Chapter 17

1964 Words

“Manong, dito na po,” anya sa driver ng makitang malapit na sila sa bahay nina Mina. Mabuti na lang at hindi ganoon katrapik kaya hindi lumagpas ng limang daan ang bayad nila sa metro ng taxi. Kumasya ang pera niya. Agad na nag-doorbell siya ngunit walang nagbubukas kaya nakaramdam siya ng pangangalay sa braso niya dahil sa pagkarga sa anak niya. “Anak, bumaba ka muna, ha?” hindi nakatiis na sabi niya sa anak niya. Pagkababa sa anak ay agad niyang hinilot-hilot sandali ang kanyang braso pagkatapos ay pinindot niya ulit ang doorbell. Nakatatlong pindot pa siya bago may nagbukas ng gate sa kanila. “Hello, magandang umaga,” bati niya sa isang babae na nagbukas ng gate. “Kayo po ba si Ma’am Clarise?” tanong ng babae. Ito marahil ang katulong nina Mina na kinuha ni Clint para may makasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD