INILUWA ng liwanag si Jiron at bumagsak siya sa higaan niya. Ngunit hindi siya kaagad na natulog. Madali niyang tinungo ang mahabang salamin ng built-in cabinet para suriin ang sarili. Kinapa-kapa niya ang mukha at ang katawan. Napanganga pa siya at inusisa ang mga ngipin. Walang nagbago pero kinakabahan siya. "Kumusta ang pagtakas sa sumpa?" biglang tanong na narinig niya mula sa likuran. Nilingon niya kaagad. Si Aser na naman ang sumulpot. "Hindi ba ako magiging halimaw? Iyong diyamante, dala ko lang kanina. Pero biglang nawala," nabalisa niyang bulalas. "Huwag kang mag-alala. Hindi mangyayari ang nangyari sa iyo sa kabilang mundo. Ang pagkakuha mo ng diyamante ay tanda lamang iyon na nalagpasan mo ang pagsubok doon. Ligtas ka na sa ngayon. Pero kapag nagpadala ka na naman sa bu

