NAPANGITI si Luisita habang pinapanood niya ang papalayong sasakyan ni Eduardo. Ang akala niya kanina ay mabibigo siya. Ang akala talaga niya ay hindi na nito susundan si Yllen Stacy. Ang akala niya ay hahayaan nitong makawala nang ganoon na lang ang kaligayahan nito. Masaya siya nitong mga nakaraang araw dahil nagkakasundo na ang dalawa. Inakala niya na tuloy-tuloy na ang magandang samahan ng mga ito. Hindi na nga siya nag-aalala. Ngunit nagulat siya paggising niya nang umagang iyon. Maagang umalis si Yllen Stacy upang bumalik sa Maynila. Nagtungo agad siya sa villa upang makausap si Eduardo. Hindi maaaring ganoon na lang. Sigurado siya sa pag-ibig na nararamdaman ng dalawa para sa isa’t isa. Hindi niya maatim na wala siyang gawin. Nadismaya siya at nagalit sa reaksiyon ni Eduardo nang

