“Wala pang nagkakamali,” sambit na lang niya. “Walang nagkakamali o ipinagtatabuyan mo?” parang nanantyang tanong ni Mina sa kanya. “Tulad ng sabi ko sa’yo noon, subukan mo magmahal ulit. Hindi ko man alam ang buong kuwento ng buhay mo kung ano ang nangyari sa inyo ng papa ni Kian, sasabihin ko ang advised mo sa akin dati. You deserved to be happy, my friend, It’s not yet the end of the world,” pagbibigay naman nito ng payo sa kanya. “Hindi pa ako handa,” maiksing sagot niya saka ibinaling sa labas ang kanyang paningin. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito na ikinalingon niya. “Pasensya ka na, friend, hindi ko pa kasi kayang ikuwento ang lahat. Wala akong lakas ng loob,” saad niya ulit para magpaliwanag sa kaibigan. Hinawakan nito ang kamay niya. “Naiintindihan kita. Kapag han

