MATAGAL nang nakabalik si Bernadette sa sarili niyang silid ay nanatili pa ring ang gising ang binata. Si Juniel man ang hindi dalawin ngayon ng antok. He was beginning to feel something. Bagay na hindi niya inaasahang mangyayari nang ganoon kabilis. He knew it was love. Una niyang naranasan iyon sa isang kaklase noong nasa college pa siya. It was a whirlwind romance. At noon din siya naniwala sa love at first sight. Ngunit kung ganoon kabilis na nabuo ang pag-ibig sa kanila ni Dina ay ganoon din kabilis na natapos ang kanilang relasyon. He felt devastated. Ang laki ng tiwala niya kay Dina kaya nang siya mismo ang makasaksi sa pagiging two-timer nito ay ganoon na lang ang naging pagkasuklam niya sa babae at maging sa sarili. Hindi niya inaasahan na sa unang pagkakataong umibig siya ay

