Six

2951 Words
Leila Presley "Happppyy Birthdddayyy Toooooo Youuuuuuu!!!!!!!!" Their voices echoed inside our small office den. "Thank you guyssssss!!" Masayang masaya ako ngayon dahil kasama ko ang ilan sa mahahalagang tao sa buhay ko. It's been three years and finally, masasabi kong wala ng hate, wala na ding regret--well there are still a few but not because I am still pining for him, but regret of those lost years I could've spent living my life the way I was really supposed to. "Anong wish mo now that you are 25 years old team leader?" Maarteng tanong ni E, short for Eduardo habang naka lahad sakin yung kamay na ginawa niyang imaginary microphone. "I wish for a whirlwind love affair with a mysterious handsome stranger in some dreamy island." Madrama kong sagot habang pumupikitpikit pa. "Aray!" Pinitik naman ako ni Jules sa noo. "Hanggang gift certificate lang kami sa SM, masyado ka." Nakasimangot na turan nito. Oo nga pala, right after graduation iya, pinirata ko na to si Jules at pinasok agad sa Lumineer Seventh, kaya naman kung tutuusin, dapat umay na kaming sa bawa't isa, pero hindi eh. Napaka rare nga na nagkakasundo kami sa trabaho at sa bahay, hindi naman kasi kadalasan ang nagkakasundo ang mga magkakaibigan sa lahat ng bagay. "Oh, eh di yun na nga, nagtanong pa kasi tong si bakla,alangan naman hindi ko sagutin.May mga bagay na kahit alam nanting imposible, eh aasa at aasa pa din tayo na mag katotoo ito." Sisi ko kay E, na super close ko na din at isa na sa mga tenants ni Jules. Ewan ko din dito kay Jules, akala siguro samin pet, ang bilis bilis niyang mag ampon ng hindi mga kakilala. "Guys, wag nating pagkaisahan ngayon si Leslie, it's her day." malambing na sabi ni Andre--siya ang pinakabago samin--and thankfully tatlo lang ang kwrto sa condo ni Jules dahil malamang inampon niya na din ito, dahil sigurado akong may crush siya dito. Natatawa na nga lang ako pag napapansin kong umiirap si Jules pag nagkakalapit kami ni Andre. Pa tweetams pa kasi at laging nakasimangot, at eto naman si Andre, alam kong minsan sinasadya niya talagang dumikit sakin para lang makita ng reaction ni Jules. Hay nakong mga batang ito parang mga teenager lang. "Buti pa si Andre sweet, kayo ang sasama ninyo!" Ipinulupot ko ang braso ko kay Andre at humilig sa balikat niya, at kitang kita ko ang mabilis na pag ismid ni Jules. Muntikan na akong matawa sa babaitang 'to. Masyadong pa tweetams! "Flowers pala Les, pasensiya na ha hindi ako ang personal na pumili, binilin ko na lang kasi may rinush akong shoot para sa thermal jackets ng isa nating account. Bag sana kaso baka ma trigger ka mahirap na." Inabot niya sakin yung sunflowers at kumamot sa ulo niya. Malapad na ngiti ang isinukli ko sa kanya pero napawi din. Bag. Leather bag. Pshhhhhhhhh tigil! I stuck a tongue out at him pero ngumiti na din ulit. "Gago! Pero, thank you Andre!" I kissed his cheek. "Sus, ako pa ba?" Sagot niyang ngiting ngiti din. Tiningnan ko ulit si Jules na pinindot yung cake at kumuha ng icing to distract her from reacting badly at what I did. Hay nako Jules..hahahahha. Nagkatinginan kami ni Andre ng nakakaloko. 'Nakita mo yun?' 'Oo nakita ko yun' Nagusap yung mga mata namin..oo ganun yung convo. "Hoy, sa birthday ko Tulips sakin ha?" Sabi ni E habang pinasadahan ng himas ang dibdib ni Andre. "Nag jigym ka tol? Tigas ah.." Pinalalim niya yung boses niya habang pinipisil ang braso nito. "Yuck ang laswa mo talaga E." Narinig kong comment ni Jules, kaya tumawa na lang kaming lahat. --- "Oh, isa pa cheersssss!!!!" I can hear myself slurring habang naglalagay ng tequila sa shot glass. I giggled ng marinig ko si Andre na sabay kumakanta ng Luha habang tumutugtog ito sa blue tooth speakers. Birthday ko, kaya playlist ko ang masusunod ngayon. Dito na lang namin sa rooftop ng condo naisipang magcelebrate ng birthday ko dahil Martes pa lang bukas, but then again alak is life kaya kahit mahamog na, umiinom pa din kami. "Ako na, ako na!" Agaw sakin ni Eduardo ng shot glass at tinungga na ito. This guy talaga, I mean gay ang bilis malasing, at pag lasing na black out na siya at parang mauubusan lagi ng inumin. Kaya hindi talaga siya umiinom ng more than 2 bottles. Ako din naman hindi ako umiinom ng more than 2 bottles..of tequila. Wink wink. Kinuha niya na din sakin ang bote at itinaas taas ito sa ere. "Ikaw ay aking minahaaaaaaaaaal Kasama ko ang Maykapaaaal Ngunit ako pala'y naging isang hangal Naghahangad ng isang katulad mooooooohhhhh." Halos sabay sabay naming sigaw ng chorus, at si Jules lang yata at ako yung medyo maayos ang tono. "At ito ang 'yong tandaan Ako'y masyadong nasaktan Pag-ibig at pagsuyo na kahit na sa luha Mababayaran mo..pagbabayaran mong baboy ka!!!!!! Mga baboy!!!!!!!!!!!!!" 268 - Ito yung bilang ng Leslie moments pag naaalala ko ang bwisit na Henric na yon. Sabi ko nga moving on is bullshit, naka let go nako at tanggap ko na pero di pa din maiiwasan na i bring out ng alak ang memories ng pain. Narinig kong tumawa si Jules. Isa pa ito eh. Manhid na siya sa kadramahan ko kaya wala na lang sakanya ang mga hugot pag dating kay Henric. Henric. Henric. Henric. Henric. "Tang ina mo Henric Ongpauco! Maliit t**i!" If only my clients can see me now. Or hear me. I snorted, lasing na nga ako. Malamang Leslie. Naramdaman ko ang mahapding pitik ni Jules sa noo ko. "Tama na nga niyan Les. You sound like a broken record, it's pathetic." "Jules, ako na yata ang pinaka matandang virgin sa balat ng Maynila." I randomly said. "Oh my god, Eduardo Jr, buhatin mo na nga ito kung ano ano na ang sinasabi." Napangiti na lang ako. Thank heavens for good friends. "Ang bangoo moo.." Sininghot ko yung buhok ni Jules ng alalayan niya akong makatayo. "Ang kulit mo nanaman.." She sneered which made me giggle. "Labyu Jules, Labyu bakla, labyu Andre!!!" I love them, truly. At the back of my tequila infused mind, kahit pa, tanggap ko na.. I feel empty. Slight lang, yung parang may hollow part sa buhay ko. Pero baka lasing lang ako kaya kung ano ano nanaman naiisip kong kadramahan. Next year ulit. Sana hindi nako magdrama nanaman. --- Little did I know, something so..vehement is waiting for me on my 26th birthday. "Nakakalungkot naman Les, hindi tayo magkakasama sa birthday mo.." Tinabihan ako ni Jules sa kama at niyakap habang nagtutupi ako ng mga damit na dadalhin papuntang Switzerland. "Oo nga eh, no choice naman ako kasi naka maternity leave si Lorrie." Siya kasi yung usually pinapadala ng big boss namin out of the country to talk to our prospective clients and attend seminars and conventions, nagkataon lang na nanganak na siya last week, at ako lang yung available at medyo tiwala daw si boss. "For sure ang boring ng convention na yan..wag ka na kasi sumama, imagine mo na lang yung sisig, kalamares at spicy tungol!!! Tapos siyempre, yung mga bangayan natin.." Pangungumbinsi pa ng bruha. "Ehhhhh..alam mo ikaw na lang kaya palit sakin, magaling ka kumumbinsi, ano tawag nako kay boss, ikaw na palit?" Biro ko sakanya. "Tutulungan na nga kita mag empake, ikaw talaga di ka na mabiro." Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap sakin sabay hablot ng mga toiletries ko para ayusin sa maleta. In fairness, nag last ng ilang seconds yung yakap niya sakin. --- "Hello ma." Buti na lang suot ko yung blue tooth earpiece ng tumawag si mama, dahil baka nagkanda iwan ko na tong bitbit kong gamit dito sa lobby ng NAIA. Hindi kasi ako yung 'I pack light' type of girl, dahil kung pwede lang isama ko ang closet ko isasama ko. "Nak,Unsa inyong kahimtang? (Kumusta ka?)" I smiled upon hearing her voice. Kelan ko ba sila huling nakita? Last December I think? Oh, hindi..three months ago pala nung binisita ako ni Luther tapos nag skype kami nina mama, that brat mas matangkad na sakin ngayon, pero hindi na siya spoiled. Ang lambing na nga sakin lagi at syempre ang gwapo. He's already in college and taking up Avionics Technology sa PATTS kaya lagi akong may libreng dinner almost every week, depende na rin if hindi siya masyadong busy sa pag aaral. Or sa babae. I rolled my eyes at the thought. Tumigil ako saglit para kausapin si mama. "Ito po maganda pa rin." I heard her laugh. "Alam ko nak, pero mas maganda ako. Paalis ka na ba?"Hearing her voice and her accent makes me feel nostalgic. Compared sakanila, madali kong naalis ang cebuana accent nung college pako when it comes to speaking. Hindi naman sa deliberate, pero pinaghandaan ko kasi ang pag apply sa work dati, kahit pa nasa modern age na tayo, di pa rin mawawala ang discrimination lalo na at may diin ang accent ng isang tao--perception will either make you an asset or a liability. Kaya mas mabuti ng mag blend in. "Opo ma, nasa NAIA na ako actually. May bilin kayo ni papa?" "Wala naman anak, mag iingat ka lang doon ha? Tawagan mo ako pagkadating mo. Madami ka bang dalang jacket?" "Opo madami kaya nga baka sumobra ang timbang." "Bakit kasi di ka na lang doon sa plane ng Something Beefy?" "Makakaabala pako mama kay kuya. Okay na ito saka naka business class naman ako." "Kahit na..pero hala sige mag ingat ka ha? Tawagan mo ako kaagad or ang papa." "Opo.Salamat kaayo mama.Ingat din kayo." "Mwa mwa." Sabi pa niya then the line went off. Napailing na lang ako sa pagka jolly niya. --- Kinuha ko yung ipad at nag simula ng basahin ang overview ng aatendan kong seminar. In fairness mabait yung stewardess na hiningian ko ng pampakalma--meaning vodka, mga walong minature bottles. Hindi kasi ako at ease pag sumasakay ng eroplano, feeling ko lagi akong mahuhulog or something. I made a mental note to ask for more later dahil baka mas malamig pa sa inaasume ko ang winter sa Gstaad. Tama nga si Jules, I'll die of boredom at this hydro energy convention. Pero nakuha ko naman ang point ni Mr. Lumineer VI--yung tatay ng may ari ng Lumineer Seventh, kung bakit eager siyang makuha ang account ng HydroShips na isa sa pinakamalaking kumpanyang dadalo sa convention. Ang galing niya nga dahil kahit matanda na siya, balita ko ay siya ang nag pitch in during the bidding. Ibig sabihin sobrang importante nitong account at minsan lang siyang makialam sa LS. Si Trenton Lumineer the Sixth or 'Sir Duke' din kasi ang may ari ng isa sa pinaka malaking media conglomerate sa Asia, ang Helena's Eye at kumpara sa Lumineer Seventh ay hindi low key ang pag mamay ari niya. I placed the ipad on my dove gray Fendi bag, ugghh, isa ito sa mga guilty pleasures ko dati. Bags. I can't seem to stop myself lalo na pag naka break ako at malakas ang wifi and let me tell you---ONLINE SHOPPING IS THE DEVIL. There was this one time na hindi ko napigilan at bumili ako ng tatlong bag--a Lierber, Birkin and Marc Jacobs and too late na nung narelaize kong, goodbye ipon. Pero hindi eh, seeing my precious babies and smelling the leather made it all worth it. Nagpaalam pa nga ako kay Jules kung pwede magpagawa ng built in closet sa inoocupy kong room sa condo niya just for my bags. Nakakaloka diba? But then again, my guardian angel Jules confiscated my credit cards for a month ng malaman ang addiction ko sa online shopping. At talagang hindi ko yun nahanap dahil pinatago niya pala kay Andre. At ng nakuha ko naman na..gutay gutay na sila. Eduardo cut them. That sneaky perfectly browed queer!   Atleast naka get over ako sa online shopping at kontento na lang ako ngayon sa pa browse browse lang and isang patak ng luha lalo na pag naimagine ko ang leather smell nito. Saklap nga kahit bag na lang kailangan ko pang dumistansiya. ---- Oh my god!! Feeling ko binuhusan ako ng isang milyong yelo, akala ko malamig lang eh, hindi ako nakapag ready sa super duper lamig ever na sumalubong sakin pagkababa ko ng eroplano dito sa Geneva Airport. This is not my first time seeing the snow at buti na lang dahil hindi ko siya maapreciate sa sobrang lamig. Tumigil ako saglit pagka baba ko ng hagdan at kumuha ng scarf, mga dalawa at yung pinaka makapal kong jacket sa handcarry ko. Buti na lang may nilagay akong jacket dito dahil baka mga pang 10 hakbang ko manigas na lang ako. Newsflash: Isang babaeng pinagpalit ng fiancee sa babaeng mahilig sa dogstyle ay napabalitang nanigas at nakahandusay na lang sa Geneva Airport dahil nakalimutang magdala ng jacket. Thanking the heavens for uggs, I tapped myself at the back for not wearing pumps today. Sa wakas ay nakaramdam na ako ng konting ginhawa ng ipinulupot ko na ang scarf sa leeg at ulo ko--I know, not my sexiest look, tiis ganda can resume later. Isinara ko na ang hand carry ko, pero para pasiguradong hindi ako maninigas habang naglalakad, kumuha muna ako sa bag ng minature greygoose at tinungga ito. "Hmmmnnn.." Napapikit pako, I welcomed the sting of vodka--kaya siguro parang tubig lang ito sa mga Russians dahil sa sobrang lamig eh, well done na ang lalamunan at liver nila. Kukuha pa sana ako ng isa ng may tumapik sakin. I can't fully see a face dahil katulad ko parang hindi rin siya nakapag ready ng lamig na sasalubong samin. Balot na balot ang mukha niya ng towel mula sa eroplano..and oh my goodness. All I can see right now is that pair of light brown eyes, di ko nga napansing naka tingala na ako dahil sobrang lapit niya na sakin. This man is towering over me. He's rubbing his hands which I'm sure is starting to stiffen dahil sa lamig. He's wearing a suit and a big backpack. And that suit..panandalian kong pinadaanan ng aking sniper eyes ang perfect na pagkakalapat ng damit niya sa katawan niya. Well done. Pero back to those eyes. Saan ko ba ito nakita? I can feel his breath on my ear dahil yumuko ito bago mag salita. "I didn't mean to intrude but,can I please have some? My jackets are on my luggage and I did not anticipate this kind of coldness."  I bit my lip upon feeling the warmth of his breath. I trembled. I quickly distanced and composed myself bago kunin sa bag at bigyan siya ng isang minature greygoose. I watched him slowly--ewan ko lang ah, nasobrahan yata ako lately sa korean drama at parang nag freeze ang background habang tinatanggal niya yung blanket sa mukha niya. Dear Lord. 1-Nganga si Leila Presley. I have seen countless handsome men lalo na pag ang client namin requires models and what nots. But never have I been mesmerized like this, at hindi ko pa nakikita ang buong mukha niyang yan ah. Sure, nakikipag date din ako--diba, mas mahal ko ang sarili ko ngayon, dahil eversince I have accepted what happened between me and Henric, kahit pa ako na yata ang pinaka cynical sa circle of friends namin, hindi ko rinestrict ang sarili ko na mag mukmok when it comes to the matters of the heart. Pero till dating nga lang, pinangako ko na kasi sa sarili ko na ibibigay na lang ang puso ko sa taong nararapat. Sabi nga ni Ate V sa Ayaw kong Maging Kerida: No woman can seduce a happy husband. That is my goal when it comes to my heart at alam kong it's like looking for a needle in a haystack. Kaya imbes na mag hanap, I go with the flow. Pero syempre namimili naman ako, and I don't date my clients. Pero laging fail eh. At kadalasan pa-fall ang na eencounter ko kaya stop ako agad--those type of men with enticing smiles which promises a great night of passion pero bukas hu u ka na. Ergo the fuckboy theory. No no no. Hay nako Leslie, you are pathetic sometimes. I snapped back to reality ng tuluyan ng matanggal ang blanket sa mukha niya. That jawline and those day old stubbles. Ofcourse I am gaping at him, buti na lang nasara ko agad ang bibig ko habang pinapanuod siyang inumin yung vodka. His eyes are closed just like I was kanina at sigurado akong nakadama siya ng ginhawa. As if alam kong mabibitin siya, automatic yung kamay kong kumuha pa ng isa, binuksan at inabot sakanya. Para akong masisilaw sa ngiti niya. Posible ba ito? Dapat pala nag shades ako. Ang gwapo kainis. Naimagine ko tuloy siyang nakasakay sa kabayo ng topless sa dalampasigan. Pucha. At syempre umikot agad yung mata ko sa magkabilang kamay niya. Walang tan line. Walang singsing! "Whooo, pwerte. Thank you." He even winked. Hoy Leslie magsalita kang babae ka! "Yeah, no worries." I smiled back kahit tigas na yung lips ko sa lamig. He seemed to ogle me for a second pero umiling din. Then he stared at me, curiosity evident in his eyes. Sus, maganda naman talaga ako, pero parang alam ko na ang sunod sa titig eh--yung smile na pang pa-fall kaya inabot ko na yung hand carry ko at tumkhim. "Uhh, I gotta go." Hindi ko alam kung bakit para akong nauutal, I am usually calm and collected-- and according to E, I am a shark in the ocean of advertising business, kaya hindi ako basta basta na iintimidate, pero parang gusto ko ng makatakas mula sa mga titig ng lalakeng ito. ............  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD