NAPAKISLOT pa si Jiron nang biglang bumulaga si Aser sa kaniya eksaktong pagpasok niya sa banyo. Binuksan niya ang gripo sa tub para umingay sa loob. "Anong ginagawa mo rito? Mambubuso ka?" bigla niyang bulalas kay Aser. "Kailangan mong tumakas sa mga sandaling ito. Isa na naman sa naging babae mo ang sumumpa sa iyo. Kailangan mong mapasakamay ang itim na diyamante mula sa kabilang panahon. Bumalik ka nang ligtas upang hindi ka tatablan ng sumpa ngayon," balisang wika ni Aser. "Na naman? Pambihirang buhay 'to." Wala siyang nagawa kahit umangal pa siya. Lumikha na naman ng lagusan si Aser. Wala siyang mapagpipilian kung hindi ay pumasok doon. "Si Micaya, pakibantayan muna!" pahabol niya kay Aser Hinigop siya ng lagusan at iniluwa sa gitna ng palayan. Dapit-hapon nang mapansin niya a

