“I NEVER expected na magiging ganoon ka-generous ang mga tito mo, Princess. Kulang na lang ay ipagpilitan sa atin ang kanilang regalo,” naaaliw na wika ni Juniel. Nag-check in sila sa isang hotel suite. Sa una’y naaasiwa si Bernadette subalit nang makitang normal lang ang kilos ng lalaki ay napilit niya ang sariling umaktong tulad ng dati. Binuksan niya ang TV set at kahit paano ay nalibang siya sa pagpili ng palabas. “I think we have the same thing in mind. Tell me, bakit mo tinanggihan ang regalo?” tanong muli ni Juniel nang mapansin ang pagbabale-wala ng asawa sa sinabi nito. “I’ve already stated my reasons. Ikaw, nagsisisi ka bang hindi natin tinanggap ang mansion na iyon?” wala sa loob niyang ganting-tanong dito. Subalit hindi niya inaasahan ang reaksiyon nito. “What do you th

