PINAKATITIGAN ko siya ng mabuti. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniya kabuuan. Kahit limang taon kaming hindi nagkita alam kong siya ito. Siguro nga marami ng nagbago sa kaniya sa pisikal na aspeto pero alam ko at naniniwala ako na siya si Christine, ang asawa ko! "I don't even know you, sir. Baka po nagkakamali lang kayo. Aalis po muna ako para kumuha ng gamot. Sige po, maiwan ko po muna kayo." Nang akmang aalis na siya ay hinawakan ko siya sa pulsuhan. Dahilan upang siya'y mapahinto sa paghakbang. "Bakit? Bakit hindi mo na ako maalala? Nagka-amnesia ka ba?" "I'm sorry pero hindi ko po talaga alam ang sinasabi mo. Maiwan na kita." Kusa akong napabitaw sa kaniya. Tuluyan na siyang lumabas. Para akong nanghihina. Bakit hindi niya ako maalala? May amnesia ba siya? Sa tingin ko mas mab

