Chapter 2

2353 Words
Chapter 2 The next day, I fully accepted that I’ll really study here. Hindi na pwedeng magbago ang isip nina Daddy na ibalik ako sa city. At kailangan ko na lang tanggapin ang lahat na kailangan kong magsuot ng jacket araw-araw dito dahil sa malamig na klima at hindi pa sanay ang katawan ko. I brought my car this time. Alam ko na ang daan kaya hindi na ako maliligaw. The town is so small. Magpapaikot-ikot lang ako ito kung sakali mang maligaw ako kaya minabuti ko na lang magdala ng kotse. Magkasabay kaming dumating ni Ywa, nakasalubong ko siya papasok sa building at kaagad siyang kumapit sa braso ko habang nakangiti ng malaki. “Stop being pretty. Inaagawan mo ako ng korona,” pairap na sabi niya at hinila ako patungo sa unang klase namin. I am really glad that the courses that I took on my previous university are the same with theirs so I didn’t have to be irregular student. “So since you’re new here. I’m gonna tell you the issues and trends here. Pero mamaya na kapag lunch time na,” sabi niya sabay kindat na nagpakunot sa noo ko. “May iba ba dito? Pilipinas pa rin naman ‘to,” sabi ko pero mahina lang siyang tunawa at hinila na niya ako papasok sa loob. Wala pa ring pormal na discussions. At iniiba-ba pa ang schedules kaya napaaga ulit ang pag-lunch namin dahil wala pa ang ibang professors. And Ywa mentioned that it might be like this for a week so I might just stay at home tomorrow and sleep. “So let’s start. Saan ba tayo mag-uumpisa?” Ywa asked when we got into the cafeteria. Nagkibit balikat ako dahil hindi rin naman ako interesado sa mga nangyayari dito. “Alright, let’s start with the Mayor’s son. Si Trew, he’s there,” sabi niya at nginuso ang isang lalaking mayabang na nakikipagtawanan sa bandang gitna. He’s the guy on the field yesterday. “Ang yabang niyan. I mean, may maipagmamayabang naman talaga. He’s the assistant captain of the soccer team. Magkalaban na sila ni Greg mula pa noon. Hindi ko alam sa kanila kung bakit. He’s playboy, too, kaya huwag kang lumapit diyan,” sabi niya kaya nangunot ang noo ko. “I don’t really care,” natatawang sabi ko pero nagpatuloy pa siya. “Oh here, my favorite topic. Si Greg, well, he is Gregory Monroe. He’s hot, obviously, and he’s not kind, but he’s not bad either. He’s perfect at kita mo ang babaeng lumapit sa kanya?” sabi niya kaya napatingin ako sa kapapasok lang. The guy with gray eyes and the pretty girl who came to him. Nag-usap sila saglit pero umiling ang lalaki bago ito nilampasan. “Do you like him?” tanong ko kay Ywa na mabilis niyang tinanguan. “Yes I like him. By the way, that girl is Fate. That’s his last ex. I mean, last year naging sila at naghiwalay pero hindi pa ulit nagkaka-girlfriend si Greg. I mean, he stopped dating. Unlike noon na pagkatapos ng isa ay may palit kaagad. They broke up and Fate is with Trew now. Pero halata naman na gusto pa ni Fate si Greg kaya mas lalong ngumingitngit ang loob ni Trew at kahit sa iisang team ay palaging nagkakainitan sa soccer,” sabi ni Ywa kaya sinundan ko ng tingin ang lalaki hanggang sa umupo siya sa harap ng isa pang lalaki. The guy isn’t familiar, but I guess he’s one of the soccer players, too. “Baka lalaki na ang gusto at hindi na babae? He realized it, so he stopped dating girls?” tanong ko. At alam kong mahina lang ang pagkakasabi ko noon na kaming dalawa lang ni Ywa ang nakarinig pero biglang lumingon sa amin si Greg. Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil diretso ang mga mata niya sa akin at salubong ang kilay na para bang narinig niya ang mga sinabi ko. That’s impossible. “What? Are you saying that he’s gay? Hindi,” angal ni Ywa kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. My heart suddenly races. Bigla akong kinabahan kaya sandali akong nagpaalam na magbabanyo. Parang may mali. Hindi ko alam kung ano. Palabas ako sa cafeteria nang may humablot sa akin. “I am not a gay,” madiin na sabi nito habang mariin ang tingin sa akin. His gray eyes are full of pissed. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko doon. “Paano mo narinig? We are five tables apart,” sabi ko at doon niya akong biglang binitawan. But curiosity inside of me has leveled up. “Nevermind,” sabi niya pero umiling ako at hinarangan ko siya sa akmang pagbalik niya sa loob. “No, narinig mo ang pinag-usapan namin ni Ywa? Paano?” nagtatakang tanong ko at ngayon hindi na siya makatingin sa akin. Nagsisimula na ring magpawis ang noo niya. And I could see him clenching his fist. Nagpipigil siya. “I said nevermind. Tabi,” may inis na sabi niya pero hindi ako tumabi dahilan para hindi siya makadaan. “Ang weird lang. You followed me para sabihin sa akin hindi ka bakla?” tanong ko at doon mas lumaki ang inis sa mga mata niya. He’s mad now. “Sabi ko tabi,” sabi niya at bigla siyang yumuko. Bigla akong napaatras at napatingin sa kamao niyang nakakuyom. What’s his problem? Susuntukin niya ako? Nanununtok siya ng babae? “Get out of my way. You’re not gonna like what I can do,” he murmured. At this time his voice was rough and husky. Parang nahihirapan na hindi ko maintindihan. I stood there, in front of him, doing nothing. Tinitigan ko lang siya hanggang sa sakubungin niya ulit ang mga mata ko. At napasinghap ako ng malakas at tarantang napalayo sa kanya nang makita ko ang umiilaw na kulay ginto niyang mga mata. Halos isang segundo lang iyon dahil tumalikod siya at tumakbo na paalis pero alam ko ang nakita ko. Hindi ako namamalikmata. “W-What’s with him?” nanginginig na sambit ko at napatingin ako sa mga nasa paligid pero walang sino man ang nakakita maliban sa akin. He’s so weird. That’s not normal at all. Hindi iyon maalis sa isipan ko kaya hinanap ng mga mata ko si Greg. Hindi ko alam kung pareho kami ng building o hindi basta hinanap ko siya pero wala akong nakita. I saw some soccer players with their jerseys on, but he’s not with them. Hindi ko alam ang dapat kong isipin. Should I gaslight myself that it’s normal? Pero alam kong hindi. Pero impossible rin. We are in the real world. Magic doesn’t exist? Pero ano iyon? That’s not contact lenses! Bumagabag iyon sa isipan ko kaya nang mag-aya si Ywa na manood saglit ng practice ng soccer team matapos ang huling klase namin ay pumayag na ako. And he’s there, Gregory is there, and he’s sitting just sitting. Naka-jersey siya pero nanonood lang sa mga nagpa-practice. I stared at his back, and after a while, he turned, and our gazes met. Napaupo ako ng tuwid at kaagad na nag-iwas ng tingin. But after that, I saw at the corner of my eyes that he stood up and left. “Gosh, I guess Greg is bad mood again,” bulong ni Ywa at natapos nga ang practice nang hindi na ito bumabalik. “Mauuna na akong umuwi. Dad called, pinapauwi na ako,” dali-dali kong paalam kay Ywa at hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at umalis na ako. Rinig ko pa ang pag-angal niya pero patakbo na akong umalis sa soccer field. Agad kong binuksan ang pinto ng kotse ko nang makalapit ako. But before I could enter, someone pushed my hand so it closed once again. “Stop watching me like a hawk, Elara,” he whispered. Nanigas ako at kaagad ko siyang hinarap. His eyes were gray. Walang bahid ng ginto. “What’s with you?” nanginginig ngunit matigas na tanong ko at doon bahagyang nangunot ang noo niya. “You need glasses,” he smirked, but I shook my head. “You’re joking,” sambit ko saka malakas na binuksan ang pinto ng kotse pero pinigilan niya ulit ‘yon. He jailed me in between his arms, and my breathing stopped. May naramdaman akong bahagyang takot dahil kitang-kita ko kahapon kung paano na-crack ang pader sa suntok niya. He’s gifted with such strength, and he can crush my head any moment from now. Nawala ang takot ko nang bigla siyang natawa ng mahina. Huminga ako ng maluwag saka ko siya sinamaan ng tingin. He didn’t get any chance to speak when someone threw a shirt at him. Sabay naming nilingon ang natatawang nambato at nakita ko ang lalaking parte ng soccer team. He has this teasing smirk all over his face as he watches me and this gay being so close. And that made me realise our distance, so I pushed him. “Greg and?” the guy asked, and he offered his hand. “Elle,” sabi ko sabay tanggap sa kamay niya. “Hi, Elle. I’m Ize. I could see that you and Gregory, the captain, right here are pretty close now. Transferee? I never got to see as pretty as you here before,” sabi niya at napangiwi naman ako. Too much sugar-coated words, and it is not affecting me. “She’s going home now. Go and stay away from me,” Gregory said, and he whispered his last sentence. Napataas ang kilay ko nang buksan niya ang pinto ng kotse ko kaya wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa loob at magmaneho pauwi. Alam ko ang nakita ko. Hindi ako namamalikmata. Hindi ako bulag at mas lalong hindi ko kailangan ng eyeglasses. Ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano kaya inalis ko iyon sa isipan ko. Maybe he just works out a lot. Maybe there's some light flickering on his eyes that’s why it changes colors. Hindi ko na dapat iniisip ito. I came here to study peacefully. I am not here to investigate and look for paranormal things. But no matter how I gaslight myself, I still couldn’t sleep. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isipan ko kaya nagpasya akong lumabas. I got my car and I drove. Nakakamangha na halos wala nang maingay sa daan. Patay rin ang mga ilaw ng bawat bahay na nadadaanan ko. It’s so peaceful that it feels surreal, especially since I came from a city where tall buildings were alive at this hour. Sa pagmamaneho ko ay nakarating ako sa munting bayan. There’s a convenience store open, so I decided to buy some snacks. After buying snacks, I quickly ran towards my car, but I suddenly stopped midway when I saw a group of guys laughing near where I parked. Pamilyar sila dahil mga soccer players iyon ng school. They seem high and I don’t like it. Akmang babalik ako sa loob ng store nang makarinig ako ng sipol. “The pretty transferee. The newbie in town,” someone said. At kung tama ang naaalala ko ay ito ang sinasabi ni Ywa na si Trew. He’s the Mayor’s son, and I don’t like his aura. Lumapit ito sa akin pati na rin ang mga kasamahan niya. I got scared because they smelled alcohol. At mukhang hindi lang alcohol ang dumadaloy sa ugat nila. “You’re pretty. Fate and I broke up. Perfect, I’ll date you,” Trew said, and I felt the disgust within me. “Padaanin niyo ako,” sabi ko pero tumawa lang sila. This town is small. It's too small that if something bad happens to me right now, everyone would eventually know. “Chill, Babe. I am kind. We go out sometimes. Hanapin kita sa school bukas,” sabi niya at mas lumapit pa sa akin. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan niya pa ako sa braso dahilan para mabitawan ko ang mga pinamili ko. “Get off me!” I said, but he smirked even more. “My room is spacious. Wanna see it?” My eyes widened. Inis ko siyang sinipa sa harapan niya kaya namilipit siya sa sakit. Tatakbo na sana ako pero hinawakan ako ng mga kasamahan niya sa magkabilang braso habang nakangisi. “You don’t know what you’re doing,” mariin na banta ni Trew kaya mas lalong umusbong ang takot sa akin. “Help!” I shouted at napapikit ako nang unti-unti siyang lumapit sa akin. Mariin akong pumikit sa takot at hindi ko alam ang nangyari. Narinig ko lang ang mga daing at naramdaman ko na wala nang nakahawak sa akin kaya binuksan ko ang mga mata ko. And I didn’t expect to see Greg. Kita ko ang pagbunot niya sa kutsilyo na nakabaon sa braso niya at si Trew na tumatakbo paalis. “Oh My God! May sugat ka!” tarantang sabi ko saka ko siya nilapitan at hinawakan sa braso. “Umuwi ka na,” he said before turning his back at me. Pero hinabol ko siya dahil nagkasugat siya. “Ang sugat mo. Pumunta tayo sa hospital!” sigaw ko at hinawakan ko ang sugatan niyang braso para pigilan siya. “I’m fine. I don’t have any wounds,” sabi niya kaya napatingin ako sa parte ng braso niya kung saan nakabaon ang kutsilyo kanina. May bakas ng dugo pero wala na ang sugat. “P-Pero…may sugat kanina,” nanginginig na sabi ko pero hinila niya lang ako patungo sa kotse ko. “Go home now. Walang nangyari ngayong gabi. Forget anything about this,” he said while looking straight at me. I shook my head. I was so sure that he got big wound. Umaagos ang dugo! Nabaon ang kutsilyo! Paanong nawala kaagad? “Paanong nawala ang s-sugat—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil binuksan niya na ang pinto ng kotse ko at sapilitan akong pinasok sa loon. I blinked and turned to him again. Pero isang malakas na hangin na lang ang natira dahil wala na ang bakas niya doon. Totoo ba ang aswang? Aswang ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD