Chapter 20

2285 Words

Hindi siya nakatulog nang maayos ng gabing iyon dahil binabantayan niya si Aling Susan. Natatakot kasi siya na baka bigla itong atakihin. Natatakot siyang may mangyaring masama rito. Mag-uumaga na nang hindi niya na mapigilan na hilahin siya ng antok. Kaya pupungas-pungas siyang bumangon nang may marinig siyang tunog ng kaserola. “’Nay, nagluluto na po pala kayo?” tanong niya nang makitang nasa harapan na ng kalan si Aling Susan at nagluluto ng makakain nila. “Oo, ‘Nak. Hindi na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo,” maaliwalas ang mukhang sambit nito. Mukhang maayos na yata ang pakiramdam nito dahil maganda na naman ang ngiti nito habang naghahanda ng almusal nila. “Masarap ang naging tulog ko, ‘Nak.” “Siya nga po? Naku, mabuti naman po kung gano’n, masaya po akong marinig ‘yan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD