“MINA, HINTAYIN DAW NATIN DITO SINA CLINT,” ani Mina sa kanya nang matapos silang gumamit ng banyo. “On the way na raw sila ng mga bata.” “Sige,” sagot niya habang karga-karga ang anak na mahimbing na natutulog sa balikat niya. Napagod kasi itong maglakad-takbo kanina. “Gusto mo bang halinhinan kita? Baka nangawit ka na?” presinta nito dahil napapansin marahil nito na parang nahihirapan siya ngunit mariin siyang tumanggi. “Kaya ko pa. Sanay na ako sa ganito.” “Alam mo, ganyan din ako no’n kay JB pero ang kaibahan lang nariyan si Mela na laging nakahalinhin sa akin sa lahat ng bagay. Kaya hayaan mong gawin ko rin ‘yon sa’yo lalo na’t mag-isa ka lang,” may buong simpatyang pahayag nito. “Salamat sa kabaitan n’yo, Mina, pero kasi natatakot ako na baka hindi ka pa puwedeng magbuhat ng m

