"NAPAAGA yata ang pagpunta ninyo." Narinig ni Jiron na wika ni Tonyo sa dalawang lalaki. Panay ang tingin ng mga ito sa kaniya. Nababaguhan yata sa mukhang nakikita ng mga ito. "Siya na ba ang tinutukoy mong kasama natin sa paglalakbay?" tanong ni Pancho, ang mas matanda sa dalawa. Siya ang sinulyapan nito. "Oo, siya nga. Siya si Jiron. At siya ang naghikayat sa akin na tutungo sa gubat ni Maruha. Jiron, siya si Pancho at Tasyo, mga kumpare ko," pakilala ni Tonyo sa kaniya sa dalawa. Nagalak naman niyang binati ang dalawa. "Mainam kung mas maliwanag tayong maglakbay. Nakahanda na ba ang mga gagamitin nating sandata?" ani ni Tasyo. "Handang-handa na. Hali kayo at kuhanin na natin sa bodega," tugon ni Tonyo. Sumunod na rin siya sa mga ito. Hindi lang niya maiwasang sulyapan si

