“Hay, nakakapagod ngayong araw. Akalain mo nag-absent si Arsenio, dadalawa tuloy kaming nagse-serve sa mga customers,” reklamong sambit nito nang matapat sa puwesto niya habang naghihintay ito ng ise-serve na pagkain sa mga customers. “Hayaan mo na. Gusto ko rin sana tumulong kaya lang alam mo naman na bawal iwan ang kaha,” turan niya. Kanina pa niya pinagmamasdan ang mga kasamahan niya na lakad-takbo ang ginagawa para lang mapagsilbihan ang mga customers nila. Biglang nagdagsaan kasi ang mga customers nila. Gusto niya sana tumulong pero nasa rules kasi nila na bawal iwanan ang kaha kahit ano pang mangyari at gaano kaabala ang floor maliban na lang kapag paisa-isa ang customer nila. Pupuwede silang tumulong o umalis sandali. “Oo. Baka ikaw pa mapagalitan kapag ginawa mo ‘yan,” saad nito

