Chapter 5
Nagmamadali akong umuwi sa bahay habang nanginginig. I am all sweating. Aligagang-aligaga ako sa pagpasok ko at gusto kong maiyak. Gusto kong sabihin sa sarili ko na guni-guni o panaginip lang lahat ng iyon pero hindi pwede!
I was right! May iba sa kanya.
“Elle, maaga ang uwi mo? Don’t you have a class?” Dad asked when I entered our house. Pag-iling lang ang nasagot ko saka patakbo na akong umakyat sa kwarto ko.
Those eyes. Those gold and fiery eyes. And his nails. Ang matalim at mahaba niyang kuko. And his undeniable strength. He is not just gifted, he is different. Ibanh-ibw siya at hindi ko iyon matukoy.
Ano siya?
Takot na takot akong humiga sa kama ko saka napayakap sa unan ko. Alam ba ng kaibigan niyang si Ize? Anong tinatago ni Greg? Bakit siya ganoon?
May kung anong pumasok sa isipan ko pero pinabilaanan ko iyon. No, he is not a vampire. Hindi iyon totoo. Ano siya?
Nanginginig akong tumayo mula sa kama para kunin ang laptop ko. I searched for mythical creatures that might be here in the Philippines and I saw a lot. It is pure fictional but after everything that I saw, I believe in some of these. Tikbalang, aswang, manananggal, engkanto, kapre, duwende.
This is ridiculous!
Inis kong sinara ang laptop ko saka ako napasapo sa mukha ko.
I’m going crazy.
Hindi ako makausap ng maayos sa araw na iyon. Bumabagabag sa isipan ko ang lahat at mabuti na lang dahil weekend na sa sumunod sa araw. I managed to calm myself down and I got to push myself to go to school after the blink of a weekend.
I acted normal. I texted Ywa to wait for me at the gate and I’m glad she did. Marami siyang mga kwento habang ako ay hindi mapakaling nagpapalinga-linga sa paligid. Pero kamalas-malasan at wala kaming mga instructor sa lahat ng subjects namin kaya magpapaalam na sana akong uuwi kaso tinaasan lang ako ng kilay ni Ywa.
“May practice game ang soccer sa field. Let’s watch. Last game na nina Greg ngayon. They’re graduating and as a transferee, you can’t miss this. Tara,” sabi niya at wala akong nagawa nang hilahin niya ako patungo sa field.
No, I am not ready to see Gregory. Pero wala na akong nagawa dahil ayaw kong pakawalan ni Ywa. At malayo pa kami sa bleachers ay kitang-kita ko na ang mga nagtatakbuhang players. My eyes fixed on Gregory and I saw him running while kicking the ball.
Malakas ang sipa niya at diretso ito sa goal. Hindi nagawang pigilan iyon at natumba pa ang goalkeeper. Everyone clapped but not me. Bumilis lang ang t***k ng puso ko at pinagmasdan siyang hingal na hingal.
There are reasons behind him being so fast and strong. Ibang-iba sa lahat ng players.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya. At ilang sandali pa ay tumayo siya ng tuwid at napatingin sa direksyon namin. Our gazes met and despite the distance, I saw his cold gray eyes. That’s his real eyes. Nakakamangha ang gintong mga mata ngunit nakakatakot rin.
He is not a human? Ano siya?
Tumakbo siya patungo sa coach nilang nagsisigaw. He whispered something and after that he left. Tinawag pa siya ni Ize na napatigil sa paglalaro pero patuloy lang siya sa pag-alis at rinig ko ang dismaya ng lahat.
The game continues. Hindi ako makapanood dahil wala ako sa sarili. Gusto kong malaman ang lahat pero natatakot ako. Natatakot ako sa mga maaari kong malaman at baka hindi makayanan ng utak ko. But I believe what I saw. Pero ano iyon?
Ang daming mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko na biglang nawala saglit dahil sa sigawan. Mas tumatakbong sumisigaw na lalaki at lahat ay napatigil dahil doon. Pati ako at si Ywa ay napatayo dahil sa umiiyak na lalaki.
“May lalaki sa gubat! Sugatan? Sugatan!” sigaw nito kaya biglang naging alerto ang lahat.
Bigla akong namawis at kinabahan. I tried finding Gregory but I didn’t see him.
“Maraming mga kalmot sa katawan! Parang sinugod ng hayop!”
Mas lalo akong nakaramdam ng takot at kaba.
“Tingnan natin,” aya ko kay Ywa na hindi iyon nagustuhan pero wala siyang nagawa kung hindi sumama sa paghila ko.
Pumunta kami sa likuran kung patungo sa gubat. Naabutan naming binubuhat ng ilang estudyante ang lalaking duguan. Naliligo ito sa sarili niyang dugo pero may malay pa. Nakakatakot na napaatras ako at nanlamig.
No. Hindi pwede. Hindi pwede ang iniisip ko.
Gregory…did he?
Bigla kong nilibot ang mga mata ko at bigla kong natagpuan si Greg. Nakasuot na siya ng hoodie ngayon at walang emosyong nakatingin sa lalaking duguan na sinasakay na sa ambulance.
At mukhang naramdaman niya ang mga titig ko kaya napatingin siya sa akin. He shook his head before turning his back.
“Hayop ang may gawa nito?” tanong ni Ywa na hindi ko na pinansin dahil tumakbo ako para sundan si Greg.
He’s walking away like nothing happened!
“Saan ka pupunta?” nanginginig na habol ko at doon siya biglang huminto.
“You don’t know anything. I know those stares,” sabi niya habang nakatalikod. I even heard him sighed and his jaw clenched.
“Alam ko ang nakita ko last week. And that student—puno siya ng dugo at mga kalmot—”
“Do you think I did that?” putol niya sa sinasabi ko kaya napapikit na lang ako.
“Then what are you?” I bravely asked and I heard him laugh.
“Don’t ask me that. Hindi ko alam ang sagot. Just forget what you saw and erase those questions from your head,” sabi niya nagpatuloy na siya sa paglalakad habang ako ay naiwang tulala. At sa ganoong sitwasyon ako naabutan ni Ywa na takot na takot sa nangyari.
The classes were suspended after that because the police officers did an investigations. Umuwi ako diretso sa bahay at hindi na nakakapagtaka na umabot na kay Mommy at Daddy ang lahat.
“This is so strange. Ngayon lang may nangyaring ganito sa Hyndos Valle. This is the safest place I knew,” sabi ni Daddy na mukhang disappointed sa lahat ng nangyayari.
“Baka may ligaw na hayop lang? Hindi iyon maiiwasan lalo na at medyo masukal ang gubat? A wild wolf maybe?” tanong ni Mommy pero ngumisi siya sa huli niyang sinabi.
Gulat akong napatingin sa kanya kaya nangunot ang noo niya.
“What is it, Elle? Your stares give me creep,” natatawang sabi niya kaya bahagya akong tumikhim at umiling.
“May wolf ba dito sa Pilipinas, Mom?” tanong ko na siyang ikinatawa niya sabay lingon kay Daddy na tumawa lang rin.
“Maybe? O baka werewolf? By the way, enough of this. This is seriously alarming. Wrong timing para sa party mamaya ni Mayor. Elle, we’ll attend a party later. It’s the Mayor’s birthday and we are invited. We were childhood buddies so we’ll catch up a bit,” sabi ni Dad at mahina naman akong tumango bago pumunta sa kwarto ko.
I have one thing inside my mind. A wolf. Alam kong impossible pero hindi ko na napigilan ang sarili kong maghanap ng sites tungkol sa werewolf. Is it possible that werewolf exists?
Iba-iba ang mga nakita ko. I’ve read about their abilities. And Greg got most of that. But this is impossible. Hindi pwede ‘to.
Kinagabihan ay nag-ayos kami para sa sinasabing party. We were our casual clothes at nasa venue na kami ng party nang maalala ko na anak nga pala si Trew ng mayor. Kita ko na siya kaagad sa labas pa lang at kumakaway sa mga bisita katabi ng isang kaedad ni Daddy na lalaki na mukhang Mayor ng Hyndos Valle.
“Isa ito sa na-miss ko sa Hyndos Valle. Sana noon pa lumipat na tayo dito,” nakangiting sabi ni Daddy at sinalubong niya ng yakap ang Mayor.
“Long time no see. This is my wife and my only daughter,” pakilala sa amin ni Daddy kaya tipid naman akong ngumiti sa Mayor at naglakad ng kamay.
“Yes, I heard from my son right here about your daughter. She’s really pretty,” sabi nito kaya napatingin ako kay Trew na may mayabang ng ngiti sa mga labi.
“Of course you did. Hyndos Valle is so small,” tawa ni Daddy at inaya na siya ng Mayor na pumasok sa loob kaya sumunod na kami ni Mommy. At laking pasasalamat ko dahil mayroong mga nangharang at kumausap kay Trew kaya hindi nito ako natapunan ng atensyon.
Kaunti lang ang invited. Pormal na pormal ang selebrasyon at may umiikot pa na mga servers para mag-alok ng wine. Nakailang wine na ako nang mahagip ng mga mata ko si Gregory. He is wearing a black tux and his hair was a bit messy.
Nilapitan siya ni Trew ay may binulong ito sa kanya bago sila pareho ngumisi na walang halong biro o kaya saya. Kung walang kumausap sa kanilang dalawa ay parang magsusuntukan na pero biglang tinawag ng Mayor si Trew kaya lumapit ito.
“Gregory Monroe is here? Of course! He is representing his parents!” biglang sabi ng Mayor dahil para mapatuwid ako ng tayo dahil tinawag nito si Greg na lumapit.
Saglit na sumulyap sa akin si Gregory bago siya nakipagkamay sa Mayor.
“Monroe? Is he George and Risa’s son?” biglang sambit ni Daddy kaya bumaling si Greg sa kanya.
“Good evening, Sir. Nice to meet you. My parents are in the States,” he said and Dad laughed.
“Come on, you really look like your father when he was at your age. By the way, this is my daughter,” pakilala sa akin ni Daddy kaya nagkatinginan kami ni Greg at sabay na tumango.
“We kinda met at University,” sagot niya kaya napatango si Daddy. Das was about to asked another question but someone called him. Nagpaalam siya saglit at dinala niya si Mommy kaya naiwan akong kaharap si Gregory.
Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. May kaunting takot rin akong nararamdaman dahil hindi ko pa rin maintindihan ang lahat.
“You don’t have to be nervous. I am not a killer,” biglang sabi niya kaya diretso ko siyang tiningnan. He’s staring at me too and his gray eyes are serious.
Wala akong masabi. Gusto kong magtanong nang magtanong pero walang gustong lumabas sa bibig ko.
“Aalis ako para sa ikakapanatag mo. Trew, too, wants to kick me out of here,” sabi niya sabay halakhak ng kaunti.
“May tinatago ka nga talaga?” hindi ko na napigilang itanong nang diretso niyang nilagok ang wine.
“Stop your curiosity. Mas matatakot ka lang. I can hear your heartbeat right now. Nagwawala,” sabi niya sabay lakad pero bigla siyang lumingon ulit sa akin at kasabay nito ay ang paghila niya sa akin palapit sa kanya dahil may biglang nadapa na waiter na siguradong tatama dapat sa akin.
Mas lalong nagwala ang puso ko at napahawak ako sa braso niya.
“Where are your claws?” nanginginig na tanong ko nang mapatingin ako sa mga daliri niya.
“You don’t have to know anything, Elle. Hindi pwede,” sabi niya saka ako pinatayo ng maayos at iniwan na sobrang kabado at maraming katanungan sa isip.