Chapter 33

2045 Words

NAPABALIKWAS sa pagbangon si Jiron at naalimpungatan mula sa mahimbing na tulog niya. Akala niya ay kung ano na ang humahawak sa paa niya. Bumungad sa kaniya ang isang binibini. Ginigising siya nito. "Bumaba ka na at nang makapagkape ka. Mataas na ang araw. May nilagang kamote sa mesa na maaari mong isabay sa kape," mahinhing wika nito sa kaniya. Natutop pa niya ang bibig dahil napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Hindi pa kasi siya nakapagmumog. Walang papag ang mga silid. Nakaupo pa siya sa higaan. Titig na titig siya sa mapupungay na mga mata nito. Balot na balot ng mahabang manggas ng damit at saya ang katawan nito. Mababakas ang malulusog na dibdib nito ngunit ni hindi niya makita ang balat nito roon. Hanggang kalahati ng leeg nito ang natatakpan. "Hali ka na!" yakag pa nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD