"Ano ija? Nagustuhan mo ba ang luto kong sinigang?" tanong ni tita Emilia. Sinundo ako ni Mateo kaninang umaga para pumunta na rito. Sabik na sabik siya at ganoon din naman ako kahit naiilang ako kay tita Emilia. Tumango ako. "Masarap po." Muli akong humigop ng maasim-asim na sabaw ng sinigang. Magaling din palang magluto ang ina ni Mateo. Siguro'y nagmana siya rito. "Masarap talaga 'yan ija; diyaan nakuha ng ina nina Mateo at Kriselda ang aking kiliti." Natuwa ako nang marinig na magbiro si tito Miguel. Madalas kasi'y kapag nakikita ko ito ay palagi siyang seryoso at talagang maganda ang tindig. Natawa rin si tita Emilia at muntik pa siyang maduwal sa hinihigop niyang sabaw. "Naku Miguel kumain ka nang kumain diyaan." Tumawa si naman si Mateo na nasa tabi ko habang tahimik lang at

