Pinagsusuntok ni Zen ang pader sa sala mayor. He was in so much pain. Madali lang naman tapusin ang lahat, ang kailangan niya lang gawin ay piliin si Sari at talikuran na nang tuluyan si Faustina. Pero hindi niya gagawin iyon. Hindi siya aalis kahit na ilang libong beses pa siya nitong itaboy. Sa sofa na siya nakatulog dahil sa pagod na dulot ng paulit-ulit niyang pagsuntok sa pader at pagod na dala ng malalim na sugat sa kanyang puso. Paggising niya ay mabilis pa rin siyang naglinis ng katawan, at naghanda sa pagtungo kay Fausta. Pero ang nadatnan niya ay ang matandang nagsasara sa malaking gate. Taranta siyang bumaba ng sasakyan at nilapitan ang matanda. “Manang, magandang umaga po, nasaan na po ang mga tao sa loob?” “Ang mga kasambahay at trabahador ay kahapon pa pinauwi ni Sir Sebas

