Leila Presley Wala akong nagawa kundi titigan lang ang parang slow motion na paglalakad niya palapit sakin habang bitbit yung plato ng cake. OH LORD. I can feel the atmosphere of the place shifted into something..I haven't felt before. May gayuma yata yung nainom kong vodka at parang ang gwapo gwapo niya na ngayon kumpara kanina, na gwapo lang sa paningin ko. Nagtama ang mga mata namin, at kung posible..feeling ko para yatang uminit ang paligid dito sa Salle Bacarrat. Ano ba ang nangyayari at feeling nasa pelikula ako, at nasa scene kami kung saan narealize ng bidang babae na natgpuan niya na ang taong mamahalin niya? Punyeta,what is this? Ang dami kong feelings ngayon, OA. Natagpuan ko na lang ang sariling tumatayo na sa bar stool at sinalubong siya,not even bothering to put my p

