Chapter 6 (PART 1)

3884 Words
Paint Cenery WINDANG na windang na ako sa mga nangyayari ni walang maayos na ideya na pumapasok sa isip ko para makatakas sa isang bingit ng selda. Napalunok ako at iniwas ang tingin kay Captain Roks nang biglang may isang kotse na mukhang mamahalin ang tumigil sa harapan namin. Bumaba doon ang isang lalaki na halos kasing tangkad ni Captain Roks, all black ang outfit kaya kitang kita ang kayumangi niyang balat. Walang expresyon ang mukha nito kagaya nang kay Captain Roks. Lumapit 'to saamin dahilan para si Roks ay iniwan ako kasama ang lalaki at pumasok nalang siya doon sa driver seat ng mamahaling kotse. Naramdaman ko ang pagahawak ng lalaki sa braso kaya nagpumiglas agad ako. Nanlaki ang nata ko dahil kumpara kay Roks mas mahigpit ang hawak nito saakin. Napalinga linga ako sapaligid dumarami na ang chismosang nanood saamin. "Tulong! Kinikidnap po ako! Tulong!" sigaw ko sa kanila pero imbes natulungan ako karamihan sa mga matanda at batang babae ay pinagpapantasyahan ang lalaking may hawak saakin pati na rin si Captain Bato na nasa loob ng mamahaling sasakyan samantalang ang mga lalaki naman ay natutuwa lang na pinapanood na hinuhuli ako. Pashnea! "Hoy ano tu-tunga lang kayo d'yan, tulungan n'yo ko! Wala naman akong ginawang masama!" galit na saad ko pero hindi pa rin sila kumilos kaya ginawa ko ang lahat para magpumiglas sa lalaking may hawak ng braso ko pero hindi ko magawa. Napangiwi ako nang makitang dumarami ang agos ng dugo sa kamay kong nasugutan ng bugbog ng toyo. "Wait lang name ser, nasaan ba 'yung warrant----wata!" mabilis kong sinipa ang lalaking may hawak saakin pero masyado 'tong mabilis at nahawakan nito ang paa ko saka galit na binagsak kaya napadaing ako. "Deam, talk to the people here. I don't want to see my face in the news paper and television again." ibinaba ni Roks ang bintana ng kotse at binigyan ng seryosong tingin etong lalaking nag ngangalang Deam. "Yes, Captain."pinilit akong iginiya nung Deam papunta sa mamahaling kotse pero umupo lang ako at sinayad sa lapag ang pwetan ko. "Mamsh Jorgie! Tulong!" umalingaw ngaw ang sigaw ko habang nakatingin sa bahay ni Mamsh na hindi kalayuan dito pero walang lumabas doon na gurang na laspag kaya napabuntong hininga ako at binigyan ng matalim na tingin ang mga nanood saakin. "Tandaan n'yo 'yan! Kapag katawan ko nachop chop! Susunduin ko mga kaluluwa n'yo, sasama ko kayo sa impyerno! Mga Pashnea na taskil!" wala na akong nagawa nanag kalakarin ako ng lalaking si Deam papasok ng mamahaling kotse. Napaawang ang labi ko dahil mas maganda sa loob ang sasakyang 'to at talagang napaka bango ng amoy. Amoy Captain. Hmm. "Be a good dog, if you'll come without violent reaction. You'll not become sisig." malamig na usal ni Captain Bato kaya binigyan ko siya ng 'Ows talaga' look pero agad akong natauhan nang marealize ko na dapat pala mabait muna ako sakaniya para hindi ako ikulong. "Uy pwedeng taympers muna?" saad ko saka itinaas ang kamay ko kaya napatingin siya sa duguaan kong kamay. "Its time freeze not taympers lol." nakipansin kong may nilabas siyang panyo sa parang cabinet dito ng kotse niya. Hinila niya ang kamay ko at unti unting tinaliaan ang may sugat kong kamay para tumigil sa pagdugo at nang matapos siya ay sinadya kong patamaan siya sa mukha. "Ay sorry Captain pasmado kamay ko eh. Time freeze na muna ha? Wala kang karapatan magalit, si Mamsh Jorgie lang kasi 'yung toyo at sibuyas niya hindi ko pa nabibigay, hindi niya na matapos tapos 'yung adobo niya!" hindi niya ako pinansin at diretso lang ang tingin niya sa gilid ko. "Deam, buy more soysauce and onion ang give it to her boss." malamig na usal nito. Boss? Anong ibig niyang sabihin? H'wag mong sabihin na alam n'yang si Mamsh 'yung master mind? "Parang awa n'yo na po. Wala po akong kasalanan! Baka nagkakamali kayo Captain Bato." umakto akong umiiyak pero pinagtaasan niya lang ako ng kilay. "Captain Bato huh?" aba? Arte, ayaw pa atang magpatawag ng Captain Bato? Eh, ako ng tinatawag na Pintura Senarya. Napakaganda ng pangalan ko tapos, tatawagin lang nila ako ng gano'n hindi ba. "Malamang tagalog ng Roks ay bato. Aba hindi lang pwede pangalan ko 'yung tinatagalog!'' gumalaw ang panga niya at binigyan ako ng matang hindi makapaniwala. "My name is Roks not Rocks." ngumiti ako ng matamis sakaniya atmalutong kong binigkas ang "Bato." sinamaan niya ako ng tingin saka pinaandar na ang sasakyan at 'di nalang ako pinansin. Huminga ako ng malalim at malakas na umarteng umiiyak. "Oy parang awa n'yo na po, 'yung tatay ko may sakit! 'Yung mga kapatid ko nagaaral. Ako lang po nagt-trabaho sa pamilya namin!" hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pag d-druve kaya tinodo ko na ang pagsigaw at pagiyak ko. "Can you stop barking?" inis na saad niya kaya nanlaki ang mata ko dahil naintindihan ko ang sinabi niya. "Anong sabi mo?!" nagpipigil kong sambit kaya madiin lang niyang sinambit saakin ang "STOP BARKING!" at talagang inulit pa? Potakte! Ang lakas ng loob niya akong insultuhin. "P-yeta ka! Alam mo bang pinapalampas ko nang tawagin mo 'ko ng doggy! Tapos ngayon pinapatigil mo 'kong tumahol! Nakakainsulto!" sino bang matutuwang tawagin na doggy? A.k.a doggy? Putspa! Tapos ngayon sinasabihan akong tumigil kakatahol, sumosobra na diya! Galit akong sumugod sakaniya at pinaghahampas siya kahit nakaposas ako kaya iniharang niya ang kanan kamay niya saakin habang ang kaliwa ay pinag d-drive niya. "Enough! Gusto mo bang mabanga tayo?!" bawal niya saakin pero hindi ako nakinig at patuloy ako saaking ginagawa. "F-ck, stop Cenery! Stop!" galit at maotoridad na sigaw niya. "Hindi lang tayo ang mababanga! There's so many people here!" napatingin ako sa daan at tama nga maraming tao na posibleng mabanga kaya natuhan ako at pretende pero hingal na hingal akong bumalik nalang sa kinauupuan ko. Nakahinga siya ng maluwag nang tumahimik na ako at 'di na gumalaw pero hindi niya alam iniintay ko lang na makadaan kami sa mapunong parte bago ko siya kukulitin. At mahigit sampung minuto na paghihintay kong dumaan kami sa isang daan kung saan walang mga tao at may puno lang sa gilid kaya nagumpisa akong guluhin ulit si Roks. "What the hell is your problem?!" inis na sigaw niya pero ginugulo ko lang siya hanggang sa bigla nalang bumanga ang sasakyan sa gilid ng kalsada, sa puno mismo. "s**t!" malakas akong nauntog dahil hindi ako nakaseatbelt kaya naramdaman kong nagagusan ang dugo mula sa noo ko. "Are you fine? Hey?" pinikit kolang ang mata ko at hindi gumalaw. Rinig ko sa boses niya ang matinding pagalala, Tss kala mo naman tunay. Ang plastic. "Hey Cenery, do you hear me?" niyugyog niya ang balikat ko pero hindi ako sumagot at gumalaw kaya dali lang 'tong lumabas ng kotse at binuksan ang katabi kong pintuan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na biglang tumayo para itulak siya. "Oh d-mn." mura dahil napaupo siya sa lapag hanggan kaya tumakbo ako palayo sakaniya. Maraming mga sasakyan ang dumadaan pero wala niisang nagatubiling tumulong saamin. "Go run as much as you can! Do you think I can't find you? Hindi ka pa rin ba naniniwala sa kakayahan ko?" hindi ko siya nilingon at mas binilisan lang ang pagtakbo. "Paint Cenery Ordecial, If I were you, I'll not waste my energy to run and hide." bakit ba ang gwapo pakinggan kapag tinawag niya akong 'Paint Cenery Ordencial' huh? "I can file a so many case againts you. Attempted murder, theft or maybe robbery! I can say to the court that you attempt to kill me. I have evidence and witnesses to prove that you used my money in paying off your father's bill in hospital and also I have dash cam in my car, I can tell to the court that I'll just send you to the jail because you stole my money but you attempt to kill me! Kahit maghanap ka pa ng magaling na abogado, hinding hindi ka mananalo saakin sa korte.." natigil ako sa pagtakbo, sa totoo lang konti lang ang naintindihan ko sa English niya dahil sobrang bilis niya magsalita pero nakuha ko naman ang kaunti ang thoughts niya. Alam niya ang tungkol kay Tatay? Bakit pa nga ba ako magtataka at tatakbo kung makikita niya lang din ako at malalaman niya ang lahat sa buhay ko dahil Montego at mayaman siya walang imposible sa kagustuhan niyang mahanap at makulong ako. "Maraming nawalan ng pera sa bar and because of your group. Malaking kaso kahaharapin n'yo! If that happen I will make sure that the jail is your new home and your family's life will be miserable!" nagulat ako sa sinabi niya kaya patakbo na akong lumapit saakaniya at nang makalapit na ako ng kaunti ay lumuhod ako sa harapan niya. "Patawarin mo 'ko, h'wag mo 'kong ipapakulong. Nangangako ako, babayaran ko. Pasensya na, nangangailangan lang talaga ako, masyadong mahirap ang buhay namin kaya nakagawa ako ng masama." umiiyak kong usal pero tinignan niya lang ako ng matalim. "Parang awa mo na, hindi ko naman talaga ginusto gawin 'yun." umigting ang panga niya. "I will not tolerate your wrong doings Miss, paano kung ang mga ninakawan mo nangangailangan din? What If that money is for my tuition to the school, what if that money is for my sick father huh? Paano kung pambayad rin ng hospital ang perang 'yun!" hindi siya makapaniwalang tinignan ako habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay nito. "Stealing is being selfish, The reason why people are poor is not because of lack of money or oppotunities, but the lack of ideas! And being poor is not a valid reason to do Ilegal things! Sige sabihin na natin may malalim kang dahilan bakit nagnanakaw kasi ng inisip mo ang kalagayan ng pamilya mo pero 'yung ninakawan mo ba inisip mo rin ha? Naawa ka sa pamilya mo pero sa mga taong ninakawan mo hindi? Marunong ka bang makonsensya?"natuhan ako sa sinabi niya dahil ano bang pinuputok ng butchi niya eh, barya lang naman sakaniya ang perang nanakaw ko. "Mayaman ka naman hindi ba? Barya lang naman ang nawala sayo! Ano pa bang ikinagagalit mo! Oh sige babayaran ko nalang isipin mo na inutang ko lang!" nagsituluan ang luha ko ng tuloy tuloy kaya tumawa siya ng sarkastiko. "What a toxic mindset! You stole f-cking money to the rich people because you think its just a 'Barya' for them? Nagiisip ka ba?" mapait akong ngumiti saka tumingin sa kalasada kung saan may mga dumaang sasakyan na walang pake saamin. "Alam kong mali, alam ko ang magiging kapalit nang mga paggawa ko ng masama pero magkakaroon ba ako ng choice? Sawang sawa na ako makarinig ng 'Hindi sagot ang kahirapan para gumawa ng kasamaan' pero paano kung wala ng pagpipilian? Paano kung 'yung mga legal at matinong trabaho ayaw saakin? Paano kung sa mga legal na trabaho 'yan, ako naman ang naagrabyado? Hindi mo kasi alam, hindi mo alam ang nararamdaman ko! Kahit ako 'di ko naman ginusto na 'yung papakain ko sa mga kapatid ko galing sa masama pero ano magagawa ko tanggal ako lagi sa trabaho ko dahil pinaglalabanan ko ang pagkakababae ko? Kasi sa lahat ng napagt-trbauhan ko lagi ako nababatos, kinaiingitan, minamaltrato? Senior high graduated ako! Makakahanap kaya ako ng trabaho na malaking sweldo 'yung sapat para sa tatay kong may cancer, isa kong kapatid na special child at ang apat na nagaaral tapos ako lang nagtatrabaho na madalas tanggal pa." natigilan naman siya dahil sobrang sakit na ng iyak at sigaw ko. "Sabihin mo nga may choice pa ba ako? Napakain ko nga ang pamilya ko pero hindi naman sa tamang paraan pero alangan namang hahayaan ko silang magutom at hintayin na muna ang mga tawag sa pinag applyan kong trabaho at makapagsuweldo? Satingin mo ba hindi sila mamatay sa gutom? Hindi krimen ang sagot sa kahirapan.' Ang sagot sa kahirapan kundi ay ang ating sarili, ang ating sarili na may determinasyong makaalis sa kahirapan 'yan ang mga naririnig ko sa mga taong may kaya at may magandang trabaho pero napapatanong nalang ako sa sarili ko hindi pa rin ba sapat 'yung deteminasyon ko para makakaalis sa kahirapan? Hindi pa rin ba sapat ang lahat ng sakripisyo ko? Ginawa ko naman na ang lahat ha kahit pa ako nalang 'yung gumagawa ng paraan para maiahon pamilya ko kahit pa 'yung katawan ko sukong suko na.."tahimik lang siya na nakikinig habang ako umalis sapagkaluhod at naupong umiiyak nalang dahil sobrang sakit ng loob ko. "Hindi pa rin ba ang determinasyon ko? Na araw araw naghahanap ako ng trabaho, araw araw naghahanap ako raket pero walang kahit sino ang tumatawag dahil sa bad reputation, hindi nakapagtapos, mahina ang utak at masyadong matapang. Kasalanan ko bang pinaglalaban at pinagtatanggol ko ang p********e ko kasi 'yun nalang ang natitira na pinapahalagaan ko sa sarili ko.." umigting at napasinghap lang siya kaya mapait akong ngumiti. "Sige na, susuko na ako. Pagod na rin ako, Wala naman na akong magagawa kung magtatago pa ako. Alam ko namang dadating sa puntong mahuhuli na ako. Pasensya na inasal ko ha medyo nagulat lang pero pwede bang bago mo 'ko ikulong makita ko kahit saglit lang ang pamilya ko.." ewan ko ba unting unting umikot ang paligid ko hanggang sa biglang nag b-black out at naramdaman ko nalang na may sumalo saakin bago ako tuluyang nawalan ng malay. °°° NAGISING nalang ako nang hingal na hingal dahil nanaginip ako nang masama tungkol kay Tatay. Nagsituluan ang mga luha ko sa naging panaginip kong namatay si Tatay kasi wala akong pampagamot sa Cancer niya dahil nakulong daw ako. "Rare what happened to her?" napatingin naman ako sa nagsalita. Si Captain Bato, at si Rare na asawa nung Atarah nandito na naka pang doctor na uniform pa. Nilibot ko ang mata ko at napagtanto kong nasa hospital. Napahawak ako sa ulo ko at inalala kung ano ba talaga ang nangyari. "Chill Roks, I told you she's fine." nakangising saad nung Rare habang diretso ang tingin saakin. Napatulala pa ako sa kagwapuhan ng Rare na 'to sa malapitan. " You woke up crying because of a bad dream?" tanong nito kaya napatango tango nalang ako habang hindi inaalis ang tingin sakaniya, takte para bang na hypnotize ako sa kagwapuhan niya pareho silang gwapo ni Captain Bato pero ang isang 'to medyo 'playboy at masungit ' ang dating samantalang si Captain Roks parang good boy pero wagas din ang pagkasungit. "You're stress and you always skip your meal, that's the reason why you passed out. Ms. Ordencial." naalala kong hindi pala ako nakakain kagabi nang magkwentuhan kami ni Mamsh at noong mga nakaraang araw wala akong maayos na kain at tama si Rare na sobrangs stress talaga ako sa paghahanap ng pera. "Leave us alone Rare , we have something to talk." kunot noong usal ni Captain Bato kay Rare. Bakit ba paramg close ang dalawang 'to? Mag Bff ba silang nagaagawan sa isang babae noon? Ang sabi ni Ranch mahal ni Roks 'yung Atarah, pero si Atarah mahal niya si Rare na mahal rin Atarah. Anyare? Sobrang curious ako sa nangyayari sakanila lalo na nung may nabasa kaming article na nagpanggap daw 'tong si Roks na asawa nung Atarah. "Oh c'mon jerk, don't stress her too much its f-cking un-healthy." matigas na ingles na usal nito. "I know, just do my favor." sagot ni Roks saka pinagpaikutan ng mata si Rare kaya ngumisi 'to at nilapit ang bibig saakin. Kinalibutan agad ako nang maramdaman ko ang hininga ni Rare sa gilid ng tenga ko. "You know what Ms. Ordencial. My wife and I started with the sentence 'Make me Pregnant' maybe you and Roks too, Kiss me Captain girl." mahinang bulong nito akya nanlaki ang mga mata ko nang lumayo na siya ng bahagya. Anong ibig sabihin n'ya? 'Di ko gets pero paano niya nalaman ang tungkol sa Kiss me Captain? Sinabi ba ng Bato na 'to? "What are you doin' Rare? What did you tell to her! Are you cheating to Atarah, infront me!?" galit na sambit ni Roks kay Rare kaya binigyan lang ng blankong ekxpresyon ni Rare si Roks. "I'll never do that to my wife Roks, after all this f-cking trials? Ngayon ko pa maiisipan na mag cheat sakanya oh c'mon I will not waste your tears and I will not make you cry again because we're friends now lol." makahulugang saambit niya na pinagtakhan ko. "You jerk, I'll tell this to Atarah!" iritadong sambit ni Roks kaya ngumisi lang ng cool si Rare. "Go, samahan pa kita." sambit nito saka naglakad na palabas ng kwartong 'to. "D-mn that guy." napatitig naman ako sa pikon na si Roks. May bakas pa rin ng sugat ang mukha niya dahil sa ginawa kong pagtulak noon sakaniya sa bar. "Ahm, ikukulong mo na ba ako?" nakanguso kong sambit kaya pinagataasan niya ako ng kilay. "Not yet." nalaglag ang panga ko dahil sa sagot niya. Ang akala ko pagkatapos ng mga drama ko sakaniya kanina eh maawa na siya at 'di na ako ipapakulong. "Ano? Potakte ka naman oh! Nag drama na ako lahat lahat wala pa rin epekto? Grabe ka naman tigas ng puso mo ha? Kasing tigas ng pangalan mo! Batong bato! Pashnea ka!" "I told you I will not tolerate wrong doings, I'm just wondering what case should I file againts you. Robbery, Thefy, Attempted murder." napataas ako ng kilay sa sinabi niya. "Talaga?" tanong ko kaya tumango lang 'to. "Yes." "Talagang talagang talaga? As in Talaga? 100% talaga?" nagbago ang expresyon niya nang mapansin na inaasar ko nalang siya kaya nagseryoso siya. "In Criminal law and according to Revised Penal Code, theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter's consent. Do you think Theft? You stole my wallet without violence? Hmm." napatanga naman ako dahil super bilis niya magsalita ng english at wala na akong maintindihan kaya ngumisi siya. " While, Robbery is an aggravated form of theft that involves violence or the threat of violence against a victim in his presence. Unlike theft or burglary, the crime of robbery almost always requires the presence of a victim who is threatened with bodily harm. If a weapon such as a gun is used or the victim suffers injury. I have injury! You push me and look what you did." tinuro niya ang mga sugat niya gamit ang kamay niya kaya pinanliitan ko siya ng tingin dahil bakit ba ang bilis niya magsalita? Hinahabol siya ghorl? "But in your case, you did is pickpocketing that's stealing wallets, money and other from victim's pockets in crowded places and without them noticing but still its possible to be a 'Fraud' which is getting money from victim by cheating them, the scammer one. You're scammer right? You fool me right? You scam me. You kissed me to get my wallet. We know your strategy, 'Aakitin bago nakakawan.' " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya so alam niya na talaga ang tungkol sa group namin. "Possible rin ang Attempted murder hindi ba? Gusto mo talaga akong mamatay kaya mo nga ako ginugulo kanina pero hindi lang succeful. Well as far as you know Attempted murder is the incomplete, unsuccessful act of killing someone. It is a serious criminal offense that, in all but a few cases of mitigating circumstances, can result in substantial prison time." nanghina ako sa mga naridinig ko hindi dahil sa kung anong nilalaman nito kung hindi ko talaga naiintindihan. "But anyways, the penalty for the crime of theft is generally dependent on the corresponding value of the personal property or money stolen. According to Article 309 of the Revised Penal Code, when the value of the thing stolen exceeds 102,000 pesos the imposable penalty is imprisonment for twenty 20 years. How much money that has my wallet?"napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit sobrang daing ko sa English na sinasabi niya, Potek. Nakakamangha siya na nakakabobo. "30k plus." 'yun na tanong niya lang ang naintindihan ko sa totoo lang. "The penalty for the crime of theft shall depend upon the value of the thing stolen. Since the value you stole 30 thousand, the penalty to be meted out to the person liable to the theft which you is that which is provided in Article 309 par. 1 of the Revised Penal Code. Article 309." napahiga ako at minasahe ang ulo ko dahil wala talaga ako nagegets bakit ba kailangan niyang iexplain saakin? Ayos lang ba siya? "The penalty of prision mayor in its minimum and medium periods, if the value of the thing stolen is more than 12,000 to 22,000 but if the value of the thing stolen exceeds the latter amount the penalty shall be the maximum period but in the Robbery-----." hindi na ako nakapagpigil at pinutol ko na ang sasabihin niya. Piga na utak ko potakte. "SML?" nakangiti kong saad kaya kinunotan niya ako ng noo dahil hindi niya maintindihan ang ibig sabihin. "Esemel? What's that?" puno ng pagtatakang sambit niya. "Oh 'diba 'di mo gets? Aba damayan na! Dapat 'di mo rin maintindihan ang sinasabi ko no. Ebarg ka naman, kakasabi lang doctor h'wag mo 'kong stress! Bakit ba kailan ipaliwanag saakin 'yan eh wala naman akong naiintindihan?! Kung gusto mo 'kong ipakulong! Edi pakulong mo easy pizy! Wala akong pake sa Robbery, Theft o kung ano ang poncio pilato 'yan. Nyeta naman eh, bato ka talaga no? Manhid na mahid ka ghorl? Hindi mo ba nahahalatang wala akong naiintindihan at mas lalong hindi ako interesado sa mga explenasyon mo!"pinagtaasan niya lang ako ng kilay at hindi na nagsalita kaya mas lalo akong nainis. "Kung talagang kailangan Ipaliwanag mo pa sakin aba nasa Pilipinas tayo! H'wag kang mag English! Wala kang respeto sa sariling bansa dahil gunagamit ka ng wikang banyaga! Tagalog dapat nyeta! Kastress!" ngumisi siya ska umiling iling na para bang tawang tawang saakin. "Oh, Pardon." aba, pardon daw. Alam ko 'yun! Napagaaralan namin ang word na 'yun nung nasa high school pa ako. Hihi. "Anong Pardon? Pinapaulit mo? Aba binge ka ghorl! Boomerang ka?" pinagalaw niya ang panga niya at kinagat niya ang pa labi niya na talagang nakakapang akit. "No, Pardon is another term for sorry lol, but anyway you're right too. Pardon is 'pinapaulit' ."inis kong kinamot ang pisnge ko dahil nag english na naman siya. "Potakte ka naman kakasabi lang na h'wag mag English!" huminga siya ng malalim saka ngumiti ng nakakaloko. "Sige, dapat ko bang ulitin lahat ng paliwanag ko?" mapangasar na usal niya kaya nagtiim ang bagang ko. "Pashnea! Utang na loob naman, wala na akong pake sa mga 'yun ang mahalaga nagnakaw ako at nilabag ko ang batas, h'wag mo na paliwanag 'yang mga article na 'yan instress mo lang ako! My god, I hate English!" "As you wish.." sinamaan ko siya ng tingin kaya napakagat siya sa labi na para bang pinipigilan ang pagngiti. "I mean kung 'yan ang gusto mo." Napairap nalang ako at minasahe ang sintido ko. "Ano na raw kailangan ako lalabas? Diretso na ba akong kulangan? Kaylan ko makikita ang tatay ko? Sina Mamsh at mga kasamahan ko makukulong din?" nginiwian at pinagsalubungan niya ako ng kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD