Bernadette and Juniel - 20

1656 Words
KINABUKASAN na nakilala ni Queenie si Juniel. At gaya ng inaasahan ni Bernadette ay hindi nga siya tinigilan nang kakukulit ni Queenie nang matapos ang hapunan at ang bawat isa sa kanila’y pumasok na sa kanya-kanyang silid. Si Juniel ay nagpaalam na sa kanyang papasok na rin sa kuwarto nito para tumawag kay Roselle sa Canada. “I guess, he’s the reason kung bakit bigla ay nagbakasyon ka rito minus Tito Benedict and Tita Mariel.” Hindi pa nito nailalapat ang pinto ay nag-umpisa nang magtanong. “Queenie, malapit na kaming ikasal. I just want to experience to travel alone kaya mag-isa akong nagbakasyon dito,” katwiran niya. “At sa palagay mo ba’y maniniwala ako? Bernadette, why don’t you tell me the real score?” “There’s nothing to tell, really!” Pinagbuti niya ang pagsisinungaling. “I’m sure wala pang alam si Mama. But I know you’re planning to get married tomorrow.” Tiyak ang pagbitaw nito ng salita na ikinagulat ni Bernadette. “Who told you?” maang na tanong niya. “I have my sources. Tagarito ako, remember?” nakangising sagot sa kanya ng pinsan. “Now tell me, kaya kayo narito ay para magpakasal, ganoon ba?” Bahagya na siyang napatango. “That’s the way we want our marriage to be.” “The reason behind it, that’s what I want to know. Hindi kayo magpapakagastos nang ganito kalaki kung sa simpleng rason lang na dito ninyo gustong magpakasal. Would you get married without the presence of your parents?” “Queenie—” “Bernadette, ang alam ko’y hindi lang tayo basta magpinsan. We confide sa lahat ng bagay kahit na malayo ang distansiya natin sa isa’t isa, `di ba?” Napalunok ang dalaga. “Si Daddy lang ang nakakaalam ng balak naming magpapakasal dito. In fact, he approved the idea.” “Why?” kunot ang noong tanong nito. “We don’t love each other,” mabilis na amin ni Bernadette. “At hindi namin alam na ipinagkasundo kami ni Mommy at ng mama niya. Lately ay nalaman kong may heart failure si Mommy and she wanted us to get married right away.” Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. “Queenie, mabait lang siguro akong anak.” Matabang siyang napangiti. “And this kind of marriage ang naisip naming solusyon sa kagustuhan nila. “Because of divorce?” “Exactly.” Ilang minuto pang namalagi sa kanyang silid si Queenie bago siya iniwan nito. Maski papaano ay nawala ang takot niya sa gagawing pagpapakasal kinabukasan. Isang oras nang nakakaalis ang pinsan ngunit hindi pa rin siya dalawin ng antok. Bukas na ang kasal niya at ang napag-usapan nila ni Juniel ay bukas na rin nila ipapaalam kay Dorina ang tungkol sa kasal. They will invite her to witness the wedding. “JUNIEL...” mahinang tawag ni Bernadette sa binata. Mailap sa kanya ang antok kung kaya’t nagpasya siyang makipag-usap dito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa kanya ang sinabi nitong isasama siya sa pagbabalik nito sa Canada. “Princess!” Nawala ang antok sa mukha nito nang mabuglawan siya. “I can’t sleep,” amin niya. “Nervous?” Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Come in. Magkuwentuhan tayo.” Niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto. “Hindi ba nakakahiya?” Nanatili pa rin siyang nakatayo roon. Natatawa itong nailing. Tumaas ang isang kamay nito at dumantay sa kanyang balikat. Ang puwersa’y humihila sa kanya para pumasok. “Bukas ay ikakasal na tayo.” Natangay siya ng binata hanggang sa loob. At kahit ganap na silang nakapasok ay hindi pa rin ito bumibitiw ng pagkakaakbay sa kanya. Sa halip na iupo siya sa isang settee ay iginiya siya nito paupo sa gilid ng kama. Halos magkadikit ang kanilang mga hita sa pagkakalapit. Lihim ay naipagpasalamat niyang kagaya niya ay naka-pajama rin sa pagtulog ang binata. “We’re leaving the day after tomorrow.” Ito ang bumasag ng pananahimik niya. “Sa Pilipinas o sa Canada?” “Sa Canada,” kaswal na sagot nito. “Hindi iyon ang alam ni Daddy.” “Alam na niya ngayon. Pagkatawag ko kay Mama ay kay Tito Benedict naman ako tumawag. I’m sorry kung siya pa ang unang nakaalam kaysa sa iyo. Napansin ko kasing masyado kang nate-tense. Ganyan ba talaga ang pakiramdam nang ikakasal?” “Hindi ba ganito rin ang dapat na maramdaman mo?” ganting-tanong niya rito. “I’m more excited than tense,” bulong ang ginawa nitong pagsagot at sadya pang idinaiti ang mga labi sa kanyang tainga. Mariing napapikit si Bernadette sa ginawang iyon ni Juniel. Nakagat niya ang pang-ibabang labi para mapigil ang pagsinghap. Paano’y nagdulot iyon sa kanya ng libong boltahe ng kuryenteng halos magpanginig sa kalamnan niya. Mabilis niyang kinalma ang sarili. “Ano`ng sinabi ni Daddy tungkol sa balak mong pagsasama sa akin sa Canada?” Pinilit niyang maging kaswal ang tinig. “Well, siguro’y kailangang sabihin ko sa iyo mula sa simula para maintindihan mo.” Kinabig siya nito para humilig siya sa malapad nitong dibdib. Isa pang klase ng init ang gumuhit sa kanyang katawan subalit sa pagkakataon na iyon ay higit ang ginhawa kaysa sa tensiyong naranasan kanina. “I tried to apply for a job in Canada. Although hindi ko ine-expect na matatanggap ako pero nanghihinayang akong palampasin ang opportunity gayong sinuwerte naman ako. Alam ito ng buong pamilya. Ang sabi ko’y dadalawin lang kita rito bago ako magsimulang mag-report sa company. Kaya pagdating natin doon ay saka pa lang natin sasabihin na dito pa lang ay nagpakasal na tayo.” “Gaano tayo katagal doon? Hindi ba’t ang pakiusap ko sa iyo ay ayokong malayo nang husto kina Mommy? Pero tawid-dagat pa itong naisip mong lugar para pagtrabahuhan.” “Pumirma ako ng six-month contract. Siguro naman ay hindi naman iyon napakatagal na panahon para malayo ka nang husto kina Tita Mariel. At kung magtatagal pa roon, I’ll allow you to go home.” “Do we really need to live under the same roof?” Bahagya siyang inilayo nito sa dibdib. Bagama‘t gusto niyang magprotesta sa pagkakalayong iyon sa katawan ng binata ay hindi siya nakapagsalita. “Princess...” Itinaas nito ang mukha niya pagawi sa harap nito. “Look at me,” masuyong utos nito. May kung anong puwersa ang lumukob sa kanya nang salubungin ang titig nitong iyon. Pakiramdam niya ay ultimo kaluluwa niya ay nababasa ng mga mata nito. “Listen, I want our marriage to work. Pero paano mangyayari `yon kung maghihiwalay tayo ng bahay? Can you please cooperate? We may never know pero maaaring tama sina Mama at Tita Mariel sa pagmamanipula nila sa atin.” “Masunurin at mabait ka ring anak na tulad ko?” sarkastikong wika niya. Bagaman siya mismo ay nabigla sa sinabi. Parang napapasong bumitaw sa pagkakahawak sa kanya ang binata. Mabilis itong tumayo. “God, princess! What do you want to happen? Ang matapos tayong magpirmahan ay uuwi ka sa inyo at ako naman ay uuwi sa amin? Wala pa akong nabalitaang ikinasal na ganoon.” Galit ang tono nito habang palakad-lakad sa kanyang harap. Pero iba naman ang kaso natin, gusto na sana niyang isagot dito. Subalit natahimik siya sa nakikitang galit nito. Ni hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. “You agreed to this wedding, Bernadette. At inaasahan kong kagaya ko ay susubukan mo ring i-work out ang kasal na ito. You even requested na kung maaari’y sa Philamhomes din tayo tumira. How come na ngayon ay ipinipilit mo sa akin na huwag tayong magsama? O baka naman hindi mo lang ako maderetsang huwag na nating ituloy ang kasal na ito?” Alsado ang tinig ni Juniel. “I didn’t mean that!” Nakuha niyang sabihin. Maski papaano’y nakahinga siya nang maluwag nang makitang lapat ang pagkakapinid ng pinto. Ayaw niyang may makarinig sa pagtatalo nila ni Juniel. “Do you consider that—ang gastos? Bernadette, kung ayaw mo’y hindi kita pipilitin. You can turn your back, tutal, ang daddy mo pa lang ang nakakaalam sa kasalang ito. It doesn’t matter even if we spend a lot. Ang gusto ko lang ay willing kang magpakasal. Mas sa sarili mo kaysa sa pinagbibigyan mo lang sila,” anitong nahahapong naupo sa settee. Tahimik pa rin ang dalaga. Wala siyang maisip na sabihin dito. Nanatiling napako ang tingin niya sa binatang nakapikit ang mga mata habang nakasandal. “Make up your mind...” Marahan itong nagmulat. Sa pagkakataong iyon ay tila nahugasan na ang galit sa mga mata. “Goodness, J-Juniel!” Basag ang tinig niya nang magsalita. Hindi niya akalaing sasabay sa oras na iyon ang pagbalong ng kanyang mga luha. “Huwag mong ipamukha sa akin na kaya tayo pakakasal ay dahil sa side ko lang naman may problema. A-alam ko naman na... na pabor nga sa akin ang pagpayag mong pakasal...” Naramdaman niya ang paglapit ng binata. Walang salitang yumakap sa kanya ito. Hindi niya naiiwas ang sarili dahil ang totoo, nakasumpong siya ng kaginhawaan nang maramdaman ang mainit na katawan ni Juniel. “Tahan na...” mahinang wika nito. “I’m sorry.” “Sorry for what?” Bahagyang iniangat niya ang paningin. “A-ako nga ang dapat magsabi sa `yo niyan. Sorry, Juniel. Nalilito lang talaga ako.” Hinaplos nito ng palad ang pisngi niya. Napalunok ang dalaga sa inaktong iyon ni Juniel. “S-sige... itutuloy natin ang kasal bukas. In fact, I already told Queenie about it.” “You’re willing to come with me to Canada?” naniniyak ang tonong tanong nito. “Yes.” “Good girl,” nasisiyahang wika nito. At bago pa siya nakakilos ay yumuko na ito para angkinin ang kanyang mga labi. Pikit ang mga matang tinanggap niya ang halik na iyon. Somehow, she wanted his kisses. At ngayon ay ninanamnam niya ang init na dulot ng pagtatagpong iyon ng kanilang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD