasabi yung orders ko. Na-miss kong kumain nun.   “Baka higupin mo na naman yung sawsawan, matamis na sawsawan na lang kaya ang s aiyo, Nine?” Seryosong nakatingin sa akin si Santos.   “Ang KJ mo naman, hindi naman na ako aatakihin ng acidity ngayon. I did not skip my breakfast today plus hindi ko hihigupin yung sawsawan, if yan nag concern mo.” Nakapout na sagot ko kay Santos. Grabe excited ako sa orders ko tapos babawalan nya ako. Tatay ko ba sya? Tsk..   “Don’t worry besty, behave yang si Nine ngayon, walang Sharmaine na kasama sa food trip natin ngayon eh” Pang-aasar sakin ni Francis. Sinipa ko nga yung paa nya sa ilalim ng mesa. Ako pa talaga ang aasarin nya.   “Sabagay, kanina pa sya walang mood swings. Pagbigyan na natin sya.” Pag sang-ayon naman ni Ashley.   Pinagtutulungan ba nila ako ngayon?   “Ehem, baka nakakalimutan ninyo, ako ang manlilibre ngayon.” Mayabang na sabi ko at nagcross arms pa ko. Sinasakyan ko lang pang aasar nila.   “Ay heto naman, syempre kampi ako sayo, Nine! Ikaw talaga Santos, lagi mo na lang inaasar si Nine.” Biglang sagot ni Francis sabay sakbit pa ng braso nya sa braso ko. Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay tawa sa inaakto nya.   Ilang sandali lang ay nakaorder na si Santos para sa aming lahat.   “Para tayong isang buong pamilya.” Bulong sa akin ni Ashley habang nakatingin kina Francis at Santos na abalang nag-aasaran sa harap namin ngayon.   “Ikaw ang mommy tapos si Santos ang daddy namin ni Francis.” Nasamid ako sa sunod na binulong sa akin ni Ashley at hindi makapaniwalang nilingon ko sya.   “Hahahahhaha” Namumulang tumatawa si Ashley dahil naibuga ko yung juice na iniinom ko sa kaharap kong si Francis na nabigla rin sa nangyari.   “What the?! Nine!” Napatayo si Francis sa pagkabigla at agad na kumuha ng tissue para punasan ang parte ng damit at mukha nya na nabugahan ko ng juice.   “Sorry! Si Ashley kasi” Depensa ko naman sa nangyari.   Tiningnan ng masama ni Francis si Ashley dahil tumatawa pa rin ito, pati si Santos ay nakikitawa na rin. Halos maiyak si Ashley sa pagtawa nya.   Seriously, ang weird ni Ashley ngayon.   “Alam mo, ang cute mo talaga” Nanggigil na sabi ni Francis at agad na ipinahid sa mukha ni Ashley yung tissue na pinangpunas nya kanina sa mukha nya.   Doon ay natawa na rin ako.   “Pwe! Ang alat!” Reklamo ni Ashley. Sasagot pa sana si Francis pero inawat na sya ni Santos dahil dumating na yung food namin.   Agad kong kinuha yung isaw at sawsawan ko. Medyo nahirapan pa ko dahil nasa kabilang side yung sawsawan ko. Hindi ko maabot. Tatayo na sana ako ng unahan ako ni Santos na abutin ito.   “Oh, hinay lang ha.” Inabot nya sakin yung sawsawan ko sabay paalala na maghinay hinay lang daw ako.   “Aye aye captain!” Sumaludo pa ko kay Santos.   “Akin na, ayusin natin yang mga isaw mo sa pagkakalagay dyan sa plato mo.” Kinuha ni Santos ang plato ko at agad na inialis sa stick yung mga isaw na order ko. Matapos gawin ito ay inabot nya sa akin ang mga isaw ko kasama ang isang tinidor upang magamit ko sa pagkain ng isaw.   “Yan, para hindi messy at hassle kainin.” Nakangiting tukoy nya sa mga isaw na nasa plato ko.   “Salamat po” Pabirong sagot ko naman sa kanya.   “Iced tea ang order mo diba? Sayon a itong iced tea ko, palit tayo.” Iniabot sa akin ni Santos yung iced tea nya. “Huh? Bakit naman? Parehas lang naman iced tea yung orders natin, bakit pa tayo magpapalit?” Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.  “Tingnan mo nga at natunaw na yung yelo ng iced tea mo. Matabang na iyan.” Kinuha nya ang iced tea ko at ipinalit ang iced tea nya.   Isa pa itong si Santos, weird din today.   Namamanghang tiningnan ko si Santos.   “Kain na, nakatulala ka pa dyan. Baka matunaw rin iyang si Santos gaya ng yelo sa iced tea mo.” Natatawang pang aasar naman ni Francis.   “Paalala ko lang, baka nakakalimutan ninyong kasama ninyo kami ha?” Biro rin ni Ashley sa amin ni Santos. Naconscious naman ako bigla dahil dito.   “Grabe naman kayo” Napakamot ng ulo si Santos.   Sa totoo lang, natutuwa ako sa nangyayari today. Kung pwede ko lang hilingin n asana huwag na itong matapos. Simple lang pero masaya kaming apat.   “Cheers sa pagkapanalo ng pinaka the best na kaibigan namin sa buong mundo” Iniaangat ko ang baso kong may lamang iced tea, iniangat rin naman ng mga kasama ko ang mga baso nila.   “Hahahaha grabe, nakaka-pressure naman para kay Francis yung ‘pinaka the best na kaibigan sa buong mundo’” Panunukso ni Ashley matapos naming mag cheers.   “Alam mo Ash, mas okay pala yung tahimik ka lang kesa yung hyper ka nga pero wala kang ibang ginawa kundi pagtripan ako. Balik ka na sa silent mode, please” Piangdikit pa ni Francis ang mga palad nya na akala mo ay nakikiusap ito kay Ashley.   Siraulo talaga kahit kalian.   Naiiling na pinagpatuloy na lang namin ang pagkain namin.   “Nine, halika lapit ka.” Bulong sa akin ni Santos. Nagtataka man ay lumapit naman ako sa kanya.   “Para kang bata kumain” Pinunasan nya ng tissue ang bibig ko. Natulala naman ako sa ginawa nya. Ang lapit kasi ng mukha nya sa akin.   Heto na naman yung puso kong sige na naman ang t***k. Agad akong umayos ng upo after mapunasan ni Santos ang bibig ko.   Napalingon ako sa mga tao sa paligid namin, baka kasi may nakakita sa ginawa ni Santos. Nakakahiya. Buti na lamang at walang nakapansin lalo na sila Ashley at Francis dahil busy sila sa pag uusap habang kumakain.   Nang masigurado kong wala namang nakapansin ay nagpatuloy na ulit ako sa kinakain ko. Kinuha ko ang mangkok kung saan nakalagay yung sawsawan ko. Akmang hihigop sana ako ng suka ng sabay-sabay na nagreact ang mga kasama ko.   “Subukan mo lang Nine, hindi na tayo kakain dito ulit.” May pagbabantang banggit ni Santos. Ashley and Francis gave me their warning look too kaya no choice ako kundi apologetic na ibinaba ang mangkok na hawak ko.   Pilit na ngumiti ako sa kanila sabay peace sign pa. Katakot ang mga itsura nila, ang OA masyado.   “Grabe, ano ako babae para i-baby ninyo?” Natatawang banggit ko pero hindi sila tumawa bagkus ay seryosong tiningnan lang nila ako.   Sabi ko nga, walang nakakatawa sa ginawa ko.   Napahawak ako bigla sa tyan ko. Humilab kasi ito at medyo makirot.   Lagot ako nito…   “Okay ka lang?” Bulong sa akin ni Santos. Sya kasi yung malapit sa pwesto ko.   “Medyo kumirot lang yung tyan ko.” Bulong ko rin sa kanya habang hawak-hawak ang tyan ko.   “Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Tara na sa ospital kesa mag-collapse ka pa dito.” Mabilis na iniayos ni Santos ang mga kinainan namin sa harap namin at lumapit sa akin.   “Huwag kang OA, sumakit lang tyan ko, hospital na agad, di ba pwedeng sac r muna? May cr ba dito? Napopoop ako” Sagot ko sa kanya. Kainis, sumakit lang tyan, hospital na kaagad?   “Meron doon banda sad ulo, tara samahan na kita.” Tumayo si Santos at sumunod naman ako.   “Hoy, san kayo pupunta?” Pasigaw na tanong ni Francis. Hindi na kasi nakapagpaalam sa kanila dahil napo-poop na talaga ako.   “Sa cr!” Pasigaw naman na sagot ni Santos. Napa-face palm naman ako dahil kailangan talagang pasigaw sila mag usap? Pati mga students sa katabing table namin ay napalingon rin sa amin.   Nababawasan ang ka-pogian ko dahil sa mga kaibigan ko. Tsk.   Hinila ko na si Santos dahil napo-poop na talaga ako at mas lalong nakakahiya kapag dito ako nagkalat ng dumi ko.     “Ito Nine, dito ka na lang sa cubicle na ito. Malinis sa loob. Hintayin na lang kita dito sa labas.” Binuksan ni Santos ang isang cubicle at chincek ito. Nang masigurado nyang malinis ito ay saka naman ako agad na pumasok upang magbawas.   “Nakakahiya, si Santos pa talaga kasama ko dito. Baka ma-turn off sya sakin!” Reklamo ko sa sarili ko. Maya-maya ay natapos na rin ako at ready na akong maghugas ng mapansin kong…   Walang tabo!   Kainis namaaaan!!!   Nahihiya man ay no choice na ako kundi tawagin si Santos para magpatulong.   “Santos, andyan ka ba sa labas? Walang tabo dito sa loob. Makikisuyo sana ako”   Waaa!!! Nakkahiya na sobra!   “Ito yung tabo, nakuha ko sa kabilang cubicle. Buksan mo yung pinto para maabot ko sayo itong tabo.” Narinig kong utos ni Santos sa akin. Kahit nahihiya ay bahagya kong binuksan ang pinto ng cubicle kung saan ako nakapwesto at kaagad kong kinuha yung tabo na iniaabot sa akin ni Santos.   “Kamusta, okay na ba nag tyan mo?” Usisa sa akin ni Santos pagkalabas ko ng cubicle.   “Oo okay na tyan ko, Salamat.” Simpleng tugon ko naman sa kanya.   “Tara, balik na tayo baka nagsaksakan na ng tinidor sila Francis sa pag-aasaran nila ni Ashley.”   “Teka, yung tungkol pala doon sa pustahan natin. Since ikaw ang nanalo, ikaw ang mamimili.” Huminto ako sa paglakad at nilingon ko si Santos na nasa likuran ko nakasunod.   “Ano naman ang pagpipilian ko?” Curious na tanong ko sa kanya. Actually, nawala na sa loob ko yung pustahan namin kanina. Hindi ko naman kasi sineseryoso talaga yung pustahan namin na iyon.   “Ikaw ang pipili. Itutuloy mo ang pakikipag date kay Agnes o papayag kang makipag date sa akin.” Diretsahang tugon sa akin ni Santos.   Teka, naloloading yata yung utak ko.   Makipag date kay Agnes o makipag date ba sa kanya yung sinabi nya?   “Teka, hahahaha ibang klase naman yang joke mo.” Kunwari ay natatawang banggit ko kay Santos upang pagtakpan yung kaba na nararamdaman ko.   Ano ba itong kalokohang sinasabi nya? Bakit naman nya gugustuhing makipag date sa akin? Parehas kaming lalaki saka ang alam ko may something na sila ni Sharmaine? Kahit hindi nya aminin, kita naman sa actions nya na gusto nya si Sharmaine, so bakit nya ito sinsabi sa akin ngayon.   “Alam mong seryoso ako Nine” humakbang sya papalapit sa akin habang ako, nakatangang nakatitig lang sa kanya.   “Wait lang ha, nakakalimutan mo yata, parehas tayong lalaki” Sagot ko sa kanya.   “Alam kong parehas tayong lalaki.” Nonchalant na sagot sa akin ni Santos.   Argh! Mababaliw na naman ako sa kanya. Okay na kanina eh, masaya na kami bakit kailangan pang maudlot dahil sa ganitong bagay?   If this is a joke or a prank, hindi ako natutuwa.   “Kung prank nyo lang ito ni Francis, tigilan mo na. Hindi ako natutuwa.” Seryoso ang mukha na hinarap ko si Santos.   “Seryoso ako, Nine” Humakbang ulit sya papalapit sa akin. Mahihimigan ang sincerity sa boses nya pero tila ba may wall sa akin na hindi magawang magtiwala agad sa aknya ng buo.   Hindi nyo naman siguro ako masisisi diba? Sa pagkakaalam ko kasi ay straight si Santos tapos all of a sudden, magco-confess sya sa akin at yayayain akong makipag date sa kanya? Sige nga, paano namin ito ipapaliwanag sa mga kaibigan namin? Alangan namang ilihim namin ito kina Francis? Hindi naman ako papayag na papasok ako sa isang relasyon na inililihim lang lalo na sa mga taong mahalaga sa akin.   May pagka-territorial akong tao, baka mamaya may makahati pa ko sa kanya kung ililihim namin yung relasyon namin, diba?   Hayst ewan! Ang dami na agad pumapasok na ideas sa utak ko.   “Alam mo kasi Santos yung mga ganitong bagay hindi dito sa labas ng cr pinag-uusapan. Bumalik na tayo kina Francis, baka gutom lang yan, hindi ka ba nabusog sa kinain natin mula kanina?” Pag-iiba ko ng topic.   Hello, anong gusto ninyong i-react ko sa sitwasyon ngayon?   “Iiwas ka na naman, tama?” Nahimigan ko ang lungkot sa boses nya.   “Jusko, ang romantic naman sobra, confession sa labas ng cr talaga? Grabehan naman ito.” “Ngayon ka pa talaga nag-inarte?” Pangungutya ng utak ko sa sarili ko.   Naputol ang nasa isipan ko ng maramadaman ko ang mga kamay ni Santos na humawak sa mga kamay ko. Napalingon ako sa kanya.   Iiwas ba ako ulit gaya noon o haharapin ko ito ng lakas loob lalo na at ngayong nalaman kong he likes me too? Magulo ang isipan ko pero ayoko nang maging unfair. Pagod na rin akong tumakbo at umiwas. Huminga ako ng malalim at buong lakas ng loob na sinagot si Santos.   “One step at a time. Patunayan mo munang totoo iyang sinasabi mo sa akin ngayon.” Iyon lang sinabi ko sa kanya at akmang maglalakad na ako pabalik sa mga kaibigan namin.   Aaminin ko, mahal ko na nga talaga si Santos pero sya, mahal nya ba talaga ako? I have to be sure. Ayokong itaya ang lahat para sa taong hindi pala sigurado sa akin.   Sabi nga ni Ash, I must use both my heart and brain. This time, I am going to use them both. I did not accept his confession and I did not reject it either. Gusto ko lang makasiguradong totoo ang nararamdaman nya sa akin.   “Santos?” Nilingon ko sya dahil nanatili lang syang nakatayo at nakatingin sa akin. Naglakad tuloy ako pabalik sa kanya at hinawakan sya sa braso. Ayokong may awkwardness kami sa isa’t isa pagbalik namin sa mga kaibigan namin.   “Ako ang nanalo sa pustahan diba? It means, ako ang masusunod.” Kinindatan ko pa sya. Natawa ako ng bahagya ng mapansin kong agad na namula ang tenga nya at nagliwanag ang aura ng mukha nya. Sumilay ang ngiti sa mga labi nya.   “Tingnan natin kung gaano mo katagal na mare-resist ang isang Sebastian Santos na kagaya ko.” Tumayo sya ng tuwid at tila ba ginagaya si Francis sa tuwing nagyayabang ito.   Natawa ako sa inasal nya kaya hinila ko na sya. Nahahawa na sya kay Francis. Ang layo na nya sa Santos na mahiyain noon.   “Let’s just see.” Kibit-balikat na sagot ko naman sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD