Bernadette and Juniel - 19

1796 Words
MASAYA silang nagsalo sa hapunan. Maging si Romulo na dumadaing pa rin ng sakit ng ulo ay bumaba para makasalo nila. “Cousin, I’m sure na bukas ay mag-e-exercise si Mommy. But please, see to it na nandito na kayo ng seven in the evening,” wika ni Jude. Iisang direksiyong napako ang kanilang mga mata kay Jude. “Bakit?” Si Queenie ang nagtanong sa kapatid. Common knowledge na sa mga ito na ang hobby ni Dorina na pagsa-shopping ang itinuturing na exercise ng ina. “Concerned lang ako kay Daddy.” Sumulyap ito sa ama at parang nakakalokong kumindat pa. “Baka sa susunod na makita ang statement ng American express card niya ay hindi na migraine ang idadaing kundi mas malala pa.” “Tanggap na ng daddy mo iyon, Jude!” Nagkibit-balikat lang si Dorina sa birong iyon ng anak. “At kung gusto mong inggitin pa kita, he extended me his own card dahil sa pagdating ni Bernadette.” Nang-aasar na tingin ang tinanggap ni Jude mula kay Queenie nang marinig ang sinabi ni Dorina. “Sama ako, Mommy,” baling nito sa ina. “You can’t leave your work, `di ba?” sagot ni Dorina kay Queenie. “Yes I can! Kung ganyang sky’s the limit na naman ang budget sa iyo ni Daddy,” mabilis nitong sagot. Nakipagbungguan pa ito ng siko kay Bernadette na siyang katabi sa hapag. “I already paid your card dues last week, right?” wika ni Romulo sa anak. Lumabi si Queenie. “Dad, this is hirit!” “Hirit!” Kulang na lang ay mahirinan si Jude nang magsalita gayong ngumunguya pa ito. “Kapal mo, sis. May sarili ka na ngang suweldo. `Buti nga’t hindi pinuputol ni Daddy ang card mo, `tapos, hihirit ka pa,” pailing-iling pang wika nito. “Just an Escada bag, please?” Sa ama ito naglambing sa halip na patulan ang parunggit ng kapatid. “Fine,” simpleng pagpayag ni Romulo sa unica hija. “Talo ka, Jude.” Nanunuksong sinulyapan pa ni Queenie ang kapatid. “As usual,” paismid na wika ni Jude. “But make sure na nandito na kayo nang seven in the evening, okay?” “Kailan mo pa ako binigyan ng oras ng pag-uwi ko, Jude?” Si Dorina ang hindi nakatiis na nagtanong sa anak. “Alam mo naman na inaabot ako ng closing time sa loob ng mall. Why do you insist that we come home at that time?” Nahihiyang ngumiti si Jude. “I’ll introduce you my girl. Kanina’y pumayag na siya at ganoong oras ang ibinigay ko. Nakakahiya naman kung darating kami rito bukas na wala kayo. Baka isipin niyang bale-wala lang siya sa inyo. She’s also a Filipina, Mama—and a conservative one,” mahabang paliwanag nito. “And you’re going to follow Tody’s?” nanalakab na tanong ni Queenie. “I already proposed to her. Pero hindi pa siya sumasagot. Of course, kung papayag siya ay saan pa nga ba mauuwi iyon kundi sa kasalan na rin?” wika ni Jude na bawat isa sa kanila’y tinitingnan. “Unti-unti na akong iniiwan ng mga anak ko.” May bakas na lungkot sa pahayag na iyon ni Dorina. “I’m still here, Mama,” ani Queenie. “At katumbas niya ay tatlo, Tita. If I know, she’s the one who’s making Tito Romulo’s headache worse.” Noon lang sumabad si Bernadette sa usapang iyon. “Bull’s-eye!” natatawang sang-ayon ni Romulo. “How about you, Bernadette?” Bigla ay bumaling si Dorina sa pamangkin. “Kailan mo naman balak mag-asawa? Nag-iisa ka lang at sigurado akong naiinip na ring magkaapo si Benedict.” “Oo nga, mahigit isang taon lang ang tanda mo sa akin, `di ba? Nasa right age ka na rin para mag-asawa,” susog ni Queenie. Inabot muna ni Bernadette ang baso ng tubig sa kanyang harap bago sumagot. Hindi niya inaasahan na sa kanya mababaling ang pag-uusap ng mga ito. Sumulyap siya sa dalawang lalaki na bagaman hindi nakikihalo sa usapan ay nasa mga mukha ang interes sa sasabihin niya. “Malapit na,” pag-amin niya. “And Tita... ang totoo’y may balak sana siyang pumunta rito sometime next week. He’s coming from Canada.” Kumislap ang mga mata ni Dorina. “He’s welcome, of course! Para naman makilala rin namin ang lalaking pinili mo. Dahil kung ibabalita lang sa amin ni Benedict ang pag-aasawa mo at padadalhan kami ng pictures, mas maa-appreciate namin siyempre ang personal na pagpunta niya rito.” “Ibigay mo sa kanya ang isa pang guest room kaysa naman sa hotel pa siya tumuloy,” sang-ayon ni Romulo. “What for? Eh, de magsalo na lang sila sa isang kuwarto,” sabad ni Queenie. “Queenie!” saway ni Jude na nilingon ang namumulang si Bernadette. “Huwag mong impluwensiyahan si Bernadette sa pagka-liberal mo.” “Why, Bernadette, haven’t you tried it yet?” bulong ni Queenie sa kanya. Pakiramdam ng dalaga ay anumang isasagot niya ay mamamalayan ng mga kasama. “You may not answer her, Bernadette,” salo ni Dorina nang makita ang pagkaasiwa niya. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig na iyon. At nang mag-angat siya nang paningin ay napansin niya ang pagkindat sa kanya ni Jude. “Kailan ang balak ninyong magpakasal?” agaw ni Romulo na pilit ibinabalik ang relaxed na mood ni Bernadette. “S-soon...” tipid niyang sagot. “Ang bilis!” hindi napigil na bulalas ni Queenie. At bago pa man naisatinig nito ang susunod na tanong ay sinansala na kaagad ni Jude. “She’s at the right age. There’s nothing wrong about it,” pakli nito at matalim ang sulyap na ibinigay sa kapatid. GAMIT ang Rolls Royce ni Dorina at kasama ang driver ay sinundo ni Bernadette si Juniel sa airport. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kasabikan niyang makita ang binata. Maaga pa lang ay nasa waiting area na ang dalaga. At nang sumapit ang takdang-oras nang pagdating ni Juniel ay hindi niya maiwasang kabahan nang husto. Bawat lumalabas sa arrival area ay sinusuyod niya ng tingin. Naroon ang panlulumo sa tuwing may mapagkakamalan siyang si Juniel. Ipinasya niyang libangin na lamang ang sarili sa pagbaling ng atensiyon sa ibang tanawin. Sigurado siyang makikita siya kaagad ni Juniel dahil naroon siya sa lugar na pinag-usapan nilang paghihintayan niya. Nakatitig siya sa wristwatch. May limang minuto na siyang naghihintay. At pakiramdam niya ay lalong tumitindi ang pagkainip na nararamdaman dahil wala pa ang binata. “I missed you,” anang tinig na pamilyar sa dalaga. Napaigtad si Bernadette nang mula sa likod ay may yumakap sa kanya. Dagli siyang humarap dito. “Juniel!” Bakas sa mga mata niya ang labis na kasiyahan. “Sa lahat naman ng naghihintay ay ikaw itong hindi tumitingin sa mga dumarating,” tudyo ng binata. Nakayakap ang mga kamay nito sa kanyang baywang. “Naiinip nga ako, eh,” aniya. “Where are your bags?” “Itong hand-carry lang.” Nilinga nito ang katamtamang laki ng bag sa may paanan. “Tara na. Naghihintay na sa atin si Tita Dorina. Excited din siyang makita ka, eh.” Nakaakbay sa kanya ang binata nang tunguhin nila ang lugar na kinapaparadahan ng sasakyan. “Alam na ng tita mo?” tanong nito nang nagbibiyahe na sila. “That we’re getting married?” Tumango siya. “Pero hindi ko pa nasasabing dito natin balak magpakasal. Ang nasabi ko lang ay may plano na tayo, and you’re going to visit me here.” “Sasabihin na natin sa kanya,” pinal na wika ng binata. “How many days do you plan to stay here?” “We have to get married as soon as possible, then we’re going back to Canada,” kalmanteng sagot nito. “What do you mean `we’? Bakasyon lang ako rito at babalik na ako sa Pilipinas pagkatapos ng kasal. Wala sa usapan na pupunta tayo sa Canada.” Tumaas-bumaba ang tinig ni Bernadette. “We are going to Canada after the wedding,” ulit ni Juniel. Ginagap nito ang isa niyang kamay at nang tangka siyang magprotesta ay sumulyap sa driver na nasa unahan. Mabilis niyang naintindihan ang ibig nito at pinili na rin niyang manahimik na lang. “I KNOW your mother, hijo,” sabi ni Dorina nang nagsasalo na sila sa isang meryenda. “The first time I met her was...” Sandali itong nag-isip. “When Bernadette’s parents got married in civil rites. At pagkatapos no`n ay sa ilan pang okasyon na ginanap kina Mariel. But I never saw you although she openly admitted that she has a son from her late husband.” “She got married again,” kuwento naman ng binata. “And I have two half-brothers.” “I see. You’re both childhood sweethearts, I presume. Dalaga pa ang mommy ni Bernadette ay magkaibigan na sila ni Roselle, `di ba?” “Yeah.” Si Bernadette ang sumagot. “And though we wanted to enjoy more of ourselves freely, sila na itong hindi makapaghintay na makasal kami. We decided to oblige,” prangkang dagdag ni Juniel. Ikinalingon ng dalaga ang sinabing iyon ng binata. Subalit isang assuring look ang tinanggap niya mula rito. “I’ll play devil’s advocate to both of you,” nakangiting wika ni Dorina. “Don’t consider them kung hindi pa kayo sawa sa mga pagiging single ninyo. Ilan ang katulad ninyong puwedeng gawin na parang kapitbahay lang ang ibang bansa? Enjoy yourselves. At hayaan ninyo silang maghintay kung kailan ninyo gustong magpakasal.” “Tita—” “Well, honestly, gusto na rin namin. Dahil sila itong nangungulit na sabik nang magkaapo. I guess, iyon na rin ang pagkakataon ko para hindi ako lagi na lang nasasabik kay Bernadette,” nakangising saad ni Juniel. “Virgin bride?” Nasa mukha ni Dorina ang asto-nishment bagama`t naroon din ang pagmamalaki sa tinig nito nang sulyapan ang pamangkin. “You’re one of those few, hija.” Pakiramdam ng dalaga ay nag-iinit ang kanyang punong-tainga. Pang-ilang beses na bang napag-usapan ang bagay na iyon? At hindi niya malaman kung paano bubuksan ang topic na iyon kay Juniel sa pagkakataong magsosolo sila. “You’re going to occupy the room adjacent to Bernadette’s, Juniel,” nasisiyahang sabi ni Dorina. “I’m sorry, but I won’t allow the two of you to share the same room. I want my niece to have the fulfilled feeling on the night of her wedding day. That is, kung hindi kayo lulusot sa akin.” “I can give you my word to that,” sang-ayon ni Juniel. “Call me, Tita,” mabining utos ni Dorina. “I like you for my niece.” “Thank you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD