"Hello? Alice! Di na ba kita talaga mapipilit na sumama sa bahay mamaya?"
"Pasensya na Lisa. Di talaga ako pwede ngayon eh. Di rin ako nakapagsabi kina Nanay at Tatay. Baka di rin ako payagan."
"Yun lang ba!? Tawagan ko sila para sa'yo. Ipapagpaalam kita!"
"Di nga pwede Lisa. Sorry."
Alas 9 pa lang ng umaga ay tumawag na agad sa akin si Lisa para mangulit. Ngayong araw kasi yung usapan nila ni Bryan at niyayaya ako ni Lisa na sumama sa bahay nila. Kaso, bukod sa di talaga ako nakapagpaalam, di talaga ako pwede dahil ngayon ako pupunta sa Bayan para magpasa ng bio sa Jabibi.
Nag-aayos ako ng gamit sa kwarto nang kumatok si Nanay sa pintuan para sabihing may bisita raw ako.
Wala naman akong maisip na inimbita sa bahay dahil wala naman talaga. Medyo kinabahan pa ako dahil baka si Lisa yun para ipagpaalam ako. Lagot ako nito kung sakali.
Habang binabagtas ang daan papuntang salas ay nagdadasal akong sana hindi si Lisa yun. At sa wakas, nakita ko na kung sino nga. Si Tito pala!
Lumapit ako at nagmano sa kanya.
Ipinaghanda naman ni Nanay si Tito ng konting merienda.
"Tito, napabisita po ata kayo?"
"Ah oo, pasensya na Alice hija." Sabay kamot sa kanyang ulo.
"Ang totoo niyan, pinapunta ako dito ni Lisa. Ipagpapaalam sana kita ngayon."
"Po? Bakit po? Ano pong meron?"
"Ahhm, Linda, Mario pwede ko bang ipagpaalam ang anak niyo ngayon para sumama sa bahay namin? Nabanggit kasi sa akin ni Lisa na may project daw silang gagawin kasama si Bryan, kaso ay di pa raw nakakapagpaalam sa inyo si Alice ay baka raw di niyo mapayagan at biglaan. Di na rin nakasama sa akin ngayon si Lisa at nagpeprepare ng merienda."
"Ahh Tito abo--uu-t."
"Yun ba Lito. Oo ayos lang! Wala naman ngang nabanggit sa amin tong si Alice na may project pala sila. Walang kaso yun."
"Pero Tay. May lakad po kasi sana ako ngayon."
"Ano ka ba Alice, kung anu-ano pa inaatupag mo kesa sa pag-aaral? Pag-ayusin mo yan. Kita mong ang bababa ng grades mo eh."
"Ah Linda! Nabanggit sa akin ni Lisa na mataa---."
"Sige po Tito, mag-ayos lang po ako ng dadalhin ko."
"Ah sige-sige hija."
"Mare at Pare pasensya na kayo ha at biglaan."
"Hindi ayos lang yun! May tiwala naman ako sa iyo at sa tagal naman nating magkakilala ay di ka na iba."
"Salamat nga pala ulit noong mga panahong dito ko inihahabilin si Lisa nung bata pa siya. Napakalaking bagay nun lalo na at nag-iisang anak ko lang siya."
"Wala yun!"
"Nga pala Mario kumusta naman sa trabaho? Ayos naman ba?"
"Ah eh.. Ayos naman kahit papano."
Habang ibinabalik ko sa drawer ang mga dadalhin ko sana sa Bayan, nagtatanong ang aking isipan. Bakit parang di umaayon sa gusto ko ang mga nangyayari sa akin? Ano bang nagawa kong mali at ganito ang buhay ko ngayon? Umiiyak ako nang kumatok si Nanay sa pintuan ng kwarto ko at pinagmamadali ako. Lumabas na agad ako ng pinto at nagpunta sa labas ng gate kung saan andun na silang 3. Sumakay na ako sa sasakyan at nagbabye sa kanilang 2 kahit di ko naman inaasahang ganun din ang gagawin nila.
"Hija pasensya ka na ha at biglaan ang pagpunta ko sa inyo. Pinilit lang talaga ako ni Lisa na ipagpaalam ka raw."
"Ayos lang po yun Tito. Pero about po dun sa project namin."
"Oo alam ko hija. Gusto ka lang din daw makasama ni Lisa ngayon. Excited nga siya kanina habang nagluluto sa kitchen. Saka Alice, kumusta na ba ang Tatay mo ngayon? Nabanggit sa akin ng anak ko na natanggal daw siya sa trabaho dahil napagbintangan."
"Opo Tito eh.. Namamasada nga po siya sa ngayon para kahit papano raw po ay may panggastos pa rin.
Actually po Tito, kaya po di ako pwede ngayon ay magpapasa po sana ako ng bio ko sa Bayan para magworking student. Baka po makukuha. Para di na po ako humingi ng mga gastusin sa school."
"Naku ganun ba hija. Pasensya ka na kung naudlot ang lakad mo. Pero high school ka pa lang. Baka di mo kayanin yun."
"Wala naman pong di kakayanin basta't determinado sa buhay at para sa pamilya."
"Oo hija tama ka jan. Pagpalain ka ng Panginoon."
"Salamat po Tito. Kayo rin po."
Andito na kami sa tapat ng bahay nina Lisa. Ang laki talaga ng bahay nila kahit sila lang namang 2 ang andun.
Pagpasok ko sa pinto, sinalubong agad ako ng yakap ni Lisa.
"Lice.... Sorry ha.... Gusto ko lang kitang pasayahin today. Ang dami mong lungkot sa katawan eh. Andito na rin pala si Bryan! Nagseseryoso na sa paggawa ng paso. Haha."
"Hay naku Lisa. Ikaw talaga! Lam mo bang kinakabahan pa ako kanina nung sinabi ni Nanay na may bisita raw ako. Akala ko kasi ikaw! Si Tito pala. Malakas pa ang pinapunta mo eh. Talagang papayag sina Nanay nun!"
"Hehe. Galing ko di ba? ?? Kaya nga si Papa ang pinapunta ko eh kasi alam kong di makakahindi sina Tito at Tita. Hahahaha!"
"Pero teka! Ano bang gagawin mo sana ngayon? Bakit di ka makakapunta sana bukod sa di ka nakapagpaalam? May date ka ba?"
"Lisa naman. As if naman na may magkakagusto sa akin ano? Saka may balak sana akong puntahan sa Bayan."
"Ayan! Napaka-nega mo talaga! Bakit naman walang magkakagusto sa'yo? Ikaw talaga!"
"Akin na yang bag mo, sa kwarto ko na lang ilalagay. Tara dun kay Bryan! Pero wait, kumain ka na ba ng breakfast?"
"Oo kanina pa Lisa. Salamat! Kanina pa si Bryan dito?"
"Di naman! Kadarating lang din."
Nagdiretso na kami sa gawaan nila ng mga paso at nakita ko si Bryan na seryosong-seryoso habang nagmo-mold.
"Uy Brad! Andito na si Alice!"
Sa puntong yun, nagulat si Bryan at nawasak yung gawa niya.
"Hala Lisa. Huwag mo kong ginugulat ng ganun.. Ayan tuloy nasira yung masterpiece ko. Huhu."
"Nagkakape ka ba? Bakit magugulatin ka na ngayon? Hahaha!"
"Nagulat lang ako sa kagandahan niyong 2 lalo na ni Alice. Hahaha!"
"Boom wasak!"
Nasira ulit yung mino-mold niya at balik na naman siya sa umpisa. Lumapit kami at umupo sa maliit na silya malapit sa kanya.
"Ba yan Brad! Di ba naturo ko na na dapat relax lang kamay mo dyan. Tingnan mo oh nanginginig! Di naman yan ganyan kanina ah.. Gutom na? Haha! Ganito oh."
Saka si Lisa lumapit at nagdemo ulit kay Bryan kung pano magmold ng paso. Inulit naman ni Bryan kaso talagang nanginginig siya. At that point, ipinatong na ni Lisa ang 2 kamay niya sa kamay ni Bryan para siya yung mag-guide sa mga kamay ni Bryan. Nakatingin lang ako sa kanilang 2 habang gumagawa. Tawa sila ng tawa dahil tumatalsik yung putik at natalsikan si Bryan sa may ilong. Kumuha ako ng panyo sa bulsa at ipupunas ko na sana kay Bryan kaso nilagyan naman ako ni Lisa sa mukha. Tawa sila ng tawa habang nakatingin sa akin. Medyo nainis pa nga ako ng kaunti dahil pati si Bryan ay nakipahid na rin sa akin kaso nadala ako ng tawa nilang 2. Lalo pa akong napatawa nung nakabuo na si Bryan ng isa pero baluktot yung pagkapaso. Parang nalantang bulaklak ang itsura. Nakakatawa. Nagtry din akong gumawa habang inaalalayan ni Lisa ang aking mga kamay at nakabuo ako ng isang maliit na paso. Tuwang-tuwa ako sa kinalabasan dahil ang cute nun. First time ko lang din kasing gumawa ng ganun. Masaya pala. Tapos kasama mo pa ang mga kaibigan mo. Overall, nakagawa kami ng 15 pirasong maliliit na paso. Tig-lilima kami ng nagawa.
"Mga brad, andun ang sink ha. Maiwan ko muna kayo at maghahanda na ako ng lunch natin."
"Lisa, wait sama na ako. Tulungan kita."
"Di na Lice! Dyan ka na lang. Samahan mo si Bryan. May sasabihin daw sa'yo eh. Hehe."
"Hala Lisa! Yan ka na naman sa pauso mo! Wala akong sasabihin huy! To talaga oh.."
Napatawa naman ako sa reaction ni Bryan. Halatang inis kay Lisa sa sinabi eh. Haha. Nagpunta naman ako sa sink para maghugas na ng kamay at mukha. Sumunod naman si Bryan.
"Uy Brad, wag mong pansinin yang si Lisa ha. Nantitrip lang yan. Alam mo naman yang babaeng yan.."
"Haha. Wag kang mag-alala Bryan. Wala yun sa akin. Mas mukha ka pa ngang affected eh. Katawa itsura mo kanina eh. Haha!"
"Talaga ba? Hehe."
Kukuhanin ko na sana yung panyo ko sa bulsa para magtuyo ng mukha nang biglang nagsalita si Bryan.
"Alice."
Paglingon ko, ang lapit niya sa akin. Halos 3 inches ang layo ng mukha namin sa isa't isa at nakatitig lang siya sa akin. Natulak ko siya bahagya nung nakita kong ilalapit niya ang kamay niya sa mukha ko.
"May putik ka pa sa mukha huy!"
Napahawak naman ako sa mukha ko ay nakita kong may putik ang kamay ko.
"Halika.. Eto oh.."
Hinigit ako ni Bryan at pinunasan ang aking mukha. Di naman ako makatingin sa kanya dahil nakakahiya ang nangyari kanina.
"Makatulak ka kala mo may gagawin akong masama sa'yo eh. Haha! Wag kang mag-alala wala akong masamang balak sa'yo Aling Lisyang. Hahaha!"
"Nagsimangot na lang ako at bumulung-bulong habang pinupunasan pa rin ang aking mukha."
"Mga brad, ready na ang lunch!"
Sa puntong yun, naitulak ko na ng malakas si Bryan dahil nagulat ako kay Lisa.
"Oy oy oy. Ano yan, bakit kayo nagtutulakan? Magkaaway na naman kayo? Grabe, ilang minuto lang ako nawala eh, aso't pusa na naman kayo."
"Ah hindi Lisa. Nagpapractice lang kami ni Alice kung sino ang mas malakas sa amin. Ayaw kasing pumayag na mas malakas ako kesa kanya kaya nagpaligsahan na lang kami. Haha!"
"Lame excuse Brad."
"Tara na nga kain na tayo!"
Agad naman akong sumabay kay Lisa paglalakad at iniwang mag-isa si Bryan.
"Hey wag niyo ako iwanan mag-isa. Waiiiiittt!!"
Tumakbo kami ng mabilis ni Lisa na parang mga bata papunta sa dining area. Nakita naman kami ni Tito kaya napatigil agad kaming 2.
"Di na kayo mga bata ah. Kain na tayo. Asan si Bryan?"
"Naghuhugas pa po ng kamay. Susunod daw po siya agad Pa."
"O siya maupo na kayo at hintayin na natin."
"Tito, sarap ng luto niyo ah. Pwede na kayo magbukas ng sarili niyong restaurant."
"Ah Bryan Hijo, si Lisa ang nagluto niyan at hindi ako. Hehe."
"Oh talaga po!? Galing mo pala magluto brad eh. Bakit puro prito ulam mo sa school?"
"Kulang ako sa oras Brad. Kapag mga ganitong walang pasok lang ako nakakapagluto ng ganito. Saka pala pag uwian na. Ako ang nagluluto ng dinner namin ni Papa minsan."
"Kaya nga gusto kong makapunta si Alice dito para matikman niya ang luto ko."
"Masarap ba Alice?"
"Oo naman Lisa. Ang sarap. Ang galing mo palang magluto eh. Sino ang nagturo sa'yo?"
"Ah. Practice lang. Nagtitingin ako ng mga recipes online saka ko sine-save sa phone ko saka ko ittry dito sa bahay. Mga ilang try din bago naging okay ang lasa di ba Pa? Haha."
"Oo haha. Naalala ko ung nasunog mong fried chicken sa kalan! Haha!"
Nagtawanan na lang din kami ng nagtawanan habang kumakain.
"Thank you po sa foods!" sabay naming sabi ni Bryan.
Ngumiti naman ang mag-ama sa amin. Bumalik na raw kami sa salas at sila na raw ang bahala dun. Nag-insist naman kami ni Bryan para tumulong pero ayaw talaga kaming patulungin kaya no choice kundi ang magpunta sa salas.
"Alice, anong klaseng tao ba ang tingin mo sa akin?"
"Whoah! Out of nowhere ang tanong mong yan ah. Bakit mo naman natanong?"
"Naisip ko lang kasi feeling ko, medyo di ka komportable pag malapit ako sa'yo."
"Hindi naman ah. Matagal na taong magkakaibigang 3 at kilala na naman kita kaya alam kong mabuting tao ka. Saka bakit naman ako di magiging komportable sa'yo? Anong rason?"
"Talaga ba?"
Bigla siyang lumapit sa akin at nagkatitigan na naman kaming 2. Bilang patunay na di ako naiilang sa kanya, pinilit ko ang sarili ko na magpakakampante. Kaso, masyado siyang malapit at mas lumalapit pa siya kaya napapikit na ako.
Pinisil niya ako sa pisngi.
"Ang cute mo talaga!!!!! Hahaha!"
Pisil-pisil niya pa rin ang mukha ko habang tumatawa. Ako naman ay badtrip na badtrip sa kanya.
"Ang sakit na Bryan."
"Aray ko!!!!!"
Sabay kurot sa kanya sa tagiliran dahilan para mapaigtad siya sa kanyang kinauupuan.
"Hala ang sakit mangurot.."
"Ikaw kasi eh may pagpisil ka pa sa pisngi ko. Kala mo di masakit? Yan ang bagay sa'yo!"
Maya-maya pa ay dumating na si Lisa na may dala-dalang papel. Ibinigay niya sa akin yung papel at naiyak ako sa nabasa ko. Letter of request to return to work galing sa company ni Tatay.
"Kilala ko yung manager na naghahandle sa team ni Mario kaya nagrequest ako na magconduct ng investigation sa kung ano talagang nangyari. Good thing at di naman ako pinahindian at nagulat din siya na may ganun palang issue dahil hindi yun nakarating sa kanya. Tinanggal na rin yung mga taong nagbintang sa Tatay mo kasama na yung supervisor nila."
Nabasa na ng luha ko yung papel. Di ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang pagka-overwhelm.
"Salamat po sa inyo Lisa, Tito.. Di ko po alam kung pano ko mababalik yung tulong na biniga niyo sa pamilya ko." ?
"Di naman kami humihingi ng kapalit hija. Pamilya ka na rin namin kaya sa abot ng aming makakaya ay tutulong kami. Kilala ko pati si Mario at alam kong di niya magagawa ang mga ibinibintang sa kanya."
"Lice, sa'yo na rin to. "
Saka itinuro sa akin yung isang plastic na ang laman ay yung mga paso na ginawa namin kanina.
"H-aa? Bakit? Di ba kay Bryan yan?"
"Hindi Lice, pakulo talaga to ni Bryan. Tutal naman makakabalik na sa trabaho si Tito, di mo na need magworking student. Try mo mag-online selling. Di ba mahilig ka naman sa arts, pagandahin mo na lang tong mga paso natin saka mo ipost sa sss. Patok ngayon ang mga paso ah dahil maraming mga plantito at platita. Tapos pag weekends, punta ka dito, gagawa pa tayo. Wag mo ng isipin yung nagamit mong materials dito, sagot na namin sa isang buwan."
Napaupo na ako sa kinatatayuan ko. Di ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko at napahagulgol na ako. Di ko alam kung deserved ko ba ang mga ganitong tao sa buhay ko. Pero sobrang salamat dahil sa kabila ng lahat, di pa rin nila ako iniiwan.
Niyakap ako ni Lisa.
"Okay na ha? Wag ka ng umiyak."
"Napakaiyakin talaga ni Aling Lisyang. Hehe."
Siniko ko naman si Bryan na noon ay nakayakap na rin pala sa akin. Magkakayakap kaming 3.
"Salamat mga brad. Tatanawin ko tong malaking utang na loob. Salamat talaga." ?
"What are friends for di ba?" sabi ni Bryan.