Chapter 4
I don’t consider Ize’s suggestion. I am hoping that Trew will stop bothering me. Baka mapagod rin siya kinabukasan. I came here to study, at hindi pa buo ang loob ko na dito mag-aral pero wala akong choice. I just want a peaceful life until my parents decided to let me go back in the city.
Pero hindi nangyari ang gusto ko. Dahil pagkababa ko pa lang mula sa kotse ko sa sumunod na araw ay nilapitan na ako ni Trew. He’s with his usual group and they are wearing their varsity jackets. Binilisan ko ang galaw pero mas mabilis ang mga hakbang nila para palibutan ako.
Ang nakakaloko at mayayabang na mga ngiti ay hindi mabura sa mga labi nila. I felt the disgust so I tried to avoid them but I can’t. Kaagad naming nakuha ang atensyon ng mga estudyante sa paligid pero ni isa ay walang nagtangkang lumapit.
Lumapit sa akin ni Trew at sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero mabilis ko iyong iniwas dahilan para bumalatay ang inis sa mukha niya.
“You are new in town, right? Dapat nakikisama ka,” sabi niya pero nangunot lang ang noo ko.
“Please, leave me alone,” mahina at kalmado na sabi ko pero wala iyong epekto. Ngumisi lang siya lalo na parang mas nagugustuhan niya na ang mga nangyayari.
“We have a practice game later at three. Watch me play,” he said and he winked. Hinuli niya ulit ang braso ko at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na naiwas pa. My heart beat went faster and my sweat formed around my forehead. Kinakabahan ako.
“Aalis na ako,” sabi ko at sinubukang umalis pero hindi ako makadaan. I am cornered and I started to panic.
Namuo ang mga luha sa mga mata ko at napadikit ako sa kotse ko sa kaba pero hindi iyon nagtagal dahil may lumipad na bola patungo sa direksyon namin. And it perfectky hit Trew’s head the reason why his attention left me. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng bola at napalunok ako nang makita ang pamilyar na lalaking naglalakad patungo sa amin.
Trew smirked when he saw Greg and Greg shook his head.
“Huwag kang magyabang, Greg. I am the captain now,” mayabang na sambit ni Trew pero binangga lang ni Greg ang isang lalaki sa gilid ko para hilahin ako paalis kaya nakawala ako sa pagko-corner nila.
“Prove it, then. Prove it that you are worthy, Samillano,” sabi ni Greg at hinila na ako palayo doon. Pero hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko ang paghalakhak ni Trew na parang nang-aasar at napipikon.
“You are so insecure, Monroe!” habol na sigaw ni Trew pero hindi na kami lumingon at tuloy-tuloy lang na pumasok sa building.
My heart is still beating so fast. Kinakabahan pa rin ako. Hindi pa ako nag-iisang linggo dito sa bago kong University ay marami na ang nangyayari.
“Give me your phone,” Gregory said when we stopped a bit.
Huminga ako ng malalim saka napatinghala sa kanya ng bahagya. Nagtataka man pero binigay ko pa rin ang phone ko ay mabilis siyang nag-type doon.
“Tawagan mo ako. Nevermind—I’ll hear your heartbeat anyway,” sabi niya kaya nangunot ang noo ko. Nakita niya ang pagsalubong bigla ng kilay ko kaya umiwas siya ng tingin habang umiigting ang panga.
“W-What? You’ll hear what?” tanong ko pero umiling lang siya.
Pinagmasdan ko siya ng maiigi at wala na akong pakialam kung ma-late ako sa klase ngayon. There’s something in him that I want to discover. May tinatago siya.
“Anong maririnig mo—”
Hindi ko na nagawang tapusin pa ang gusto kong itanong sa kanya dahil may sumulpot sa isang babae. Sabay namin iyong nilingon at kusa akong napaatras dahil humawak ito sa braso ni Gregory sabay saglit na sumulyap sa akin.
“Greg, can we talk?” the woman said. Muli niya akong tiningnan na parang bang pinapaalis niya ako kaya bahagyang tumaas ang kilay ko bago ako tumango.
“Aalis na ako. Thank you,” sabi ko kay Greg na bahagyang nakataas ang kilay sa akin kaya tinaasan ko rin ng kilay bago ako umakyat.
“What is it, Fate?” rinig kong sambit niya bago ako tuluyang nakalayo.
Is that his ex? Na naging ex rin ni Trew na sinasabi nila?
I was five minutes late but our professor was so kind. Wala itong sinasabi at pinapasok lang ako kaya dali-dali akong tumabi kay Ywa na kaagad pabulong na nagtanong ng paulit-ulit kaya napilitan akong sabihin ang mga nangyari sa labas habang nasasalita sa harap ang professor.
“I can’t blame, Trew. You are pretty kasi. At bago ka lang,” sabi ni Ywa matapos ang klase kaya umiling ako.
“Kapag nagpatuloy ‘to ay pipilitin ko si Daddy at Mommy na umalis. This is serious,” sabi ko na siyang tinawanan niya ng mahina.
“I’ll be happy if I were you. Pero, dumikit ka lang kay Greg. Mabait siya sa’yo. I mean, sabi naman talaga nila mabait siya,” she said and I shook my head.
Nagpatuloy kami sa sunod naming klase at matapos iyon ay hindi pa rin naaalis ang kaba sa akin. And aside from being nervous, there’s also curiosity inside of me what I want to be answered. Gregory is weird. He’s so weird that I have a lot of questions inside my head.
“Mauna na ako sa cafeteria. Cr ka muna?” tanong ni Ywa nang magpaalam ako bago kami mag-lunch.
“Oo, sandali lang ako,” sabi ko at lumiko na patungo sa cr. And pagkapasok ko ay may isa ring pumasok. Hindi ko na sana papansin pero nakita ko ang pamilyar niyang mukha kaya saglit siyang nilingon.
“You are the new student, right? Political Science?” sabi nito kaya marahan akong tumango.
“Yes, Hi,” sabi ko kahit may bahagyang pagtataka kung bakit kilala niya ako. Hyndos Valle is a small town as so as this University so it’s not impossible.
“I’m Fate, by the way. You and Greg are close? Are you two related?” biglang tanong niya kaya bahagya akong ngumuso at umiling.
“Hindi, he’s just kind to help me sometimes,” sabi ko at nakita ko ang pagtango niya.
“I’m sure that you don’t like him, right?” diretsong tanong niya kaya sa pagkakataong ‘to ay tuluyan ko na siyang nilingon. I want to laugh because it sounds like a threat or something.
“Hindi naman. Sorry, I need to go. See you around,” sabi ko at mabilis ko na siyang iniwan doon para pumunta na sa cafeteria kung saan naghihintay si Ywa. At bago pa ako makalapit kay Ywa ay natagpuan ng mga mata ko si Gregory na sinusundan ako ng tingin.
His gray eyes were deep and sarcastic. Hindi ko maintindihan kung bakit kaya nag-iwas lang ako ng tingin.
“May practice game mamaya ang soccer. Let’s watch? Manifesting na hindi papasok si Sir,” salubong ni Ywa kaya napatango na lang ako bago iniwan ang mga gamit ko para bumili ng pagkain.
Abala ako sa paghahanap ng bibilhin nang may biglang humila sa akin. At sa paghila sa akin ay doon rin natapon sa sahig ang isang mainit na sabaw na kung hindi ako nakalayo kaagad ay sa akin tatapon. Kaagad kong nilingon ang gumawa no’n at nang makita ko si Gregory ay may parte na sa akin na hindi nagulat.
His reflexes are superb.
“So you had a conversation with Fate,” bahagyang bulong niya na siyang ikinagulat ko.
“Mas lalo kang nagiging weird sa paningin ko. It’s creepy,” sabi ko kaya bahagya siyang natigilan na parang may biglang naalala na mali sa mga ginawa o sinabi niya.
Naningkit ang mga mata ko habang tinititigan siya pero sa pagkakataong ‘to ay nag-iwas lang siya ng tingin at umalis. I am so confused that I followed him with my stares. Pero tuloy-tuloy lang siyang lumabas sa cafeteria. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at tumakbo ako para sundan siya.
Mayroong mali dito. My mind isn’t playing with me. Totoo ang mga nakikita, napapansin, at iniisip ko. Pero ano?
“Gregory!” tawag ko nang maabutan ko siya sa likod ng building.
Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng school premises. Nagdalawang isip pa akong sumunod dahil gubat na iyon pero sa huli ay patakbo rin akong lumabas. Masukal ang kagubatan sa likod ng University at may nakita pa akong sign na bawal ang pumasok doon pero sinundan ko pa rin siya.
“Teka!” sigaw ko ulit pero hindi siya lumingon o huminto.
Nagiging madulas ang daan dahil sa tuyong mga dahon at nagiging nakakatakot dahil sa mga tuyong sanga ng kahoy na bigla-bigla na lang nalalaglag.
Hindi ako nagpapigil na sundan siya. I ran and I did everything just to follow him until I slipped. Nadapa ako sa madulas na bato at ramdam ko ang sakit sa tuhod ko kaya napadaing ako. At ang akma kong pagtayo ay hindi natuloy dahil nakita ko ang malaking sanga ng puno na mahuhulog papunta sa akin.
Matulis iyon at biglang naging blangko ang utak ko at hindi ako nakagalaw. Nanatili lang ako doon habang hinihintay ang puno sa pagbagsak at pagtulog sa katawan ko pero hindi iyon nangyari. A flash of speed made my hair blew a bit.
Ang ilang milyang layo ay naging isang segundong bilis lang dahil nakita ko kung paano pigilan ni Greg ang puno sa pagtama sa akin. The trunk is huge but he pushed it using his one hand. Malayo ang naging distansya ng puno at bigla akong namutla dahil nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang nag-aalab na kulay ginto.
‘Y-Your eyes,” nanginginig na sambit ko.
Para akong nakatitig sa mata ng isang hayop. It’s beautiful but it’s screaming danger.
“Bumalik ka na,” malamig na sabi niya at mabilis siyang tumayo. Nang tumalikod siya ay nasulyapan ko ang pagkuyom ng kamao niya. I saw his palm bleeding at mas lalo akong napasinghap ng malakas nang makita ko kung matutulis at mahahaba niyang mga kuko.
“W-What’s happening?” nanginginig na tanong ko at napaupo ako.
Lumingon siya sa akin at grabeng takot ang naramdaman ko kaya napaatras ako ng mabilis. His lips parted and his jaw clenched. Sa pagkakataong ‘to ay hindi na kulay ginto ang mga mata niya at wala na ang matutuliis niyang kuko. But I saw it.
Alam kong hindi ako namamalikmata.
“Ang sabi ko bumalik ka na,” mariin na sambit niya pero hindi na ako nakagalaw.
“W-Who are you? W-What are you?” nanginginig na tanong ko kaya mas lalong umigting ang panga niya at muling kumuyom ang kamao niya. Kita ko ang paglabas ng mga ugat sa leeg niya at ang muling pag-iba ng kulay ng mga mata niya.
Tumakbo siya palayo sa akin at halos isang segundo lang ay nawala na siya na parang bula na parang humalo na sa hangin ang bilis niya. Nanginginig akong napasapo sa buong mukha ko habang pilit na inaalala ang mga nakita ko.
Ano siya? Anong nangyayari sa akin?
He’s not normal? Anong klase siya?
Takot na takot akong tumakbo pabalik sa loob ng University. Kinuha ko ang bag ko mula sa cafeteria at dire-diretso akong lumabas. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ywa pero hindi ko na siya nilingon at nagpasya na akong umuwi sa balay na gulong-gulo ang isipan dahil hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.
Anong hiwaga ang mayroon dito sa Hyndos Valle? Bakit parang hindi na normal ‘to? Bakit parang hindi siya normal? What’s with Gregory?
What’s with Gregory Monroe?