“HANGGANG kailan mo ba gagalitin ang mga pinsan mo?” naiinis na tanong ni Luisita nang samahan niya si Cecilio sa silid nito sa villa. Kanina lang ay halos mapugto ang hininga siya sa eksenang naganap sa pagitan nito at ni Eduardo. May dumating na bisita sa villa, si Yllen Stacy. Hindi niya mapaniwalaan ang naging reaksiyon ni Eduardo pagkakita sa babaeng naging mahalagang parte ng nakaraan nito. Ang babaeng nagpabago rito. Galit na galit si Eduardo at ibinunton nito ang galit nito kay Cecilio. Muntik nang magsuntukan ang dalawa sa harap nilang lahat. Marahil kung wala si Lola Ancia ay tuluyan nang nagkainitan ang dalawa. Hindi niya inaasahan ang pagdating ni Yllen Stacy sa Mahiwaga. Bago pa man sila umuwi roon ay alam na niya ang kagustuhan nitong makuha ang exclusive furniture designs

