Ilang oras din na hindi umalis si Mela sa tabi niya. Nakipagkuwentuhan ito sandali sa kanya. Tinatanong nito kung kumusta naman ang nanay-nanayan niya dahil sa nangyari kahapon. Nabanggit niya kasi nang i-text niya ito na kailangan niyang bantayan si Aling Susan dahil nasaktan ito sa ginawa ng sarili nitong anak. Pati ito ay nalungkot din sa nangyari. Basta pinayuhan na lang siya na mag-ingat silang tatlo lalo na silang mag-ina. Hanggang sa nagpaalam na itong pupunta sa stock room dahil may itse-check pa raw na mga stocks para makapag-order ng maaga. “Ang tagal naman ni Ma’am Mela nakipag-usap sa’yo,” puna ni Kristy nang lumapit ito sa kanya pagkaalis na pagkaalis ni Mela. “Nangumusta lang siya,” sagot niya. Tiningnan niya ito. Halatang pagod na pagod na naman ang itsura nito. “Malapit

