NAPAGAWI ang tingin ko sa may pintuan nang gumalaw ang seradura, tanda na may nagtatangkang magbukas niyon. Hindi nagtagal ay bumukas din iyon at pumasok si Christine. Napakaganda niya talaga sa suot niyang uniporme ng nurse. Muling nanumbalik iyong unang beses na nakita ko siya sa ganyang ayos. Labis na pang-aasar ang natamo ko mula sa mga pilyo kong kaibigan. Hindi naman ninyo ako masisisi kung ganun na lamang ang naging reaksyon ko. Bumaba ang tingin ko sa mga hita niya. 'Sexy.' nawika ko sa aking isipan. Nang ibalik ko ang tingin ko sa kaniyang mukha ay masama ang tingin niya sa akin. Animoy anumang oras ay sasampalin niya ako. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. "Bastos." Mahina niyang sambit bago nagpatuloy sa paglapit. Buong akala ko ay sasampalin niya ako ngunit sa

