"Guys, wala raw si Ma'am.."
Isa-isang nagsipulasan ang mga kaklase kong lalaki dahil sa balita. Kanya-kanya na silang labas ng room para tumambay sa bench namin. Medyo may kainitan din nung mga oras na yun kaya panay punas ako ng mukha ko. Parehas kami ng katabi ko na init na init dahil sira ung ceiling fan sa tapat namin. Maya-maya pa ay nasura na kaya ayun, lumabas na. Nakangiti akong nakatingin sa kanya habang naglalakad siya palabas ng classroom dahil dala-dala na naman niya ung hello kitty niyang pamaymay. Saktong paglabas naman niya ay saktong pasok ni Bryan na may dala-dalang palamig. Nagkatinginan kaming dalawa tapos bigla siyang nasamid. Tawang-tawa ako sa kanya.
"Parang baliw tong si Alice. Ang sakit tuloy ng ilong ko!"
"At kasalanan ko pa?" Haha!
Pinupunas-punasan niya pa nun ang mukha niya habang ung palamig niya eh nakabuhol na at wala na atang balak inumin pa. Panay pa rin ang tanong sa'kin ni Lisa kung bakit daw ako tumatawa pero di ko sinagot. Bahagya lang akong nahulasan nung kinuha ni Bryan ang kamay ko.
"Ano to brad, pauso mo? Haha! Lakas trip natin ngayon ah. Uy Lisa tingnan mo, may pa-band aid si mayora. Haha!"
Napatingin din si Lisa at kinuha ang kamay ko. Nagtanong siya kung bakit daw ako may sugat.
"Ah! Napaso lang kagabi. Maliit lang naman."
"Hala Brad! Wag kasing ano. Hahaha!"
"Anong ano ha?! Kaya ko pati nilagyan para di maexpose masyado sa germs kaso nasa tabi ko na yung isa sa mga germs."
"Ang pogi ko namang germs." Hehe
Di ko lang din alam kung saan nanggagaling ang malakas nitong self-confidence at tunay na umaapaw na sa dami. So, ayun! Kami na namang tatlo ang magkakadaldalan. Pero bakit nga ba sila lang palagi ang kausap ko? Wala ba akong ibang kaibigan? Sa dami namin sa classroom, wala man lang ba akong ibang pwedeng makausap? May iba naman akong katabi tulad nung katabi ko kanina pero di ba nga umalis din at iniwan ako. Palagi na lang din kasi akong iniiwan. Haha! O baka di lang ako sanay na kausap sila? Actually, natanong ko na rin yan sa sarili ko dati kaso, wala naman talaga akong ibang nakakakwentuhan bukod dun sa dalawa. Kung may mga projects or presentation sa school, saka ko lang ung iba nakakausap. Yun lang. Pero okay lang naman sa akin, atleast kahit ganito ay mukhang wala namang galit sa akin dito. Hehe. Mukha lang.
"Syanga pala Alice, ngayong Saturday kami magsisimula ni Bryan sa paggawa ng mga pots. Tara sa bahay! Ipapagluto kita!"
"Wag na yan! Manggugulo lang yang si Alice sa atin Lisa. Moment natin yun eh! Tsaka, bakit siya lang ipapagluto mo? Nakakatampo ka." Hehe
"Yabang!!!! Ako pa talaga ung sinabihan mong manggugulo no Bryan? Sa araw-araw na nga lang, sawang-sawa na ako sa panggugulo mo. Tapos, ako pa pala? Palakpakan!!"
"Ganun ka-special. Special Child!" wahaha!!!!
Sa kabadtripan ko, nakuha ko nga yung libro ko ng Trigo at naihampas ko sa kanya ng mga ilang beses. Tawa siya ng tawa habang ako ay surang-sura naman. Eto namang si Lisa, nakihampas din kay Bryan. Napatakbo tuloy siya paalis ng lugar namin habang hilot-hilot ang braso.
"Ang lala niyo na! Pa-check-up na kayong dalawang ha!"
Dinilaan ko lang ang loko. Buti nga sa kanya. Haha!
Sumeryoso naman si Lisa pagkatapos, saka ako kinumusta. Paano raw balak namin lalo na at wala ng work si Tatay. Naopen ko tuloy sa kanya na baka magworking student ako. Pandagdag man lang sa gastusin sa bahay o para di na ako humingi para sa mga school projects namin. Biglang nalungkot ang mukha ni Lisa sa sinabi ko....
"Huy Bryan.. Si Alice magwoworking student. Baka raw makakapasok siya dun sa Jabibi sa Bayan as cashier."
"Ha?? Bakit?? May financial problem ba sila? Mahirap dun eh palaging maraming tao. Baka di kayanin ng katawan nun. Kita mo naman oh, pagkakapayat."
"Yes Bryan. Wag mong sasabihin kay Alice na sinabi ko sa'yo ah. Baka magalit yun sa'kin kasi wag ko raw sasabihin sa'yo. Pero need mo ring malaman eh kasi alam kong concern ka rin sa kanya gaya ko."
"Bakit?? Ano ba kasing nangyari?"
"Wait dun tayo sa labas."
"Ganito kasi yan Bryan."
Malapit ng mag-uwian nang sinabi ni Lisa na di raw ulit siya makakasabay pauwi kasi susunduin daw siya ulit ng Papa niya. Ang swerte ni Lisa, may kaya na sa buhay, may supportive pang ama. Samantalang ako.. Hay. Naalala ko lang nung bata pa ako. Palagi akong sinusundo ni Tatay sa school nung elementary after niya sa work. Bibili muna siya ng tinapay sa panaderya tapos iaangkas na ako sa motor. Habang daan ay kinakain ko ung Pande Coco na siya namang favorite ko. Pinagsasabihan pa nga ako ni Tatay na kumapit daw ako ng maayos kasi baka mahulog. Pagdating naman sa bahay, nakasalubong na agad si Nanay sa may pinto at nakangiti. Tatakbo naman ako papalapit saka yayakap sa kanya ng mahigpit. Nasanay kasi ako ng ganun. Hihintayin muna namin si Kuya makauwi galing university school saka kami kakain ng sabay-sabay habang ako naman ay palaging excited magkwento sa kanila about sa mga nangyari sa school. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang saya. Masaya kami noon. NOON...
Ilang taon ang lumipas at naka-graduate na si Kuya at nagka-work na sa Manila. Naiwan kaming 3 dito sa Quezon. Nung una, okay naman kaso napapansin ko si Nanay na medyo matamlay. Di ko alam kung bakit. Naririnig ko na lamang minsan na nagkakasagutan na sina Nanay at Tatay habang nasa loob ako ng kwarto. May mga pagkakataon din na makikita ko na lang na umiiyak si Nanay sa may kusina habang nagluluto ng pagkain. Tinatanong ko siya kung bakit pero palagi niyang sinasabing napuwing lang siya at sinipon dahil dun. Pero alam kong may mali. Nilapitan ko si Tatay once at nagtanong kung bakit madalas umiiyak si Nanay kaso wala ring sinabi si Tatay. One time, madaling araw palang ay nagring ang telepono at ako ang nakasagot. Galing police station ang tawag at tinanong kung pwedeng makausap ang magulang ko. Kaso, ako lang ang tao nun sa bahay kasi nasa palengke si Nanay at namamalengke. Si Tatay naman ay nagpunta kina Aling Nena para bumili ng dyaryo at tinapay. Di naman nagtagal at dumating na rin si Tatay kaya binigay ko ang telepono sa kanya saka sila nag-usap. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang kausap ang pulis sa kabilang linya. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa'kin at dali-daling kinuha ang jacket at sumakay sa motor.
"Lisyang sabihin mo sa nanay mo na pupuntahan ko lang ang kuya mo ha?"
"Bakit po, may nangyari po bang masama kay kuya sa Manila?"
"Di ko pa rin alam ang buong detalye Lisyang basta sabihin mo agad sa nanay mo pagdating ha."
"Sabihin mo ay ako na ang bahala at wag masyadong mag-alala."
Ilang oras pagkaalis ni Tatay ay dumating na si Nanay. Sinabi ko agad ang nangyari at dali-dali niyang tinawagan si Tatay sa cp niya kaso di sumasagot. Umupo siya sa tabi at nagdasal na sana walang nangyaring masama.
"Dala kamo ang motor? Ang layo ng Manila tapos naka-motor siya?"
"Diyos ko, kayo na po ang bahala sa mag-ama ko."
Ilang oras din kaming naghintay bago naka-receive ng tawag si Nanay galing kay Tatay. Kasama na raw niya si Kuya at uuwi muna dito sa bahay. Takang-taka ako sa nangyari dahil bakit umabot sa puntong nasa police station si Kuya eh hindi naman un palaaway.
Lumipas pa ang ilang oras at tumawag na si Tatay. Nasa byahe na raw sila pauwi. Pilit ni Nanay tinatanong kung anong nangyari at kumusta si Kuya pero mamaya na lang daw pagdating sabi ni Tatay. Ramdam ko ang tension sa usapan nila kaya nakakapagtaas na rin ng boses si Nanay at nariring ko ng kaunti na malakas na rin ang boses ni Tatay sa kabilang linya. Binaba niya ang cp niya at uminom ng tubig saka umupo sa sofa.
Ala una na ng dumating sina Tatay. Bugbog-sarado ang mukha ni Kuya. Nakahawak pa siya sa tagiliran niya habang dahang-dahang umuupo sa sofa. Agad lumapit si Nanay at paluhod na nagtanong kung anong nangyari. Sabi ni Tatay, nahuli raw si Kuya na nakikipagsuntukan sa isang grupo ng mga kalalakihan sa labas ng boarding house nila. Ang nangyari nga lang, napagkamalan pala siya kaya napuruhan. Ilan lang sa mga yun ang nahuli dahil mabilis na nagsipulasan ang iba. Di na rin si kuya nakatakbo sa inabot niyang mga suntok at sipa.
Mangiyak-ngiyak niyang niyakap si Kuya dahil sa inabot nito. Pagang-paga ang mukha at may black-eye pa. Awang-awa rin ako kay Kuya.
Ilang linggo rin muna si Kuya sa bahay para magpagaling. Nagreport din siya sa pinagtatrabahuhan niya para sabihin ang nangyari. Nagsubmit din siya ng police report kaya pumayag naman ang office na magpagaling muna si Kuya.
Namiss ko rin si Kuya. Pamula kasi nung nagwork siya sa Manila, isang beses lang sa dalawang linggo siya nakakauwi. Wala naman kaming wifi kaya tamang tawag at texts na lang kami sa isa'-isa.
"Aling Lisyang, ang laki mo na ah! Baka may boyfriend ka na ah. Yari sa'kin un!" Hehe
"Boyfriend agad kuya? Kahit nga kaibigan mailap pa."
"Di ba kaibigan mo sina ano.. Ung si Lia at Bryan ba yun?"
"Lisa Kuya hindi Lia. Oo silang dalawa lang naman ang kaibigan ko eh."
"Okay na yun! Aanhin mo pa ang maraming kaibigan kung sa bandang huli eh ikaw pa ang ipapahamak."
"Parang banat yun ah! Haha! Saan nanggaling yun?"
"Well.. Basta palagi mong babantayan sina Nanay at Tatay ha pag wala ako. Lalo na si Nanay. Alam mo naman yan. Saka pag magaling na ako, may ipapakilala ako sa inyo."
Yun na ang huling usap namin bago siya umalis. YUNG PAG-ALIS NA WALA NG BALIKAN PA.
Namatay si Kuya at the age of 21 at wala kaming kaalam-alam na nahihirapan na pala siya sa nararamdaman niya. Tinago niya sa'min ang lahat para di kami mag-alala. Sabi ng doctor, may namuo raw dugo sa utak niya sanhi ng isang malakas na impact na nangyari sa kanya before. Iyak kami ng iyak noong nakita namin si kuya na nire-revive pero walang response. Ilang minutong pinilit ng doctor pero walang nangyari.
"Time of death: 10PM"
Sobrang paghihinagpis ang aming naramdaman sa pagkawala ni Kuya. Pagkatapos ng libing, ilang araw si Nanay hindi makakain ng maayos. Palagi siyang nagkukulong sa kwarto at umiiyak pag tungtong ng alas dyes ng gabi. Sa pagdaan ng mga araw, nagbago na ang lahat. Ang dating masayang bahay ay biglang tumahimik. Naging mainitin ang ulo ni Nanay at si Tatay naman ay di na rin tulad ng dati. Sabay-sabay man kaming kumain, mararamdaman mong mag-isa ka pa rin. Sa pagkawala ni Kuya, nagbago ang lahat. Hindi ko alam ang gagawin. Tila napipi na rin ako sa nais kong sabihin.
Dumaan pa ang mga araw na puno ng kalungkutan hanggang sa maging linggo, buwan at ngayo'y tatlong taon na. Miss na miss ko na si Kuya. Miss na miss ko na ang kung anong meron kami noon.
Naluha na lang ako bigla habang nakatulala sa bintana ng classroom namin. Tinakpan ko naman agad ng kaliwang kamay ko ang mata ko habang kinakapa sa loob ng bag ko ang panyo ko.
"Bawal ang iyakin dito.."
Ipinatong ni Bryan sa ulo ko ung panyo niya at lumabas ng classroom. Di ko nasabing meron naman akong panyo kasi ang bilis niyang naglakad palayo.
"Ibabalik ko na lang to bukas."
Kahit talaga maloko tong si Bryan, mabait din naman siyang tao pamula noon. Sakto namang lingon ni Lisa sa'kin at nagtanong. Buti na lang at okay na ako nun. Tinanong niya ulit ako kung decided na ba akong magworking student kasi alam niyang mahirap nga yun lalo na at nag-aaral. Sa totoo lang, nag-iisip din ako kasi baka di ko kayanin lalo na ung oras. Di ko siya nasagot sa part na yun at nanahimik na lang. Di ko talaga alam ang gagawin ko sa ngayon. Gulung-gulo na ako at di makapag-isip ng maayos.
"Lice, kung gusto mo magbusiness ka na lang. Papahiramin kita ng capital. Mas maganda yun kasi hawak mo ang oras mo."
"Naku wag na Lisa! Ano ka ba! Kaya ko yun!"
Sabay flex ng muscle ko sa braso kahit wala naman. Feeling strong pa ko at tinapik-tapik ko pa talaga. Sa di ko inaasahan, isang kamay ang dumampi sa ulo ko. Si Bryan pala.
"Kapag di mo na kaya, magsabi ka lang. Andito lang kami para sa'yo."