Leila Presley "Leila, ikaw ba yan hija?" Isang pamilyar na boses ang nagpatigil sakin sa pagsakay sa tricycle. Kakadating ko lang galing Mactan Airport,hindi na kasi ako nagpahatid kay Trent galing doon dahil alam kong busy din siya sa Lumineer Seventh, lalo na at biglaan itong indefinite leave na hiningi ko sakanya. He's been my rock since day 1 at sisiguraduhin kong babawi ako sakanya pag medyo okay na ang pakiramdam ko. Napangiti ako ng kaunti ng mamukhaan ang ale na nagsalita. "Maayong hapon, Mrs. Galang." Bati ko sakanya. Teacher ko siya dati noong elementary, at sa pagkakatanda ko ay siya yung grabe magsulat sa blackboard kaya masakit lagi ang kamay ko kakakopya ng lessons niya. Nagliwanag ang mukha nito at lumapit sakin habang bitbit ang basket ng pinamalengke niya. "Ikaw ng

