KABANATA V

2006 Words
Napakagandang araw to para simulan ang mga bagay-bagay. Nagmadali na agad akong nag-ayos at pumasok para makita ko agad siya. Medyo may katagalan na rin kasi nung huli ko siyang nakausap ng seryosohan. Ang totoo niyan, namimiss ko na talaga siya. Simula kasi nang magkaproblema si Alice, hindi na niya ako kinumusta. Nawala na ako sa eksena.  Wala kaming 1st period ngayon so tamang gala-gala muna ako at chika sa mga kaklase ko. Balak ko na sana siyang lapitan kanina kaso bigla siyang tinawag ng class president namin. Later on, nangalay na ako katatayo at bumalik na sa seat ko. Naalala ko kagabi, tama nga ang balita kagabi ni Mang Tony na magiging maalinsangan daw sa araw na ito pero di ko alam na ganito pala kainit. Halos lahat na yata sa amin ay may kanya-kanyang pamaypay at yung iba ay mga nasa labas na. Di ko na rin gaanong ma-take ang kainitan kaya lumabas na rin ako at nakita ko si Bryan na naglalakad habang umiinom ng palamig. Anng gwapo niya lang din talaga tulad dati. Nakakainis lang din na makitang kay Alice na naman siya nakatingin at di man lang niya ako mapansin bilang ako. From the very start, alam ko at nafi-feel ko naman na may gusto si Bry kay Alice pero never niyang inamin yun kahit kanino kaya di ako susuko na baka magustuhan niya rin ako balang araw.  "Bhe! Nag-aaya si bebe jane sa kanila this weekend. Movie marathon daw!" "Busy ako this weekend eh. Next time sama ako." "Palagi namang ganyan ang reason mo sa mga aya namin sa'yo. Ayaw mo lang ata talagang maki-bonding porket may iba ka ng grupo."  "Ssshhh! Ano ka ba. Di ganun un. Di lang talaga ako pwede." "Okay. What should I expect di ba?" 6:30AM palang, mulat na mulat na agad ako. Naunahan ko pa ang alarm kong 7:45 samantalang 9AM pa naman first period ko. Bumangon agad ako at nagtungo sa aking bintana. Paghawi ko ng kurtina, sumambat sa akin ang isang kahel na kalangitan dahil sa papasikat na haring araw. Ilang ibong maya ang nakikita kong nagsisiliparan para kumuha ng mga maliliit na tuyong dahon at sanga para sa kanilang mga pugad. Tunay na kaypayapa. Narinig ko bigla na may mga footsteps na palapit sa pinto kaya nagmadali akong humiga sa kama at nagkunwaring tulog.  Tumagilid ako sa kama pagkasara ni Nanay ng pinto. Pinanindigan ko talaga ang pagiging tulog bala-bala. Umupo si Nanay sa may tabi ko at naramdaman kong napabuntong-hininga siya. Nagbago naman ako ng pagpaling at nakaharap na ako sa likod niya dahil nakatapat siya sa bintana. Tulog-tulugan pa rin ako mga kaibigan hanggang sa pumaling sakin si Nanay at sinundot ako ng kanyang hintuturo sa aking tagiliran dahilan para mapaigtad ako at mapatawa. "Alam ko naman na gising ka na. Sa lakas ba naman ng pagtakbo mo kanina ay dinig na dinig ko ang sahig dito kahit nasa may pinto pa lang ako. Saka Lisyang di ka na bata para maggaganyan ha. Tong batang to talaga oo." "Hehe. Umupo na ako sa kama at binati si Nanay ng magandang umaga sabay yakap sa kanya." "Bakit ang aga mo namang magising? Mamaya pa ang pasok mo ah." "Alam niyo na, Friday! Wala na ho ulit pasok bukas kaya excited akong gumising na maaga. Haha!" Tinuktukan lang ako ni Nanay ng mahina sa noo pagkatapos, at niyaya na lang akong kumain sa kusina since nakahanda na rin naman daw ang almusal. Paglabas ko ng kwarto, naamoy ko na agad ang mabangong pagkain sa mesa. Di pa ako nakakaupo ay binati na agad ako ni Tatay na noon ay nagkakape habang nagbabasa ng paborito niyang dyaryong Liwanag. "May sasabihin nga pala ako sa inyong 2. Ay di ko masabi sa inyo nung nakaraan dahil di pa ako ganung ka-sigurado." Huminto muna ako sa pagkain at nakinig kay Tatay. Timighim muna siya bago sinabing.. "Na-promote ako bilang supervisor!" "Ano ba yan Tay! Kinabahan naman ako, kala ko may problema kayo eh." "O bakit naman Lisyang!?? Di ka ga masaya sa aking balita?" "Syempre, masayang-masaya po!! Whooahh!!" May pagtaas pa talaga ako ng kamay ko noon habang sumisigaw-sigaw. Hehe! Napayakap naman si Nanay kay Tatay kaya nagkaroon ako ng ibang feeling. "Ay siya congrats! Kumain ka pa ng marami para may lakas ka palagi at makapagtrabaho ka ng magaling." "Sus! Linda. May gusto ko laang eh.. Ano ga iyon?" "Wala Mario! Eto naman. Pero nahihirapan na kasi ako dun sa dati nating washing machine at tinotopak na ata. Ayaw ng gumana nung dryer niya." "Ay siya sige, sa susunod kong sahod." "Ay salamat naman asawa ko kaya lab na lab kita eh!" Halos masakal na talaga ni Nanay si Tatay non sa sobrang tuwa. Palagay ko nga ay sa sobrang higpit ay di na makahinga si Tatay. Natatawa na lang ako habang nakatingin sa kanila. Parang ngayon ko na lang din nakitang nagyakap silang 2.  Hinatid ulit ako ni Tatay hanggang dun sa may sakayan ng tricycle at nilakad ko na lang papasok ng school namin. Maraming naglalakad ngayong umaga papasok at nakasabay ko rin ang iba kong kaklase. "Good morning Alice!" "Hello Alice!" Kumakaway pa ung iba habang napapalapit sakin paglalakad. Bumati naman ako sa kanila pabalik. Ilang hakbang na lang papasok ng classroom nang biglang may umalakbay sa'kin galing sa likod. Muntik pa kaming magdagasa dahil na-out-balance ako. Buti na lang din at nasalo ako ni Bryan sa harap kaso dahil sa lakas ng pwersa, di niya kinaya at unti-unti rin siyang nawalan ng balanse at sabay-sabay kaming natumba sa sahig. "Hey. Hey. Hey. Mga brad agang-aga mababangasan tayo ng wala sa oras." "Aray ko po." Dahan-dahan akong tumayo habang inalalayan ni Bryan. Nagpagpag ako ng jogging pants habang si Lisa naman ang inalalayan ni Bryan pagtayo. "Lisa lakas trip ka na naman. Tingnan mo, pati ikaw nasaktan." "Hehe. Sorry na.. Sorry Lice! Namiss lang kasi kita eh." "Naku! Naku! Lisa! Talagang kung di lang kita kaibigan, nabigwasan na kita ng ilan." "Ha! Ha! Okay lang Bryan. Basta walang nasaktan sa'tin yun ang mahalaga!" Umalakbay ulit sa'kin si Lisa patungo sa area namin. Tinanggal naman yun ni Bryan at siya naman ang umalakbay sa'kin. Nagpalitan lang sila ng kamay sa balikat ko hanggang makarating kami sa upuan ko. Para tuloy kaming mga baliw. Inalalayan pa talaga ako ni Bryan sa pag-upo bago siya bumalik sa seat niya. Siniko-siko naman ako nitong si Lisa sabay nguso-nguso sa lugar ni Bryan. "Anong meron Lisa? Nahanginan ba bibig mo at nagkaganyan yan?" "Wala bang pag-asa ang kaibigan nating yan? Mabait naman ah." "Huy sinasabi mo jan Lisa? Okay ka lang ba?" "Oh bakit Lice?? Hahaha! Wala ba talaga? Hehe!" Binuklat ko na lang ang notebook ko at hinayaan ko na lang siyang dumaldal ng dumaldal. Haha! Nakakatawa lang na biglang natanong yun sa'kin ni Lisa out of the blue. Ni hindi man lang nga un sumagi sa isip ko eh. "Okay class, get 1/4 and we will have a surprise short quiz about our topic yesterday." Honestly, hindi ko maintindihan kung bakit tila alam ko ang karamihan sa mga tanong ni Sir sa quiz namin na yun. We exchanged papers ng katabi ko at nakakuha ako ng 8 out of 10. Syempre, ang saya-saya kong sinabi yung score ko nung nagre-record na si Sir. Sa Filipino subject naman namin, may reporting nga pala ng El Filibusterismo at nagsimula na si Bryan sa unahan. Ang style ng reporting namin ay kada chapter. Naka-assign na yun alphabetically kaya alam mo na agad kung anong chapter ang irereport mo. Mapapaghandaan mo talaga at maswerte ang mga nasa padulong apelyido gaya ko. Haha! After ng reporting, may quiz na ang mismong reporter na naka-prepare. Lahat kami ay nakatingin at maayos na nakikinig kay Bryan. "Ang poot walang nililikha kundi mga dambuhala, mga kasamaan, mga salarin." Pagkatapos nito ay tumingin siya sa akin at binanggit ang: "Tanging ang tunay na pag-ibig lamang ang nakakalikha ng mga bagay na tunay na kahanga-hanga." Nakangiti siya sa'kin nung mga saglit na yun. Nahiya naman ako ng konti sa ginawa niya kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon para makaiwas. Buong reporting niya, aminado akong di na ko tumingin sa kanya. Nagsimula na ang quiz namin at naka-perfect ako. Kaya ko naman palang ayusin ang mga grades ko, bakit dati hindi ko magawa? Lunch break na at sama-sama ulit kaming kumain. Nagkapustahan pa kami kung hotdog ba ulit ang ulam ni Bryan o hindi. Hindi umimik si Bryan habang dahan-dahang binubuksan ang kanyang malutuan. Nagulat kami at namangha. Chicken nuggets ang ulam ni Bryan! Iba't ibang shapes ang naroon kaso di ba parang pambata naman un? Hehe. "Alam ko na iniisip mo Alice." "Ha? Pano mo naman nasabing alam mo?" "Wahaha! Pambata ulam ni Bryan!! Wahaha!!" Talagang tong si Lisa, kahit kailan talaga napakalakas ng boses! Hihi. Pinipigilan ko lang ang pagtawa ko kaya napalagay ako ng panyo sa bibig ko. Nasura ata si Bryan kaya sinubuan niya agad ng nuggets tong si Lisa gamit ang chopsticks pagkatapos ay tinakluban naman ni Lisa ang kanyang bibig habang nginunguya ung pagkain. Di ko na napigilan ang aking emosyon kaya napatawa na rin ako. Lumingon naman sa'kin si Bryan at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Napasandal ako sa upuan ko at muntik na akong matumba patalikod. Nahawakan naman agad ni Bryan ang kamay ko kaya di ako natumba. "Tiningnan ko lang ng maigi ang mukha mo. Makaurong ka naman wagas." "Ang lapit mo kaya masyado!! Blabalabla!!" "Hala dami mong sinasabi.. Oh tikman mo!" Inilagay ni Bryan sa malutuan ko ung isang nugget na hugis puso. "Wiwit! Boom! Napaka-sweet naiihi ako. Hahaha" Kinuha ni Bryan ung isang heart shape na nugget at inilagay din kay Lisang baunan. "Tong babaeng to napaka-issue! Pareho ko kayong love ni Alice wag kang magselos jan. Haha!" Isang kurot naman ang natanggap ni Bryan kay Lisa after nun. "Yak ka Bryan! Selos your face!" "Ayst! Kumain na nga tayo at baka mawalan pa ako ng gana sa mga sinasabi nitong si Bryan! Haha" Ang ulam ko nung time na yun ay pritong tilapia habang ang kay Lisa naman ay spam.. As always, laging sosyal ang ulam niya.. Kahit ngumunguya ay diretso kwento ako sa 2 tungkol sa balita ni Tatay sa amin kaninang umaga. Nabulunan na lang ako at di makahinga ng ayos. Tinatapik-tapik ko ang dibdib ko para bumaba ung pagkain pero walang nangyari. Kinuha ko na ang tubigan ko para uminom pero inagaw naman sakin ni Bryan. Sabi ko nabubulunan ako. Pilit naman akong tinatapik-tapik ni Lisa sa likod sa pag-asang mailuluwa ko. "Heimlich Maneuver! Do that to her!" Di ko alam kung ano un at di ko rin alam kung sino nagsabi nun hanggang sa pinatayo ako ni Lisa. May kamay na umikot sa may tyan ko galing sa likod at sinimulan akong i-thrust para miluwa ko ung pagkain. Mga ilang minuto rin bago ko nailuwa ung pagkain. Nanlambot ako at inalalayan ako ni Lisa pag-upo. Umupo si Bryan sa silya sa harap ko at tinanong kung okay na raw ako. Yung ibang kaklase ko ay nagtanong rin kung ayos na ba ako at tumango lang ako. Napapikit ako saglit at tumingala habang humihinga ng malalim. "Mabuti at naagapan." sabi ni President. "Gusto mo bang magpadala sa clinic Alice para matingnan ka ng nurse natin dun?" "Hindi na Pres. Okay na ko. Promise. Salamat." "Give your thanks to Bry." Medyo gulo pa ako sa nangyari sa'kin kaya di ko maintindihan ang sinabi ni Pres. Sinabi ni Lisa na si Bryan daw ung tumulong sa'kin kanina. Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Bryan sa harap ko. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala habang nakaupo sa silya sa harap ko at hawak ang isa kong kamay. Hawak niya ang kamay ko? Dahil sa mga nangyari ay hindi ko na rin namalayan. Medyo nanlalambot rin ako dahil sa kakapusan ng hininga kanina. "Salamat at okay ka na." At dahan-dahan niyang hinaplos ang ulo ko habang nakangiti sa'kin. Nginitian ko siya at nagpasalamat sa ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD