Nasa kainan sina Mateo at Kriselda habang nakatanaw ako sa kanilang kusina hindi kalayuan sa kanila. Tinignan ni Kriselda ang kanyang kuya. Nilibot niya ang kanyang paningin at nakita akong nakatanaw sa kanila. Inirapan niya nanaman ako. Hindi ko naman intensyong magtago kaya dumistansya na lang ako nang kaunti. Para kunwari man lang ay talagang masinsinan ang usap na nais ni Mateo mula sa kanya. "Bakit nanaman?" Sapat pa rin ang aking distansya para sila'y marinig. "Kriselda maaari ba tayong mag-usap nang maayos?" Umupo si Mateo sa kanyang tabi. "Anong maayos? Hindi ba ito maayos sa iyo?" Suminghap si Mateo. "Kriselda hindi naman tayo ganito mag-usap dati. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan? Baka nakakalimutan mong kuya mo pa rin ako." Mukhang totoong nararamdaman ni Mateo ang

