Sa sumunod na araw ay maayos na ang pakiramdam ni Aling Susan bumalik na naman ang pagkamasayahin nito sa kabila ng ginawa ng anak nito. Nakikipagtawanan na naman ito sa anak niya habang naglalaro. Sa ilang taon na nakasama niya si Aling Susan ay marami siyang natutunan dito bukod sa pagluluto. Dito niya natutunan kung paano dalhin ang problema kahit gaano pa iyon kalaki at kabigat. Lagi nitong sinasabi na huwag masyadong seryosohin ang problema kung ayaw raw niyang mapuno ng kulubot ang mukha niya. “Papasok ka na, anak?” tanong ni Aling Susan nang makita siyang isinukbit na niya sa balikat ang kanyang bag. “Opo, ‘Nay. Sigurado po ba kayo na ayos na kayo?” paniniguro niya dahil baka nanakit pa ang malaking pasa nito sa braso. “Aysus, maayos na ako kaya ‘wag ka na mag-alala r’yan. Hala

