Chapter 3

2103 Words
Chapter 3 I haven’t sleep. Naipon ang takot, pagtataka, at mga tanong sa isipan ko kaya kinaumagahan ay natatakot akong pumasok pero nang magtanong sina Daddy kung bakit ayaw kong pumasok ay wala na akong nagawa pa kung hindi umalis na lang. Medyo late na akong dumating at nag-park pa ako ng kotse. I ran towards our building. Mabilis akong naglalakad sa corridor nang may biglang humarang sa dadaanan ko. They were with Trew last night. Sa mga ngisi pa lang nila ay kilala ko na sila. “Late na ako,” sabi ko pero ngumisi lang sila. “Hi, Elle. Sabi ni Trew pumunta ka raw muna sa likod ng building,” sabi ng isang lalaki kaya napaatras ako. “Tumabi kayo. Magsusumbong ako sa Dean,” banta ko pero hindi nawala ang mga ngisi nila. “We are talking about Trew here,” sabi pa ng isa kaya napalunok ako. My heartbeat races in nervous. Mas lalo lang akong natakot nang hawakan ako ng isa sa braso at hinila. “Hindi naman daw magtatagal. May sasabihin lang siya,” sabi nila pero umiling lang ako. Ang mga estudyante dito sa corridor ay nakatingin lang na parang ayaw na nila ng gulo dahil kilala nila ang mga lalaking ito. They are all varsities and they are Trew’s friends. Mabilis kong kinuha ang cellphone. I got no one to call so I think about Daddy. Pipindutin ko na sana ang call button nang bigla nila akong bitawan. “Greg,” sabi nila kaya napatingin ako sa likuran. And I felt the relieved when I saw Gregory. “What are you doing? Gusto niyong ma-kick out sa varsity?” seryosong tanong nito sa mga humaharang sa akin. “Greg, si Trew ang nagsasabi—” “Umalis na kayo. I’ll tell coach about this,” banta niya kaya umiling na ang mga lalaki at nagsialisan kaya napahinga na ako ng maluwag. Napatingin naman ako kay Gregory na bumaling na sa akin matapos sundan ng tingin ang mga lalaki. He raised his brow at me so I sighed. “Thanks?” sabi ko kaya mas lalong tumaas ang kilay niya. “What’s with you and Trew?” tanong niya na inilingan ko. “I didn’t even know him. Hinarangan lang nila ako kagabi,” sabi ko at doon bumalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi kaya napatingin ako sa braso niya. Iniwas niya ang braso niya sa mga mata ko kaya muli akong napatingin sa mukha niya. “Go to your class,” sabi niya but I shook my head. Late na ako ng thirty minutes. Hindi na ako papasok sa first subject. “I’m already late—” “Pumasok ka pa rin. Trew might see you and drag you again,” he said, and I bit my lips because of that. “Saan ang library dito?” tanong ko at tinuro lang niya ang taas. Napatango naman ako saka pumunta na sa taas para hanapin ang library. He followed me and I didn’t ask him about it. Natunton ko ang library sa top floor ng building na ito at nakasunod pa rin siya. “Wait, are you following me?” tanong ko na nang hindi ko mapigilan. Pero isang ngisi lang ang sinagot niya bago tinuro ang lalaking palagi niyang kasama kaya nakaramdam ako ng bahagyang hiya. “Ize is here so no,” sabi niya na siyang nagpangiwi sa akin. Nilampasan na niya ako pero bigla akong natanaw si Trew at ang mga kaibigan niya papasok. Sa kaba ko na baka harangin naman nila ako ay tumakbo ako patungo kay Gregory saka humawak sa braso niya. He stopped for a while to look at me, and after a few seconds he looked at Trey’s group. Hinayaan niya akong nakakapit sa kanya hanggang sa makarating sa kaibigan niya na kaagad nagtaas ang kamay nang makita kami. “You’re dating now?” he immediately asked. Mabagal akong umiling habang umuupo at muling napatingin sa banda nila Trew na ngayon ay nakatingin na sa akin. Hindi ko alam kung anong gusto ng lalaking ‘yon. He’s creepy. “No, Trew harassed her last night. I saw it. Trew likes her. Kilala mo iyon,” Gregory murmured before looking at Trew. “So you need to date him, Elle. Hindi titigil iyan hangga’t hindi niya nakukuha ang gusto niya sayo,” sabi ni Ize sabay tawa. Inalok niya pa sa akin ang chips na mukhang kanina niya pa kinakain kahit bawal dito sa loob kaya inilingan ko. “You’ll date him?” Gregory asked and I shook my head. “Hindi,” sabi ko sabay tingin sa librong binabasa ni Ize. I saw something interesting so I craned my neck. At nakita niya iyon kaya nilapit niya sa akin ang libro. “Are you also interested in werewolves? They are so cool,” sabi niya kaya wala sa sariling napatingin ako kay Gregory na mabilis na nag-iwas ng tingin. “Why are they so cool?” tanong ko kay Ize pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Greg. “They are fast…they are strong. They could also heal their wounds on their own. They also have strong hearing sense and…they are cool,” sabi ni Ize kaya napasinghap ako. “Fictional,” I murmured but Ize laughed. “Yeah, but it’s not wrong to be amaze, right?” sabi ni Ize pero hindi ako tumingin sa kanya. Napatingin lang ako sa braso ni Greg na alam kong nasaksak kagabi pero wala na ang bakas nito ngayon. I want to say something but I didn’t have a chance to voice that out because someone came. Padarag nitong nilapag ang bag niya sa lamesa at inis na tumingin sa akin. “Wala tayong class sa second period. At hindi ko alam kung pati na rin sa iba pa kasi may meeting daw ang faculties. Great, right? Dapat kinumpleto ko na lang ang tulog ko,” inis na inis na sabi ni Ywa pero nang makita niya ang kasama namin sa table ay nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pamumutla niya. Hindi maalis ang tingin niya kay Greg kaya bahagya akong napangiti. “Greg,” manghang sambit ni Ywa kaya biglang nag-snap si Ize para ba magising ito sa panaginip niya ngayong nakita ni si Greg. “This is not new,” tawa ni Ize pero nagniningning pa rin ang mga mata ni Ywa. “I’m a fan. You are the best captain of the soccer team,” sabi ni Ywa kay Geg. Nasa gitna nila ako pero parang gusto ko na lang yumuko para makita niya at matitigan ng tuluyan ang lalaking gusto niya. “I’m not the captain,” Greg answered and Ywa’s eyes widened. “Yeah, Trew is the new captain. This guy did not play well last year. Iniwan kami sa ere kaya talsik siya,” natatawang sabi ni Ize na binato lang ni Greg ng ballpen. “Still, I am still a fan. Are you ready to have a girlfriend now? Can I apply?” walang hiya na sabi ni Ywa kaya pati ako ay natawa. Ako ang nahihiya para sa kanya. “Ywa, stop,” natatawang pigil ko at doon lang siya tinablan ng hiya kaya napatakip siya sa mukha niya. Nahihiya naman akong napatingin kay Greg kaya ngumisi ng kaunti. He’s smiling. Mukha lang pala siyang suplado sa malayo pero parang hindi naman kapag nalapitan na. “Anong nangyari sa sugat mo? Nakita ko kagabi. May sugat ka. I was so sure,” biglang sabi ko dahilan para mawala ang ngiti niya at ang agaran niyang pagtayo. Bigla niya akong hinila at dinala sa mga bookshelves kaya napakunot ang noo ko. “Mali ang nakita mo,” sabi niya pero umiling ako. “No, nakita ko. Alam kong nakita rin nila Trew,” giit ko pero umiling siya. “They are drunk, and they took drugs last night,” sabi niya pero napatitig lang ako ng mariin sa mga mata niya. “At ang mga mata mo. Ilang beses kong nakita na nag-iba ng kulay. My eyes are clear. Hindi ko kailangan ng glasses,” giit ko ulit pero inilingan lang niya. “You are just imagining things,” he said and was about to leave, but I didn’t let him. “I am not. You are hiding secrets. Sinong tao ang gagaling ng ilang segundo lang?” “Hindi ako nasugatan—” “At hindi rin ako bulag,” sabi ko pero pinaningkitan niya lang ako ng mga mata. “Stop talking about that. Walang totoo sa mga sinasabi mo. You are hallucinating,” sabi niya at nagsimulang naghanap ng mga libro kaya sinundan ko siya. “Aswang? Kapre? Tikbalang? Ano ka?” tanong ko at doon niya ako nilingon habang natatawa. “Manananggal,” sagot niya kaya nagsalubong ang kilay ko. “I am serious,” inis na sabi ko pero ngumisi lang siya. “I am also serious,” sagot niya saka naglakad na kaya sumunod naman ako. But while we are walking, may lumipad na makapal na libro sa direksyon namin. Greg catched it, and we saw Trew. “Lahat na lang, Gregory, gusto mong agawin. Wala ka na bang ibang babae?” Trew smirked while looking at me. “I didn’t know that she’s yours,” Greg answered. Kita ko ang pagkapikon sa mukha ni Trew dahil doon at ang kasunod ay ang paglabas niya ng maliit na kutsilyo. “Hindi ba kita natamaan kagabi? I was so drunk, I guess. Ngayon hindi na ako mimintis,” sabi niya kaya napahawak ako kay Greg. “May CCTV dito,” sabi ko pero parang walang pakialam si Trew. “Stop acting like a kid, Trew. You were the new captain of the soccer team, right? Gusto mong mawala sa’yo ang gustong-gusto mo noon pa man?” Greg said, and he pointed at the CCTV. Biglang tinago ni Trew at knife kaya napahinga ako ng maluwag. “Duwag,” sabi ni Trew saka na siya umalis habang inis na inis. “Ano bang gusto niya?” tanong ko. Kinakabahan na ako. Baka araw-araw iyong ganito. Paano kapag mag-isa lang ako at walang kasama? “He likes you. His ego won’t forgive him if he doesn’t get you,” Greg answered, and he held my arm to bring me back to our table. Ramdam ko ang panlalamig at kaba ko. Hindi ko ito naranasan sa city. “He wants to date me? Lalabas ako kasama siya? Matatahimik na siya doon?” tanong ko pero umiling siya. “Trew again? He doesn’t want dates, Elle. He wants you,” sabi ni Ize kaya napakunod ang noo ko. “What do you mean?” I asked. I want that guy to stop. “He wants to bed you,” sabi ni Ize kaya nalaglag ang panga ko. “What? No way. I don’t even have a first kiss yet, and he wants to get my virginity? No way. I’ll drop out,” sabi ko kaya inis akong tiningnan ni Greg. “You don’t have to shout,” mariin na bulong niya. “Wait, what? You’re still a virgin? Seriously? City girl ka, hindi ba?” manghang tanong ni Ywa na siya ikinangiwi ko na lang. “What’s wrong with that? At hinding-hindi ko ibibigay ang sarili ko sa isang addict,” sabi ko kaya ko niyakap ang bag ko ng mahigpit. “Excuse me, girls. We are guys, come on. It’s awkward for us. Iniimagine ko na tuloy kung anong mayroon sa ilalim ng damit na ‘yan,” sabi ni Ize saka ako tiningnan pataas-baba kaya napatayo ako ng tuluyan. “Seriously, upo,” sabi ni Greg at hinawakan niya ang palapulsuhan ko para paupuin ako ulit. “Don’t you dare let Trew hear you say that you’re a virgin. Mas lalong lalakas ang loob niya,” Ize said before laughing so hard that the librarian signaled us to keep quiet. “Trew is also hot. Kung ako okay lang,” sabi ni Ywa kaya umiling ako. “May paraan para tigilan ka na ni Trew,” sabi ni Ize sabay tingin kay Greg kaya napatingin rin ako sa kanya. Nilalaro niya ang ballpen sa kamay niya at tamad niyang nakatingin kay Ize na tila hinihintay niya rin ang sasabihin nito. “Ano?” tanong ko at biglang nginuso ni Ize si Greg. “Date him. Date Gregory Monroe. Lalayo na si Trew at mag-aabang na lang kung kailan kayo maghihiwalay,” Ize said, and Ywa seconded that with her nod. “Yeah, just like Fate.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD