HINDI na maalala ni Venancia kung kailan siya huling nagalit nang ganoon katindi. Hindi na rin niya maalala kung kailan huling umakto nang ganoon ang dalawang apo niya na sina Jeff Mitchel at Eduardo. Daig pa ng mga ito ang mga bata. Nagalit siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangang paglaruan ng mga ito ang damdamin nina Cecilio at Luisita. Alam ba nina Hannah at Yllen Stacy ang pinaggagagawa ng mga nobyo ng mga ito? Pagkasara ng pinto ng study room ay kaagad na naghagalpakan ng tawa ang dalawa. Pigil-pigil ng mga ito ang tawa dahil baka may makarinig sa labas. Halos gumulong pa ang mga ito sa kakatawa. “Great job, Dudes,” natatawang sabi ni Jeff Mitchel. “Awesome, Mitch!” tugon ni Eduardo. Then they bumped fists. Inabot niya ang kanyang baston na bihira niyang gamitin

