NAGISING akong masakit ang ulo. Masarap uminom pero mahirap na kapag tinamaan ka ng hang-over. Tinignan ko ang oras sa orasang nasa dingding. Alas-syete na ng umaga. Wala namang trabaho sa opisina dahil Linggo. Pumasok ako sa banyo. At doon naghilamos. Nagpalit lang ako ng malambot na short at tshirt na grey. Pagkatapos ay bumaba na ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nadatnan ko roon si Manang Gina na abala sa pagpiprito ng isda. "Sir, kakain na po kayo? Pakihintay na lang po malapit na naman itong maluto." "Mamaya na lang Manang. Magkakape na lang ako." "Gusto n'yo po ipagtimpla ko kayo?" "Huwag na. Kaya ko naman eh. Tapusin mo na lang iyang ginagawa mo." "Sige po." Bumalik na siya sa ginagawa niya. Ako naman ay nagtimpla ng kape pagkatapos ay dumeretso sa pool area upang doon

