PAGBABA NI MARKO SA sala ay siyang dating naman nang in-order niyang pagkain na ni-request ng anak ni Clarise. Idineretso niya sa kusina ang bitbit niya saka naupo sa isang silya roon. Lumabas naman si Yaya Bining galing sa kusina bitbit ang isang lagayan ng pagkain. “Kumusta na sila, hijo?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang mag-inang Clarise at Kian. “Naliligo po sila, yaya,” sagot niya nang hindi ito tinitingnan dahil nagsasalin siya ng tubig sa baso. “Hijo…bakit…” hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil siguro nag-aalangan ito at nananantya sa gustong itanong. “Kamukha ko po ang bata?” pagtutuloy niya sa gustong sabihin ni Yaya Bining. Inaasahan na niya iyon at alam niyang iyon ang gusto nitong itanong. Kamukha naman talaga niya ang bata. Pero hindi niya alam kung paano iy

