CHAPTER 16: Try Again

5000 Words
"Kahapon, sige kayo ngiti, ang saya-saya ninyong dalawa, pero ngayon aabot na yang mga nguso ninyo sa EDSA" Bungad ni Francis sa amin ni Ashley na kasalukuyang nakapangalumbaba habang kumakain dito sa cafeteria.  Hindi namin sya inimik; funny thing is sabay pa kaming napabuntong-hininga ni Ashley. Actually hindi ko alam kung ano ang problema ni Ashley since hindi nya ugaling mag kwento sa amin. Hindi rin namin sya tinatanong ng direkta kasi ayaw nya ng ganun. Basta pag tahimik sya, hayaan lang namin sya, maya-maya okay na sya. Ayaw nya ng ini-interrogate sya though concern lang talaga kami sa kanya. As for me, hindi ko alam paano ikwekwento sa kanila yung nangyari kahapon. Nafru-frustrate pa rin kasi ako until now. Sigh...  "Nine, umamin ka nga ha! nakabuntis ka ba?" Tinitigan ko lang si Francis habang abalang sumisipsip sa inorder kong milktea. Wala akong energy para sa malawak na imagination ng kaibigan ko. "Kung nabuntis mo si Agnes, pare panagutan mo, maging responsableng lalaki ka." Agad na naibuga ko ang milktea na iniinom ko dahil sa pagkasamid.  "The fudge Nine! Kadiri ka naman eh!" Reklamo ni  Francis na abalang nagpupunas ng mukha nya na nabugahan ko ng milktea. "Ano ba kasi Francis! Bakit ko namna mabubuntis si Agnes? Pano mangyayari yun eh ni hawakan nga kamay nun di ko magawa. Kadiri ka!"  Pagrereklamo ko rin kay Francis dahil sa sinabi nitong napaka out of this world.  Hinihintay ko ang rebut ni Francis pero tila natahimik ito at napatigil sa pagpupunas. Napalingon rin sa kinauupuan ko si Ashley.  "Nine?" Isang tinig ang narinig ko na tumawag sa pangalan ko at sa mga oras na ito, gusto ko biglang lumubog sa kinauupuan ko at magpalamon sa lupa. Dahan-dahan akong tumayo at hinarap ang babaeng tumawag sa akin. Alanganing ngiti ang naigawad ko kay Agnes. Akmang magsasalita na sana ako para ipaliwanag yung narinig nyang sinabi ko. Hindi kasi ako sigurado kung alin sa mga nasabi ko ang narinig nya. Naka-cross arms si Agnes at halata sa mukha nito na hindi nya nagustuhan ang narinig mula sa akin. Yes, hindi ko gusto si Agnes pero hindi ako tarantadong lalaki na walang pakealam sa damdamin ng babae. Aminado akong kasalanan ko at ako ang may mali na umabot pa ko sa puntong may na-involve na ibang babae para lang maklaro ko yung feelings ko para kay Santos. "So all this time, wala palang patutunguhan yung 'atin' kasi ang tingin mo sa akin ay kadiri?" Mataas ang boses ni Agnes. Napapalingon na sa  direksyon namin yung ibang mga students na malapit sa pwesto namin. "Ag.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, maski ang pagtawag sa pangalan nya ay hindi ko naituloy dahil sa malakas na sampal na iginawad sa akin ni Agnes. Ramdam ko ang bigat ng mga palad nya na dumapo sa pisngi ko, bigat ng palad nya na nagpapahiwatig kung gaano kabigat ang nararamdaman nya, kung gaano ko syang nasaktan. Napansin kong nabigla rin ang ibang mga nasa paligid namin sa natunghayan nila pero wala akong pakealam. Ang concern ko ay si Agnes dahil umiiyak na sya ngayon. Sila Francis at Ashley ay napatayo rin sa kinauupuan nila ngunit hindi sila nagtangkang makisawsaw.  "Pag-usapan natin ito?" Kalmado ang boses kong tanong kay Agnes para sana maramdaman nya yung sincerity ko kaso ang impokrito ko kasi hindi naman talaga ako sincere kung sa umpisa pa lang, nilinaw ko na sa kanya yung motive ko bakit ako pumasok sa mundo nya.  I'm such a jerk. "We're done." Yun lang ang sinabi nya at saka naglakad palayo. Nakita kong agad syang sinalubong ng mga kaibigan nya para alalayan sya at icomfort.  "Oh ano tinitingin-tingin nyo? Tapos na ang shooting!" Paninita ni Francis doon sa mga nakikiusisa sa nangyari. Umupo ulit kaming tatlo.  "Ayos ka lang?" tanong agad sa akin ni Ashley.  "Yeah.." Tipid na tugon ko sa kanya habang hawak-hawak ang pisngi kong sinampal ni Agnes.  "Namumula yang pisngi mo, baka mag-swell yan mamaya. Punta tayong clinic?" May pag-aalalang tanong naman ni Francis.  "OKay lang ako, mas malala naman nagawa ko kay Agnes kaysa sa sampal na binigay nya sakin diba?" Pilit ang ngiting sagot ko kay Francis.  "So di mo nabuntis si Agnes?" Tanong ulit ni Francis.  Jusko Lord, mahal ko yung kaibigan ko pero bakit ganito. "Gusto mo bang sampalin din kita?" Naiiritang turan ni Ashley kay Francis. "Chill! joke lang naman eh. Di bale Nine, hahanap ulit kita ng bago." Inakbayan ako ni Francis at tinap pa ang shoulder ko na akala mo cino-comfort ako. "Wag ka na magtangka. Di nya kailangan ng pamalit." Sumisilay ang mumunting ngiti sa labi ni Ashley na tila ba tinutukso nya ako. "What the?! ako lang ang walang alam? Spill the tea mga sis!" Namamangha ako sa inaasal ni Francis. Ginagaya nya kasi mga kaklase naming mga babae kapag nagchichismisan sila.  "Hahahaha bagay sayo Francis! Videohan kaya kita tapos isend ko sa gf mo. Hahahaha para sya sasampal sayo." Natatawang inilabas ko ang cellphone ko na kunwari ay vivideohan ko sya. "On a serious note, yes nabawasan na yung isa sa pinoproblema mo lately, but it doesn't mean okay ang ginawa mo Nine. Alam ko namang plano mong tapusin na ang kung ano man ang mayroon kayo ni Agnes sa maayos na paraan, nagkataon lang talaga na dahil sa ka-engotan ng imagination nitong si Francis at dahil na rin sa walang preno mong bibig ay ito ang nangyari. Kapag kalmado na si Agnes, kausapin mo sya if you are really sorry about what you did to her." Ibinaba ko ang cellphone ko at agad na itinigil ang pakikipagharutan kay Francis matapos kong marinig ang payo sa akin ni Ashley.  Napabuntong-hininga ako at tumango sa sinabi nya sa akin. Yun naman talaga ang plano ko. Hindi ko muna ipipilit na kausapin ako ni Agnes ngayon para maipaliwanag ko sa kanya ang side ko but it doesn't mean na hahayaan ko lang din si Agnes sa nangyari. I am accountable to what I did to her. Sinira ko ang tiwala nya.    "Sige na, tama na yang seryosong usapan natin, for sure naman ay gagawa ng paraan itong si Nine para ayusin ang issue nila ni Agnes." Pagsingit ni Francis sa usapan namin ni Ashley.  Nasa malalim akong pag iisip ng biglang mapukaw ang aternsyon ko ng tunog ng aking cellphone. Agad ko itong inilabas sa aking bulsa upang tingnan kung sino ang nagpadala sa akin ng mensahe. 'Hi Nine, busy ka ba today? Gusto sana kitang imbitahan. Birthday kasi ng bunso kong kapatid ngayon. May simpleng salo-salo sa bahay. Makakapunta ka kaya? Para makilala mo na rin ang mga kapatid ko. Tiyak magugustuhan mo sila.' Binas ako ang mensahe na natanggap ko kay Santos.  Speaking of Santos, kailangan ko ring ayusin yung nangyari sa amin last  time na lumabas kami, yung 'date' namin na nasira ko dahil sa di ko napigilang selos that day. Gusto ko sanang sumama at paunlakan sya sa kanyang imbitasyon. Kaya pala naka-leave si Kuya Leo today ay dahil sa okasyon na ito. Kaso... ang weird naman na mag eenjoy ako kasama ang lalaking nagugustuhan ko at ang kanyang pamilya habang may baabeng kasalukuyang umiiyak at nasasaktan sa mga oras na ito. Mabigat man sa loob ay napagpasyahan kong tumanggi sa imbitasyon sa akin ni Santos. 'Pasensya ka na Santos, negative kasi ako today.' Isinend ko ang maikling tugon ko na ito. Hindi ko alam anong idadahilan ko kaya imbes na mag imbento pa ng kasinungalingan ay simpleng reply na lang ang sinend ko. Saka na ko magbibigay sa kanya ng paliwanag once na maayos ko yung gusot namin ni Agnes.  Napabuntong hininga ako matapos isend kay Santos ang aking reply. Hindi na ko nag abala pang hintayin ang reply nya sakin.  "Oh bakit, mukang mas lalo kang naging problemado? Sino ba yang nag chat sayo?"  Napansin pala ni Francis ang mood ko.  "Wala, si Santos lang naman." NGumiti ako ng mapakla dahil pakiramdam ko puro kamalasan ang nangyayari sa akin. kinakarma ba ako? Wala naman akong ginagawang masama sa kapwa ko. "Isa pa yan si Santos, kailangan mo talagang ayusin agad ang gusot ninyo ni Agnes para makapag focus ka na sa label ninyo ni Santos. Seriously Nine, hindi ka na yata lucky Nine sa mga nangyayari sayo lately."  Litanya naman ni Ashley. "Wait, what?! Label? Santos? Paki-elaborate nga ha. Kasi nagmumuka na akong tanga na walang alam sa mga nangyayari." Seryoso ang mukha ni Francis. Tila ba napipikon sya na hindi nya nauunawaan ang buong nangyayari sa akin lately.  Isang buntong hininga ulit ang aking pinakawalan. Akmang magsasalita na ako ng maunahan ako ni Ashley. "May something sa kanila ni Santos. As if na hindi mo iyon napapansin. And if may problerma ka doon you better..." Agad na pinutol ni Francis ang sinasabi ni Ashley. "Wala akong problema sa ganun, ang sa akin lang, kaibigan nyo rin ako. Why does it feel like wala kayong sapat na tiwala sa akin tungkol sa ganitong bagay, Nine?" Francis addressed his concern directly to me which I know is kind of valid. Tama naman sya at may punto.  I was about to explain myself ng magsalita ulit si Francis. "Pwede na ba akong maging artista? Pang Oscars na ang acting ko hahahaha" Nababaliw ba sya? I gave Ashley a questioning look. Like seriously?  "Francis yung totoo? Ilang beses mo kaming pinutol sa sasabihin namin ni Ashley tapos bigla kang maglilinya ng ganyan? Kami ba talaga pinagtitripan mo lang? Kailan mo kami balak seryosohin ha?" Naiinis na turan ko sa kanya. Nakakainis kasi yung ang gulo-gulo ng takbo ng usapan namin. Halos mabaliw na nga ako sa issue ko kay Agnes, kay Santos tapos dagdagan pa ng mga kaibigan kong ang bibilis mag switch ng moods.  Kanina seryoso, ngayon naman ay biruan na naman. "Nagbibiro lang eh, sobrang seryoso nyo kasi. Bakit hindi nyo ako tularan? Tingnan ninyo, ang ghwapo ko diba? Hindi kasi ako nagpapastress ng todo. Chill lang! Mamayang gabi, labas tayong tatlo. Mag unwind tayo tapos doon natin pag usapan kung ano ang gagawin natin para sa operation mag-sorry kay Agnes." Mahabang paluiwanag ni Francis sa amin ni Ashley habang inaayos nya ang kanyang mga gamit na nasa table din namin at isa-isang ibinabalik sa kanyang bag. Napatingin ako sa aking relos, malapit na pala ang next period namin. "May point si Francis, labas tayo mamaya para di ka lamunin ng thoughts mo." Sang-ayon din ni Ashley na ngayon ay nakatayo na. Hinihintay na lang nila ako na tumayo na rin para sabay-sabay na kaming makapasok sa next period namin. Niligpit ko lang saglit ang aking kinainan at lumakad na rin kasabay sila.  Medyo di pa rin okay ang pakiramdam ko dahil sa mga inaalala ko.  "hay naku! alugin kaya kita para mawala muna sa sistema mo si Agnes or Santos?" Inalog alog nga ako ni Francis habang naglalakd kami. Napalingon naman ako kay Ashley para sana magpatulong sa kanya kaso ayun, tuwang-tuwa rin sya sa nakikita nya. Napapalingon na ang ibang estudyante dahil sa aming tatlo na naglalakad at nagtatawanan. Kahit papano, maswerte talaga ako sa kanilang dalawa kahit na aso at pusa silang dalawa madalas.  --- Narito na kami sa loob ng classroom namin. Tahimik na kaming nakaabang sa pagdating ng aming professor sa major subject namin. Maya-maya ay bumulong sa akin si Francis. "Nine, seryoso ako kanina ha. Suportado ako sa kung ano at sino ka." Binigyan ko naman si Francis ng mapang asar na tingin na tila ba hindi ako naniniwal;a sa kanya. "Seryoso nga kasi! baka kasi affected ka o dagdag pa sa inaalala mo yung opinion ko about sayo. Ayoko ng ganun, pre!" Aw... na-touch naman ako kay Francis. Kahit na kengkoy sya ay thoughtful talaga itong kaibigan namin.  "Oo na, ang drama mo masyado pero salamat talaga sa inyo ni Ashley." pagkasabi ko nito ay saktong dumating na ang aming professor.  "Okay class, let's start our quiz." Oo nga pala, may quiz nga pala today. Patay ako nito, hindi ako nakapag-review. Napalingon ako sa direction ni Francis, hahaha halata sa mukha nya na hindi rin sya ready sa quiz today.  Next ay nilingon ko si Ashley. Nagpa-puppy eyes pa ako giving him the signal at dahil matalino itong si Ashley ay agad nyang nakuha ang ibig kong ipabatid na mensahe. Simpleng tumango lang ito sa akin kaya nilingon ko si Francis upang sensyasan sya na okay na ang problema namin sa quiz.   Babawi talaga ako sa susunod. Hindi pupwede ang ganito. Tsk, nagiging makakalimutin na ako dahil sa dami ng iniisip ko. Lumipas pa ang araw at natapos rin ang maghapon. Narito na kami ngayonsa parking lot. "Grabe yung quiz kanina, halos matunaw ang brain cells ko." Reklamo ni Francis tungkol sa nangyaring quiz kanina sa major subject namin. "Weh? ang tanong may brain cells ka ba talaga ha?" Pang-aasar naman sa kanya ni Ashley. "Hahaha awtsu! patingin nga kung may brain cells ang Francis namin?" Nakisali rin ako sa tuksuhan ng mga kaibigan ko. "Ay wow? Gusto mo kotongan kita Nine?"  Nag-ambang kokotongan ako ni Francis kaya agad akong nagtago sa likod ni Ashley.  "Do you dare?" naka-smirk na turan ni Ashley sa kanya and as expected syempre tiklop si Francis kay Ashley. Nawawala ang yabang at angas nya kapag si Ashley na kaharap nya.  "Hay naku! tara na nga! Umuwi na tayo para mapabilis ang oras at mamaya ay 9:00 PM na!" excited na banggit ni Francis na parang batang napasuntok pa sa hangin. "Anong meron sa 9:oo PM?" Nonchalant na tanong ko naman. Earth day ba? Parang hindi naman?  Bakit pakiramdam ko may importanteng bagay akong nakalimutan today? "Ako ba ay niloloko mo Nine or nakalimutan mo lang talaga? Bilis, sagot! at nag iinit ang brain cells ko!" Naka-amba ulit sa akin si Francis para batukan ako. "Seryoso ano bang meron?" Seryosong usisa ko naman. Eh sa hindi ko talaga maalala. "Usapan po natin ay magbabar po tayo mamayang 9:00 PM para makapag relax relax ka naman po at para mapagplanuhan natin ang operation mag-sorry kay Agnes." Naka-cross arms pa si Francis habang pasensyosong pinapaalala sa akin ang usapan namin. Ah, yun pala yung nakalimutan ko... "Ah okay naalala ko na! Sige kita na lang tayo mamayang 9:00 PM." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa aminado akong nakalimutan ko ang usapan namin na iyon. "Hmp! I hate you! Kinakalimutan mo ang date natin!" Kunwari ay naghihimutok si Francis. Nagpadyak padyak pa sya ng paa na tila ba ay batang paslit. "Sige nga, para mawlaa ang tampo ng baby Francis namin, ikikiss sya ni Nine hahaha" panunukso ulit ni Ashley kay francis. "Di bale na pala! hahaha gwapo ka Nine pero alam mo namang may labidabs na ako. Loyal yata ito! Hanapan na lang kita ng back up mo if ever na hindi maging successful yung sa inyo ni Santos!" Hahaha kahit kailan talaga, hindi nauubusan ng entry sa kalokohan itong si Francis.  "Ehem.. tara na? baka abutan tayo ng rush hour sa daan, maipit pa tayo sa traffic." Oops.. may hindi pala natuwa sa nasabi ni Francis.  "Sige una na kayo. Hintayin ko lang ang sundo ko, naka-leave kasi today si Kuya Leo." Pumwesto na ako sa may gilid ng parking lot. Sabay naman na sumakay ng sasakyan sina Ashley at Francis. As usual, sabay silang umuuwi at pumapasok.  Bago umalis ay ibinaba pa ni Francis ang bintana ng sasakyan upang iremind ulit ako sa lakad namin mamayang gabi. Sinaluduhan ko lamang sya bilang tugon. Ang hyper talaga nya kahit kailan. Ilang minuto pa ay dumating na ang sundo ko na si Kuya Ryan. Agad akong sumakay ng kotse at pagkaupo ko ay kinuha ko kaagad ang aking cellphone upang mag scroll muna sa aking f*******:.  "Traffic yata kuya?" Pag uumpisa ko ng usapan kay Kuya Ryan. Isa sya sa driver ng pamilya namin, thoug si kuya Leo ang driver ko talaga na taga-hatid sundo sa akin, si Kuya Ryan ay ka-close ko rin naman kahit papano.  "Naku sir, traffic po! pasensya na po kayo at inabutan na tayo ng rush hour. Alam nyo naman po dito sa atin, ilang minuto na deperensya lang sa daan ay traffic na kaagad." Matapos sabihin ito ni Kuya Ryan ay parehas na kaming nathamik na muli. Si Kuya Leo kasi yung tipo ng driver na buong byahe willing sya na makipagdaldalan. Si Kuya Ryan naman ay kabaligtaran ni Kuya Leo. Sya naman yung tipo ng driver na sa sobrang ingat, ay seryoso sa pagmamaneho kaya tahimik sya madalas sa byahe. Nagpasya na lamang akong magpatuloy sa pagi-scroll sa f*******: ko. Scroll... nood ng video, basa ng post, react. Scroll.. Scroll.. Nakakailang scroll na ako sa news feed ko ng may isang post na pumukaw ng aking atensyon. Hindi ko pa nakikita at nababasa ng buo ang post ay biglang napa-preno si Kuya Ryan sabay busina ng malakas. "Anong nangyari kuya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Ibinaba ko muna ang cellphone ko para tanawin ang sitwasyon sa labas. "May biglang tumawid po kasi sir na aso, muntikan kong masagasaan. Buti at naipreno ko kaagad."  "Ganun po ba? Akala ko nakabangga na tayo ng tao. Kinabahan ako." Kinuha ko na ulit ang phone ko at binuksan ulit ito. Hinahanap kong muli yung post kanina na nakita ko kaso nag refresh ang news feed ko at hindi ko na mahanap yung post mismo. Sa kasamaang palad ay hindi ko rin napansin kung sino sa f*******: friend ko ang nag post. Tsk.. di bale baka mamaya makita ko ulit iyon. Nagdesisyon akong mag scroll ulit at ng magsawa ay nanood naman ako ng mga video clips. Naka-earphones naman ako kaya hindi madi-distract si Kuya Ryan sa pagmamaneho nya.  Ilang oras rin kaming naipit sa traffic bago kami nakarating sa bahay. Pagkapsok pa lamang sa bahay ay nagdiretso na agad ako sa aking kwarto upang magbihis. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit ang aking katawan.  Kakatapos ko lang magbihis ng may marinig akong kumakatok sa aking pinto. Nagmamadali akong buksan ito ng mabosesan ko ang babaeng nagma-may ari ng tinig na iyon. "Mama!" Bungad ko kaagad sa baabeng nasa labas ng pinto ko at kumakatok. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. "Grabe namang yakap yan, hindi naman halatang na-miss ako ng baby ko?" Turan ni mama matapos ko syang yakapin.  "Pwede ba akong pumasok?" Tanong nya sa akin. "Syempre naman po!" Masiglang tugon ko naman sa kanya. Nauna na syang naglakas papsok sa aking kwarto. Agad akong umupo sa aking silya sa may study area ko at si mama naman ay nanatiling nakatayo at nakatanaw sa bintana ng aking kwarto na ang nasa tapat ay ang aming hardin. Nakangiti si mama na pinagmamasdan ang hardin sa labas. "Parang kailan lang, napakaliit mo pa na nagtatatakbo sa may hardin natin taops kami ni papa mo naman ay sige ang habol sa iyo. Ngayon, binata na ang aming anak." Nilingon ako ni mama at ngumiting muli sa akin. "Grabe naman po ma, kahit malaki na ako, kayo po mukhang bata pa rin. Blooming pa rin!" Panunukso ko naman kay mama na naging dahilan ng pagtawa nya ng bahagya. "Ikaw talaga, hanggang ngayon ay pilyo pa rin! Sige nga, kwentuhan mo naman ako, kamusta ka anak?" "Heto po ma, pogi pa rin po!" Nag-pogi sign pa ako kaya lalong natawa sa akin si mama. Masaya akong makita sya na masaya.  Oo may pinagdadaanan ako ngayon pero ayokong ikwento iyon sa kanila, minsan ko lang silang makasama kaya gusto ko, masaya sila hindi yung ako pa magiging rason bakit problemado sila.   "Kayo po ni papa, kamusta po kayo?" Pangangamusta ko rin sa kanila ni papa. Naglakad si mama papalapit sa akin. Umupo sya sa bakante na katabing silya kung san ako ngayon nakapwesto. "Ayon, ayos lang naman. Pagpasensyahan mo na kami ni papa mo ha? Napapadalas na wala kami dito sa bahay dahil sa sunod-sunod na out of town namin." Hinawakan ni mama ang mga kamay ko. Nginitian ko sya. "Basta ma, lagi kayong mag-iingat ni papa saka wag na po ninyong sagarin ang mga sarili ninyo sa business natin. Nagkakaedad na po kayong dalawa kahit hindi po halata sa itsura ninyo." Kinindatan ko pa si mama.  "Hahaha bolero!" Matapos nito ay tumayo na si mama.  "Bilisan mong mag-asikaso dyan. Nag luto ako ng paborito mong sinigang na baboy. Maghahapunan na tayo." Bilin sa akin ni mama saka tuluyang lumabas ng aking kwarto. Excited akong nag asikaso kaagad. Napaka-saya ko today dahil makakasama at makakasabay ko sa dinner sila mama at papa. Na-miss kong kumain kasama sila.  Hindi ko man masabi sa kanila ang problema ko, masaya pa rin ako na ngayong gabi... hindi ako mag-isang kakain ng hapunan. Naglalakad pa lamang ako patungo sa aming dining area ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama. May hawak pa syang mangkok na ibinaba nya sa mesa. Ang daming pagkain na nakahain na tla ba may selebrasyon. Teka, celebration? Bakit parang may nakalimutan akong celebration ngayon? Pilit kong inaalala kung may selebrasyon ba talaga today na nakakalimutan ko ngunit agad na naputol ang aking gunita ng marinig ko si papa. "Oh ano Nine? Nakatayo ka pa riyan? Halika na at lalamig ang pagkain. Hinanda pa naman lahat ito ni mama mo." "So-sorry po!" Nabibigla ako sa nangyayari. Pakiramdam ko ay nananaginip ako na nandito sa harap ko ang parents ko at makakasabay ko pa silang kumain tonight. Siguro sa iba, mababaw ito. Pero sa kin, sobrang big deal nito at nagpapasalamat talaga ako sa Diyos para sa mumunting blessing na ito. Agad akong umupo sa pwesto ko. Natatakam ako sa mga nakahain. Sumandok ako ng aking kanin at pagkatapos ay kumuha agad ako ng sinigang na paborito ko. Na-miss ko itong sinigang na luto ni mama. Sumubo ako ng kanin at pagkatapos ay... "Grabe, para akong nasa ulap!" Masiglang banggit ko. "Aba'y bolero talaga" Biro sa akin ni mama. "Halatang nagmana sa iyo yang anak natin!" Siniko pa ni mama si papa. Kapwa sila nakangiting pinagmamasdan akong kumain. "Oh dahan-dahan, baka nmasamid ka." Pagpapaalala sa akin ni mama. "Binata na si Nine, wag mo ng i-baby pa." PAng-aasar ni papa kay mama. "Hmp! anong binata na? Baby pa rin natin sya!" Kunwari ay nagmamaktol na sabi naman ni mama. "Sus! Baka nga may girlfriend na iyang si Nine. Diba Nine?" Nang marinig ko ang salitang girlfriend  ay nasamid nga ako gaya ng paalala ni mama sa akin kanina. Agad na inabutan ako ng tubig ni mama. Akmang tatyo pa si mama ng asarin sya ulit ni papa. "see? Nasamid lang ang anak natin, hindi ka na mapakali dyan." Natatawang sambit ni papa sabay nagkunwaring nasasamid din sya ngunit hindi sya pinansin ni mama. "Grabe, pag ako ang nasamid, balewala lang?"  Ang sarap panoorinn nila mama at papa na nag aasaranb at kulitan lamang. For sure ay stress sila sa business namin kaya masaya akong makitang okay sila ngayon. "Going back, so Nine, may girlfriend ka na ba o di kaya ay nililigawan?" Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Nagpapawis ang aking mga kamay at mabilis antg t***k ng aking dibdib.  Hindi pa ako handang magsabi sa kanila ng totoo tungkol dito... Ayoko namang magsinungaling sa kanila. Kinakabahan ako sa sasabihin ko. I was about to say something ng biglang.... ring, ring, ring... "Ah ma, pa, excuse me lang po, sagutin ko lang po ito." Pagpapaalam ko sa knailang dalawa. Tumango naman silang paerho kaya agad akong tumayo at lumkad sa may kusina upang sagutin ang tawag. "Hello?" Bungad ko kay Francis.  "Anong hello ka dyan? Anong oras na! Asan ka na?!" Pasigaw na sabi ni Francis. Rinig kasi sa background ni Francis ang ingay ng paligid. Pinagsamang ingay ng tugtog at mga taong naghihiyawan kaya pati sya ay sumisigaw na para magkarinigan kami. Tsk.. bakit di muna sya humanap ng pwesto na magkaakrinigan kami diba? "Ay oo nga pala! Sorry, nandito kasi sa bahay sila mama at papa,, nagdi-dinner pa lang kami." "Wow naman Nine! Ilang taon ka na ba ha? Magpaalam ka na sa parents mo. Bi.."  Hindi pa tapos sa sinasabi nya si Francis ng marinig kong tila may umagaw ng cellphone nya. "Hello Nine! Hayaan mo si Francis, take your time. Basta sunod ka dito if napayagan ka ng parents mo." Boses ni Ashley ang nsa kabilang linya.  Ngumiti ako kahit na alam kong hindi naman nya ako nakikita sa kabilang linya. "Sige Ash, salamat." Iyon lang ang sinabi ko at ibinaba ko na ang tawag. Naglakad ako pabalik sa dining area namin kung saan ay patuloy na kumakain ang parents ko. "Ah ma, pa... magpapaalam po sana ako na lalabas tonight kasama sina Ashley at Francis. Napagplanuhan na po kasi namin iyon kanina sa school." Alanganing sabi ko sa parents ko.  "Sige lang Nine, don't worry one week kaming naka-leave sa office. Si tito mo muna ang bahala sa business natin. May time pa tayo para mag bonding. Go with your friends, you need that." Pagbibigay assurance naman sa akin ni Papa. "Salamat po."  Ilang sandali pa ay natapos na kaming mag-dinner. Pasalamat na rin ako sa tawag ni Francis kanina dahil naudlot ang interrogation sa akin ng parents ko at hindi na nilang naalalang itanong ulit.  Hayst, ayokong magtago sa kanila, pero hindi pa ako handa sa ngayon. Palabas na ako ng bahay ng harangin ako ni papa. "Nak, ito baunin mo." Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin ang iniabot nya sa aking maliit na box. Kinidatan nya ako sabay nagmamadali muling pumasok ng bahay. Napapakamot ang ulo na naglakad na ako papasok sa kotse kung saan naghihintay sa akin si Kuya Ryan upang ihatid ako sa Ortigas kung saan kami magkikita ng mga kaibigan ko. Mabuti na lamang at hindi na traffic sa mga oras na ito. Nagbukas ako ng cellphone ko at napabuntong hininga dahil gusto ko sanang ichat si Santos ngunit mas nangingibabaw ang rason na hindi ko muna sya kokontakin sa ngayon hangga't hindi ko naaayos ang problema ko kay Agnes. Nakakakonsensya naman kung mag eenjoy ako habang si Agnes nasasaktan, diba? Nagdesisyon akong mag bukas na lamang ng playlist sa spotify ko at pumikit na nakasandal habang nakikinig.  Sana maging maayos na ang lahat. Mahintay sana ako ni Santos. Sana maintindihan nya ang reason ko bakit ako umiiwas ngayon. "Sir, nandito na po tayo." Naramdaman kong tinapik ako ni Kuya Ryan na nasa pwesto pa rin nya nakaupo ngayon. Nagmulat ako ng mata at inalis ang earphones na nakasalpak sa kaing mga tenga. "Salamat po kuya, sige po papasok na po ako sa loob." Pagpapaalam ko sa kanya. Bumaba ako ng kotse at naglakad na papasok ng bar ng magdesisyon akong bumalik sa kinaroroonan ni Kuya Ryan. Kinatok ko ang bintana ng sasakyan kaya ibinaba nya ang binatana upang marinig ang sasabihin ko. "Yes po sir?"  "Kuya gusto mo ba sumama sa loob? Baka kasi mainip ka dyan?" Pagtatanong ko sa kanya. "Naku sir, ayos lang po ako dito. Hintayin ko na lang po kayo. Saka mahirap po kung sasama pa po ako sa loob, baka mayaya pa po ako nila sir Francis na uminom, mahirap pong tumanggi kay Sir Francis. Kung iinom naman po ako, delikado po sa pagmamaneho ko." Paliwanag sa akin ni Kuya Ryan. Sabagay, sa kulit pa lang ni Francis, kahit sino mape-pressure tal;aga dun.  "Sige po kuya, idlip na lang po muna kayo dyan kung sakali na mainip po kayo." Iyon lang nag sinabi ko at nagdiretso na akong pumasok sa loob ng bar. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay malakas na musika at mga naghihiyawang mga lasing na agad ang bumungad sa akin. Halos gusto ko ng magtakip ng tenga sa sobrang ingay. Naglakad-lakad ako upang hanapin ang pwesto nila Francis at Ashley. Tsk, sa dami ng tao, baka abutin ako ng syam-syam sa paghahanap sa kanila. Nagpalingon-lingon pa ako upang hanapin sila ng biglang may umakbay sa akin. Muntik pa akong matalisod, tsk. "Huli ka! Tara doon!" Sabay turo ni Francis sa table sa kaliwa ko. Halatang nakainom na si Francis. Amoy na amoy sa hininga nya ang alak. Grabe, ang usapan namin ay 9 PM pero lasing na agad sya? Naglakad na kami palapit sa pwesto nila ni Ashley. Si Ashley ay kasalukuyang nakaupo at tahimik na nanonood sa mga nagsasayawan sa may gitna. "Yow! kanina pa kayo?" Bungad ko kay Ashley. Hinubad ko ang suot kong jacket dahil nainitan ako sa paligid. Agad rin akong umupo at kumuha ng baso na halatang nakalaan para sa akin.  "Oo kanina pa kami. Ang agang nagyaya nyang si Francis kaya tingnan mo, lasing na kaagad." Nakangising turan ni Ashley, pag tukoy nya kay Francis na halos humiga na sa kinauupuan nito. "Anong lasing? Dude hindi ako lasing! Pagpaplanuhan pa natin ang operation mag-sorry kay Agnes!" Bigla itong bumangon at inagaw ang baso ko na mayb laman ng alak at tinungga ang laman nito.  "Hindi ka nga lasing, France." Tinapik-tapik ko pa ang balikat nito. "Wag ninyo sabihing niyaya nyo ako dito para talaga maging yaya ninyo kapag mga tinamaan na kayo ng alak?" Tanong ko kay Ashley na tumutungga na ulit ng alak na nasa baso nya. Napangiwi pa ito ng isubo nya ang lemon na nasa platito sa harap nya. "Tanungin mo yang si Francis,m sya lang naman ang lasing dito eh hahahaha" tumatawang banggit ni Ashley. Hayst, ramdam ko na talaga na ako ang magiging yaya nila tonight. "Excuse me!" Aalma [pa sana si Francis ng bigla syang subuan ng lemon sa bibig ni Ashley.  "Pwe! pwe! kadiri ka naman!"  Hahahaha natatawa akong pinagmamasdan sila Ashley at Francis. "See? astig ni Francis diba? Umiinom ng alak pero crybaby pagdating sa lemon!" Panunukso pa ni Ashley. Hindi na naka-rebut si Francis dahil nakahiga na syang muli sa pwesto nya.  Iaayos ko sana sya ng pwesto, baka kasi magka-stiffneck sya sa ayos nya ngayon ng mapansin ko ang kanang kamao nya na may tila ba gasgas. Siguro sa kalasingan nya ay hindi nya napansin na may sugat na ang kanang kamao nya.  Nagkibit balikat na lamang ako at nagpasyahang inumin ang alak na nasa baso ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD