Seven

2553 Words
Leila Presley It took about 2 hours bago makarating sa Gstaad Palace ang sumundo saking limo service--ako na ang sosyal. Naka ilang selfie ako bago ko isend kina Jules, at kina mama then I posted it on my i********:. Hindi kasi pala salita yung driver..well yes and no lang ang nasasagot niya dahil konti lang din ang alam kong german at french words, at basic pa talaga. Kung nabigyan yata ako ng mahabang preparation eh may mas deep words pakong na memorize. "Merci vielmal!(Thank you)" Sabi ko sa bellhop ng mahakot na niya ng luggages ko. I stopped to admire the beauty that is Gstaad Palace. Eversince I accepted my job at Lumineer Seventh, mas naging mas keen ang mata ko sa details, lalo na at sobrang gagaling ng mga ka team ko. Setting aside my working for Allure goal didn't hurt dahil mas naexplore ko ang iba't ibang side ng arts and advertising. I can't believe I am standing in the same floors Princess Diana and the Baroness Margaret Thatcher walked upon years before. This 113 year old structure defines class and royalty. Feeling ko tuloy napaka importante kong tao, hindi VP for sales lang. Inimagine ko tuloy yung imaginary korona ko, shet ang bigat! And my hair, it's too long..I can't even. "You again." Rinig kong may nagsalita sa gilid ko. The line sounds cheesy, but that voice. Mas clear na ngayon yung boses niya, kanina kasi nakakabingi pa yung tunog ng eroplano habang nag iinuman kami sa may hagdan. At mas okay na ngayon ang itsura ko. Sa dalawang oras ba naman na byahe at walang kausap, napag diskitahan ko tuloy mag paganda.  Ng lalo. "Hey." I gave him a polite smile and nodded as I proceeded to the reception area of the lobby. The bellhop guided me towards the elevators ng makuha ko na ang room key. Lumineer Seventh must have spent a fortune dahil naka Deluxe Suite ako. Okay na sana yung Classic Room pero mas okay pa din ito. I swear pagkapasok na pagkapasok ko mamaya ay matutulog ako ng walang aircon. Hanggang dito kasi sa hotel parang gusto kong sumuot sa ilalim ng carpet sa lamig. "You hispanic madamoiselle?" Tanong ng bellhop na ngayon ay lama ko ng Vanya ang pangalan ng makita ko ang nameplate niya. "Oh no monsieur. I'm a Filipina." I smiled at him, pansin kong palangiti siya dahil kanina pa lang sa reception area eh nakasmile na siya sa bawat malingunan niya. "Ah yes, gorgeous Filipina you are." Saktong nagbukas ang elevator at pinauna niya na ako. Kahit medyo stiff ang English ni Vanya eh naaliw naman ako sa mga kwento niya. Isa daw siyang TNT dati galing Ukraine at naging mail order groom dito sa Switzerland kaya naka kuha daw siya ng residence visa. Sa una hindi siya makapaniwala na maiinlove daw siya sa napangasawang si Amelie, pero dahil napakabait at maasikaso daw ito, ayun nabihag daw ang heart niya. Hindi ko mapigilang mapa eyeroll habang nakikinig kung paano siya nag sabi ng I love you sa asawa at kung paano ito umiyak at sinabing mahal din saw siya. Aray eh. Buti na lang nagkwento na siya ng magandang puntahan dito sa Gstaad dahil baka mas lalo akong maiinggit sa kasweetan nila ni Amelie. "Well, this is you madamoiselle. Have a pleasant stay. Ring Vanya for anything, I'll be there." Nakangiti siyang sabi matapos ipasok ang mga luggage ko. "Thank you Vanya. Will do." Tumango na siya at naglakad palabas ng pintuan. Gusto ko ng mahiga pero nahagip ng mata ko yung bintana. "Oh my god.Wow." The Swiss Alps is beyond breath taking. Sulit na sulit ang view dito at kahit hinihila nako ng higaan, I am utterly and completely in awe of the beauty before me. Pero syempre di ko mapigilang kunin ang ipad ko at mag conference call kina Jules. Hapon pa lang doon at naiimagine ko ng bumili na si Andre ng Krispy Kreme or Pizza. "Hi Team Leader! Kumusta flight?" Si E na nag aaply na ngayon ng lipgloss ang unang sumagot ng video call. "Eto drained, pero baks, hindi ko papalagpasin itong chance na painggitin kayo!" I giggled and switched to the back camera. Kita ko ang pagkamangha sa muka ni Eduardo na ngayon ay lumagpas na ang lipgloss na linalagay niya. "Wowwww naman diyan Lesss.." Sumabay sa pag drag ng tono niya ang mga mata nito dahil iniikot ko ang camera para makita niya ng maayos ang Swiss Alps. "Parang yung nasa lalagyanan lang ng gatas ah." Dagdag niya pa at nakita ko ng tumabi sakanya si Jules na may dala dalang mga mock ups. "Hi Les." Walang siglang sabi ni Jules na sa tingin ko ay ngarag ngayon, lima kasi ang hinahandle niya ngayon na accounts. "Hows the winter there?" Tanong niya pa. I switched to the front camera para makausap sila ng maayos. "Hey bestfriend. Sobrang lamig dito parang industrial freezer. Pahinga ka kaya? Or patulong ka kay baks." E rolled his eyes. "Ayaw nga magpatulong itong babaitang ito. Pero yaan na, susuko din yan mamaya at mag aaya mag Central." Nakita kong pagod na bumuntonghininga si Jules at ipinatong ang pisngi sa mesa. Nagkwento si E saglit ng update ng exisiting accounts namin tapos ay nagpaalam na din dahil may meeting daw siya. Si Jules naman ay may i mi meet na isa pang exec kaya natapos agad ang tawag. Kagaya ng plano ko, hinubad ko ang sapatos ko at pumailalim na sa... "Hmnnnn..egyptian duvets you sweet sweet thing.." Nakapikit kong sabi. Off to dreamland. --- Third and last day ng convention, boring as hell, but I got to meet a lot of influential people. This is actually more of an expo dahil may mga show rooms ang bawat exhibitors, but nonetheless I was half asleep most of the time dahil hindi ko talaga ma absorb ang hydrothermal jargons nila. Karamihan ng mga nakasalamuha ko ay mga diplomats at politicians, since hydro energy emission could help a lot especially the third world countries. Sa lahat ng technicalities at theories na na discuss ng mga exhibitors, ang ikinatutuwa ko lang ay ang fact na naka develop na sila ng tech at machinery para mas lalong maka harness ng renewable energy using water instead of the old school trick of using dams and powerplants. Sabi nga nila, water is the future at sana nga madaming matulungan ang advancement na ito. I also met with Charity Zhang,the VP of HydroShips yesterday and as usual I killed it with my charms kaya naman tuwang tuwa si Sir Duke Lumineer. Yes, the Duke Lumineer called me on my personal phone to congratulate me for landing HydroShips. At hindi pa yan! Yung boss ko mismo na si sir Seven Lumineer ay tumawag din, and he gave me a fat bonus at additional 1 week extension dito sa Switzerland para daw maenjoy ko ang pag punta ko dito at advance birthday gift na din daw. Syempre pinainggit ko nanaman sina Eduardo na talagang inggit na inggit sa one week vacation ko. Bihira na lang kasi kami magkaroon ng restday dahil sadya yatang nag kasama sama kaming mga workaholic. Pero nangako naman ako sa kanila na on call pa din ako anytime na they need assistance lalo na yung difficult accounts namin. Ako kasi ang parang middle man pag merong difficult clients, last time kasi may nakaaway si Eduardo na client dahil sinabihan siyang ayaw nitong bakla ang mag handle ng product niya. I can't even start with how I managed to not suckerpunch that sexist pig. Pero syempre, keep calm and land the deal ako kahit deep down dahan dahan ko na siyang sinisikmuraan. Si Jules naman obviously hindi people person at feeling ko nga ni hindi niya pa nakakausap sina boss Seven, hanggang meet ups lang siya with clients na na brief ko na kaya rehashing na lang ang gagawin niya.  Si Andre naman ay laging nasa studio kaya ako na lang..ako na lang lagi eh. Punyeta. ---- I smiled at how carefully crafted the details for the after-convention banquet here at Salle Baccarat are. I made some mental notes regarding the ambiance and other micro details that my sniper eyes had laid upon so that I can apply them or innovate them the next time we land another product launching. Napailing ako ng makita ang pagkalaki laking cake sa may stage ng ballroom na sa tingin ko ay hindi lang naman makakain. It is almost a life size Hyrdro Alternator with water works made of fondant and edible materials. I think mas malaki pa yun sakin at kung lalapitan ko pa siguro ito, maloloka lang ako sa pagka intricate ng details. Too bad hindi lang yun makakain, events like these, and seeing how body concious most of the women--err dates of the attendees are, malamang sa malamang only the Hors d'oeuvre will be consumed. Well, more for me kaso busog nako plus my feet are dying to free themselves. Na feel ko ang comfort ng nahubad ko na ang pumps ko pagkaupo na pag kaupo ko sa bar stool. Nagpapasalamat din ako at may heater and ventilation dito kaya hindi masyadong tiis ganda ang suot kong white spaghetti dress that falls just above my knee. I think more or less a hundred people lang ang na invite sa after party na ito, siguro dahil mga CEO's, politicians and High Profile people are here. Syempre wala silang choice sakin dahil ako lang ang rep ng Lumineer Seventh. I sat at the secluded part of the hotel bar and ordered some shots. Di na sana ako aatend ng after party kaso nag aya yung VP ng HydroShips at ang bruhang yon iniwan lang naman ako kaya eto ako ngayon, nag iisa. Naglalakbay sa.. I shook my head and drank the shot of tequila. Super drained nako kaka sales talk kanina--tama nga yata si Eduardo when he called me a shark dahil naka kuha ako ng limang prospect clients at agad nitong tinawagan si sir Six. Tuwang tuwa nga siya at nag offer na 2 weeks na daw ang vacation ko dito, kaso naisip ko naman sina Jules at yung mga existing deadlines namin kaya sabi ko cash na lang. Nagbibiro lang naman ako, pero after a minute nagsend na ng notification sakin yung Strife Bank na may nag deposit sa account ko. Sabihin na lang natin na mga limang Birkin bag ang katumbas non. Hmmnnn Birkin..how I miss the scent of leather. Naputol ang pag de daydream ko ng tumunog ang phone ko. "Mama." I answered with a tired smile. "Kumusta man ka? Pauwi ka na ba bukas?" Excited na tanong niya which means either may good news or may surprise siya. "Eto pagod na.Dili man, one week pa yata ako dito. Pina extend ni sir Six yung vacation ko as a reward for bagging HydroShips." Narinig ko ang pagtili niya, si mama talaga kahit kailan. Sakanya ko yata namana ang kadramahan at kaweirduhan ko sa buhay. "Congrats anak ko! I'm so proud of you. Papa, nakuha ni Leila yung HydroShips!" Natawa na lang ako dahil naiimagine kong nag lalakad siya papuntang sala kung saan nanonood panigurado ng basketball si papa. I heard beeping sounds and grunted when I realized my phone's battery is drained. I sighed. "Pilipina ka pala." My heart constricted dahil sa gulat. Pero mas umikot pa yata yung puso ko ng malingunan yung nagsalita. Holy s**t baka lasing nako. "Gago, bakit ka nang gugulat!" I clasped my chest dahil kumakabog kabog pa ito. Nakita kong sinundan ng tingin niya yung kamay kong hinihimas yung dibdib ko. Gwapo sana kaso manyakis, may cleavage pa naman ako ngayon. "Sorry, sawang sawa na kasi ako kaka English at natuwa lang ako ng makarinig ng tagalog." Sumenyas siya ng refill sa bartender at umupo na sa tabi ko. Tinignan niya yung tatlong shot glass ng tequila na na consume ko tapos bumaling sakin na umiiling. "What?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang aga pa."Sabi nito using a tone na pang kuya. "First of all, it's happy hour somewhere Mister." He chuckled. And oh my god, why does he chuckle like that? Ang sexy. Kailangan ko yata i-up ang anti fuckboy radar ko, wala akong ma sense na something wrong sakanya except the sexy smirk. "And second of all Miss?" He placed an arm on the edge of the bar and leaned his now scruffed cheek sideways, kaya direkta na siyang nakaharap sa side ko. Panandalian ko nanamang ginamit ang sniper eyes ko at pumalakpak dahil hindi siya naka suit, just plain fitted dress shirt. And when I say fitted..damn. Muntik akong ma blangko kaya tumingin sa ibang direksyon kaso, yung direksyon naman na natitigan ko ay yung mga mata niyang kulay brown. Gusto kong magbaba ng tingin, pero I won't give him the satisfaction. "Second of all, gusto kong makatulog ng maaga." I smiled and took a shot of tequila without breaking eye contact. Seconds pa lang pero I can feel how much his aura commands attention, and I can see how much power he exhumes just by staring at those eyes. He must be a politician. He cleared his throat at nagbaba na ng tingin sa baso niya. "I see. Likewise. Isa ka ba sa mga exhibitors?" He took a sip of the scotch at bumaling ulit sakin. Kainis kahit medyo tumubo na yung balbas niya, kita ko pa din yung perfect jawline niya. "Hindi naman, I was just filling in for our usual company representative to meet with a prospect client." I don't know, but unlike the creepy, pervy and vain men that I have dated, I seem to be at ease with him. Hindi kasi siya yung tipo na manghihipo or magmamayabang ng bagong red sports car na bigay ng dad niya tapos pag inaaya ko ng inuman suko agad. Or, baka lang dahil unlike those, this guy in front of me is a real man. Aba malay ko, yun lang ang na pa process ng brain ko ngayon. I am dead tired. Umayos ako ng upo at linagay din ang braso sa edge ng bar para mapaharap sakanya. "And is it still a prospect?" He sounded interested, which is weird dahil nga walang hint na nagtatanong lang siya as a part of getting into my pants, well right now getting into my thong. "Hindi na.." Napangiti ako, it was a genuine smile, feel ko pa kasi yung rush ng victory kong yun eh. "I think they already signed a contract this morning." He smiled too. Holy mother of. "Then, this calls for a celebration, sandali." Tumayo siya at mabilis na naglakad papunta sa stage. Di pako nakakapag react kasi nga yung ngiti niyang yun--it was innocently boyish--which is rare sa mga nakadate ko at sa mga fuckboy in a sheep's clothing. And why the hell am I comparing? Are we flirting? Parang hindi naman, na parang oo. Then I just gaped at what he did next. HE.IS.SLICING.THE.CAKE. Syempre hindi nakaligtas sakin na redvelvet yun..and his arms. Lumingon pa siya sakin at itinuro yung cake then made a horn sign using his fingers. He banged his head for a couple of seconds then smiled triumphantly when the waiter gave him a plate. No one seemed to notice. But I did. I did notice. EVERY.SINGLE.THING. ............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD