"Ate Isabella!" Niyakap ako ni Kristina. Kadarating niya lang galing sa kanyang kaibigan. Mabuti at nakaalis na si ama at tapos na naming pag-usapan ang tungkol sa sumpa. "Kamusta Kristina?" Niyakap ko siya pabalik. Umalis siya sa yakap. "Magandang araw po kuya Mateo." Binalik niya ang tingin sa akin. "Ate ano pong ginagawa ninyo rito?" Nagtinginan kami ni Mateo. "Wala naman Kristina, napadalaw lang at nais na ulit kitang makita." Lumawak ang kanyang ngiti. "Mabuti po at naisipan ninyong dumalaw. Nais na rin kitang makakwentuhan muli ate." "Kristina nakauwi ka na pala." Dumating sa sala si tiya Imelda na kakagaling lang sa palikuran. "Sabi ninyo po umuwi ako ng tanghalian." Mabuti at marunong siyang sumunod sa nakakatanda sa kanya. "Tamang-tama maghahanda na ako ng pananghalia

