CHAPTER 15: First date

3317 Words
“Nine, may napapansin ka bang parang kakaiba kay Santos?” Kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon at hinihintay namin ang next prof namin nang lumapit sa akin si Francis upang mag usisa. Parang kanina labg ay busy sya sa pakikipagkulitan sa mga kaklase namin na nakakalaro nya rin ng basketball, ngayon ay heto at ko naman ang balak nyang kulitin.   “Wala, bakit ano bang meron?” Simpleng tugon ko habang abala akong nagtatype sa cellphone ko upang magsend ng reply kay Santos. Nagchat kasi ito sa akin, tinatanong kung tuloy ba kami mamaya sa usapan naming pagpunta ng mall. May bibilhin daw kasi syang libro sa national bookstore at nakiusap syang samahan ko sya. Pumayag naman ako since wala naman akong gagawin after class.   ‘Oo, tuloy tayo later. Kita na lang tayo sa labas ng building namin after class.’ Reply ko kay Santos. Wala pa siguro ang prof nila kaya may time pa itong magchat sa akin.   ‘Okay sige, sunduin kita mamaya.’ Mabilis na reply naman nito sa akin. Napapangiti akong tinititigan ang cellphone.  Wala lang, bakit ba? Natutuwa lang ako na nakakausap ko na ulit sya tulad ng dati, yung hindi ko na kailangang umiwas sa kanya since malinaw naman na ang napagkasunduan namin. "Aling kasunduan? yung liligawan ka ba nya?" panunukso ng isipan ko sa sarili ko. "Excuse me, hindi panliligaw ang tawag dun" agad na depensa ko naman sa sarili kong utak na napaka usisero. Akmang ibabalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko ng... "Sino nililigawan?" Maang na nakatingin sa akin si Francis. The fudge, nasabi ko ba ng malakas? "Huh? anong nililigawan? pinagsasabi mo dyan?" kunwari ay wala akong idea sa sinasabi ni Francis. Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko. Mahirap na, baka masilip pa ni Francis kung sino ang kachat ko. “Tsk, nagtanong pa ko sayo, eh isa ka rin sa umaaktong weird ngayon. May mga sapi yata kayo. Tingnan mo si Ashley, sige rin ang ngiti sa harap ng cellphone nya. Nababaliw na rin yata yan.” Napatingin naman ako sa direksyon ni Ashley na ngayon ay nakaupo sa left side ko. Abala itong nagta-type sa cellphone nya at paminsan minsan ay napapangiti ito at napapakagat labi. Hmm.. ano kayang meron? Tsk nahahawa na rin ako kay Francis sa pagiging usisero.   Nagkatinginan kami ni Francis at may mga pilyong ngiti na sumilay sa aming mga labi. Tumango ako sa kanya bilang senyales sa nabubuong plano sa aming isipan. Pasimple kaming pinalibutan si Ashley at sinilip ang pangalan ng kung sino man ang kachat nito na syang nagpapangiti sa kaibigan naming pusong bato. "Hep! Sino yan ha?!" Pang aasar ni Francis kay Ashley. Aagawin sana namin yung cellphone ni Ashley kaso mabilis nya itong naitago sa bulsa ng kanyang pantalon. "Wala." Bumalik ulit sa serious mode ang mukha nito. Malayo sa kaninang itsura nya na todo ngiti. Actually, bihira lang namin makita si Ashley na nakangiti, yung genuine smile ba o yung tumawa man lang. Madalas kasi itong seryoso ang mukha kaya wala syang kaibigan kundi kami lang talaga ni Francis. Nakakatawa nga eh, kasi required kaming sumali ng kahit isang club bilang parte ng extra curricular activities namin, at itong si Ashley ay nagdecide na lamang na sumali sa soccer team nila Francis para kahit papano ay hindi sya mahirapan sa pakikisama sa ibang tao. Aloof kasi sya pero magaling sya sa soccer kaya mabilis lang din syang nakapasok sa team nila. Inakbayan ko si Ashley at saka sya binulungan, "mamaya share mo sakin yang secret mo, tayong dalawa lang, wag natin isali si Francis kasi madaldal yan" tapos ay tumawa pa ko. "Siraulo ka Nine, bulong ba tawag dyan sa ginagawa mo? Nahiya ka pa na iparinig sakin" Hinampas ako sa braso ni Francis ng librong hawak nya kaya mas lalo akong natawa. "Hahahaha kung weird kami, mas lalo ka na. Baka lagnatin ka, libro ng Web Design agad yang hawak mo" Biro ko kay Francis dahilan para hampasin nya akong muli. "Aray, masakit na ha!" Aambaan ko pa sana sya na kunwaring susuntukin ko sya ng saktong pumasok na ang prof namin kaya umayos na kami ng pwesto. ... "Nine, kita na lang tayo bukas! Huwag mong kalimutan isend sakin mamaya yung nagawa mong design, para may reference kami ni Ashley. Hindi pa kami tapos sa portfolio namin." Nasa parking lot na kami ngayon. "Opo kamahalan, isesend ko po mamaya." Nag bow pa ko kay Francis para asarin sya. "Salamat Nine. Send ko na lang din yung power point na nagawa ko. Tapos na yun, hindi nyo na kailangang gawin pa. I-save nyo na lang din para may back up tayo" Pagbibigay alam naman sa amin ni Ashley na ngayon ay nakatayo na sa tapat ng sasakyan nya. "Sige sige, salamat." Pagkasabi ko nito ay pumasok na silang dalawa sa sasakyan ni Ashley. Sabay na sila ulit na pumapasok at umuuwi ngayon kaya sa tingin ko ay umuusad na talaga si Ashley sa pagmo-move on nya kay Francis plus meron pa syang bagong nakakausap ngayon na hindi nya pa naikukwento sa amin. Di bale, kapag handa na syang magsabi sa amin ay for sure na sasabihin nya iyon kaagad sa amin. Napansin kong ibinaba pa ni Francis ang salamin ng bintana ng sasakyan ni Ashley at dumungaw ito sa akin. "Hindi ka pa ba uuwi? Wala pa yata si Kuya Leo?" Kahit kailan talaga. Daig pa nito paparazzi sa pagiging chismoso nya. "Pabayaan mo sya, may lakad pa yan". Tipid na sagot ni Ashley sabay hatak nito kay Francis paupo muli. Bumusina pa si Ashley bago nito tuluyang pinaandar ang sasakyan. Sakto namang pagkaalis nila Ashley at Francis ang pagdating ni Santos. "Ichachat pa lang sana kita, buti andito ka na" Medyo nahihiyang bati ko sa kanya. "Pasensya ka na medyo natagalan ako, tinulungan ko pa kasi sila Sharmaine doon sa bulletin board ng club namin." Apologetic na sabi nito. Nabura yung ngiti ko nang marinig ko ang pangalan ni Sharmaine. Ewan ko ba kung bakit apektado pa rin ako sa tuwing nalalaman ko na may interactions pa rin silang dalawa. Gusto kong ipagdamot si Santos. Okay lang makisalamuha sya sa iba, basta wag lang kay Sharmaine. Para kasing there is something off about her kaya hindi ako kampanteng nagkakasama sila although alam kong hindi maiiwasan iyon since magka-course silang dalawa. "Nine?" tawag sa akin ni Santos. "Huh?" tanong ko naman sa kanya. Hindi ko kasi narinig yung sinasabi nya. "Ang sabi ko, tara na? Baka kasi gabihin tayo. Okay lang ba sayo na mag commute tayo?" napakamot pa sya ng ulo nya, tila nag aalangan sya na magsabi sakin. "Oo naman, tingin mo sakin maarte? Ano tara na ba?" Nauna na akong naglakad kaya agad na sumunod sya sa akin. Kasalukuyang nasa labas na kami ng university at naghihintay na lamang ng jeep na masasakyan. Balak ko pa sanang mag offer na mag taxi na lang kami at ako na lang ang magbabayad ng pamasahe dahil naiinip na ko sa paghihintay ng jeep. Karamihan kasi ng jeep na napapadaan ay puno na ng pasahero. "Heto Nine, dito tayo" Agad na hinawakan ni Santos ang kamay ko pasakay ng jeep na huminto sa tapat namin. Sakto at dalawa ang kulang na pasahero nito. Nauntog pa yung ulo ko sa parang bakal na nakakabit sa itaas na bahagi ng jeep. "Aw" mahinang sambit ko habang hinihimas ang parte ng ulo ko na nauntog. Mahirap pala mag jeep kapag matangkad, may tendency na mauuntog. "Patingin nga, nabukulan ka yata" Akmang titingnan ni Santos ang ulo ko ng umiwas ako sa kanya. Na-conscious kasi ako sa mga tao sa loob ng jeep na nakatingin sa amin. "Wala naman siguro, di naman masakit, nabigla lang ako" Pa-cool na sagot ko sa kanya. "Buti ikaw di ka nauuntog pag nagje-jeep ka? Mas matangkad ka sa akin eh" I started a simple conversation with him since naiilang ako sa mga matang nakamasid sa amin sa loob ng jeep. "Sus, sanay ako sa ganito. Minsan nga pag male-late na ko sa klase tapos punuan ang jeep, sumasabit ako dyan" sabay turo nya sa pinto ng jeep kung saan ay may mga nakasabit na pasahero rin ngayon. "Punuan kasi ang byahe sa area na ito kaya parang may zombie apocalypse lalo na pag rush hour kaya dapat mabilis kang tumakbo para makipag unahan sa pagsakay" Napapatitig lang akong nakikinig kay Santos. Ang simple nyang tao, walang bakas ng yabang sa katawan. Maya-maya ay huminto ang jeep sa tapat ng isang simbahan. Dalawa na lang ang lalaking nakasabit sa jeep, aandar na sana ang jeep ng may matandang lalaki ang biglang sumakay and since puno na ang jeep at wala ng bakanteng upuan ay sasabit na lamang sana ito ngunit pinigilan sya ni Santos. "Nine, okay lang ba na sa tabi mo na lang umupo si tatay? sasabit na lang ako para makasakay na sya." Bulong sakin ni Santos, tinanguan ko na lamang sya bilang sagot. "Tay, dito na po kayo, sasabit na lamang po ako" Inalalayan pa ni Santos na makasakay ang matandang lalaki na may bitbit pang bayong. "Boss saglit lang!" Sigaw ni Santos sa driver ng jeep upang hindi agad ito umandar dahil hindi pa nakakaupo ng maayos ang mqtandang lalaki. Nang masiguradong nakapwesto na ng maayos yung matandang lalaki ay malakas na kinatok ni Santos ang gilid ng jeep, loud enough para marinig ng driver. Parang signal siguro yun na pwede ng umandar yung driver dahil napansin kong tumango pa yung driver after nito marinig si Santos. "Iho, patulong naman ako, pakibilang itong barya ko, hindi ko na kasi masipat ang piso sa limang piso. Masyadong malabo na ang mga mata ko" Tumango naman ako sa matandang lalaki na katabi ko kaya inabot kaagad nya sakin ang baryang hawak nya. "Tay, saktong 15 pesos po ang barya ninyo." Bulong ko naman sa matandang lalaki. "Teka, magkano ba ang pamasahe mula simbahan hanggang palengke? Mamimili kasi ako para sa misis kong may sakit. Ipagluluto ko sya ng paborito nya. Tiyak na matutuwa iyon" Upon hearing the old man's statement, tila ba dinudurog ang puso ko. Heto na naman yung pakiramdam na gusto kong tumulong at yung pakiramdam na nasasaktan ako para sa taong kausap ko na nakakaranas ng pagsubok sa buhay. Hindi ko alam kung magkano ba ang pamasahe sa jeep kaya sinenyasan ko si Santos para tanungin ito. "Ako na magbabayad sa pamasahe nyo Tay, itabi nyo na ho iyang pera ninyo" Nakangiting turan naman ni Santos sa matanda. Dumukot sya ng 50 pesos sa bulsa nya at ibinayad sa driver. Nakisuyo pa sya sa mga pasahero para iabot ang bayad nya. "Kuya, tatlo po yang sa singkwento. Isang palengke ang baba at dalawang SM ang baba." Sigaw nya sa driver. "Salamat sa inyo. Napakababait ninyong mga bata. Tularan sana kayo ng ibang kabataan" Pagpapasalamat ng matandang lalaki sa kabutihang ipinakita ni Santos sa kanya. Sa totoo lang ay nadagdagan ang paghanga ko kay Santos. At least hindi lang ako ang may pagnanais na makatulong sa kapwa. It's good to know that we share the same principle in life. Plus points for Santos. "Para po kuya!" Nauna na kaming bumaba ni Santos since SM lang naman kami. Nagpaalam pa sa amin at muling nagpasalamat ang matandang lalaki na tinulungan ni Santos sa jeep kanina. Nauna kaming nakababa sa kanya since sa palengke pa ang baba nya. "Pasensya ka na, hindi kita natabihan kanina. Naawa kasi ako dun kay Tatay. Baka nailang ka buong byahe?" Nasa may loob na kami ngayon ng mall at naglalakad patungong National Bookstore. "Wag mo ako masyadong i-baby. Tingin mo naman sa akin? Okay lang yung kanina ano ka ba. Natuwa pa ako na may natulungan tayo kanina plus naexperience ko pa ang mag commute. At least next time, marunong na akong mag jeep." Proud na sagot ko naman kay Santos. "Ikaw talaga" He said as he patted my head. Napatungo ako bigla at nahiya. Ramdam kong uminit ang mga pisngi ko dahil sa simpleng gesture nya. "Namumula ka...sobrang init kasi kanina sa labas, gusto mo bili muna tayo ng drinks?" Waaaa!!! napansin pala nyang namumula ako. "Ha, ah, eh... oo tara bili muna tayo ng drinks, nauuhaw rin ako eh" Mabilis na naglakad ako pasakay ng escalator para mapagtakpan yung embarrassment ko. Muntik pa akong matumba ng magkamali ako ng hakbang, mabuti na lamang at mabilis na nahawakan ni Santos ang braso ko. "Ingat, yan ka na naman sa pagiging lampa mo" "Excuse me?" kunwari ay na offend ako sa sinabi nya sa akin. "Hahahaha bilis mong mapikon" Natatawang sagot naman nito sa akin. "Anong specific drinks ba gusto mo?" Tanong nito sa akin habang ang mata nya ay abala sa pagsipat sa paligid namin para humanap ng mabibilhan namin ng maiinom. "Ahm.. gusto ko ng milktea. Tara doon tayo!" Tinuro ko naman sa kanya yung Coco Milk tea na ngayon ay may mahabang pila ng customers. "Sigurado ka ba? Mahaba ang pila, baka mainip ka?" Nag aalangan pa sya sa gusto ko kaya hinila ko na sya para makapila na agad kami. "Sure na sure. See? nakapila na tayo. Tingin ko, mabilis lang yan" Mayabang na turan ko pa sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ito kaya tahimik na pumila na lamang kami. 10 minutes na ang nakakalipas, tila hindi pa rin umuusad ang pila. Patience is a virtue, Nine. Kalma ka lang. 20 minutes na, pang lima kami sa pila. Naiinip at nangangalay na ako. "Kaya pa?" Bulong sa akin ni Santos. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Nahimigan nyang wala na ako sa mood kaya hindi na sya nagtangkang magtanong pa sakin muli. 40 minutes. Kami na ang nasa unahan. Sa wakas, muntik na maubos ang metro ng pasensya ko. "Isang large na Two Ladies with puddings" Order ko sa babaeng nasa counter. "Ikaw, anong gusto mong orderin? ako naman ang manlilibre" Tanong ko kay Santos. "Regular size ng Taro milk tea sa akin" Sagot nito sa akin. Akmang dudumot na ito ng pera sa bulsa nya ng tingnan ko sya ng masama kaya ibinalik nya rin yung pera nya sa bulsa nya. "Saka isang regular size ng taro milktea" Pagbibigay alam ko sa crew ng Coco Milktea. "Sir, naubos na po pala ang pudding namin" Apologetic na banggit sa akin ng babae. Napabuntong hininga ako. Kanina pa kasi tinetest yung patience ko. Ayoko namang ipakita kay Santos na maiksi ang pasensya ko, syempre nagpapa impress din ako sa kanya. "Sige okay lang" pilit na nginitian ko yung babae. "Salamat po sir, pakihintay na lang po sa waiting area yung order ninyo". Nagpunta kami ni Santos sa may waiting area. Unfortunately ay wala ng bakanteng upuan kaya no choice kundi, nakatayo pa rin kami. Nagsisisi na ako na dito ko piniling bumili ng drinks. Tsk. "Grabe patok na patok talaga sila ngayon" Santos said. He's trying to make a conversation, to lighten up my mood. "Oo, dumami kasi ang fan ng milk tea kaya marami ring nagsisukputan na iba't ibang milktea businesses" Sagot ko naman sa kanya kahit wala ako sa mood. Nangangalay na kasi yung paa ko. "Hindi ka ba nangangalay?" Curious na tanong ko sa kanya. Mula pa kasi kanina ay nakangiti lang ito at hindi mababakasan ng pagkapagod o pagkainip. "Naku, sanay na sanay ako sa pagtayo. Sa duty ko palang sa library pag nagsheshelving ako, minsan inaabot ako ng 3-5 hours para doon. Sa course ko rin, required na sanay kaming nakatayo kasi wala namang teacher na nakaupo magturo lalo na kapag mga bata ang students." "Sabagay, may point rin naman" If kaya nya, dapat ako, kaya ko rin. Tsk, wala pang one hour na nakatayo ay nagrereklamo na ako? Hayst.. "Sa totoo lang mas konti ang pila ng tao ngayon kumpara kahapon na mas marami ang nakapila dito" Nagtaka naman ako sa narinig ko mula sa kanya. So galing din sya dito kahapon? "Nagpunta ka dito kahapon?" Tanong ko sa kanya habang ang mata ko ay abalang nakatingin sa counter, nag aabang na tawagin na yung number namin para makaalis na kami dito. "Ah oo, sinamahan ko si Sha bumili ng materials para dun sa bulletin board na inayos nila kanina sa school. Okay, hindi ko alam kung naiirita ba ako dahil nangangalay na ako sa pagtayo dito, naiinip sa paghihintay sa orders namin o dahil nalaman kong magkasama sila ni Sharmaine dito kahapon? "Nagpunta ka na pala dito kahapon kasama si Sharmaine, bakit di mo pa binili kahapon yung librong bibilhin mo kamo?" Halata sa tono ng boses ko ang pagkainis. Hello, sino bang hindi mapipikon? Hindi ko sana mararanasan lahat ito ngayon kung kahapon binili na nya yung libro kasama si Sharmaine. "Eh kasi..." hindi na naituloy ni Santos ang saabihin nito dahil tinawag na ng babae sa counter ang number namin, hudyat na ready na ang orders namin. Lumapit ako sa counter without glancing at Santos' direction. Kinuha ko ang order ko at kahit hindi naman talaga ako nauuhaw ay humigop kaagad ako rito para lang makaiwas sa pakikipag usap kay Santos. Iniabot ko naman kay Santos ang order nya at dire-diretso na akong naglakad patungong escalator, paakyat sa naional bookstore. Walang imikan na naglalakad kaming dalawa papasok ng national bookstore. Sinusundan ko lang si Santos sa paglalakad nya patungo sa shelf kung saan nakapwesto yung librong bibilhin nya. Nagpapasama lang naman syang bumili dito ng libro na kailangan nya, so basically, hindi namin kailangang mag usap, tama? Napansin kong puro pang-educ ang mga libro sa shelf. Mukang libro para sa course nya ang bibilhin nya. "Nahanap ko na Nine, tara na?" Pinakita pa nya sa akin yung librong napili nyang bilhin. Nagtungo na kami sa cashier upang magbayad. Pricey rin pala ang libro nila. Ang nipis nung libro pero 500 pesos na. Naglalakad na kami palabas ng National Bookstore. Tuloy pa rin ako sa paghigop sa milktea ko since large ang inorder ko. Yung sa kanya ay mabilis nyang naubos, regular size kasi ang inorder nya. "May gusto ka pa bang puntahan natin?" Tumigil ako sa paglakad dahil napansin kong huminto sya sa paglalakad nya. Gumilid pa kami para di makaabala sa mga taong naglalakad. "Wala naman na, gusto ko na ring umuwi" Pilit kong itinatago ang pagkadismaya ko. Nafru-frustrate kasi, pakiramdam ko failed yung first date namin although maaaring para sa kanya ay hindi naman date na matatawag ito. "Ganun ba? Sige ihahatid na kita pauwi tutal 7pm na rin naman." Hindi ko alam pero parang nahimigan kong malungkot din sya sa nangyari. Hayst, Nine!!! Bakit mo kasi hinayaang mangibabaw yang immaturity mo imbes na inenjoy mo na lang sana yung oras na kasama sya. Gusto kong sapakin sarili ko ngayon, hayst!!! "Wag na, magtataxi na lang ako pauwi para makadiretso ka na rin ng uwi sa inyo, for sure naghihintay na sila Kuya Leo sayo" Naka-leave kasi ngayon ni Kuya Leo kaya hindi nya ako masusundo. Bihira lang na mag leave si kuya Leo ng weekdays dahil personal driver ko sya, pinayagan lang sya nila mama ngayon dahil sinabi ko rin kina mama na si Santos naman ang kasabay ko pauwi ng bahay but since ginabi na kami ni Santos, hindi na ko magpapahatid sa kanya, ayoko rin syang maabala pa. "Ihahatid na kita pauwi, okay?" Determinadong tumutol si Santos sa sinabi kong magtataxi na lang ako pauwi. "Magtataxi na lang ako, hindi naman malalaman nila mama na nagtaxi lang ako pauwi eh. Para makauwi ka na rin agad sa inyo" Pagmamatigas kong sagot kay Santos. Hayst, pauwi na nga kami, pero nagtatalo pa kami. "Ihahatid kita." Maotoridad na sagot ni Santos, then he grabbed my arms para akayin ako palabas ng mall. Hinayaan ko na lamang sya sa gusto nya, kesa mas lalo pang lumala ang pagtatalo namin. Tsk, this is supposed to be a fun-filled experience with him yet I ruined it by letting my immaturity get into me.  Hay naku, Nine. Napakagaling mo talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD