KABANATA VI

2021 Words
Akala ko magiging okay na talaga ang pakiramdam ko after nung nangyari, pero ilang minuto na ako sa clinic eh nahihilo pa rin ako. By the way, napilitan na akong pumunta sa clinic dahil kay Lisa. Mukha raw kasi akong maputla. Nagpaiwan siya dun at nagsabi na lang kay Sir na kung pwede niya akong bantayan. Gusto kong umuwi pero sabi ng nurse namin, dito na lang daw muna ako magpahinga at baka kung mapano pa ako sa byahe pauwi. Patuloy naman si Lisa sa pagbabantay sa'kin habang hawak ang cp niya. Di ko nga alam kung binabantayan ba talaga ako neto o gusto lang makatakas sa klase. Peace! Di naman ako mapakali sa kinahihigaan ko dahil iniisip ko kung pano ako uuwi sa ganitong lagay. Bahagya lang akong mumulat dahil ako dahil sa tuwing mumulat ako ng matagal, parang gumagalaw ang paligid ko. Di ko rin alam kung bakit ganito ang pagkahilo ko at ngayon lang naman nangyari sa'kin to. Alas tres na kasi malapit na ring mag-uwian. Nagpaalam muna si Lisa para bumili ng pagkain. Break na rin kasi kaya nagutom na ata siya kababantay sa'kin. Maya-maya naman ay narinig kong may kausap si nurse. Dinig na dinig ko ang boses ni Sir habang may ilang boses din akong naririnig. Nilapitan ako ni nurse at sinabing andito ang adviser at mga kaklase ko. "Kumusta naman Alice ang pakiramdam mo?"  "Hehe." Sabi ko habang medyo naniningkit ang aking mga mata. "Natawagan na pala ang magulang mo Alice. Baka mamaya ay andito na sila para sunduin ka." "Naku Sir salamat po." "Alice magpagaling ka agad pag-uwi mo sa inyo mamaya." "Pano yan Sir, wala ng klase after nito? Hehe"  Nagtawanan tuloy ang mga kaklase ko.  "May quiz tayo mamaya." "Awww. Joke lang Sir." "Teka asan si Lisa? Kala ko binabantayan ka?" "Ahh umalis lang Sir at bibili lang daw po sa canteen." Di naman na rin sila nagtagal at umalis na. Ako naman ay bumalik na ulit sa pagpikit. Mga ilang minuto pa ay narinig ko na ang boses ni Lisa. "Oy Bryan! Kanina ka pa dito? May klase ah." Nagmulat ako bigla at nakita ko si Bryan sa upuan malapit sa akin. "Uy! Andito ka pala?! Kanina ka pa ba? Ba't di mo ko ginising?" Unti-unti kong pinilit umupo pero pinigilan ako ni Lisa at pinabalik na naman ako sa pagkakahiga.  "Ops! Mamaya ka na bumangon pag andito na sina Tita." "Nga pala dalhin mo to pauwi ah." "Uy Lisa, ang dami naman niyang binili mo." "Konti lang yan ha! Midnight snack mo na lang ung iba para di ka magutom pag nagpupuyat ka sa gabi." Medyo nag-alangan ako sa tanong niya. Wala naman akong pinagkakaabalahang gawin sa gabi kaya bakit ako mapupuyat.  "Bryan, nga pala, ba't ka andito? Nagpaalam ka rin kay Sir?" "Hindi." "Oh! Eh ano lang sabi mo?" "Wala!" "Ay wow! Lakas mo naman!" "Di nga?" "Wala nga. Tumakas lang ako. Wala namang ginagawa eh." "Gusto ko lang masiguradong okay si Alice." "Yun oh! Sobrang concern kahit klase pinagpalit." Haha! "Makapagsalita Lisa? Di ba ikaw din naman?" "Atleast ako, nagpaalam ng maayos. Hello?" Haha! "Yari ka naman kay Sir pag nalamang wala ka sa room." Pinapanood ko lang naman silang magsagutan habang nagpipilit umupo. Di na rin ako masyadong nahihilo nung mga oras na yun. Nakatulong din sa'kin ang matagal kong pagkakapikit. Hehe. "Mawalang-galang na Ms. Andito ba ang anak kong si Alice?" Napatingin naman ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses. Dali-dali si Lisang tumayo at pumunta sa may labas. Siguro ay sina Nanay na yun. Di naman ako nagkamali nang nakita ko na kung sino ang kasama ni Lisa. Sina Nanay at Tatay nga. Halos magkandarapa naman si Nanay patungo sa kinaroroonan ko. Niyakap niya ako at tinanong kung anong nangyari sa'kin. Lumapit naman sa amin ang nurse at saka sinabi ang buong pangyayari. Kausap naman ni Tatay sina Lisa at Bryan sa may tabi. Di rin naman nagtagal at umuwi na kaming 3 sa bahay. "Lisyang, buti na laang at tinawagan ako ng kaibigan mong si Lisa." "Nabanggit niya rin na tinulungan ka raw ni Bryan nung nabulunan ka." "Si Lisa po pala ang tumawag sa inyo? Kala ko po si Sir." "Kaya nga po eh. Naparami po ata ang pagkakasubo ko sa pagkain." Hehe "Eto namang Nanay mo, di magkaintindihan nung malaman ang nangyari sa'yo." Hehe. Nay di naman po ganung kaseryoso ang nangyari sa'kin. Wag po kayo masyadong mag-alala at may nurse naman po sa school namin." "Nanay mo ako. Di pwedeng di ako mag-alala sa'yo." Pinipilit kong lunukin ang kinakain ko nun kaso ang hirap palang kumain nang naiiyak. Hehe. Mahal ako ni Nanay. Mahal nila ako. Yun ang alam ko kaya sobrang nagpapasalamat ako at mayroon akong kagaya nila na sa buhay.  Nagbu-blurred na ang aking paningin habang nakatingin sa kinakain ko. Di na rin ako makasubo nun.  "Ingatan mo ang sarili mo at ayaw naming may mangyayaring masama sa'yo habang di mo kami kasama." Opo Nay, Tay. Iniangat ko ang mukha ko at tiningnan ko silang 2.  "S--s-salam-a..." Tok! Tok! Tok!!!! Dali-dali kong binuksan ang pinto at nakita ko si Nanay sa tapat. "Alas syete na. Dalian mo. Wala ka bang pasok?" "Meron po Nay. Sige po mag-ayos na ako. Salamat po." Bumalik naman na agad si Nanay sa kusina at bilis-bilis akong nag-ayos ng sarili ko. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko silang kumakain na. Inalok muna ako ni Tatay kumain pero di na ako aabot kung kakain pa ako kaya humingi na lang ako ng isang tinapay na may palaman para yun na lang yung kainin ko habang nasa daan. Naghihintay pa ko sa may pinto namin. Nagbabaka-sakaling magpapaalam sila sa'kin. Umalis na ako nung wala akong narinig. Kinuha ko na yung tinapay ko sa bag at sinimulang kainin habang nakasakay ng tricycle pa-school. Tumutulo ang luha ko sa bawat nguya ng tinapay ko. Nasasaktan ako sobra. Lalo pa akong naiyak nang malamang wala palang palaman yung tinapay. Basta-basta ko na lang kasing kinuha sa mesa. Ayos lang! Masarap pa rin naman kahit walang palaman. Pasalamat pa rin ako kasi may nakakain ako di kagaya nung iba na halos wala di ba. Salamat pa rin po Lord sa tinapay na ito. Dahil nga walang palaman, mabilis kong naubos ang tinapay. Iniabot ko na rin kay Manong ang bayad ko at bumaba na sa tricycle.  Marami na ring naglalakad nung mga time na yun. Medyo binilisan ko na rin ang paglalakad ko kasi 10mins na lang at first period na. Parang may recitation pa ata akong naalala. Yari na naman!!!! "Uy wait lang! Wag mo kaming iwan!!" Galing ang boses sa likod ko kaya lumingon ako. Lumampas sa tabi ko ang 2 babae. Pareho silang 3rd year students base sa guhit sa kanilang mga palda. Sabay-sabay silang naglakad at nagkwentuhan. Nakatingin lang ako sa kanila habang nasa may likuran nila. Ilang students din ang lumampas sa kanilang 3 at nagbabatian habang naglalakad. Nakapasok na kami ng gate at 3 mins. na lang ay 8:00 na. Tinakbo ko na papuntang room namin! Mahingal-hingal akong umupo at nagpahid ng pawis sa mukha. Napainom din ako at pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan. Hanggang ngayon ay sira pa rin ang ceiling fan sa may area namin kaya pagkakainit lalo pa't tumakbo pa nga ako. Nakalimutan ko namang dalhin ang pamaypay ko. Tamang tiis-tiis na lang muna sa notebook na pamaypay at kahit papano naman ay nakakapgbigay pa rin ng refreshment kahit konti nga lang. Nakita ko si Bryan na lumapit kay Pres. at may ibinulong. Di naman sa chismosa ako, pero na-curious ako sa sinabi niya. Saktong 8 ay inannounce na ni Pres. na wala raw si Ma'am.  "Yes!" "Whooah!" "Tara sa labas!" "Punta tayo dun sa kabilang section!" Yan ang mga narinig ko sa mga kaklase ko habang nagsisipulasan papalabas ng room. "Hephep!" Tinitigan ko lang si Lisa na may halong pagtatanong. "Hurray!" Sabi ni Bryan na biglang sumulpot sa may likuran ko. Kumuha pa talaga ng silya ang loko para dun pumwesto.. Pinanggitnaan ako ng 2 to kaya di ko alam kung pano ko sila kakausapin ng maayos. Nakatalikod kasi ako kay Bryan at nakaharap naman ako kay Lisa. Nagkwento naman si Lisa about dun sa pinanood nila ng Papa niya kagabi. "Mga brad, nagtry akong ipanood kay Tatay yung favorite kong anime. Yung AOT (Attack On Titan.) Naka-video pa nga eh panoorin niyo." Ibinigay sa'kin ni Lisa yung cp niya at pinlay yung video. Walang reaction ang papa niya nung una, pero dun sa part kung saan kinain na nung titan ang nanay ni eren, biglang napangiwi si Tito. Tawa kami ng tawa ni Bryan dahil muntik ng malaglag si Tito sa kinauupuan niya. Halos di naman ko naman mapigilan ang sarili ko katatawa at napatingala pa ako. Nagkauntugan tuloy kami ni Bryan. "Aray Alice. Tigas ng ulo mo ah!" "Ahaha! Aray.. Sorry Brad. Hahaha! Ikaw kasi dyan ka pa pumwesto eh. Pwede naman dito oh."  Itinuro ko ung bakanteng upuan sa tabi ko. Taka naman ako sa kanya at sa likod pa talaga umupo. "Hahaha! Ano bang ginagawa niyong 2?" "Bryan kasi, eto oh wala namang nakaupo. Ano, iwas na iwas kay Alice?" Umupo si Bryan na hinihilot ang ulo niya. Napalakas nga naman ang untugan naming 2 at pakiramdam ko ay bubukol din yung ulo ko. Hehe. Pinagpatuloy namin yung panonood habang ako pa rin ung naghahawak ng cp ni Lisa. May mga part na di ko marinig ang sinasabi kaya nire-rewind ko.  "Hala Brad, ulitan na lang tayo lagi?? Hahaha!" "Di ko kasi marinig ng maayos." "Todo na ang volume eh. Maglinis ka kasi ng tenga mo brad." "Di ko nga kasi maintindihan. Bakit ba?!" "Oy oy.. Kalma lang guys.. Agang-aga may LQ na agad kayo." Hahaha! "To kasing si Bryan daming sinasabi.." "Oo na Alice. Sorry na po." Di ko ulit naintindihan yung isang part na sinabi ni Tito kaya ire-rewind ko na sana nang hawakan ni Bryan ang kamay ko para pigilan ako. "Wa-ii-tt l-aa--ng.." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa'kin. Magkalapit lang kami kaya halos malapit lang din ang mukha namin sa isa't-isa. Nagkatitigan kami habang hawak niya ang kamay ko.. "Uyy!!" Nagulat ako at inalis ko ang tingin ko kay Bryan.. Kanina pa pala si Lisang nakatingin sa amin at nagtataka kung bakit kami magkatitigan ni Bryan. Binitawan naman niya ako at babalik na raw siya sa seat niya. "Anyare sa inyo?? Anyare dun?" Di ko rin alam ang isasagot ko kay Lisa. Baka nainis na sa kare-rewind nung video.  "Baka nasura sa'kin? Kanina ko pa kasi nire-rewind yung video at di ko naman talaga maintindihan." "Sus! Para yun lang maiinis na siya?"  "Di un! Baka pinagsaktan ng tyan. Tingnan mo at nakaub-ob na." Haha! "Hehe." Ibinigay ko na rin kay Lisa yung phone niya at malapit na rin namang mag-2nd period. Tiningnan ko si Bryan at nakahalumbaba lang siyang nakatingin sa labas. Naalala ko yung moment na magkatitigan kami. Noon ko lang nakita ang mukha niya ng ganung kalapit. Di mawala sa isip ko yung mukha niya. Tinapik-tapik ko pa ang mukha ko para mabura ung image niya. "Huy Lice! Ano yan? Why are you hurting your supah cute face?" Haha! "Naaalala mo ung kanina no? Napakatamis naman nga ng titig niya sa'yo eh." Hehe. "Hindi! Hindi naman si Bryan ang iniisip ko! Ano ka ba naman Lisa!" "Tanggi pa?" haha! "Hindi nga siya." "Okay! Okay! Sabi mo eh. Bahala ka, baka maagaw pa siya ng iba." Haha! "Ay naku Lisa! Kung anu-ano na namang sinasabi mo dyan!" "Magkakaibigan tayong 3. Ayokong masira yun nang dahil lang sa mga ganung bagay." "Oo na Lice. Sabi mo yan ah." Haha! Napatingin naman ako kay Bryan habang binabanggit ang "OO" kay Lisa. Nakatingin din pala si Bryan sa'kin at bumalik na lang sa pagtingin niya sa labas after kong sabihin yun. Ang totoo, hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Parang naawa naman ako sa kanya pero bakit naman ako maaawa eh wala namang something sa'ming 2. Magkaibigan lang naman talaga kaming 2, kaming 3 at mas mahalaga sa'kin ang pagkakaibigan naming 3 kesa sa ibang bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD