Leila Presley
Month 3: Bargaining
"What if I didn't kiss his cheeks when he saved me from that bully Jules? Sa tingin mo magiging kami ba? Will this pain and hate and anger I feel even exist?" I was slurring while reaching for the calamares that the waiter just delivered to our table.
Nagsawa na din kami ng gin bilog one on one kaya andito kami ngayon sa Central Buendia, almost walking distance lang sa condo namin--but not quite.
Nakakailang bote na kami ng beer at dalawang order ng sisig--seriously hindi pa kami nagsasawa ng sisig.
"Leslie..ayan ka nanaman eh. Stop it with your what ifs dahil walang time machine. You can never take back what's been said and done." She scowled at me.
At ease na din sakin ngayon si Jules, hello sa araw araw ba naman naming magkausap mawawala talaga ang akwardness niya kasi isa ako sa mga taong mamamatay yata pag walang makausap.
"Pero Julessssss..huhu.Pano nga? Sa tingin mo asan ako ngayon? Nasa Paris na siguro ako noh? Huhuhu Julessss.." I was crying without tears and tininganan niya na lang ako na nadidiri.
"Nakakahiya ka. Pag usapan na lang natin yung concept ko for Parallax."
Ganyan siya pag para na akong sirang plaka, and I'm glad sobra sobra ang pasensiya niya sakin.
Lumagok muna ako sa bote ng beer at nagpakawala ng buntong hininga.
"Nakausap ko na si Dylan. He wants to meet you to talk about your rate." Eversince kasi ma close at ma launch yung luxury car ng Parallax, Dylan has been hungry for more, and I admire his drive and passion.
Kaso nga lang nagkataon na sakin siya gustong makipag deal, but my hands are full kaya hindi ko siya maacomodate sa bago niyang mga naiisip ngayon.
So,I told him I'll send over a friend's concept, at nagustuhan niya nga yung gawa ni Jules, so he was eager to meet her.
"Nice. Okay, when are we meeting?" Medyo nagliwanag yung mukha niya.
"Next week, after na lang ng grad rehearsal niyo?"
"Damn, ayaw ko ng sumabay dun Leslie.."
"You have to, once in a lifetime lang yan."
"Ugghhhh..ang kulit kasi ng katabi ko and daldal niya. Oh, I know, kunwari may measles ako para hindi ako makaatend!"
"Gaga. Umattend ka. Baka pag sisihan mo balang araw. Baka mag what if ka din tulad sakin ngayon."
"Drama mo ha!" Tinapunan niya ako sa mukha ng tissue.
"Hayaan mo na muna ang kadramahan ko..I know lilipas din to, kailangan ko lang ubusin..kasi naman dapat hindi ko na siya hinalikan sa pisngi! I mean ni hindi ko nga siya crush! If anything I looked up to him as a brother! Si kuya kasi 5 years ang gap namin, tapos yung kiti-kiti kong kapatid naman hindi ko masabayan ang hilig. Kaya ayun I lived in an illusion of us being a couple! Or so I thought..ewan ko ba.. Haay Julessssss.."
"Sige, let's say na alternate universe 'to. At hindi mo nga siya hinalikan sa pisngi after ka niya ipagtanggol dun sa nangbully sayo..do you think a hug or no physical contact or a mere thank you would have made a difference?" Kumuha siya ng tinidor at tumusok ng calamares.
"Siguro? For every action, there's an equal corresponding opposite reaction. It would have made a difference I'm sure of that. Maybe I could've looked up to him like a big brother if I just said a simple thank you." Sabi ko dahil napufrustrate nanaman ako kakaisip.
"Or it could have not made any difference. Sabi nga ni Gossip Girl: 'We make our own fortunes. And then call them fate. And what better excuse to choose a path than to insist it's our destiny. But at the end of the day, we all have to live with our choices. No matter who's looking over our shoulder.' Wala tayong magagawa, what is bound will eventually happen."
I frowned at her statement.
"I beg to disagree.. My spirit animal Blair Waldorf said: 'Destiny is for losers. It's just a stupid excuse to wait for things to happen instead of making them happen.' Kung hindi ko siya hinalikan sa pisngi, malamang nasa Paris na ako ngayon! Huhuhu. Plus talking about laws of motion, how about the first one? 'an object either remains at rest or continues to move at a constant velocity, unless acted upon by a force.' See? It means that if I didn't do anything, if I just watched him leave after rescuing me from those bullies, then he would have not suggested me to be his girlfriend!And napaka imposible naman kung i po force niya yun sakin! I know him enough to believe that he won't do that. "
"Now you're becoming cynical at pinag tatanggol mo pa siya..Ewan ko sayo Leslie. Nasasayo din naman yan. Sino ba naman ako para mag advice?" She chuckled. "Ikaw lang naman ang makkatulong sa sarili mo. Stop being Serena and start being Blair instead. You don't need a Chuck Bass to be happy."
Again, nasapul niya nanaman ako.
"I hate you."
"You don't hate me. You just hate the fact that somehow, through my unsolicited advices, you are beggining to realize that things don't stay as they used to be. Change is the only constant thing in our lives. Everything is up to you. You hold the lock and key. So just stop being a whining b***h, you're killing me." Kinusot niya yung ilong niya at tinaasan ako ng kilay.
Natawa na lang ako sakanya.
"Infairness ha, for someone who's not into people like you, you give great points."
"Thank the tv for that." She smiled bitterly.
-----
Month 4 : Depression
"Punyeta ka Ditas ang landi landi mo!!!!Huhuhuhuhuhuhuhuhu!!!!!" Umiiyak kong sigaw sa habang nanonood ng Palimos ng Pag ibig.
Pucha, akala ko okay na ako eh, pero ang sakit pa din nung ginawa sakin ng walanghiyang yun. Ni hindi man nga lang natapalan ng sandamakmak na alak yung naramdaman ko nung araw na yun.
Pakiramdam ko, wala akong kwentang tao.
Matapos niya akong ikulong sa sampung taon ng isang huwad na relasyon, matapos niya akong paniwalain sa forever--pucha bibiglain niya ako ng kabababuyan nila.
"Ang tanga tanga mo kasi Fina..huhuhuhu.." Wala akong kausap at para akong tanga dito sa sala namin.
Napapraning na yata ako.
Dalawang linggo na rin akong hindi pumapasok at mailap sakin ang pagligo.
Nakailang ice cream at cake na din yata ako.
God, I look pathetic.
Baka isang araw mapasukan na lang ako dito ni Jules na patay na.
Newsflash: Isang babae ang natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa sala nila. Pinaghihinalaang na overdose ito ng icecream at chocolate cake. Ayon din sa isang source, pinagpalit daw ito ng nobyo sa babaeng mahilig sa dogstyle.
Kung pwede lang lamunin na lang ako ng lupa.
Ayoko ng gumalaw promise.
Isang walang laman na container ng icecream ang tumama sa mukha ko.
"You look like shit." Nakataas ang kilay ni Jules na nakatayo ngayon sa harapan ko.
"Aray..Salamat sa pag state ng obvious." inirapan ko siya at sumubo ulit ng icecream.
"Hindi ka pa din pumapasok sa trabaho mo? Ano, ganyan ka na ba hanggang sa mamatay ka?" Inisa isa niyang damputin ang mga nagkalat ng lalagyan ng icecream at mga supot ng chichirya na binili ko sa 7/11.
"Jules naman eh.." Naiyak nanaman ko.
"Heh!!" Tumayo ka na nga diyan, kung ayaw mong buhusan kita ng tubig para magising ka sa katotohanan na nagmahal ka ng gago, at wala kang mapapala sa pagdepress depressan mo. s**t lang Leslie. Tama na please? Napipikon na ako sa pinag gagagawa mo sa sarili mo."
"Ngayon lang Jules, hindi ko talaga kaya..huhu."
Huminga siya ng malalim at pumunta ng kusina.
Ganyan siya, pag ayaw ko talaga magpaawat siya na lang umiiwas.
"Ahhhhhhhh!!!!!" Halos mapatid ang ugat ko sa leeg ng naramdaman ko yung malamig na tubig na bumuhos sakin.
Nanginginig akong tumingala at nakita ko si Jules na may dalawang pitsel na hawak.
"Gusto mo bang dito kita paliguan sa sala?"
Okay, mental note: Wag sagarin ang pasensiya ni Jules.
"Sabi ko nga maliligo na.." Tagos sa buto ko yung lamig, sinabayan pa ng aircon.
Brrrr
"Good. Linisin mo din yang kalat mo at pwede ba, sunugin mo na din yang hoodie ni kuya, mukha ng basahan..Actually mukha ka ng basahan." She stated matter of factly.
Tumayo akong nakasimangot at pinagpagan yung suot kong lumang hoodie ng UP college of law, nakuha ko kasi to sa cabinet ng kwartong pinatuluyan sakin ni Jules, na dati palang kwarto ng kuya niya.
"Bakit ko naman susunugin to? This hoodie has kept up with my sadness."
"Whatever. Maligo ka na please lang."
"Sungit."
"Basahan."
"Babangon din ako Jules at dudurugin kita.."
"Yikes, sa tingin ko nasobrahan ka na talaga kay Sharon at Vilma." Hinawakan niya yung mga balikat ko at pilit akong tinulak papunta sa banyo.
"Ayan, tingnan mo kung gaano ka kapanget ngayon." Itinapat niya ako sa harap ng salamin sa may lababo at napangiwi ako sa nakita.
"Oh my God. I do look like shit."
Sobrang dungis ko na at mukha talaga akong basahan.
"Jules, pangako mo, hinding hindi mo ito ikukwento kahit kanino ha?"
"Eh paano yung video mo kagabi na kumakanta ka ng luha habang hawak yung picture nung walang hiya mong ex?"
"May ganoong video??????" Oo alam ko lasing ako kagabi, pero wala akong maalala na kumanta ako ng luha at nagpakuha ng video sakanya.
"Yup..insurance ko lang yun pag hindi ka pa tumigil diyan sa kagagahan mo."
"Noooooooo..."
"Yesssssss.."
"Patingin ako!!!"
"Maligo ka muna..and by the way, kung binabalak mong idelete, I have multiple copies." Kinindatan niya ako sabay labas ng banyo.
"Punyeta."
----
Month 5 : Acceptance
Hindi pa ako okay.
Pero kahit papano tanggap ko na.
May mga bagay talaga--I mean mga bullshit talagang bagay o pangayayri na kailangan nating pagdaanan, at kahit anong iwas, deny at galit ang gawin natin, wala na tayong magagawa para mabago yun o mabura.
Masakit--same s**t pa din naman ang nararamdaman ko, pero atleast tanggap ko na ngayon.
Tanggap ko na, na kahit kailan, ako padin yung green kangaroo.
Tanggap ko na, na kahit hindi ko siya kiniss sa pisngi ng araw na yun, magkakaroon pa din siya ng malaking role sa buhay ko.
Tanggap ko na, na hindi ko talaga siya mahal--yung pang bf/gf na mahal, kundi mahal ko siya dahil sa comfort at attention na binigay niya sakin. Sakanya ko lang kasi naramdaman na ako ang first choice niya.
Tanggap ko na din na..sa huli when given a chance to choose again, he did not choose the life that we built together..hindi niya pinili yung ilang taong pinagsamahan namin..he did not choose me.
Tanggap ko na din na..hindi lang sakanya dapat umikot ang mundo ko--dahil dapat una sa lahat, sa sarili ko dapat umikot ang mundo ko.
Tanggap ko na din na..madaming taon ang nasayang ko, na dapat hindi ko sinaraduhan yung sarili kong makipagsalamuha sa ibang tao--akala ko kasi siya lang sapat na--which is bullshit.
Tanggap ko na din, na kailangan kong mabuhay para sa sarili ko, hindi para sa ibang tao.
Tanggap ko na din na I am alone--but I should not make it a reason to be lonely.
Tanggap ko na din na, nasaktan na ako, yun na yun eh.
Tanggap ko na din na, okay na ako.
Tanggap ko na din, na kahit kailan, moving on is bullshit.
∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵∴ ∵